Chapter 1 Winter's POV 'Bias yung mga teacher natin, bakit si Winter, kahit ilang beses umabsent hindi nadidiscplinary?' 'si Winter na naman?, edi sya na ang magaling tsss' 'Ano bang meron kay Winter? bakit pati yung pinaka terror na teacher natin sobrang bait sa kanya?' 'tsss, sana mawala na lang sya para pantay na ang tingin ng mga teacher saten, favorite kasi ng lahat ng teacher kaya kung makaasta kala mo kung sino' 'lahat na lang ng teacher natin, pinapaboran sya, kahit ata di pumasok yan, hindi babagsak yan' 'ang kapal talaga ng mukha nyan, dapat dyan pinapaalis dito, nakakainit ng dugo grabe' 'oo nga, dapat dyan pinapaalis dito, napaka uncomfortable kasama ng babaeng yan, parang laging may special treatment' 'well, isa lang naman ang daddy nya sa pinakamalaking sponsor ng school natin, wag na tayong magtaka dun' 'bakit, sponsor din naman ang mommy at daddy ko dito pero di naman nila ako binibigyan ng special treatment' sanay na ako sa mga naririnig ko tungkol saken, wala akong magagawa at wala din naman akong sama ng loob sa kanilang lahat sabi nga nilang lahat, kasing lamig daw ng pangalan ko ang personality ko hindi daw ako marunong makisama, hindi daw ako marunong makipag kaibigan kung alam lang nila ang sekreto ko, ang sekreto ko na tanging mga teacher ko lang ang nakakaalam at ang mga taong malapit saken pero sana, hindi na lang din ipinaalam nina mama sa mga teacher ko kasi para sa mga teacher ko, isa akong bomba na kahit anong oras, pwedeng sumabog "Winter, anak, ininom mo na ba ang gamot mo?" mama "opo, ma...pwedeng payakap?" kita ko sa mga mata ni mama na nasasaktan sya sa tuwing nakikita nya ako at alam ko na kahit anong pag hahanda ang gawin nila ni papa sa nalalapit kong pag lisan, hindi nito mababawasan ang sakit na nararamdaman nila at mararamdaman nila kapag nawala na ako sa totoo lang, may sarili na kong kwarto sa ospital, dahil mas madalas pa kong tumigil dun kesa sa bahay namin "anak..." mama mahigpit nya akong niyakap na para bang humihingi sya ng himala na sana yung yakap nya ang makakapag sagip sa buhay ko "ma, ayokong iwan kayo ni papa, natatakot ako" sa wakas, nasabi ko din ang mga katagang yun, kahit anong pilit ko sa sarili ko na magpakatatag at ipakita sa kanila na ayos lang ako, sa huli, natatakot pa rin ako sa pwedeng mangyari saken, natatakot pa rin ako sa nalalapit kong pag lisan "Winter, anak..." umiiyak na si mama at ako, kung pwede lang sana na mag extend pa kahit 5 taon wala akong mga kaibigan, wala kahit isa kasi, ayokong maging pabigat sa kanila oras na malaman nila ang tungkol sa sakit ko, tama, may sakit ako at konting panahon na lang ang natitira saken, may sakit ako sa puso na sabi ng mga doctor ko ay imposible na para saken ang makaabot sa edad na 20, ganun kalala ang sakit ko na hindi na rin kakayanin kahit ng transplant tanggap ko na, na hindi na ako mag tatagal, nararamdaman ko na rin naman na malapit na rin ang oras ko ayokong magkaroon ng kaibigan dahil ayokong madagdagan ang mga taong masasaktan kapag nawala ako, mas ok na kamuhian na lang nila akong lahat para hindi sila masasaktan kapag nawala na ako palagi akong absent sa school, mas madalas na lahat ng mga naiwan kong lesson ay dinadala na lang ng mga teacher ko saken, pag hindi sa bahay, sa ospital hindi ako nag karoon ng normal na buhay, naging ospital-bahay lang ang palagi kong binabalikan si papa, simula ng ipanganak ako, sya ang palaging nakabantay saken, sobrang sakit makita na nahihirapan sina mama ng dahil saken gabi gabi ko syang naririnig na umiiyak, mas sumasakit ang puso ko sa tuwing nakikita ko syang nahihirapan pero wala naman na kong magagawa kungdi magpanggap na tanggap ko na ang mangyayari saken, dun din naman kasi ako mapupunta pero habang tumatagal, mas lalo akong nanghihina hindi ko na nalalasahan lahat ng pagkain ko ng dahil sa mga gamot na iniinom ko, nakakatawa, ang dami kong iniinom na gamot pero wala namang nagagawa ang mga gamot na yun, para saan pa? wala din naman pinag babago ang kalagayan ko, wala na din namang pag asa they treat me like a fragile glass na kailangang hawakan ng napakaingat, my parents doesn't know na iba ang pakikitungo ng mga kaklase ko saken sa school, akala nila masaya at payapa ang buhay ko sa school, well I like it better than seeing them looking at me with a pitied eyes, I don't want to look pathetic in front of everybody ayokong makita ang mga mata na kinakaawaan lang ako, ayokong maging mabuti sila dahil lang sa kalagayan ko, I just want to live normally like my classmates though being an outcast isn't that cool but it was better than being pitied by everyone around me
Ang sakit naman neto takte ano ba naman yan author eh bat nagpapaiyak ka naman😭😭😭 btw more story to make basta wag lang yung nakakaiyak na tulad nito ha? HAHAHAHA JOKE LANG
Ang sakit naman neto takte ano ba naman yan author eh bat nagpapaiyak ka naman😭😭😭 btw more story to make basta wag lang yung nakakaiyak na tulad nito ha? HAHAHAHA JOKE LANG
13/07/2022
0nice
20d
0nice story
20d
0ดูทั้งหมด