logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Fairy 4: Wizard Princess

Nang mahimasmasan dahil sa lamig ng tubig sa ilog ay nagdesisyon akong bumalik sa mga kasama ko. Naglakad ako pabalik at nakita kong may apoy na sa gitna.
Umupo ako katabi si Athan na nakaupo sa may ugat ng puno at tumitig din sa apoy katulad niya. Lumingon ako nang may iabot siya na prutas sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanya.
"Do you trust me?" nagulat ako sa tanong niya pero hindi siya lumingon sa akin. Kinagatan ko ang kakaibang prutas na inabot niya.
"In what aspect?" tanong ko pero nagkibit balikat siya at hindi na muling nagsalita. Tiningnan ko ang mga kasama namin at nakitang natutulog na sila at si Silvyr ay nakaanyong ibon na nakadapo sa balikat ni Elwin.
"In everything..." nang akala ko ay di na siya magsasalita, sumagot siya. Ako naman ay tinupi ang mga tuhod at nilagay ang baba dito habang nakatitig sa nagniningas na apoy. Mapait akong ngumiti.
"How could I trust you if we're met just a few hours ago?" sabi ko at nagulat nang bahagya siyang tumawa.
"Yeah, you shouldn't trust me." sabi niya at sumandal sa punong nasa likuran namin.
"But... Do I have a choice? Wala akong pagpipilian kundi magtiwala sa'yo. Dinala mo ko sa lugar na hindi ko alam na nageexist pala. Nabuhay ako na pinaniniwalaang isa lang ang mundo at yun ang kinagisnan ko. Kapag di ako magtiwala sa'yo kanino pa ako magtitiwala?" sabi ko kaya lumingon siya sa akin.
"Then trust me if I told you that I won't let anyone or anything harm you in this world. Lyra, you got me." napangiti ako at katulad niya ay sumandal na rin ako sa puno. Pumikit ako.
"Good night, Mr. Athan Dawson." nakangiti kong sabi, akala ko di na siya sasagot ay nagkamali ako.
"What is Mister? Oh, by the way. Good night too Lyra, the last fairy." nakangiti lang ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ko.
Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko ay napakaganda ng lugar na ito. It's like a paradise. Tiningnan ko ang suot ko at nakitang parang sa isang prinsesa ang suot kong damit. Napakaeleganteng kasuotan.
"Lyra,  welcome home." lumingon ako at nakita ang isang babae na napakaganda. Kumunot ang noo ko dahil parang magkamukha kami.
"Sino ka?" tanong ko dito pero ngumiti siya ng napakatamis sa akin.
"Kung ano man ang iniisip mo ay tama, mahal kong anak." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nilahad niya ang palad sa akin.
"Come, I tour you to our kingdom." tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad palabas ng silid.
Habang naglalakad kami ay panay ang yuko sa amin nang mga tagapaglingkod. Nilingon ko ang aking ina pero nakangiti lang siya habang hawak ang kamay ko at naglalakad. Nilibot ko ang paningin at di ko mapigilang maluha sa ganda ng aking nakikita.
Napakapayapa at maayos ang buong kaharian. Huminto kami ng aking ina sa tapat ng isang pinto at sinabi niyang ito raw ang bulwagan. Binuksan ng isang kawal ang pinto at bumungad ang isang makisig na lalaki na nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang likuran. Sa isang tingin alam kong hindi basta ang hawak niyang kapangyarihan.
Lumingon siya sa amin nang nakangiti at lalong bumuhos ang luha ko nang makita ko siya. Binuka niya ang dalawang kamay kaya lumingon ako sa aking ina pero tumango lang siya habang nakangiti. Nung una dahan dahan hanggang sa tumakbo ako papunta sa mga bisig ng aking ama.
"Lyra, anak." bulong ni ama at lumapit din si ina para yumakap sa amin.
"Inaasahan ko nang paglaki mo ay magiging matapang ka." sabi ni ama kaya napangiti ako.
"Ama, ina ko." mahina kong bulong.
"Anak, hindi ka lang basta prinsesa o fairy. Magiging isa kang magiting na mandirigma. You are the future queen of this kingdom. The queen who never disappoint other. The queen who knew the right and do everything for his people. But remember violence is not  the answer." sabi ni ina. Kumunot ang noo ko.
"We believe in you. Using swords is not the only way to win. Just use this." pagkasabi ni ama nang salitang iyon ay tinuro niya ang tapat ng puso ko. Napapikit ako nang maging blurred ang lahat pero ang ngiti nila ay malinaw sa akin. Lumingon ako at nakita ang napakaraming snow sa labas ng kaharian.
"When the right time comes, the snow will be back in Fantasy World." huling salita ni ama bago sila nawala sa harap ko.
Hinihingal na napabangon ako. Nakita ko ang nakangiting mukha ng apat na prinsipe, ni Elwin at Silvyr.
"Maayos ka na?" nakangiting tanong ni Stefano.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila pero sabay sabay silang umiling.
"Hindi ba natutulog ka lang?" tanong ni Kieran kaya kumunot ang noo ko.
"Yeah, pero anong ginagawa niyo sa harap ko?" tanong ko.
"You dreamed of them, right? Elwin did that." sabi ni Silvyr kaya lumingon ako kay Elwin at nakangiti siya sa akin.
"Alam mo rin kung anong panaginip ko? Teka, kontrolado mo ba at imahinasyon ko lang iyon?" umiling siya.
"Hindi. Nakausap mo ang diwa talaga nila. Tinulungan lang kita maabot sila at makausap." sabi ni Elwin.
"Ibig sabihin, totoong sila ang kausap ko?" tumango siya.
"Tumayo ka na at kumain. Aalis na tayo para makarating agad tayo sa Elemental Kingdom." malamig na sabi ni Athan.
"Malayo pa ang kingdom natin, Athan." sabi ni Draven.
"Ahmm, gaano kaya tayo katagal maglalakbay para makapunta sa kaharian niyo?" tanong ko, tumitig sa akin ang apat na prinsipe.
"Mga isang taong paglalakbay." napanganga ako sa sinagot ni Kieran.
"What? You gotta kidding me. Ibig niyong sabihin ay isang taon tayong maglalakad?" nagugulat kong tanong.
"Kung sa mundo ninyo ang pagbabasehan. Pero sa mundong ito baka isang buwan lang kaya wag kang maniwala sa kapatid ko." sabi ni Athan kaya siya ang tiningnan ko.
"Kahit na, masyadong matagal ang isang buwan at nakakapagod. Kahit kailan hindi ako naglakbay ng ganun katagal ng walang sasakyan. Wala bang jeep, bus o tricycle na pwedeng masakyan?" reklamo ko pa pero tumitig lang silang lima sa akin maliban kay Silvyr na natatawa na.
"Mahal na prinsesa, walang ganung transportasyon dito." natatawang sabi ni Silvyr kaya ngumuso ako.
"Ah, ibig mong sabihin transportasyon sa paglalakbay?" sabi ni Kieran kaya tumango ako. Napalingon kami kay Athan nang tumayo siya nang tuwid at pinagpagan ang suot niya.
"Let's go, baka marami pa tayong makaharap na mababangis na hayop dito." agad akong napatayo sa sinabi niya kaya sa akin naman sila tumingin.
"Maraming mababangis na hayop dito? Anong klase?" tanong ko kay Athan at lumapit sa kanya.
"Leon, tigre, oso at ang malupit pa... mga lobo." sagot ni Silvyr kaya bigla akong namutla. Bata pa lang ako, takot na ko sa mababangis na hayop kaya hindi kami pumupunta ng zoo nila Mama.
"Do you afraid of those animals?" tanong ni Athan sa akin kaya tumango ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad. Napansin ko ang pagsunod ng mga kasama namin sa likod.
"I know you won't trust me but like I said you got me." sabi niya habang nakatingin ng diretso at naglalakad. Napangiti ako at ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko at pamumula nito.
"Hoy, Athan saan na tayo dadaan?" sigaw ni Stefano. Itinaas ni Athan ang kanang kamay na hindi nakahawak sa akin.
"Sa bayan." sabi niya kaya naglakad na kami agad.
Pagdating sa sinasabing bayan ay napahanga ako sa ganda ng lugar. Masyadong makulay at napakaraming tinitindang iba't ibang bagay at ibang klase ng pagkain.
"Saan nagpunta si Athan?" sabi ni Kieran at nilibot ang paningin. Nahinto ang tingin niya sa isang parang kubon.
"Kieran, saan ka pupunta? Hahanapin pa natin si Athan." pigil ni Draven dito nang akma siyang lalakad sa kubon. Wala sa sariling lumingon siya sa amin.
"Sandali lang." kumunot ang noo ko, para siyang robot magsalita.
"Prince Stefano, pigilan mo siya. Delikado ang kubon na iyon." sabi ni Elwin kaya gamit ang kapangyarihan ni Stefano ay hindi na maihakbang pa ni Kieran ang mga paa niya.
Nanlaki ang mata namin nang may tubig na tumama kay Stefano kaya siya tumalsik. Nakita kong naglakad na si Kieran papasok ng kubon. Hindi ko alam ang gagawin at pabalik balik ang tingin ko kung saan ako pupunta, kay Stefano na nakahiga sa lupa at may iniinda o kay Kieran na naglalakad na palayo.
"Kieran!!" sigaw ni Draven pero hindi niya mapuntahan ang kapatid dahil nakaalalay siya kay  Stefano. Naglakad ako palapit kay Kieran at hinawakan ko siya sa braso. Nanlaki ang mata ko nang tabigin niya ang kamay ko at akala ko ay katulad ni Stefano ay tatalsik ako pero hindi nangyari.
Nilingon ko si Athan sa likod ko at hawak ako sa bewang. Nakakunot ang noo niyang nakatingin kay Kieran na parang hindi siya nakikilala.
"Anong nangyayari dito?" walang emosyon niyang sabi at lumingon naman sa pwesto nila Stefano na nagkamalay na.
"Athan, pigilan mo si Kieran. Wala siya sa sarili niya." sabi ni Draven, napalingon ako kay Kieran at nakitang akmang maglalakad na naman siya ng hawakan ni Athan ang kamay nito. Bigla na lang nawalan ng malay si Kieran kaya bago pa ito bumagsak sa sahig ay nasambot na siya ni Athan.
"Illusions..." bulong ni Silvyr na nakatayo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko.
"Illusions?" tanong ko kaya tumango siya.
"Mga wizards ang may ari ng kubon na iyan. Taga Magic Kingdom sila dapat pero dahil gumagamit sila ng black magic ay pinaalis sila ni Reyna Anya nang Magic Kingdom. Nagtayo sila nang kubon para manghuli nang iba pang nilalang na mabibitag sa illusion nila at makuha ang kapangyarihan ng mga ito." sabi ni Elwin kaya tumingin ako sa kubon at kay Kieran.
"Anong klaseng illusion ang binigay nila kay Kieran?" tanong ko pero malungkot na ngumiti si Stefano at tumayo na.
"Si Kyla Jenkins, isang Water Manipulator din katulad niya. Ang unang pagibig at matalik na kaibigan ni Kieran pero namatay ito nang magkaroon ng paglusob ang Dark Kingdom sa kaharian namin. Siya malamang ang nakita ni Kieran kaya mas pinili niyang labanan kaming mga kapatid niya." mapait na sabi ni Stefano habang nakatingin kay Kieran na wala nang malay.
"Ibig mong sabihin, handa siyang kalabanin kayong mga kapatid niya para kay Kyla na sinasabi niyo?" sabay na tumango si Stefano at Draven maliban kay Athan na nakatitig pa rin sa kapatid na walang malay.
"Anong ginagawa niyo sa lugar na ito?" lumingon kami sa boses ng babae na nagsalita. "Hindi nararapat ang katulad niyong dugong bughaw sa lugar na ito. Delikado ang mga maharlikang katulad niyo dito?" nakita kong nanlaki ang mata ni Draven at Stefano sa sinabi ng babae.
Nakasuot siya ng itim na cloak hanggang ulo at nakatakip ang kalahati ng mukha niya ng itim na tela. Dahil sa boses niya nasisiguro kong isa siyang babae pero anong klase siyang nilalang?
"Paano mo nalaman na dugong bughaw kami?" tanong ni Draven kaya binaba nito ang nakatakip sa ulo at mukha niya.
Napansin kong biglang nanlaki ang mata ng dalawang prinsipe maliban na naman siyempre kay Athan na kahit kailan hindi nagkaroon ng emosyon. Bato yata siya. Nang lumingon si Athan ay ngumisi ako. Can he read my mind?
"Princess Mireille Cromwell." malamig na sabi ni Athan at yumuko ang tatlong prinsipe, si Elwin at si Silvyr maliban sa akin.
"Hindi niyo kailangan gawin iyan mga prinsipe. Pare pareho lang tayong maharlika." sabi pa ng prinsesa raw.
"Wow, isa kang prinsesa? Cool." komento ko kaya napalingon sila sa akin pero nagpeace sign ako na lalong nagpakunot noo sa kanila.
"Sino siya?" tanong sa akin ng prinsesa. Ngumiti ako sa kaniya at si Athan ang nagpakilala sa akin.
"Mahal na prinsesa, meet Princess Lyra Astheria, the last fairy." nanlaki ang mata ng prinsesa at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Hindi ko akalain na nabuhay nga ang prinsesa ng mga Astheria. Paano nangyari ito, Athan? Kumalat ang balita noon na namatay ang prinsesa ng Fairy Kingdom at naubos na ang lahat ng fairy." sabi pa niya. "Ako pala ang prinsesa ng Magic Kingdom, isang wizard." nanlaki ang mata ko, kung ganon nasa harap ko ang isa rin sa mga maharlikang namumuno sa isa sa apat pa na kaharian.
"Mahabang salaysay, Mireille pero may hihingin sana kaming pabor sa iyo." sabi ni Athan kaya binaling niya ang atensyon sa mga prinsipe.
"Pabor? Ngayon lamang humingi ng pabor ang unang prinsipe at prinsipe ng apoy ng Elemental Kingdom." nakangising sabi ni Mireille.
"Kung hindi talaga kailangan nang kapatid namin ng tulong, hindi kami hihingi ng pabor sa iyo." malamig na sabi ni Draven kay Mireille.
"Dati kasi silang magkasintahan." nagulat ako nang biglang bumulong si Stefano sa akin. Di ko namalayan na lumapit siya sa akin.
"You mean magex sila?" tanong ko pero kumunot ang noo niya.
"Ex?" napabuntong hininga ako. Kailangan mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita nang katulad ng mga tao.
"Dati niyang kasintahan." tumango siya. Muli akong tumingin kay Draven at Mireille na parang may laser sa mga mata nila.
"Para silang mga bitter pa." bulong ko kaya lumingon si Stefano sa akin at nakita ko ang mahinang pagtawa ni Silvyr na nasa malapit namin. Nakakaintindi si Silvyr nang mga salita sa mundo ng mga tao dahil natira din siya doon kasama ko.
"Hindi ikaw ang kausap ko, prinsipe ng hangin. Dahil tanging hangin lang din ang laman ng utak mo." malamig din na sagot ni Mireille kaya sumipol si Stefano, inaasar ang kapatid.
"Ano pa ang laman ng utak ng isang prinsesa ng mga salamangkero bukod sa magbigay ng sumpa sa iba?" walang kahit na anong emosyong sabi ni Draven. Bakit bigla silang nawalan ng emosyon? Ano iyon, ayaw nilang malaman na may feelings pa sila sa isa't isa?
"Sumpa?" bulong ko.
"Isinumpa ni Mireille ang kaibigan ni Draven na isa ring Air Manipulator para maging Dragon." sagot ni Stefano kaya lumingon ako sa kanya.
"Bakit?" nagkibit balikat siya.
"Who knows? Walang nakakaalam, kaya sila naghiwalay dahil ayaw sabihin ni Mireille ang dahilan niya pero alam naming may dahilan. May tiwala si Draven kay Mire pero ayaw pa rin nitong sabihin ang totoo sa kapatid namin." muli kong binalik ang tingin sa magex.
"Tama na iyan Mireille, nasa ilalim ng kapangyarihan si Kieran ng pinalayas na wizard sa kaharian ninyo." sabi ni Athan kaya nakahinga kami ng maluwag dahil nawala ang mabigat na atmosphere kanina.
"Illusion?" tanong nito kaya tumango si Athan. Tiningnan ni Mireille si Kieran na natutulog pa rin dahil sa kapangyarihan ni Athan. Kapag daw kasi nagising si Kieran ay maari pa rin siyang magpumilit pumasok sa kubon.
Lumapit si Mireille dito at hinawakan ang noo ni Kieran. Kumunot ang noo niya na lumingon sa tatlong prinsipe.
"Si Kyla Jenkins na naman?" tumango si Stefano sa sinabi nito.
"Patawad pero mahihirapan tayo gamutin siya." nakita ko ang pagkunot ng noo ni Athan.
"Pero bakit?" tanong ni Stefano.
"Lumalakas na ang wizard na nasa loob ng kubon. Marami na siyang nakuhang kapangyarihan kaya kasing lakas niya na ang isang sorcery." kumunot ang noo namin sa sinabi niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (68)

  • avatar
    엠재이

    Ang ganda ng story ❤️❤️🥰

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Jay Mhar Linggo

    oollihj

    1d

      0
  • avatar
    Rainier Aquino

    thank you

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด