logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Fairy 2: Dawson's

"Lyra..." paulit ulit na tawag sa pangalan ko kaya napabangon ako bigla. Nakita ko ang nagaalalang mukha ni Mama.
"Ma?" pagtawag ko dito.
"Lyra, what happened? Bad dreams?.... Uminom ka muna nang tubig. Tumawag ang Papa mo at sabi niya madedelay ang uwi niya. Pero sabi niya bago matapos ang birthday mo ngayon ay makakauwi siya." kumunot ang noo ko. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Anong nangyari?
Prinsipe, prinsesa, kingdom, fantasy world, apoy, si Silvyr at ang pagiging ampon ko kung ganon panaginip lang ang lahat ng iyon? Nakahinga ako nang maluwag ng malamang panaginip lang ang lahat ibig sabihin hindi totoong ampon ako at walang kakaibang mundo o tao na may kapangyarihan.
"Happy Birthday, anak. Tumayo ka na diyan at baka malate ka pa sa klase mo. Nasa baba na si Jake." agad na kong tumayo para maligo. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay bumaba na ko.
"Good morning at Happy Birthday..." napangiti ako nang makita ang masayang mukha niya.
"Good morning... Thank you. Kumain ka na?" umiling siya kaya inaya ko na siya sa kusina. Kumain kami ng breakfast at pagkatapos ay nagpaalam na kami kay Mama para umalis. Lumingon pa muna ako para tingnan si Silvyr pero wala siya sa kulungan niya. Kumunot ang noo ko. Layas talaga ang alaga ko pero bumabalik din naman siya.
Pagdating sa school ay sumalubong si Mae sa amin.
"Good morning, guys. Happy Birthday Lyra." bati niya at sumabay na papasok ng classroom namin.
"Salamat..." sabi ko at humiwalay na si Jake dahil Political science ang course niya para sa pre law course. Kami ni Mae ay BS Psychology ang course.
Nang makarating sa classroom ay puro bati lang ang binibigay ng mga classmate namin sa akin. Panay naman ang ngiti at pasasalamat ko.
"Salamat, guys." nang dumating na ang prof ay tumahimik na ang buong klase.
Kasalukuyan kaming nagkaklase nang biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako nang makita ang lalaking pumasok, pamilyar siya sa akin.
"Yes, Ms. Madrid?" tanong ng prof kaya namula ang pisngi ko dahil sa akin na pala nakatingin ang lahat. Umiwas ako ng tingin nang makita ang kakaibang titig ng lalaki.
"Sorry, Miss nahulog lang ang ballpen ko." pagdadahilan ko at yumuko nang konti. Napailing ako habang nakayuko. Imposible ito, siya yung nasa panaginip ko.
"Yes, Mister..." rinig kong sabi ng prof. Nakarinig ako ng pagtikhim.
"Athan. Athan Dawson, transferee." nanlaki ang mata ko at biglang inangat ang ulo pero hinawakan ko ang dalawa kong kamay dahil sa panginginig nito. Nakatingin din siya sa akin kaya ilang segundo kaming magkatitigan. Kinalabit lang ako ni Mae kaya bigla akong natauhan.
"Kilala mo?" nakangiting tanong niya pero umiling ako. Pero paanong nangyari na ang lalaki sa panaginip ko ay totoong nag eexist pero hindi naman siguro siya prinsipe ng apoy mula sa Elemental Kingdom.
"Grabe, ang gwapo nang transferee. Ang hot niya tapos yung mga tingin niya parang nagliliyab." napailing na lang ako kay Mae at naupo na sa bakanteng pwesto sa cafeteria.
Yung sinasabi niya talaga parang sa panaginip ko, like hot at nagliliyab. Sa panaginip ko nga prinsipe ng apoy yung lalaking iyon. Kulang na lang batukan ko ang sarili ko dahil di ko makalimutan ang napanaginipan ko na alam kong puro kalokohan lang.
"Oo nga tapos yung name niya kakaiba na nakapagpadagdag ng hotness niya." sakay pa ni Jamie dito, tatlo kami ang magkakasama ngayon at kanina pa nila pinag uusapan si Mr. Hot Guy transferee daw.
Natahimik ang lahat sa cafeteria kaya nagtaka ako at lumingon sa direksyon na tinitingnan nila Mae. Nakita kong nakapamulsang naglalakad si Athan habang ang bag ay nakalagay sa kanan niyang balikat.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtama ang paningin namin. Ngumisi siya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ito at pilit na pinapakalma. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito lalo na sa tuwing mapapatitig ako sa mga mata niyang nagliliyab sa hindi maipaliwanang na dahilan.
Napakurap ako nang tumigil siya sa tapat ng table namin.
"Miss, may I?" tinuro niya ang bakanteng upuan sa kanan ko dahil nasa harap ko si Mae at Jamie.
"Yeah, sure Mr. Hot Guy." wala sa sariling sabi ni Jamie habang nakatulalang nakatitig kay Athan. Tumawa siya kaya napaiwas na ko ng tingin.
"Thank you. Ako na oorder para sa inyo, ladies." di na kami nakapagsalita nang tumayo na siya papunta sa harapan para mag order.
"Ly, bakit parang natahimik ka rin?" puna ni Jamie kaya lumingon ako sa kanila mula sa pagkakatitig ko kay Athan.
"Ha?" natawa sila sa reaksyon ko.
"Grabe, tingnan mo sa sobrang hot ni Athan kahit in a relationship natutulala sa kagwapuhan niya." natatawang sabi ni Mae kaya umirap ako at uminom ng tubig sa hawak kong tumbler. Iba ang reason kaya di ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Alam ko na maaring tungkol sa panaginip ko kaya ko siya tinitingnan pero parang may iba pang dahilan. Para kasing may kakaiba sa kanya, yung parang napakamisteryoso at may nakatagong sikreto tungkol sa pagkatao niya.
Nang makita kong naglakad na siya pabalik ay tumingin na lang ako sa pinto ng cafeteria. May practice siguro si Jake?
"Jake?" napakurap ako nang magsalita ang katabi ko.
"Boyfriend niya si Jake. Lyra, wag ka masyado pahalata na iniisip mo jowa mo. Nandito naman si Papa Athan kaya siya muna pansinin mo." inirapan ko na lang si Jamie sa mga walang kwenta niyang pinagsasabi. Nasabi ko pala ng malakas ang nasa isip ko.
"Yeah, I'm here so look at me." nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko at nilingon sa kanya. Napatitig na naman ako sa mga mata niya na parang hinihipnotize ako, parang dinadala sa ibang mundo. Pumikit ako at umiwas ng tingin.
"Athan..." lumingon kami sa tumawag sa kanya. Napatayo si Athan nang makita ang tatlong lalaki na naglalakad palapit sa amin.
"Anong ginagawa niyo dito?" madiin at walang emosyon niyang tanong sa tatlong lalaking bagong dating. Pakinig ko pa ang impit na tili ni Mae at Jamie.
Kumunot ang noo kong tumingin kay Athan, mabilis siyang magpalit ng mood mula sa pagiging mapaglarong ngisi hanggang sa bigla na lang naging malamig. Dahil sa ginawa niya naalala ko na naman ang panaginip ko.
"Pinapunta kami ni ina dahil nagaalala siya sa'yo." sagot ng lalaking nakablue na longsleeve.
"Kaya natuwa kami nang malaman namin na susunod kami sa iyo." sabi naman ng lalaking nakagreen na longsleeve pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple niyang sulyap sa kaibigan ko. Is he a playboy?
"Oo nga, di kami papayag na si Elwin lang ang kasama mo. Kami kaya ang kapatid mo." sabi naman ng nakayellow na longsleeve.
Nilingon ko si Athan at kumunot ang noo ko, nakared na longsleeve naman ang suot niya. Wala kasing uniform dito pero base sa suot nilang apat mukha silang power ranger.
"Siya ba?" mahinang tanong ng nakablue sabay sulyap sa akin.
"Siya nga." sabi ng nakayellow at agad siyang lumapit sa akin.
"Stefano..." may himig nang pagbabantang sabi ni Athan. Ngumuso naman ang tinawag niyang Stefano.
"Pasensya ka na sa mga kapatid ko ." kung ganon tama ang hinala ko na mga kapatid niya ang tatlong ito dahil magkakahawig sila.
"Siya si Stefano...." tinuro niya ang nakayellow na malapit sa akin. "Siya naman si Kieran." nilingon ko ang sunod niyang tinuro na nakagreen at nakangisi na rin. "At si Draven..." seryoso lang ang titig ng nakablue sa akin.
"Hi! I'm Mae..." kinikilig na sabi ng kaibigan ko pero napahinto ang tingin niya sa nakagreen na Kieran ang pangalan.
"And I'm Jamie..." nanlaki ang mata ko nang tumayo ang dalawa at nilahad ang kamay nila. Nanlaki ang mata ko nang isa isang kuhanin ng tatlong lalaki ang kamay ng mga kaibigan ko at hinalikan ang likod nito. Nailing lang si Athan.
Napairit naman sa kilig ang dalawang bruha. Lumaki ang ngiti ko nang makita si Jake na naglalakad palapit sa amin. Nakajersey shirt siya at may hawak na bola kasabay ang iba pang varsity player.
"Babe..." tawag niya sa akin nang makalapit at nilingon ang apat na lalaking nakatayo sa harap namin.
"Babe!!" ganadong tawag ko kaya napangiwi siya, natawa naman ako. Yumakap ako sa kanya at ganun din siya.
"Ayos lang iyan, brother. Ikaw pa rin ang endgame." narinig kong sabi ni Stefano yata iyon.
"Endgame? Saan mo naman natutunan ang salitang iyan, Stefano?" si Kieran naman ang nagtanong.
"Bulong ng mga kaibigan kong ibon kanina." mahina niyang bulong na narinig ko rin. Ang weird nila.
"Sino sila?" tanong sa akin ni Jake kaya pinanlakihan ko nang mata ang dalawa kong kaibigan pero busy sila sa pagpapantasya sa apat na lalaking nagagwapuhan sa harap nila.
"Si Athan, bago naming kablock at mga kapatid niya." sabi ko at nilahad ni Jake ang kamay niya sa mga lalaki.
"Jake Winston." pagpapakilala niya pero hindi man lang tinanggap ni Athan ang kamay niya.
"Ano iyan?" malamig na tanong nito kaya napapahiyang binaba ni Jake ang kamay niya. Nagaalangan akong tipid na ngumiti.
"Kuya, ang tawag yan dito sa mundo nila ay shake hands kapag magpapakilala. Kaya dapat tinatanggap mo." kinuha ni Stefano ang kamay ni Jake at pinagkamay niya sa kapatid niya.
"Alien ba kayo?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Jamie samantalang nasa isip ko lang iyon at wala akong balak sabihin pero siya...
"Alien? Ibig mong sabihin may iba pang nilalang dito?" gulat na tanong ni Kieran. Napakamot kami ng ulo nila Mae, Jamie at Jake. Are they for real?
"Ah hehehe, pagpasensyahan niyo na ang kapatid namin dahil ngayon lang nakababa ng bundok." sabi ni Stefano at tinakpan ang bibig nang kapatid. Nilingon ko si Draven na kanina pa hindi nagsasalita at nakapikit na ngayon.
"Ipagpaumanhin ninyo pero kailangan na namin umalis ng mga kapatid ko." sabi niya at sabay sabay yumuko ang apat na magkakapatid sa amin. Nilingon lang namin sila hanggang hindi na namin sila nakita pa.
"Ang gwapo!!!" napangiwi kami ni Jake nang tumili ang dalawa.
"Oo nga, are they quads? Magkakamukha sila at parang magkakaedad lang din." sabi naman ni Jamie.
"They are weird." sabi ni Jake na sinangayunan ko.
"CR lang ako." tumango sila sa paalam ko. Narinig ko pa na sinabi ni Jake na oorder muna siya ng pagkain niya bago ako umalis.
Bago pumasok sa CR ay may nakabangga akong lalaking naglilinis sa sahig.
"Pasensya na po, Manong." ngumiti lang ang matanda kaya kumunot ang noo ko. Bago lang ba siyang janitor dito? Ngayon ko lang siya nakita.
"Ayos lang, iha. Lakasan mo lang ang loob mo sa mga kakaharapin mo dahil kailangan ka nila." nagtataka ko siyang tiningnan pero ngumiti lang siya at naglakad palayo sa akin.
Isa pa siyang weird. Ano ba meron sa araw na ito at maraming weird? Yumuko ako nang makita kong may maliit na bagay sa sahig na naiwan niya. Bilog ito na umiilaw pero nagulat ako nang bigla itong maglaho. Lumingon ako sa matanda pero nagulat ako nang bigla siyang mawala kaya sinubukan ko siyang hanapin pero nang hindi ko na siya makita pa ay napailing na naglakad ako pabalik.
Pagdating sa CR ay pumasok ako sa isang cubicle at nang matapos ay naghugas ako ng kamay sa labatory. Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumulpot sa tabi ko.
"Lyra..." tawag nito sa akin at dumapo na siya sa balikat ko.
"Silvyr, bakit ka nanggugulat? Saan ka ba nagpupunta at pansin ko lately bigla ka na lang nawawala?" tanong ko dito at naghugas ng kamay. Lumingon lingon ako at tinitingnan kung may tao ba.
"Lyra, nakita mo na sila? Nakita ba nila ang kwintas mo?" kumunot ang noo ko. Sinong sila?
"Sino?"
"Ang mga nilalang na nakatakda mong makasama." kumunot ang noo ko lalo.
"Silvyr, what are you talking about?"
"Basta, malapit mo nang malaman ang totoo. Sa ngayon nandito na sila, kailangan mo munang tanggalin pansamantala ang kwintas mo." sabi ni Silvyr at nagulat ako ng tanggalin niya ang kwintas na suot ko.
"Silvyr, anong ginawa mo?" nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.
"Patawad, Lyra pangako ibabalik ko rin ito at pupuntahan ko muna ang magkakapatid para tulungan ka. Hindi ka pwede mahanap ng Dark King." umalis na siya pagkatapos. Nalilito akong napatitig sa salamin sa harap ko. Pamilyar ang binaggit niyang Dark King sa akin.
Lumabas na ko pero nagtaka ako dahil napakatahimik ng buong hallway. Tiningnan ko ang relo ko at maaga pa para sa next class. Nililingon ko ang bawat classroom na madadaanan ko pero walang tao. Dumiretso ako sa cafeteria at nanlaki ang mata ko nang makitang halos lahat ng tao sa school ay nandito.
Lumapit ako kay Jake at sa mga kaibigan ko pero hindi sila gumagalaw. Yung posisyon nila bago ko sila iniwan ay ganun pa rin. Sinubukan ko sila kalabitin pero walang nangyari. Ano ba talagang nangyayari ngayon? Nanlaki amg mata ko nang dumilim ang buong paligid.
Lumabas ako at nagulat sa nakita ko. Napapikit ako nang makitang may itim na usok palapit sa akin.
"Zapptos, sabihin mo sa amo mo na wala dito ang hinahanap niyo at matagal na siyang patay." napadilat ako at nakitang si Kieran ang humarang sa akin para di ako tamaan ng kung ano. Nagtataka kong tiningnan ang paligid at nakita ang apat na magkakapatid at ang mga kakaibang nilalang.
Nagulat ako nang makita ang bata sa panaginip ko pero parang hindi siya bata. Tumango yung lalaki sa harap ko at nagulat ako nang bigla siyang maglaho kasabay ng iba pang kakaibang nilalang na nakaitim na cloak.
"Tama ang desisyon ni ina na pasunurin kami dahil tiyak mahihirapan kang kalabanin sila. Masyadong maraming tao dito."
"Teka lang, ano ba talaga nangyayari at ano... kayo...." tanong ko dahil nakita kong nag iba ang kulay ng mga buhok nila. Si Athan ay naging pula ang buhok, si Draven ay naging asul, si Kieran ay green at naging gold kay Stefano.
Nagulat ako nang lumapit ang bata sa akin. Ngumiti siya.
"Magandang hapon, Binibini." sa panaginip ko ito rin ang bungad niya. Natawa siya.
"Hindi iyon basta panaginip, Lyra. Nangyari na iyon pero dahil sa kahilingan nila Adonis ay pinagbigyan namin sila na makasama ka pa." kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Nababasa niya ang isip ko? Ngumiti siya.
"Isa sa kakayahan ko ay basahin ang isip ng tao at bigyan siya ng panaginip. Mahal na prinsesa, maligayang kaarawan." nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam kong naguguluhan ka pa pero hindi ito ang tamang panahon para pagusapan ito. Kailangan nating magmadali. Sa ilang sandali ay muling magbabalik ang oras na pinahinto ni Silvyr. Maari kang mapahamak dito kung mananatili ka dito sa mundo ng mga tao, Prinsesa Lyra Astheria." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Nasaan si Silvyr?" pagkasabi ko ay biglang lumipad si Silvyr sa balikat ko.
"Narito ako, mahal na prinsesa. Kailangan na nating umalis dahil baka bumalik ang mga dark creatures na iyon." sabi ni Silvyr lumingon ako at nakitang unti unti nang gumagalaw ang lahat.
"Kaya mong pahintuin ang oras?" tanong ko sa ibon na nasa balikat ko.
"Opo, kamahalan." Nakita kong bumalik na sa dati ang apat na magkakapatid. Pati ang bata na may kakaibang suot ay bumalik sa pagiging normal na damit.
"Tara na bago pa may makahalata." malamig na sabi ni Athan at hinatak na ang braso ko.
"Teka lang, saan tayo pupunta?" huminto siya at nilingon ako.
"Sa mundo kung saan ka isinilang."
"Fantasy world?" tanong ko at tumango sila. "Pwede bang magpaalam muna ko sa mga kaibigan ko?" nanlumo ako nang sabay sabay silang umiling sa akin.
"Hindi na maaari, prinsesa." sabi ni Stefano at hinatak na nila ako. Muli akong lumingon at nakita kong tumatakbo palapit sa akin ang mga kaibigan ko.
"Lyra!!!" tawag nila kaya kahit masakit sa dibdib ay tumalikod ako at tuluyan sumama sa mga nilalang na ito kahit hindi ko alam kung bakit.
'Sorry'

หนังสือแสดงความคิดเห็น (68)

  • avatar
    엠재이

    Ang ganda ng story ❤️❤️🥰

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Jay Mhar Linggo

    oollihj

    1d

      0
  • avatar
    Rainier Aquino

    thank you

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด