logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 Hiss Hiss Hiss

- Nahara's POV -
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto.
Nag-aaway na naman ang magulang ko.
Nagsisipa ako sa kama ko.
Bakit ba lagi na lang silang nag-aaway tuwing umaga?!!!
Hindi pa man din ako nakatulog ng maayos buong gabi dahil sa mga paang hindi maalis-alis sa isip ko.
Bumangon ako at padabog na binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Can you stop fighting?! Ang aga pa!" malakas kong reklamo
Pero syempre sa isip ko lang.
No, I can't argue with them.
"Mom, Dad, why are you fighting again?" mahina kong tanong
"See? Your daughter is alright! Matanda na siya!" galit na sambit Mom kay Dad
"That's not the point Karen! You have to take good care of your daughter."
Your daughter, your daughter, kaninong anak ba talaga ako? Bakit hindi nila sabihin na 'our daughter'? Gosh
"Ang sabihin mo, gusto mo ng bumukod sa'min Joseph!"
"Alam kong hindi lang ako Karen!"
Ah yeah, alam ko rin.
"Bakit hindi na lang kayo maghiwalay?" bulong ko
Well, nade-depress lang ako tuwing nag-aaway sila. Araw-araw na lang. Parang hindi na sila masaya.
"What did you say?" tanong sa'kin ni Mom na mababakas ang inis sa mukha niya
Umiling ako.
"I didn't say a thing Mom."
Bigla niya akong sinampal.
"How dare you said that Nahara!!"
Nagulat ako.
Nahawakan ko ang pisngi na sinampal ni Mom.
"Hey Karen! Don't just slap your daughter! Anak mo siya!" ani Dad
"Ah geez! Did you just heard her? Sinabi niya na maghiwalay na lang tayo!"
Napahikbi ako.
I can't argue to anyone dahil sensitive ako at mabilis umiyak. Isa pa, hindi ko kayang makipagmataasan ng boses.
"Hey Nahara! Kung hindi mo alam, ikaw na lang ang dahilan kung bakit magkasama pa kami ng Dad mo! Tapos papalayasin mo kami ha?!" singhal sa'kin ni Mom
Pinunasan ko ang mga luha ko tapos nag-angat ako ng tingin sa kanila.
"H-Hindi ko naman maramdaman na a-ako ang dahilan. Hindi na rin naman kayo m-masaya, di ba?" sambit ko
Para akong bata. Nagi-stammer pa rin ako, ang hina ng boses ko.
"Matagal na kaming hindi masaya sa isa't isa Nahara!"
"Hey Karen!" saway ni Dad kay Mom
"Pero nag-stay pa rin kami para sa'yo dahil hanggang ngayon para ka pa rin bata na kailangang protektahan! My gosh! 26 years old ka na."
"I said stop it Karen!"
Hinila na ni Dad si Mom paalis.
"Nahara do your things now, may pasok ka pa." ani Dad bago sila tuluyang umalis
Napaiyak na lang ako.
Iyak ako ng iyak.
Ang weak ko.
Kasalanan ko ba kung weak ako? Kung matatakutin ako at mahiyain?
I've been a victim of bullying in my whole school life! I was a loser! Mababa ang self-confidence ko!
Nakatira lang ako sa imagination ko. Sa idealized self ko! Ano'ng magagawa ko? Biktima lang din ako ng mundong ito!
Napaupo ako sa sahig at umiyak lang ako.
Ngayon na nakaalis na sina Mom at Dad, depress na naman ako. I feel lonely again.
Pero kahit na'ndito sila, same feelings pa rin. Mas hungkag lang kapag wala sila.
Wala namang nagbago simula noon hanggang ngayon.
Hanggang sa office gan'un pa rin ang sitwasyon ko. Utusan pa rin ako, sunud-sunuran pa rin ako. Inferior pa rin ako. At bully pa rin ang mga tao.
"Kung may ibang mundo lang na pwede kong tir'han, du'n na lang sana ako." bulong ko sa pagitan ng pag-iyak
Ayoko na dito sa earth, puro depression at loneliness lang ang nararamdaman ko.
Sa pagdadrama ko, bigla na lang humangin sa loob ng bahay namin.
Nagtaka ako.
Sarado pa ang kabuuan ng bahay kaya paanong hahangin?!
Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Tapos may naririnig akong mahinang sound.
~ hiss .... hiss .... hiss .... ~
Hinanap ko 'yung lumilikha ng sound na 'yun.
"A-Ahas ba 'yun?" bulong ko sa sarili ko
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at isinara ang pinto.
Ahas? Omg! Takot ako sa mga panghayupan!
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sina Dad pero hindi nagri-ring ang phone nila.
Tapos naalala ko na sinabihan ako ni Mom na parang bata, na tila hindi ko kayang alagaan ang sarili ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Nagbago na ang isip ko tungkol sa paghingi ko ng tulong sa magulang ko.
Nagbihis na ako at naghanda sa pagpasok sa trabaho ko. Simula ngayon, magiging strong independent woman na ako.
Habang naghahanda ako sa pagpasok ko sa trabaho, lumikha ako ng scenario sa isip ko kung saan malakas at matatag akong babae na nabubuhay mag-isa.
Tama! Kaya kong mag-isa!
Lumabas ako ng kwarto ko.
Muli akong nakaramdaman ng takot nang patuloy kong marinig 'yung mahihinang sound na hiss.
Gaaaaah! May ahas na ba dito sa bahay namin?! (T____T)
Tumakbo ako palabas ng bahay. Sumakay ako sa sasakyan ko at nagdrive papunta sa kompanyang pinapasukan ko.
Pinakalma ko ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag at matapang dahil isa na akong independet woman!
Habang papasok sa trabaho, nakatanggap ako ng message mula sa isa kong katrabaho kung saan inuutusan niya akong bumili ng 10 coffees.
"Ten? Paano ko 'yun..."
Hindi ko na itinuloy ang reklamo ko dahil wala na rin naman akong magagawa.
Dumaan na lang ako sa isang coffee shop at um-order ng sampung kape.
After ko du'n ay dumeretso na ako sa office. Hindi ako magkandaigi sa pagdadala ng sampung kape. Wala man lang tumulong sa'kin
At ngayon ang problema ko ay kung paano ko bubuksan ang pinto ng office.
C'mon pinto, open sesame!
Tapos unti-unti nga'ng bumukas ang pinto.
Nandilat ang mga mata ko. Hinihintay kong matanaw kung sino ang nagbukas ng pinto pero hooooy! Walaaaa!
Halaaaa! Naaaswang na ba ko?!!!
Tumingin sa'kin ang mga katrabaho ko. Nataranta ako kaya agad akong pumasok sa loob ng office.
"A-Ah, good m-morning." bati ko sa kanila
Ipinatong ko ang mga kape sa isang empty table tapos isa-isa na silang kumuha ng kape.
Naghintay ako ng magbabayad para sa kape pero...
Wala ulit! Walang nagbayad!
"Ah, e-excuse me." sambit ko sa kanila
Tumingin sila sa'kin. Kinabahan ako bigla.
Hindi po ako lalaban. Huhuhu!
"Treat mo sa'min 'tong coffee di ba?" ani Nerissa
"Ha?" gulat kong react
"Ay hindi ba? Nakuu sorry, ibabalik ko na lang." ani Cristine
"A-Ah, huwag. S-Sa inyo na 'yan." sambit ko, "Oo, t-treat ko na."
Naupo na ako sa pwesto ko habang iniisip 'yung nagastos ko para sa kape.
Sabi ko magiging matapang ako pero hindi ko naipaglaban 'yung side ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Good morning Haira."
Sa boses pa lang ng bumati sa'kin, bumilis na ang tibok ng puso ko.
"G-Good morning, Harold." bati ko rin sa kanya
"Here, babayaran ko 'yung coffee."
Agad akong umiling.
"Huwag na, huwag na, okay lang." pagtanggi ko,
Kung siya lang din ay hindi ko na siya sisingilin.
"Sure ka? Ang bait mo naman Haira, masarap ka sigurong maging girlfriend."
Bigla ay nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ni Harold. Nagpaparamdam na ba siya sa'kin? Sasagutin ko na ba siya?
Kyaaaaah! I'm strong independent woman, pwede na akong magboyfriend!
"Ah, s-sinasagot na kita Har----"
"GOOD MORNING EVERYONE!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na bumati. 'Yung supervisor namin.
Tiningnan ko si Harold na tila hindi narinig ang sinabi ko. Ang focus niya ay nasa supervisor na namin.
Gosh! For the second time around muntik na naman maging kami.
Napabuntong-hininga na lang ako at nakinig na lang din sa sinasabi ng supervisor namin.
'Yun nga, may monthly meeting kami mamaya na gaganapin sa isang private bar. Diretso du'n after work, so ibig sabihin walang overtime ngayon.
Yes! Hindi ako maiiwan mag-isa dito!
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nakakaramdam na ako ng takot sa office namin dahil sa paa na nakita ko kagabi at sa nagbukas ng pinto kanina.
Gaaaaah! Inaaswang na talaga ako! Kailangan ko na sigurong pumunta sa isang exorcist!
.
******* m e e t i n g ********
.
"Nahara, mag-order ka muna ng pizza."
"Okay." sagot ko
"Samahan mo ng ng mango juice."
"Orange juice sa'kin."
"Pwede na ba ang alcohol Sir?"
"No!"
"Ay! Juice na lang din sa'kin Hara."
Naglist ako kung ano ang mga gusto nilang order tapos pumunta ako sa may counter para um-order.
Habang umo-order ako, na-realize ko na nautusan na naman nila ako.
Napabuntong-hininga ako.
"Lagi na lang akong utusan." bulong ko
Dala na rin siguro ng inferiority complex ko kaya ayu'n, automatic susundin ko ang mga taong nag-uutos sa'kin.
~ hiss... hiss... hiss... ~
Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa paligid ko. May naririnig na naman akong sound.
"Ah, e-excuse me, naririnig mo 'yung sound? 'Yung hiss hiss hiss." tanong ko du'n sa cashier
Nagtaka 'yung cashier sa'kin, syempre maingay nga naman dito sa bar tapos narinig ko pa 'yun.
"Ah, hehehe n-nevermind." sambit ko na lang
Hinintay ko na lang 'yung order tapos nagbayad na ako.
At wow! Pera ko na naman pala ang ibinayad ko.
Nagpatulong ako sa isang crew para madala lahat ng orders sa table namin tapos naupo na ako.
Nagulat ako nang tumabi sa'kin si Harold.
"Hi Haira." nakangiti niyang bati sa'kin
"Ah, h-hi."
"Thanks for treating us most of the time. I appreciate you." sambit niya tapos hinawakan niya ang kamay ko
Nag-init na naman ang mukha ko at mabilis na nagreact ang puso ko.
"S-sinasagot na k-kita Harold." sambit ko
"Ha?"
"Eh?"
"Luh?"
Napatingin ako sa mga katrabaho namin na nagreact.
Nagtaka ako sa mga reaksyon nila tapos sabay-sabay silang nagtawanan.
Binitawan ni Harold ang kamay ko. Bigla akong nahiya.
"Hahahahahaha ang assuming mo naman Nahara!"
"Oo nga! Hahahaha na-appreciate ka lang ni Harold sinasagot mo na? Hindi ka nga nililigawan. Hahahaha."
"Ni hindi ka nga type ni Harold. Hahahahaha!"
Paulit-ulit nag-echo sa isipan ko ang mga sinabi nila at ang malakas nilang tawanan.
Tila nahihilo ako sa mga mukha at boses nila na pinagtatawanan ang kahinaan at pagkakakamali ko.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nahihiya ako. Nanliliit ako
"Hoy Nahara saan ka pupunta? Uutusan ka pa namin. Hahahah."
"The post it girl slash assuming girl! Hahahaha! Ganda ka gorl?"
Kinuha ko ang mga gamit ko tapos nilayasan ko sila. Lumabas ako ng bar na 'yun na umiiyak.
After all the things I did for them, after all the hard works I've done, at the end pagtatawanan din nila ako. At the end, bu-bully-hin lang nila ako.
Napahikbi ako nang nasa labas na ako ng bar. Inis kong pinunasan ang mga luha ko.
Kahit saan pala ako magpunta mag-isa lang ako, inferior ako.
"Ayoko na." bulong ko sa sarili ko
~ hiss... hiss... hiss.... ~
"AYOKO NAAAA!!!" sigaw ko
Isinigaw ko na talaga, hindi lang sa isip ko. Isinigaw ko siya gamit ang boses ko.
"Ayoko na dito sa earth! Ayoko ng maging inferior at sunud-sunuran! Ayokoooo naaaaa!!!!" patuloy kong sigaw
Ayoko ng maging post it girl! Ayoko ng sundin lahat ng utos nila. Ayoko ng bayaran lahat ng bills nila!
Napaupo ako sa sahig habang umiiyak.
"Ayoko na. Kunin niyo na ako. Lamunin na ako ng lupa." paulit-ulit kong bulong
~ hiss... hiss... hiss... ~
Para na akong baliw na paulit-ulit na binibigkas 'yun.
Hanggang sa bigla na lang may pumulupot sa katawan ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
"A-Ahas!"
Sobrang laking ahas!
Nakapulpot sa katawan ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" sigaw ko

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    RuizJuliane Claire

    I want you to have more dreams

    5d

      0
  • avatar
    LambinoFrancis Aaron

    okyyyy

    13/08

      0
  • avatar
    Jhamir Ofiasa

    It's really cool

    15/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด