logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Six

------
"Sige kuya, tatawag na lang ako ulit ha?"
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Okay lang talaga ako. Ingat ka. Love you." pinutol agad ni Rebekah ang tawag nang marinig niya ang mga yabag ni Marlon na paparating.
Nasa isang five-star hotel sila para sa kanilang honeymoon. Ang akala niya ay sa New York sila magho-honey moon tulad ng sinabi ni Makie sa kanila pero nang dahil sa trabaho pa rin ang nasa isip ni Marlon ay hindi ito pumayag.
Panghuling-gabi na nila dito pero simula noong kasal nila ay parang mas lalo itong nagbago. Noong unang gabi nila ay nag-iinom lang ito ng alak sa sala hanggang sa malasing at doon na nakatulog. Kahapon naman ay maaga itong umalis ng hotel. Nagising na lang siyang wala ito. At late na rin itong umuwi kagabi at lasing na naman. Tinulungan niya itong makatayo nang mabuwal ito sa sahig pero tinulak lang siya nito. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya kung bakit ito nagkakaganito pero isa lang ang tanging naisip niya. Hindi ito masaya sa kanya. Kaya hinayaan na lang niya ito at saka na lang inalagaan sa tuwing nakamatulog na ito.
Wala sa sariling hinaplos niya ang flat pa niyang tiyan habang nakaupo sa  kama at nakasandal sa headrest. Ngumiti siya. Kahit papano ay may nagpapasaya pa rin sa kanya. And she already thought of a name. By thinking of it, it made her smile again.
Ganito ba talaga kasaya pag magiging ina ka na? Iyong tipong mapapangiti ka na lang kahit walang dahilan minsan.
Medyo nagulat pa siya nang malakas na binuksan ni Marlon ang pinto. Lasing na naman ito.
"Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?" Malambing ang boses na tanong niya dito.
Hindi ito sumagot at pabagsak na humiga lang sa kama. Nabigla pa siya ng bigla nitong hinila ang comforter na nakatakip sa katawan niya hanggang sa tiyan niya at tinakip yon lahat sa katawan nito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatulog na agad ito.
Napailing na lang si Rebekah at dahan-dahang tumayo. Kinumutan niya ito hanggang sa leeg pagkatapos niyang hubarin ang mga medyas ng binata. Inayos din niya ang pagkakahiga nito at binigyan pa ng magaan na halik sa noo bago siya umupo sa sahig para pagmasdan ito.
"Why do you hate me? Hmm, alam mo bang mas gwapo kang tingnan kapag nakangiti ka?" Nakangiting bulong ni Rebekah sabay sundot sa tungki ng ilong nito bago tumayo.
Maingat na sinarado niya ang pinto ng kwarto. Nilinis niya ang sofa at doon humiga. Bahagya siyang bumaluktot para magkasya siya sa isang bath towel na ginawa niyang kumot. Napangiti na lang siya nang mapagtantong mas malambot pa ang sofa kaysa sa kama. She felt comfortable.
Kinaumagahan ay nagising siya na wala na naman ang asawa sa hotel. Napansin niyang wala na ang sarili nitong maleta sa loob ng kwarto kaya naisip niyang nauna na itong umuwi. Hinanda na lang niya ang sariling mga gamit sa pag-aakalang baka may kukuha sa kanya dito. Nagbibihis na siya nang biglang tumunog ang telepono. Alam niyang galing iyon sa reception kaya nagmadali siyang sagutin ito.
"Maàm naghihintay na po ang driver ninyo sa labas."
"Okay. Pababa na ako."
"Okay po, maàm. Kailangan nyo po ba ng tulong?"
"Hindi. Okay lang. Konti lang naman to kaya. Kaya ko na to." Nakangiti niyang sagot.
"Okay po." sabi nito at tinapos na ang tawag.
Aaminin niyang medyo nalungkot siya dahil iniwan siya ni Marlon pero kahit papano ay masaya pa rin siya dahil tumawag naman ang driver ng binata para kunin siya. Inisip na lang niyang baka may importanteng meeting na pupuntahan ang asawa. Hindi na kasi niya alam ang mga schedule nito dahil simula noong may nangyari sa kanila ay kumuha na ang binata ng bagong sekretarya. Parang tinotoo lang din nito ang pagtanggal sa kanya sa trabaho.
------
Ngumiti siya nang makita ang pangalan ni Makie sa kanyang cellphone. Kagabi pa ito tumawag sa kanya at ngayon naman ay tumawag din ulit.
"Customer service, how may I help you?" pabiro na sagot niya sa kabilang linya.
"Don't cracked a joke with me as if it would make me change my mood. Where are you?!" medyo napatalon pa siya sa lakas ng boses nito.
"N-nasa hotel–"
"What?! What kind of husband would left their wife in the hotel?! Gago! Iniwan ka lang diyan para makipagkita sa ex niya?! Huwag kang umalis diyan malapit na ako."
"Pero kuya naghihintay na naman po yong driver sa ilalim baka magalit po si Mar–"
"Wala akong pakialam sa gagong yon! Hindi ko matanggap yong tina-trato ka ng ganito. Hintayin mo ako paakyat na ako."
"Kuy–" napatingin na lang siya sa kanyang cellphone nang pinutol na nito ang tawag.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating agad ito sa kwarto nila at padabog na binuksan ang pinto. Hindi na niya tatanungin pa kung paano ito nakapasok dahil sigurado namang kilala na ito ng mga empleyado ng hotel dahil pagmamay-ari naman ito ng mga Dempsey.
"Good morning." Masayang bati niya kahit alam niyang galit ang kapatid. Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya pagkatapos ay chi-neck ang mukha niya lalong-lalo na ang mga mata niya.
"T-teka... a-anong ginagawa mo?"
Humiwalay ito sa kanya .
"Wala. Chi-neck ko lang kung baka umiyak ka dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na puntahan ang gagong yon ngayon din!"
"Paano mo nalaman na..." huminto siya at sinigurong matatag ang boses niya. Dahil ayaw niyang makita ng kapatid na nasasaktan siya.
"...nakipagkita siya kay Roxanne?"
"I saw them."
Kumurap-kurap si Rebekah para sana pigilan ang luhang lumabas sa mga mata niya pero huli na siya dahil nakita na iyon ng kapatid niya. Niyakap siya ulit ng kapatid. Hinaplos nito ang likod ng ulo niya.
"Putangina. Malilintekan talaga siya sa akin."
"Okay lang ako kuya. Sabi nila ganito daw kapag buntis..." Pinilit niyang pigilan ang sarili pero mas lalo lang dumami ang mga luha na lumabas sa mga mata niya.
"Shhh. I'm here." Mahinahon na sabi nito at hinagkan siya sa tuktok ng ulo.
"You can cry how long you want to."
Hindi na niya kayang pigilan pa kaya humagulhol na siya ng iyak. Ang totoo niyan. Tinitimpi lang niya ito simula noong pumunta sila dito para mag-honeymoon.
It took her long to get calm. Natawa na lang siya nang makitang basang-basa ng luha ang damit ng kapatid niya. Alam niyang hindi lang iyon luha kundi pati na rin sipon at laway na rin siguro.
Tinawagan ni Makie ang driver na naghihintay sa ilalim at iyon ang naisip ni Makie na pagkakataon na bumaba para hindi sila nito masundan kung saan sila pupunta. Natawa na lang si Rebekah nang makalabas sila. Pinagbuksan muna siya nito ng pinto bago ito nagmaneho. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero alam niyang pupunta sila sa lugar na alam nitong paborito niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (75)

  • avatar
    LabayCristine

    Nice story miss philosopa. Ang cute lang nila marlon at rebekah😊

    11/08/2022

      0
  • avatar
    HAYAMI_TAMASHII

    Nice story, keep it up. Miss A!✨

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    15/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด