logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER TWO

He was the one I saved outside the bar before. Before I decided to transfer to a new school.
So nakilala niya ako?
[Flashback]
Sh*t! First day ko pa lang dito sa trabaho mukhang mapapalaban na ako!
Kalalabas ko lang ng bar, kasi napag-utusan ako ng manager ko na kunin ang cellphone niya sa loob ng kotse niya.
Pero pagkalabas ko lamang ay naaninag ko na ang tatlong malalaking kalalakihan na mala-bouncer ang laki na sinuntok ang isang lalaking feeling ko ay wala namang planong labanan sila.
Ugh! Alam kong loner ako palagi at walang kaibigan pero kapag nakakakita na ako ng ganitong sitwasyon, hindi ko mapigilang hindi makialam.
"Stop!" Sabi kong nakangiwi at nag-aalangan kung lalapit ba ako sa kanila o hindi.
Napatingin sila sa akin pati na rin ang lalaking sinuntok nila.
Napangisi ng nakaka insulto ang isang lalaking kalbo na siyang sumuntok sa lalaking natumba dahil sa malakas na suntok nito.
"Haha! Kung sinuswerte nga naman tayo pare." Nagkatinginan pa silang tatlo na ngising-ngisi na makakita ng babae. Tumingin sila sa akin mula ulo hanggang paa na para bang may binabalak silang hindi maganda.
Nanlaki ang mga mata ng natumbang lalaki at lumapit sa akin.
"Run." Pautos na bulong niya. Tinulak niya ako ng marahan senyales na tumakbo na ako. Kaya ako naman ang napangisi.
Seriously?
Tumayo siya ng matuwid at pinahid ang dugo na nagmula sa bibig niya. Nasa likod na niya ako ngayon kasi hinarangan niya ako sa tatlo.
Papalapit na ang isang lalaki para suntukin ang lalaking nasa harap ko nang itulak ko siya sa balikat at ako na ang nakaharap sa kalbong lalaki ngayon.
Tumakbo din ako papunta sa kanya at sinalubong siya ng isang flying kick.
Gulat ang nakita ko sa kanila at pumosisyon ako na parang magsisimula palang ang laban.
Sa lakas ng pagkakatama ko sa mukha niya ay natumba siya. Hawak-hawak niya ang mukha niya nang sumugod din ang isang lalaki. Ang isa naman ay nag aalangan pa. Natamaan niya ang kabilang mukha ko pero hindi gaano kalakas dahil naka-iwas pa ako.
Aambahan niya sana ako ng suntok pero umiwas ako at ang isa namang nasa likod niya na papalapit ang sinipa ko sa mukha.
Nakita kong nakikipag suntukan na rin ang lalaking tinulungan ko kanina.
Huh, at magaling din pala siya? Bakit niya hinayaang masuntok pa siya ng dambuhala na 'yon bago pa manlaban? Tsk!
Is he crazy?
Kahit malalaki sila ay nakaya ko parin silang mapatumba. Dalawa na ang napatumba ko at ang isa,
Isang suntok niya ang naabutan kong ginawa niya sa isang lalaki.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Sh*t! Tumakbo ako pabalik sa store. Arg!
"Ang tagal mo Lee. Anong nangyari sayo? At parang pagod na pagod ka? Ba't may pasa sa pisngi mo?" Nag-aalalang tanong ng manager ko.
Nakalimutan kong kunin iyong cellphone niya sa kotse!
"I'm sorry. May...may mga lalaking masasama ang loob sa labas." Hinihingal na sabi ko. Sa totoo lang, hiningal ako dahil sa takbo ko talaga pabalik.
"Omg! It's okay. Sorry. Ako na ang kukuha. Magpahinga ka muna at ayusin mo ang sarili mo." Nag-aalalang sabi niya. Tumango ako at nagtungo sa crew room.
Tiningnan ko sa salamin ang mukha kong may kaunting pasa.
Tsk! At ano ang karapatan niyang lagyan ng pasa ang mukha ko? Argg! Napapadyak pa ako sa inis ko.
[Flashback Ended]
Nag focus ako sa ginagawa ko at sa wakas ay wala na sila sa harapan ko. Nasa couch na sila nakaupo.
These guys are all rich indeed.
***
Kinabukasan ay napaaga ang pasok ko sa school. Nasa classroom na ako ng first subject ko at ako palang mag-isa ang nandito.
Actually first time kong pumasok ng maaga. Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko at kusang kumilos ng maaga.
I love drawing at habang naghihintay ako sa klase ay naisipan ko munang gumuhit.
Isang baril na ang bala nito ay bulaklak na lumabas. At ginuhitan ko pa sa ilalim ng isang barcode. Na ang nakalagay sa ilalim nito ay M.S.S.
Pagkatapos kong gumuhit ay tinitigan ko ito ng maayos.
Mom...Dad...I missed you both.
"Wow! Ang ganda! Hmmm...M.S.S.?" Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko kaagad napansin ang babaeng nagsalita sa likod ko.
Tinakpan ko gamit ang mga palad ko ang sketchpad at tumingin sa likod ko.
"What are you doing here?" Gulat na tanong ko. Umupo siya sa kaharap ng inuupuan ko. Siya 'yong babaeng kauna-unahang tumawag sa akin ng pangalan ko dito sa school. Siya 'yong nakabunggo sa akin kahapon.
"Huh? Classmates kaya tayo!" Sabi niya na natatawa.
Ipinasok ko sa bag ang sketchpad ko at hindi siya pinansin. Tumayo ako dala ang bag ko. Nasa pinto na ako palabas nang makasalubong ko 'yong limang kaklase ko na magkakasama.
Hindi ko sila tiningnan manlang at nag dere-deretsong lumabas.
"Yeona!" Tawag sa akin ng babae kanina.
Hinabol niya pa talaga ako? Anong kailangan niya?
"My name is Savana." Sabi niya.
Tumigil ako pero naisipan ko din na tumuloy na sa paglalakad. Naiilang ako. Hindi ako sanay na may kaklase akong nag a-approach sa akin ng ganito.
Nagpunta ako sa isang park ng school malapit lang sa building namin at umupo.
Naalala ko kung bakit ako napalipat ng school.
Sa totoo lang, maganda din ang school na iyon. Pero may isang bagay ako na iniiwasan. Ang ma fall sa isang lalaki.
Si Harry 'yong lalaking kaklase ko na nalaman kung ano ang side job ko. Siya 'yong lalaking hindi ko inaasahan na magkakagusto sa akin. Nang maramdaman kong nagkakaroon na siya importansiya sa akin, ay nag transfer kaagad ako ng school at naglipat na din ng bahay.
I chose to run away because I am scared. Nawala sa akin ng sabay ang parents ko at nagkatrauma ako ng dahil doon. I have an insomia at kapag nakakatulog ako, I always have a nightmare. The scenario of the ambush happened before.
I've chosen to be alone.
***
Kakatapos lang ng shift ko at naghanda na ako pauwi. Nasa parking lot na ako nang makita ko na naman ang lima. Kakalabas lang nila sa isang itim na kotse. Tsk! They really have nothing to do with their lives para gumimik halos gabi-gabi. Napailing ako at naglakad palapit sa motor ko.
"Oh she's cool." Napalingon ako sa nagsalita. He is one of the Five guys na tan skin.
Nang makita ko naman sila ay lahat pala sila nakatingin na din sa akin.
Ibinaling ko ang tingin ko sa helmet ko at isinuot ito.
What's wrong with them? First time ba nilang makakita ng babaeng naka motor? Tch!
Kinabukasan ay maaga parin akong pumasok. Lunch time na nang lumapit na naman sa akin ang babae sa canteen at tumabi sa akin na kumain.
I looked at her.
"What are you doing?" Masungit na tanong ko. Pinapakita ko sa kanya na ayoko ng kausap o katabi sa pagkain.
"Tss. Grabe ka. Gusto ko lang naman kumain na may kasama---"
Blaaag!
Napalingon kami sa likod kong mesa na pinagmulan ng ingay ng nahulog na pinggan.
"Omg! Ayan na naman sila! What happened?" Bulong ni Savana sa tabi ko. Napa "huh" ako sa sinabi niya.
"Those five hot guys named The Five gods in this University since last year. The tan skin's name is Felix Cruz. The guy with british blood's name is George Wilson. That korean-American guy is Ha-Ru Hensen. He is the son of the owner of this school. He is known as the innocent guy in their group. That leader's name is Alejandro Ordaz he is a Filipino-Mexican. He is the hot tempered guy in their group. And that full filipino blood named Enrique Santos. He is a businessman's son. But all of them are rich. They came from a wealthy family. I like Andrei the most hehe." Kinikilig na sabi niya. Napataas ang kilay ko sa itsura niya ngayon.
"And who's Andrei there?" Curious na tanong ko. Taas baba ang mga mata niya at lumapit sa akin na kunyari ay bubulong.
"Alejandro the leader." Bulong niya na kinikilig.
Teka, bakit ko pala kinakausap 'to?
"Ooohhh" narinig kong sabay-sabay na sabi ng mga nasa loob ng canteen.
Nabaling ang atensiyon ko ulit sa lima. Sinuntok pala ng leader nila ang isang studyante pagkatapos nilang itapon ang kinakain nito.
Napakuyom ang kamao ko.
"Wait. Did I just saw you closed your fist?" Tanong ni Savana.
Hindi ko siya pinansin at kusang naglakad ang mga paa ko papalapit sa lima.
"Yeona...no, paglumapit ka doon. You'll be in trouble." Pagpigil niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin kasi pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga palad ko sa galit. At...at...gusto ko siyang ipagtanggol.
Sa dati kong school, wala akong makikitang ganitong mga studyante kasasama kasi kapag nambully sila, paniguradong ipapatawag ang mga magulang nila sa desciplinary office. Pero dito? How can they tolerate this? What kind of school is this? really.
Nakalapit na ako, at lahat sila nakatingin sa akin. Kasama na doon si Ha-Ru.
"And what are you looking for? Do you have a business with me?" Masungit na sabi ng leader nila. Nakita niyang naka close ang fists ko at tumingin sa akin.
I saw Ha-Ru na napa angat ang kabilang labi. Wait, did I saw it right? Naalala niya ako?
"You're a freak." Automatic na lumabas sa bibig ko. Huminga siya ng malalim at tumingin ng masama sa akin.
"What did you just say? I- I'm a freak? What the fck are you saying?---" hindi ko na siya pinatapos at sinuntok ko na siya sa mukha.
"Ang sabi ko. You.are.a.freak!" Hinawi ko ang bangs ko bago umalis na hawak-hawak niya ang mukha niya sa sakit ng pagkakasuntok ko.
"Woooaaah." Dinig ko sa gilid ko.
"Yeona! Yeona!" Tawag sa akin ni Savana pero hindi ko siya pinapansin. Kinuha ko sa bulsa ko ang naka box na kendi ko, kumuha ng isa at isinubo.
"Anong kailangan mo?" Inis na sabi ko. Tumigil din ako sa paglalakad. At hinarap siya.
"You shouldn't have done that." Sabi niya. Napangisi ako sa sinabi niya.
"At anong karapatan nilang gawin yon? Bullying is prohibited!" Galit na sabi ko.
"Not in this school, Yeona. They can do whatever they want in this school."
Yes, they can. And as long as I am here in this school...I will not tolerate that. Lahat ng studyante nagbabayad ng tuition fees nila. This is not a free tuition University!
"Kasi kapag naka graduate ka sa school na ito, a bunch of big companies will automatically hire you. Because those five guys are very influencial. So, many students are trying their best to stay and to stick in this school until they graduate. Dahil ang big companies na iyon ay mostly pag-aari ng limang iyon at ang iba ay sister company nila." Mahabang paliwanag niya. So, napa stop ako.
I was surprised knowing this kind of information.
Kaya pala ay nahirapan pa akong makapasok dito sa school na ito dati at naka line up pa ako bago makapasok. Kasi maraming nag aagawang makapag-aral sa University na ito.
"But still, it's not right to bully people just because they wanted to. Those freaks!" Bulyaw ko. Sa last na ito na sinabi ko ang nakapagpagulat sa kanya. Huh?
"Ooops...sorry but your Ha-Ru is different from them. Though, they are his friends but he is not hurting anyone. He is just watching his friends. BUT! you hurt my Andrei. Huhuhu" she acted hurt and crying habang nakahawak sa dibdib niya.
Tsk!
Wait...my Ha-Ru daw?
"That f*cking Ha-Ru is not my type! And I don't give a d*mn! Your Andrei or whoever you call him, he deserved it!" Sabi ko at nag martsa paalis.
Nakasalubong ko na nag lalakad si Ha-Ru sa hallway mag-isa.
He looked at me. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. So I looked away at nag deretso na sa paglalakad.
"Omg!" I heard Savana said na nakasunod parin sa akin.
Because he saw Ha-Ru malapit lang sa amin.
Did he heard what I've said? Ugh!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (217)

  • avatar
    CagaraMarcial

    t70p7696eoyiyyiyiiyyiiy8y7tugoyehdoe9edo3do3d3idgpurd2ri3pdipgux3pug3igexigpig3igd3gf3igdgpipx3igrxigpdih3xrpir3xipxipixeigxxi3gigxigp3gipdpiipexi038hxi0r3ig3xegi0ux07dgg7dpux3u0xug3rg0gidi0dixdihpiig0xi0deiuiey3x82etpx3p7dx7put3xutd3xugpegu02upe2upugedup2upe2dpgex2uge2ugx270gu0e2gx0ueg2xg702upxe2gpxggzupup2gxupegzupe2zpu2epuzufe2upfupezugx2eugpupd2gupexe2xupezpud2pgzepu2zgupu2dfup2zupupddupgxeup2zfud2xfpxpugdx2pudxugug3xs3updupsupup3upedupgd2gpg2ugiepig2p2exgpu37pgexgupup3xpg3dipex3igpigd XD pi

    1d

      0
  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    😆😆😆😆😆😆😆😆

    1d

      0
  • avatar
    Jovielyn Andan

    so so good

    1d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด