logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Careless

My Friends Problem Are My Problem Too.
"This is my Daughter, Serene Dubois" my dad introduce me to his business partner, we've known each before but I don't know if he can still recognize me at ngayon ko lang nalaman na anak niya pala si Juan Liu which I met him last night. What a small world, hindi ako tumingin kay Juan, nakatingin lang ako sa Dad niya 
I smiled, "Tito you can call me, Red. Just don't call me Serene." mahinang saad ko. I know it's embarrassing to tell him what he should call me but I'm not really proud of my name, I'm sorry pero unti-unti ko namang natatanggap na ito talaga ang pinangalan sa'kin ng mga magulang ko. Mabuti na lang tumawa lang siya dahil sa sinabi ko.  
"Your daughter is so pretty, she looks like a Princess kamukha niya talaga ang mommy Divine niya." sabi niya habang nakatingin sa'akin.
"Thanks, Tito." I answered politely
"And Angelica Dubois my youngest" he also introduces my step sister as my youngest sister. Tumaas ang isang kilay ko roon sa sinabi ni Daddy, magkapatid pala kami? never niya naman ako tinuring na kapatid.
"This is my wife, Hilary." pagpapakilala rin ni Dad sa step mom ko. Napairap ako sa naging reaksyon niya, she smiled sweetly at sabay pulopot sa braso ng Dad ko. Feel na feel lang?
"I guess this is your second wife?" natawa ako ng mahina sa tanong ni Mr. Liu, 'yong reaksyon kasi ng step mother ko hindi mapaimpenta ang mukha nang sinabing second wife siya. For me kabit pa rin siya, buhay pa lang si mommy dumating na siya sa buhay ng dad ko para makihati.
"I'm sorry but anyway nice to meet your Family, I also want to introduce to you my one and only son, Juan Liu." nagkatinginan kaming dalawa sabay iwas. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.I simply took a glance on him but when he looks at me, I look away. Masyado yata akong halata. Is he a cold person? Quite?
"I prepare some foods for us guys, so that you can casually talk, and of course, I know you haven't eat your breakfast yet." sabi ng stepmother ko kay Mr. Liu.
Tumawa si Mr. Liu "Alam mo namang hindi ako tumatanggi r'yan, blessings 'yan, alam mo namang masamang tumanggi sa grasya." 
"Okay, kumain na tayo." pag-aya pa ni Dad. Pumunta na kaming lahat sa dining area, sabay upo sa upuan namin. Katabi ko si Juan sa upuan, parang hindi ako mapakali saglit knowing na parang hindi siya interesado sa'kin kagabi habang kinakausap ko siya. Hindi niya ata tipo ang mga babaeng katulad ko? Did he think katulad din ako ng mga babaeng nasa bar?
"How about your eldest, what did she take? Is she still studying?" tumingin si Dad sa'kin ibig sabihin ako na ang sasagot. 
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot sa tanong "I'm no longer studying, Tito. I'm done with my course in Los Angeles and I'm already handling my own business." 
Tila napatingin silang lahat sa'kin. Ngumiti ako sa kanila "What business?" tanong ni Mr. Liu. They are all waiting for my response, ganon ba sila ka gusto malaman kung anong ginagawa ko sa buhay?
"I'm a jeweler." taas noong sagot ko. I didn't bragged about my career but it's about how I work hard for it to get that career and of course how I suffer before I became successful in my career. They all looked at me with full of surprise. Their face says it all, do I look like a liar?
Actually that career is really best for me I work hard for it because many people degrading me na wala akong mararating sa buhay. Alam mo naman mainit ang mata sa'kin ng mga tao dahil sa issue ko at dahil doon sa ginawa sa'kin ng stepmom ko sa media before.
"Since when?" tanong ni daddy, hindi ko kasi sinabi sa kanila ang tungkol dito. I keep this as a secret, ayokong sabihin sa kanila noon dahil before wala pa akong sariling branch or shop. Gusto ko lang talaga sila biglain. I want them to be proud of me, I want them to always remember me.
"This was 4 years ago, remember you send me to Los Angeles, dad, para roon mag-aral? so 'yon ang naging bunga ng aking pagsisikap." formal kong saad, medyo may sama pa rin ako ng loob kay daddy dahil nga nawalay ako sa kanya ng mga ilang taon pero nagpapasalamat din ako na pinadala niya ako roon para hindi na ako apihin ng aking stepmother. I think dad knows everything pero masyado lang talaga niyang mahal ang stepmom ko, umabot sa point na ako ang sinakripisyo niya. 
"How impressive, I'm so proud of you hija, super independent and hard-working." sambit ni Mr. Liu
"Thank you, Tito." nakangiting sagot ko
At least nakuha ko ang mga bagay na 'yon dahil pinaghirapan ko, kung may pangarap ka pagsikapan mo para malaman mo ang bunga at ang totoong resulta.
"Behind that success was my aunt Devon, Rebeccas's mom." sabi ko sa kanila. Thanks to my aunt for being a mother figure to me since day one, she is always grateful to me for being her sister's child, hindi niya talaga ako pinabayaan hanggat hindi ako magiging successful.
My Dad and Hilary just stared each other, they can't believe me. After naming pag-usapan ang tungkol sa buhay ko, nag-usap naman sila tungkol sa business, actually, nakinig lang talaga ako sa kanila habang nag-uusap para kahit papano may makukuha akong aral galing sa kanila about handling business. Sa gitna ng pag uusap ng Daddy ko at kay Mr. Liu, napansin kong lumabas si Juan, kaya sinundan ko siya. I just want to talk to him, or gusto ko magkipag-kaibigan sa kanya.
Nakatayo lang siya sa gilid ng pool habang nakapamulsa. He's look at the view and getting some fresh air. Tumabi ako sa kanya.
"Do you like the food?" tanong ko
Nanatili ang kanyang mga mata sa isang direksyon. Parang may malalim siyang iniisip, no emotions at all. Is he nonchalant? I got no answer from him.
"Are you into business right?" tanong ko ulit kaniya, it's obvious that his into business, gusto ko talaga may mapag-usapan. He then suddenly nod, but it seems like he never talked.
"Hey, sagotin mo naman ako sa may boses." reklamo ko. Humarap siya sa'kin at tiningnan ako ng walang emosyon, ako naman napalunok ako sa sarili kong laway. Why he stared at me like that? Hindi ako makatingin dahil sa mga titig niya.
"I-its o-okay if you don't want to talk to me, You can listen naman." bigla kong sabi. Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko, uminit din 'yong pisngi ko.
"I'm sorry, I just don't talk to other people especially if it's nonsense and if I'm not interested"  he answer in a cold voice. Napalunok ako sa sarili kong laway nang marinig ko ulit ang boses niya and? 'yong sagot niya. So nonsense pala akong tao and he's not even interested to me. What? "You can leave." sabi niya sa walang emosyon at humarap ulit.
Hindi pwedeng wala kaming pag-uusapan. Gusto ko nga siya makausap eh, I think he's a nice guy. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kakausapin pa. Gusto kong mag-usap tayo ng mas mahaba" I playfully said. 
Humarap ulit siya sa'kin at nakatitig na naman siya. Napasinghap ako ng hangin at pa simpling nakatingin sa kuko ko. "Hindi pa ba 'to pag uusap?" tanong niya sa malamig na boses. Hindi ako nakapagsalita dahil walang lumalabas sa bibig ko. Akma siyang aalis pero hinawakan ko ang kamay niya, at pinigilan. Napatingin siya sa mga kamay kong nakahawak sa kanya. Binitiwan ko kaagad dahil baka ayaw niyang may nakahawak sa kanya.
"O-okay a-ako na ang aalis. Dito ka na lang" diritsong sambit ko. Pumasok na ako sa loob dahil  nonsense naman pala ako saka hindi siya interesado sa'kin. Normal lang magkaroon ng crush sa kanya saka hindi ako mahilig mag give up.
"Are you guys done talking?" tanong ni Mr. Liu sa'kin.
Ngumiti lang ako "Yes tito, hinayaan ko muna siya sa labas gusto niya raw mapag-isa."
Ngayon ay nandito na naman sila sa sala nag-uusap pagkatapos kumain. Ako naman ay nakaupo lang malayo sa kanila habang nakatingin. "Mom can I invite my friends here? may gagawin kami rito sa bahay." rinig kong paalam ng aking step sister sa aking step mother
"Sure baby." sagot ng Stepmother ko. Napa-irap na lang ako pagkatapos niyang mag paalam kay Hilary. Tumayo ako at uminom muna ako ng tubig habang tinitingnan sila sa malayo. Halata namang walang alam sa business si Hilary pero pilit n'yang isiniksik ang sarili niya kahit hindi naman s'ya nakaka-relate.
Mga ilang oras ay umalis na rin sina Tito Logan tapos nagpunta na si Daddy sa kompanya niya. Ako naman ay may meeting na kailangan naka attend ako 
Mga ilang oras ay nakarinig ako ng ingay sa labas "Guys come in." rinig kong sabi ni Angelica. So her friends are here na ba?
Inutosan ko ang kasambahay namin na ikuha niya ako ng kape para hindi antokin dito habang may ginagawa sa aking laptop
"Who is she? " rinig kong bulongan nila, but naka focus lang ako sa laptop ko habang naka-upo rito sa sala
"She's my step sister. But anyway don't mind he.r" rinig kong sagot ni Angelica
"Woo, she's so pretty, she's so unreal, pwede ba magpa picture sa kanya?" 
"She's probably not pretty. Alam mo namang uso ang plastic surgery ngayon." palihim akong natawa sa sinasabi ni Angelica. She's so bitter, plastic surgery pa nga
"No, she's pretty, maybe you just didn't appreciate her, Are you insecure? and you know what there's nothing wrong with plastic surgery." sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Napa-smirk ako rito habang nakikinig sa kanila, tama nga insecure sa'kin 'yan si Angelica. 
"What the hell? why would I?" naiinis niyang sambit
Mga ilang minuto pa nilang pag-uusap ay naging maingay na sila, hindi kami magkarinigan ng kausap ko kaya nag transfer ako sa kwarto ko and about a few minutes tumawag na naman sa'kin si Rebecca, nawawala raw si Celeste. Hinilot ko ang aking sentido at nilagyan ng ointment. Tungkol na naman ba 'yan sa boyfriend niya? Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba mula sa taas. Naglakad pa ako papunta sa bahay nila Rebecca, flat kasi ang gulong ng aking sasakyan. Pagdating ko sa bahay nila ay saktong nasa sasakyan na siya kaya sumakay na rin ako
"Nagba-bar ang aga aga" sabi ni Rebecca habang nagda-drive siya.
"Ay 'yon ba 'yong lalaki kagabi no?" tanong ko kay Rebecca
"Exactly, alam mo naman 'yon eh, nagtanong ka pa." Muntik ko na batokan si Rebecca dahil nangbabara na naman. Nakakainis! Anyway saan ba pwedeng pumunta si Celeste? I really thought magkasama lang sila nong lalaki niya, pero bakit nawawala na naman siya?
Pagdating namin doon laging umiiyak si Celeste habang may hawak na bote ng alak sa kanyang kamay. "Girl tama na 'yan." sabi ko. Inagaw ko ang bote at ako ang uminom, napangiwi ako sa anghang at pait nito ng subokan kong inomon. Agad ko itong nilapag sa table at uminom ng tubig, ang pangit pala ng lasa. 
"What's happening akala ko ba siya ang naghatid sa'yo kagabi?" tanong ni Rebecca.
"May nangyari sa'min kagabi," sabi niya habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Nanlaki ang aking mga mata at nagkatinginan, tumabi agad kaming dalawa sa kanya..Hala, so nag sex sila kagabi? naku ayan na ba sinasabi ko eh
"Saan nga ang lalaki 'yon hahanapin ko iyon, Akala ko ba hatid lang bakit naman kayo nagmukbangan ha?!" sigaw ko sa kaniya
"I seduce him." pag-amin niya. Pinunasan niya ang kanyang luha, at ako naman ay napatayo sa sinabi niya. Napahilot ako sa aking sentido.
I protected Celeste dahil para ko na siyang kapatid pero sa mga sinasabi niya, I think I can't defend her anymore. Dapat talaga bawas bawasan ang kabaliwan sa lalaki dahil ito ang mangyayari sa'yo.
"God! alam ko namang gwapo ang lalaking 'yon, pero bakit? bakit mo nagawa 'yon? paano na lang kapag nalaman 'yan ng mga magulang mo? actually sa ginawa niyo may possiblity na mabuntis ka." 
Her parents are strict, halos hindi na nga siya pinapalabas. Kung sino pa 'yong tahimik at pinaghihigpitan minsan sila pa ang nagkakaganito. I think may problem din siya sa parents n'ya. Hindi kasi ganito si Celeste eh, umiinom s'ya pero never niyang magagawa ang mga bagay na ito. 
"Ayokong malaman nila ni Daddy at mommy to, itatakwil nila ako at mawawalan ako ng karapatan sa company ni Dad, what should I do now? maglalayas ba ako?" she panicked. Guess what? She's worried
Hinawakan ko ang balikat niya para kumalma naman siya "Pwede ka sa company ko Celeste, pwede ka maging seller ng sabon ko, at least may income ka incase kapag nabuntis ka." Rebecca suggested, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o maiinis.
Tinampal ko si Rebecca "Naku, kanina ka pa Rebecca ah?" Nag-iisip din ako ng magandang idea kung paano ma so-solve ang problem ni Celeste. Paano namin matutulongan si Celeste sa problema niya? ano mangyayari sa kanya sa susunod. Ayokong mapahamak siya

หนังสือแสดงความคิดเห็น (64)

  • avatar
    EliasAsmin

    napakaganda

    24/08

      0
  • avatar
    scuelajohnjericho

    ganda

    17/05/2025

      0
  • avatar
    John Ronald Dinola

    John Ronald Dinola

    13/01/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด