Melissa's Point of View Matapos ang muli naming pagkikita ng kapatid ko, hindi ko na siya nakita pa. Balita ko, umalis na naman siya. Hindi ko na rin alam kung kailan ulit kami magkikita. Isang buwan na palugit ang ibinigay niya pero ang lolo mo, biglang nag-evaporate at nag-abroad na naman yata. At matapos ang isang linggo… Surprisingly, naka-survive ako sa kumpanya ni Klaus. Akalain mo 'yon? Buhay pa ako. Walang galos, walang bawas sa sahod, at hindi pa rin naman ako nasisante kahit ginawa ko siyang aso't pusa sa utak ko araw-araw. Performance level kung performance level ang lola mo. Everything was fine naman, except for a few of my coworkers who clearly dislike me. Siyempre, hindi mawawala ang mga kontrabida sa buhay ng isang magandang bida. Yung mga titig nila sa akin sa pantry, parang gusto nila akong lagyan ng lason sa kape. Kulang na lang ay i-crucify nila ako sa pader dahil sa inggit. Lalo na, isang linggong wala si Secretary Cruz kasi na-extend yung leave niya. Parang pinagkaisa talaga ng universe ang mga pangyayari para i-testing ang ganda at pasensya ko. Dahil doon, no choice ako kundi makasama si Klaus nang isang buong linggo. As in, seven days of pure, unadulterated tension. Ako ang taga-dala ng mga papeles niya, taga-timpla ng kape niya, at taga-salo ng mga malamig niyang titig tuwing umaga. Isang buong linggo kaming literal na magkadikit ang schedule. Ngayon naman, balak ni Jane na mag-organize ng simpleng salo-salo bilang welcome celebration para sa akin. May ilan naman akong nakasundo sa office, pero siyempre, hindi mawawala ang mga taong parang allergic sa presensya ko. Lalo pa nang malaman nilang hindi ako nagtapos sa isang kilalang paaralan. Doon talaga lumabas ang tunay na kulay ng mga Mean Girls ng korporasyon. Porket hindi tunog-mamahalin ang unibersidad na pinanggalingan ko, kung ituring nila ako, parang pumasok ako rito gamit ang pekeng resume. Mukhang natatawa pa nga sila tuwing nakikita ako. May pabulong-bulong pa silang nalalaman kapag dumadaan ako sa tapat ng cubicles nila, akala mo naman may ibubuga ang mga performance report nila. As if naman ikina-cute nila iyon. Sarap sabihan na ang edukasyon, nasa utak at diskarte, wala sa pangalan ng building. Pero pinili kong maging classy at deadmahin na lang ang mga kulubot nilang mukha. "Hi, Isa! Ready ka na ba mamaya?" masiglang tanong ni Badeth, ang lagi kong nakakasabay tuwing break time. Accountant siya sa company at isa rin sa mga naging malapit kong kaibigan. "Hmm… maybe," walang kasiguraduhan kong sagot habang inilalapag ang tray ko sa mesa. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Ewan ko ba, parang biglang bumigat ang talukap ng mata ko at sumakit ang likod ko—yung sakit na pang-30-year-old na may bills na binabayaran, kahit nasa early twenties pa lang naman ako. Siguro dahil sa pagod. Sobrang drain ng energy ko kay Klaus Evans this past week. Isipin mo ba namang pitong araw ko siyang anino? Tuwing titingin ako sa kaliwa, andun siya. Sa kanan, andun siya. Muntik ko na nga siyang maipag-pray over sa takot na baka multo na lang niya ang nakikita ko sa sobrang overwork. O baka… baka naman allergic lang talaga ang immune system ko sa mga plastik kong katrabaho na panay ang parinig sa background. Naririnig ko na naman kasi silang nagbubulungan sa kabilang table tungkol sa alma mater ko, akala mo naman mga taga-Harvard kung maka-asta. "Matamlay ka. May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Badeth. "Hmm… medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko, Badeth," sagot ko habang sinusubo ang fries na hawak ko. Kahit medyo matamlay, kapag patatas talaga ang usapan, walang pwedeng humarang sa ngipin ko. "Kung hindi mo kayang pumunta mamaya sa welcome celebration mo, puwede naman nating i-postpone. Sa ibang araw na lang." Genuine talaga ang pag-aalala sa mukha ni Badeth, yung tipong ready siyang makipag-away para lang i-uwi ako sa bahay para makapag-nap. Umiling ako. "No. Alam kong pinaghandaan talaga iyon ni Jane. Ayokong masayang ang effort niya. At baka sabihin na naman ng iba nating katrabaho na killjoy ako." Pinilit kong panindigan ang boses ko kahit ang totoo, parang gusto ko na lang maging kumot sa kama ngayon sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Seryoso niya akong tinitigan bago tumango. Kitang-kita sa mukha niya na binabasa niya kung nagpapakabayani lang ba ako o sadyang matigas lang talaga ang bungo ko. "Okay, sige. Pero kapag hindi mo na talaga kaya, huwag mo nang ipilit." Dugtong niya sabay duro sa akin gamit ang straw ng softdrinks niya, daig pa si Mommy kung magbilin. "Ayokong mag-viral sa office GC na ang assistant secretary ng CEO, bumulagta sa sahig habang may hawak na barbecue stick." Ngumiti na lang ako. Na-appreciate ko talaga ang pagiging protective niya. At least sa mundong puno ng mga judgmental na katrabaho, may isang Badeth na handang maging taga-salo ng drama ko. "Thanks, Badeth," sabi ko habang tinatapos ang huling piraso ng fries ko. Pagkatapos ng maghapong trabaho, narito na kaming lahat sa private room na ni-reserve ni Jane para sa munting salo-salo. Literal na "work hard, party harder" ang peg ng team ngayon. Ang ganda ng setup—may soundproof walls, neon lights, at aircon na abot-kayang magpalamig ng ulo ng kahit sinong stressed na empleyado. May mga pagkain nang nakahain sa mesa, may videoke pa, at halos lahat ay masaya at nagkukuwentuhan. Ang gulo na nga, eh. May mga seryosong nakikipag-agawan sa mic para kumanta ng Aegis songs, habang yung mga Mean Girls sa gilid ay busy sa pagkuha ng aesthetic IG stories na akala mo naman hindi sila nagmaldita sa akin kaninang umaga. Sinubukan kong makisama at makitawa, pero grabe, ramdam ko na ang unti-unting pag-ikot ng paligid ko. Ang bigat na talaga ng ulo ko, at parang yung natitirang energy ko, sapat na lang para huminga. "CR lang ako," paalam ko kay Jane. Humawak pa ako nang bahagya sa gilid ng sofa para lang itago ang medyo pag-gewang ng lakad ko. Tumango naman siya. "Sige, Isa. Bilisan mo ha, isasalang ka na namin sa videoke pagbalik mo!" masigla niyang hirit. Nagmadali akong maglakad, halos takbo na, nang hindi ko namalayang may nabangga akong babae. Dahil nga sa hilo ko, parang nag-slow-mo ang mundo at huli na nang mapansin kong may tao pala sa blind spot ko. Medyo malakas ang impact, kaya muntik pa kaming mawalan ng balanse pareho. "Oh, shit! Are you blind?!" mataray niyang sigaw. Rinig na rinig ang matinis niyang boses sa tahimik na hallway ng venue. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong hawak niya ang mamahalin niyang designer bag habang nakataas ang kilay. Ang talim ng tingin niya, na parang balak niya akong sunugin sa kinatatayuan ko gamit ang mga mata niya. Hindi ko na siya pinansin. Masama na nga ang pakiramdam ko, wala pa akong oras para makipagtalo. Dali-dali akong nagtungo sa restroom. Seryoso, parang may sumasayaw na na tambol sa loob ng ulo ko at nagrerebelde na rin ang sikmura ko. Inisip ko na lang na haharapin ko na lang ang karma ng pagiging snob ko mamaya, basta makarating lang ako sa lababo. Naghilamos ako ng malamig na tubig at huminga nang malalim sa harap ng salamin. 'Kalma, Melissa. Ilang oras na lang, makakauwi ka na rin at makakatulog,' bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mukha ko. Pero pagkalabas ko… Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatayo sa harap ko, nakahalukipkip at halatang naghihintay. Pambihira naman. Sa dinami-dami ng pwedeng mag-abang sa akin sa labas ng banyo, itong babaeng mukhang kulang sa aruga pa ang nakatagpo ko. Kulang na lang ay magkaroon siya ng mausok na background sa tindi ng galit niya. "Ang lakas ng loob mong banggain ako. Sino ka ba?" mataray niyang tanong. Kung makatanong siya ng 'sino ka ba,' akala mo naman siya ang may-ari ng buong restaurant na 'to. Hindi ko na sana siya papansinin, pero bigla niyang hinila ang braso ko. Doon na nag-pantig ang tainga ko. Ang sakit na nga ng ulo ko, may nanghahatak pa ng braso. Parang biglang nag-evaporate lahat ng antok at hilo ko dahil sa inis. "Bastos!" sigaw niya. "Kinakausap kita, huwag mo akong tatalikuran!" Napapikit ako sa inis bago siya masamang tiningnan. "For your information, pareho tayong hindi tumitingin sa daan kaya huwag kang umasta na parang ikaw lang ang biktima rito," Inis kong sabi, ang boses ko ay malamig pa sa aircon ng opisina ni Klaus. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa na may kasamang sarkastikong ngiti. "Kung gusto mo ng drama, doon ka sa videoke room, huwag sa tapat ng banyo. Nakaharang ka sa daan, eh." "At pwede ba, bitawan mo nga ako! Who the hell are you?!" sigaw ko, kahit hilo na ako at masama pa rin ang pakiramdam. Ang totoo niyan, double vision na ang tingin ko sa kanya—mukha na siyang kambal sa paningin ko, pero hindi ko hahayaang makita niyang nanghihina ako. "Aba! Ang kapal din ng mukha mo!" galit niyang sagot. Tinaas pa niya ang kamay na parang sasabunutan na ako. Gumawa talaga siya ng akto na parang kontrabida sa primetime teleserye, ready nang sumugod para sa ratings extension. "Subukan mo!" singhal ko. I raised my chin, positioning my feet defensively. Kahit sumasakit ang ulo ko, handa akong makipag-wrestling sa hallway na 'to kung talagang gigisahin niya ang pasensya ko. I didn't back down an inch. Pero bago pa kami tuluyang magsabunutan, dumating sina Jane at Badeth. Parang mga anghel na biglang lumitaw mula sa kabilang kanto ng hallway para pigilan ang isang World War III sa tapat ng restroom. "Isa!" sigaw ni Jane. "Kanina ka pa hinahanap ng mga kasama natin—" Napatigil si Jane sa pagsasalita nang marealize ang nagaganap na tension sa pagitan namin. Si Badeth naman, nanlaki ang mata at mabilis na lumapit sa tabi ko, handang rumesbak kung sakaling ituloy ng babaeng 'to ang tangkang pagsabunot sa akin. "Hala, anong meron dito?" bulong ni Badeth habang nakatingin nang masama sa kaharap ko. Napansin ko ang mariing pagkuyom ng kamao ng babae. Masama niya akong tinitigan na para bang gusto niya akong lamunin nang buhay. Kung nakamamatay lang ang masasamang tingin, baka kanina pa ako nakahandusay dito sa sahig. standard kontrabida exit lines na lang ang natitira sa playbook niya dahil outnumbered na siya. "Hindi pa tayo tapos," madiin niyang sabi bago padabog na umalis. Dumagundong ang tunog ng high heels niya sa hallway habang nagdadabog papalayo, akala mo naman may ari ng carpet. Napatingin naman sa akin sina Jane at Badeth. Pareho silang nakataas ang kilay, naghihintay ng detalyadong chika kung paano ako nasali sa isang high-society catfight sa tapat lang ng banyo. "Girl, sino 'yon?" usisa agad ni Badeth habang hinahawakan ang balikat ko. "Gusto mo bang sundan natin at hilahin ko ang extensions niya? Mukha siyang galing sa ibang department na naligaw ang utak." Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang bumalik ang tindi ng hilo ko matapos mawala ang adrenaline rush. "Huwag na, Badeth. Nabangga ko lang tapos biglang nagka-amnesia na hindi rin siya tumitingin sa daan. Akala mo kung sinong reyna ng daanan." "Are you okay, Isa?" bakas na ang pag-aalala sa mukha ni Badeth nang mapansin ang pamumutla ko. "You look pale. Sabi ko naman sa'yo kanina, kung masama ang pakiramdam mo, pwedeng-pwede naman nating i-reschedule 'to, eh." "Kaya ko pa naman, ipapahinga ko lang ito," sagot ko habang nakahawak sa pader. Medyo nag-double vision na naman ang dalawa sa harap ko. Ang hirap magpanggap na strong independent woman kapag ang utak mo ay nagreready na mag-shut down. "Sure ka ba?" Tanong ni Jane. Sinilip niya ang mukha ko, mukhang tinitimbang kung hihimatayin ba ako right then and there. Tumango ako, pinilit kong mag-smile kahit mukha na siguro akong emoji ng bampira sa kaputian ng labi ko. "Oo naman, grabe kayo. Sabik kaya ako sa handang pagkain niyo. Sayang naman ang outfit ko kung uuwi ako nang maaga." "Naku, Isa, tigilan mo kami sa outfit-outfit mo," saway sa akin ni Badeth sabay hawak sa siko ko para alalayan ako. "Mukha ka nang espasol sa putla. Halika na nga sa loob, maupo ka muna doon sa dulo at uminom ng mainit na tubig." --- Dinala nila akong dalawa pabalik sa private room. Buti na lang busy pa rin ang karamihan sa pagkanta, kaya nakaupo ako sa pinakagilid nang walang masyadong nakapapansin. Ang lakas na ng birit ng mga katrabaho ko sa "Luha" ng Aegis, pero ang mas malaking luha ay yung sa akin dahil pakiramdam ko talaga, any moment ngayon ay bibigay na ang katawan ko. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko ay lalo akong nahihilo. Ang neon lights sa kisame, parang naging umiikot na disco ball sa paningin ko. "Isa, okay ka lang?" nag-aalalang tanong muli ni Badeth. Tumango ako. "Okay lang ako." Ang pambansang sagot ng mga Pilipinong ayaw makabala, kahit ang totoo ay kalahati na lang ng kaluluwa ko ang natitira sa loob ng katawan ko. "Sigurado ka?" tanong naman ni Jane. "Oo naman." Pero ang totoo, parang umiikot na ang buong paligid. Maya-maya ay nagpaalam akong lalabas muna para magpahangin. Feel ko kasi kapag nanatili pa ako sa loob ng room na may amoy ng crispy pata at alak, literal na magkakaroon ng emergency cleanup drive dito sa carpet. "Samahan ka namin?" alok ni Jane. "No, kaya ko na." Pilit kong inayos ang tayo ko at naglakad palabas nang marahan, ginagawa ang lahat para magmukhang tuwid ang bawat hakbang ko. Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng medyo malamig na hangin sa hallway. Sumandal ako sa pader habang nakapikit, pilit na pinapakalma ang mabilis na ikot ng mundo. Huminga ka lang, Melissa. Kaunting tiis na lang, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang naglalakad patungo sa open balcony ng venue, nagbabakasakaling ang sariwang hangin sa labas ang makapagpabalik ng wisyo ko Jusko. Parang may mini carousel sa loob ng utak ko. At ang malala pa, ang mga nakasakay sa carousel ay yung mga plastik kong katrabaho at yung babaeng nakasagupa ko sa banyo, paikot-ikot habang tinatawanan ang sitwasyon ko. My vision was blurring, and my knees felt like they were made of jelly. Napaupo ako sa isa sa mga velvet sofa at pumikit sandali. Isinandal ko ang likod ng ulo ko sa malambot na sandalan at huminga nang malalim. The cold air from the balcony was a bit of a relief, but the heavy thumping in my head just wouldn't stop. Naisip ko na, shet, mapapauwi yata ako nito nang maaga. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ezekiel na sunduin na ako dito. Hindi na ako nakapag isip ng mabuti basta siya ang unang pumasok sa isipan ko na makaka tulong sa sitwasyon ko ngayon. Literal na squinting-mode ako habang nagtitipa dahil lumalangoy na ang mga letra sa screen ko. 'Couz, sundo pls. Di ko na kaya.' Send. Bahala na kung ma-wrong send, basta kailangan ko na ng rescue driver bago ako tuluyang mag-collapse dito. "Looks like you really can't handle it, huh?" Napamulat ako. At halos mapasigaw nang makita ang pamilyar na gwapong mukha na buong araw ko ring hindi nakita. "Sir? K-Klaus?!" Napakurap pa ako. Baka kasi guni-guni ko lang. Seryoso ba 'to? Halos mapatalon ang kaluluwa ko sa gulat. Of all people, bakit siya pa ang lilitaw sa harap ko na parang kabute? Isang buong linggo kaming magkadikit ang schedule pero ngayong araw na hindi ko siya nakita, bigla siyang magpapakita sa mismong tapat ko. Nakatayo siya sa harap ko, looking effortlessly corporate-chic, habang nakapamulsa ang isang kamay. Ang mga mata niya ay malamig gaya ng dati, pero may kakaibang igting sa panga niya habang nakatitig sa maputla kong mukha. "What are you doing here out in the cold, Isa?"tanong niya, ang baritonong boses niya ay nag-vibrate sa tahimik na hallway. Tumingin siya sa phone na hawak ko, bago muling ibinalik ang matalim ngunit nag-aalalang tingin sa akin. "You look like a walking ghost." "Sir? B-bakit nandito ka?" utal kong tanong habang pilit na itinutuwid ang likod ko. Pambihira, kahit nag-aagaw-buhay na ang immune system ko, nagawa pa ring mag-hyperdrive ng puso ko sa gulat. "Answer my question." Madiin at seryoso ang pagkakasabi niya, fully channeling his ruthless CEO mode. Lumapit siya ng isang hakbang, at biglang naging visual overload na naman ang paningin ko—bakit ba kahit seryoso at mukhang galit ang lalaking 'to, mukha pa rin siyang galing sa isang luxury magazine shoot? "Nagliliwaliw, Sir. Masarap po kasi ang simoy ng aircon dito sa labas," sarkastiko kong bulong, pero kulang na sa energy kaya nagtunog-buntong-hininga lang. Napahawak ako sa sentido ko dahil naramdaman ko na namang umikot ang carousel sa utak ko. "Medyo masama lang po ang pakiramdam ko. Nagpapahangin lang." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri kung magbe-breakdown na ba ang system ko. Lumapat ang tingin niya sa phone na mahigpit ko pa ring hawak, kung saan hinihintay ko ang reply ni Ezekiel. "You're burning up, Isa. Huwag mo akong daanin sa matitigas mong katwiran," sabi niya habang dahan-dahang tinatanggal ang coat niya—effortless and smooth, parang commercial ng mamahaling pabango. Bago pa ako makapagsalita at maka-agree na, yes, baka nga mamatay na ako sa lagnat, naramdaman ko na lang ang bigat at init ng mamahalin niyang suit jacket na ipinatong niya sa mga balikat ko. Amoy rich guy. Amoy tagumpay. "And who were you texting? You're barely conscious, yet you're busy typing," dugtong niya, narrowing his eyes at my phone. "Oh, hey there." Naputol ang intense, main-character moment namin nang marinig ko ang isang pamilyar at nakakairitang boses. Napalingon kami pareho. Walking toward us was my cousin, Ezekiel, wearing a smirk na kulang na lang ay sapukin ko. Pero kung titingnan mong mabuti—like, if you bypass his default asar-talo face—makikita mong halos lumuwa na ang mga mata niya sa pag-aalala habang nakatingin sa namumula at nanginginig kong mukha. He looked like a golden retriever trying to act like a cool, nonchalant wolf, but failing miserably. "What are you doing here?" tanong ni Klaus, halatang hindi natuwa. His voice dropped to a sub-zero temperature, giving off major 'You are ruining my romantic subplot' vibes. "Woah, easy, bro. Napadaan lang ako," natatawa niyang sagot, ngunit lihim niya akong sinisilip. His eyes were practically doing a full body-scan of me, checking if I was about to faint right then and there. "Napadaan? In this specific hallway? At this specific hour?" Klaus raised an eyebrow, stepping slightly in front of me like a protective human shield. Napangiwi ako. Huwag kang halatang ako ang pinunta mo dito. Malilintikan ka sa akin paggaling ko. Nagtititigan kami ni Ezekiel gamit ang mga mata lang. Kung nakakamatay lang ang eyeball telepathy, kanina pa nakabulagta ang pinsan ko sa carpeted floor na 'to. "Hmm… sir. B-balik na po ako sa loob…" nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung tuwid pa ba ang dila ko dahil sa hilo. Ang sahig ay dahan-dahan nang umaalon na parang nasa gitna kami ng West Philippine Sea, at konti na lang talaga, babagsak na ako. "I'll drive you home." Diretso at walang pagtutol ang boses niya. Full CEO authority mode. No options, no extensions, final offer. Agad akong umiling. Hindi pwede! Kapag hinatid niya ako, malalaman niya kung saan ako nakatira. At hindi pa ako handang malaman niya ang totoo. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko—hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa cold sweat ng matinding panic. My secret identity was dangling by a thread. "Oh, bro. Sakto. Ihahatid ko rin si Jane, isasabay ko na si Isa." Napatingin si Klaus kay Ezekiel. "Magkapitbahay lang sila," mabilis na dagdag ni Ezekiel. Halos mag-stutter na rin siya sa bilis mag-imbento ng kwento. Naningkit ang mga mata ni Klaus. The atmospheric pressure in the hallway dropped instantly. "Really?" "Yeah." Tahimik na tumango si Ezekiel. For once in his loud, chaotic life, he actually shut his mouth. He looked so stiff, parang sinuhulan ng semento ang buong katawan niya. He was trying so hard to project 'confident and trustworthy cousin' energy, pero ang totoo, tagaktak na ang pawis niya sa batok. Parang may binabasa siya sa mukha ng pinsan ko. He was analyzing every micro-expression, every twitch of Ezekiel's jaw, like a high-tech lie detector test with a scary haircut and a designer suit. At lalo akong kinabahan nang biglang sabihin ni Klaus— "Interesting." Lumapit siya nang kaunti kay Ezekiel at walang kaabog-abog na iniabot ang susi ng sasakyan. "You drive my car." Nagulat kaming dalawa. Literal na napa-nganga ako habang si Ezekiel naman ay napatingin sa mamahalin at kumikinang na key fob na parang binigyan siya ng live grenade. Nagulat kaming dalawa. "What?!" sabay naming sambit. Ang sarap i-record ng boses namin dahil perpekto ang harmony, akala mo nagre-rehearse para sa videoke sa loob. "Since it turns out you live next to each other, sabay-sabay na tayong umuwi," Klaus calmly explained, completely unfazed ng gulat sa mga mukha namin. Na-compute na yata ng high-tech corporate utak niya ang pinaka-efficient na logistical route para sa gabing 'to. At bago pa man makapag-proseso ang lagnat-ridden utak ko para makatanggi, marahan ngunit mariin niyang hinawakan ang kamay ko. "Because I'm not letting my assistant secretary go home without making sure she's safe," madiin niyang dugtong habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil sa reaksyon ni Ezekiel. Halos mabilaukan ang pinsan ko habang nakatitig sa kamay naming magkahawak.
Ang ganda update pls
11d
0amazing
20d
0Wow! Start to read🥰
21d
0ดูทั้งหมด