logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Melissa's Point of View
"Come down."
Napakamot ako sa ulo nang marinig ang malamig at walang pasensyang boses ni Klaus habang nakatayo siya sa labas ng nakabukas na pinto ng sasakyan.
"Ah, eh… medyo masama pa kasi ang tiyan ko, sir. Pwede po bang dito na lang muna ako sa sasakyan?" pagmamakaawa ko, pilit na ginagamit ang aking internal acting skills. "Promise, hindi ako gagawa ng ikagagalit mo. Tsaka, according to the records, wala naman po ito sa schedule natin—"
"The meeting at Ocean Park has been canceled," malamig niyang putol sa dambuhalang listahan ng mga palusot ko.
Literal na napako ang dila ko sa ere.
"The stockholders' meeting will now be held here at HS Resort at twelve noon instead of three. I need you with me," paliwanag niya.
Huminto siya sandali, dahan-dahang hinilot ang tulay ng kaniyang ilong, at nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga na parang pinagsisisihan niya kung bakit ako ang kinuha niyang assistant.
"And by the way, why do I even need to explain everything to you? Ikaw na ba ang boss sa atin?"
Napakurap ako ng tatlong beses at mas lalo akong napakamot sa ulo habang naramdaman ko ang matinding kaba sa dibdib ko. Grabe, bagsak na naman ako sa professionalism card!
"What are you waiting for? Kasasabi ko lang na ayaw ko ng mabagal," mariin niyang banta habang nakapamulsa at nakatingin sa akin na parang handa na akong ipakain sa pating. "Gusto mo bang masisante sa unang araw mo pa lang?"
"Of course not, sir!" mabilis kong sagot sabay salute sa kaniya na parang sundalong handang mamatay para sa bayan.
Dali-dali akong bumaba ng sasakyan bago pa niya tuluyang bawiin ang kontrata ko. Pero pagtapak ng paa ko sa semento, napansin kong nakatakip ang kamay ni Kuya Driver sa bibig niya habang nanginginig ang buong balikat nito. Halatang-halata na pinipigilan lang nitong humalakhak sa naging reaksyon ko. Sige lang, Kuya, gawin mo akong entertainment of the day!
Para naman ma-redeem ko ang sarili ko at patunayang may pakinabang ako bilang empleyado, inayos ko ang tindig ko at dire-diretsong nagsalita.
"Bababa na nga po ako, sir. Sasamahan kita. Assistant secretary mo po ako kaya dapat lagi kitang kasama kahit saan. Kahit sa banyo—"
Literal na naputol ang dila ko nang bigla siyang huminto sa paglakad at matalim akong tiningnan bago tumalikod muli. 
Habang ako naman ay napanguso na lang habang nakatingin sa malalapad niyang balikat. "Ang sungit talaga," bulong ko sa sarili ko, siguradong safe na ako dahil medyo malayo na siya.
Pero bago pa man ako makahakbang, narinig ko ang biglang bulaslas ng tawa mula sa likod ko. Si Kuya Driver, hindi na nakatiis, halos maiyak na sa kakatawa habang nakasandal sa kotse.
"Ma'am, grabe ka. Ikaw lang ang nakakaganyan kay Boss," natatawang hirit niya habang nagpupunas ng gilid ng mata.
"Huh?" Kunot-noo akong lumingon sa kaniya. "Anong ako lang, Kuya? Baka mamaya i-ready ko na 'tong sapatos ko dahil baka sipain niya ako pabalik kung saan man ako galing"
"Seryoso, Ma'am. Sa tagal ko pong driver niya, ikaw pa lang ang nakakasagot sa kaniya nang ganyan," paliwanag ni Kuya Driver, na parang may hawak na napakalaking secret files tungkol sa CEO. "At ang milagro pa roon? Hindi ka pa niya pinapagalitan nang todo. Kung ibang assistant 'yun, baka umiiyak na pabalik ng HR ngayon."
Napataas ang kilay ko. Talaga ba?
So, ibig sabihin, may special pass ako sa kasungitan ng lolo mo? Biglang nag-spark ang ego ko nang very light. Don't tell me, effective ang karupukan ko sa kaniya kahit papaano? O baka naman nagulat lang siya na may isang tulad ko na may lakas ng loob na banggitin ang banyo sa unang araw ng trabaho?
"Hala, Ma'am, bilisan mo na po," basag ni Kuya Driver sa panandaliang mini-daydream ko. Sinenyasan niya ako gamit ang nguso niya papunta sa entrance ng resort. "Baka lalo pang uminit ang ulo ni Boss kapag lumingon siya tapos wala ka sa likod niya."
Napairap na lang ako, pero deep inside, may kaunting kilig na biglang sumulpot out of nowhere.
---
Pagpasok pa lang namin sa dambuhala at napakalamig na lobby ng HS Resort, awtomatikong nag-vibe check ang buong paligid. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong naka-uniporme, perfect synchronicity, daig pa ang mga karakter sa K-drama kapag dumarating ang bilyonaryong bida.
"Good afternoon, Sir Klaus," bati nila sa iisang boses.
Pero bago sila tuluyang umayos ng tayo, bahagya silang sumulyap sa direksyon ko at palihim na ngumiti. Yung ngiti na may kahulugang ‘Game on, Ma’am.’
Alam ko kaagad ang ibig sabihin ng mga tinging 'yan. Siguradong inabisuhan na silang lahat ni Ezekiel tungkol sa munting eksperimento o disguise na ginagawa ko ngayon. I mentally patted Ezekiel on the back—salamat naman at maaasahan ang isang 'yun, at salamat din sa mga staff dahil marunong silang umarte! Walang nag-eskandalo o nagpahalata.
"Good afternoon, Sir. This way please, the stockholders are already waiting in the private pavilion," nakangiting bati ng isang pamilyar na boses. 
Si Manager Namie.
Literal na napigilan ko ang sarili kong kumaway. Si Manager Namie ang isa sa mga madalas kong kachikahan at ka-bonding tuwing dinadala ako rito ni Ezekiel para mag-relax. Kulang na lang ay mag-share kami ng tsismis linggo-linggo! Pero ngayon, as in right now? Parang hindi niya ako kilala. Ang seryoso ng mukha niya, professional kung professional, na tila ba ngayon lang nag-krus ang mga landas namin sa buong buhay niya.
Ang galing talaga. Give this woman an Oscar award!
Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng private pavilion—
Shocks. Halos matunaw ako sa sobrang sama ng tingin ng lalaking nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Si Kuya Mackenzie. Kung nakamamatay lang ang mga titig, siguradong nakabulagta na ako rito sa entrance.
At eksakto namang tumayo mula sa kaniyang upuan at lumapit sa amin si Ezekiel, na mukhang nage-enjoy pa sa nakikita niyang kaba ko.
"Hey, bro," nakangiting bati ni Ezekiel sabay lahad ng kamay kay Klaus.
Pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa pwesto ko para asarin ako—
Bago ko pa man namalayan ang nangyari, naramdaman ko na lang ang mabilis na paghila sa akin ng isang malaking kamay. Binalot ako ng pamilyar na amoy ng mamahaling pabango habang tuluyan akong itinago ni Klaus sa malalapad niyang likuran.
"Woah."
Napataas ang dalawang kamay ni Ezekiel sa ere at mahinang napatawa, tila aliw na aliw sa naging reaksyon ng Big Boss.
"Chill, bro. Hindi ko naman aagawin ang bagong secretary mo. May sarili na rin kaya akong secretary," depensa niya habang nakakaloko pa ring nakatingin sa akin mula sa gilid ng balikat ni Klaus.
"Good," maikli at napakalamig na sagot ni Klaus, na tila ba banta iyon na walang sinumang pwedeng lumapit sa kung anong pagmamay-ari niya ngayon.
Napakurap ako sa likod niya, hawak-hawak pa rin ang dulo ng suit jacket niya dahil sa gulat.
Sandali…
Ano 'yon?
Bakit parang—
Possessive?
"Hey."
Binasag ng isang malalim at baritonong boses ang tensyon nang tuluyan nang lumapit sa pwesto namin si Kuya Mackenzie. 
"So, she's your new secretary?" tanong ni Kuya kay Klaus, pero ang mga mata niya ay nakapako sa akin—bawat patak ng salita niya ay may kasamang invisible na babala na ang ibig sabihin ay 'Umuwi ka na sa bahay bago ko pa sabihin kay Mom and Dad 'to.’
"No."
Bago pa man ako makapag-imbento ng palusot, mabilis at walang pag-aalinlangang sumagot si Klaus.
"My new assistant secretary," pagtatama niya, sabay bigay ng madiing emphasis sa salitang assistant. Akala mo naman ay napakalaki ng kaibahan ng dalawang position na 'yun, eh pareho lang naman akong magbibitbit ng tablet niya buong araw!
Pero mukhang mas malaki ang epekto ng salitang 'yan sa kaharap namin. Mula sa likod ni Klaus, kitang-kita ko ang biglang pagkuyom ng kamao ni Kuya Mackenzie. Kung sa ibang pamilya, protective kuya ang rason, sa amin? Hinding-hindi. Hindi kami close ng kuya ko—sa katunayan, tingin niya yata sa akin ay isang malaking sakit sa ulo na walang ibang alam gawin kundi mag-shopping at mag-aksaya ng pera.
"Okay," malamig at walang kabuhay-buhay nitong sagot. "New assistant secretary," madiin pa niyang inulit, bawat pantig ay parang may kasamang invisible na saksak habang direktang nakatitig sa akin.
Nanlamig ako on the spot. Patay talaga. Galit na galit na ang lolo mo. Hindi dahil nag-aalala siya sa akin, kundi dahil feeling niya ay binabastos ko ang pangalan ng pamilya sa pinapasok kong kalokohan. Yung tingin niya, parang sinasabing, ‘Anong dinala mong virus dito sa business world?’
Nahalata yata ni Klaus ang kakaibang tensyon sa hangin dahil biglang sumeryoso ang aura niya.
"What's the problem, Mackenzie?" tanong ni Klaus, looking back and forth sa aming dalawa.
Tahimik at pilit na ngumisi si Kuya, yung ngisi na nakakainsulto at halatang may ipinapahiwatig.
"Nothing, Klaus," sagot ni Kuya habang inaayos ang kaniyang mamahaling wristwatch, bago ako binalingan ng mapangmaliit na tingin. "I’m just giving you a friendly business advice. Letting the wrong person into your company can cost you... a lot."
Oh, my goodness! Pwede bang mag-time out ang universe?!
"Know exactly who you're dealing with before you say yes," madiin pang dugtong ni Kuya Mackenzie.
Halatang nakuha nito ang atensyon ni Klaus dahil bahagyang napataas ang kilay niya sa sinabi ni kuya.
Tumingin si Klaus kay Kuya, tapos sumulyap sa akin sa kaniyang likuran, bago muling hinarap ang kapatid ko.
"What do you mean?" seryosong tanong ni Klaus. Yung boses niya, parang boses ng judge na handang magbaba ng hatol.
Dito na ako tuluyang inatake ng grabeng panic attack. Nagsisimula nang pagpawisan ang mga palad ko, halos manginig ang tuhod ko, at feeling ko ay nag-vibrate ang buong kaluluwa ko sa takot.
Mabubuking na ba ako?
Pero bago pa man tuluyang magbuka ng bibig ang judgmental kong kapatid para tuluyan akong ilaglag, agad na sumingit si Ezekiel na parang isang superhero na walang kapa.
"Woah, woah. Gentlemen," agaw-atensyon ni Ezekiel habang pumapalakpak nang mahina at humakbang sa gitna ng dalawang nagbababaang alpha male.
Ngumiti ito nang napakalapad—yung ngiting alam mong may itinatagong kalokohan pero sobrang charming pa rin para sa mga investor.
"Stockholders' meeting ito, hindi interrogation. Let's focus on business, shall we? Sayang ang aircon ng pavilion kung magpapakiramdaman lang kayo riyan," natatawang hirit pa niya sabay senyas sa mga upuan.
'Thank you, Ezekiel! Hulog ka ng langit! Gusto ko siyang yakapin on the spot at bigyan ng lifetime supply ng kape dahil sa napakagandang timing ng pag-rescue niya sa akin!
---
After a few minutes, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Akala ko nga nanginginig na ang hita ko sa kaba. 
Dali-dali akong nag-excuse sa mga kaharap ko. Todo acting pa ako na parang may emergency or sasabog na ang pantog ko para lang makalabas agad.
Pipigilan pa sana ako ni Klaus—hawak na niya yung braso ko para pigilan ako—ngunit bigla siyang naharang ng ibang investors.
Halos takbuhin ko na ang daan palabas. Pagdating ko sa pinakadulo ng hallway, kung saan medyo tahimik at tago sa mga tao, agad kong sinagot ang tawag.
Sinilip ko ang screen habang humihinga nang malalim.
Si Kuya.
"What the hell do you think you're doing, Melissa?"
Napangiwi ako. Inilayo ko pa nga nang konti yung phone sa tenga ko kasi baka masira ang eardrums ko sa tindi ng high blood niya.
"Alam ba ito nila Mom at Dad?" sunod-sunod niyang tanong, parang pulis na nag-i-interrogate ng suspect.
Sinubukan kong mag-sounding cool kahit pinapawisan na ako ng malamig. "Oh, calm down, Kuya. Baka ma-heart attack ka." Sabi ko sa kanya, baka kasi ma-stroke siya sa galit, ako pa ang masisi.
Dahil sa sinabi ko, narinig ko ang pagmumura niya sa kabilang linya. Sabi ko na nga ba, mas lalo siyang mapipikon.
"This isn't a game!" sigaw niya ulit. High-pitch na naman ang boses ni Kuya, parang bata na inagawan ng laruan pero in a scary, corporate-brother way.
"Bumalik ka sa mansyon!" utos niya sa akin, na akala mo naman may kapangyarihan siyang i-teleport ako pabalik sa bahay.
"Walang alam sina Mom at Dad, Kuya," sagot ko para kahit paano ay kumalma siya. Pero deep inside, alam kong mas lalo lang siyang mai-stress kasi ibig sabihin, solo flight ko itong ginagawa.
Napairap ako. I made sure to roll my eyes kahit hindi niya nakikita. "And don't worry. I got this."
"Melissa!"
Halos mabingi ako. Sakit sa tenga. Literal na napalayo ko uli ang phone sa mukha ko. Kung may basag lang ang screen ko, baka lumabas na ang laway niya sa tindi ng sigaw niya.
"I don't care about your obsession!" dugtong pa niya.
Doon ako biglang natigilan. Mas lalo akong natahimik. Parang nawala bigla lahat ng pang-asar na lines sa utak ko.
"What concerns me is my company!" Galit na galit na talaga siya. "Evans is one of our biggest investors. At dinamay mo pa si Ezekiel sa kalokohan mo!"
Napayuko ako. Ang bigat sa dibdib. Para akong basang sisiw na nakatayo rito sa dulo ng hallway. 
Aray.
Masakit.
Pero totoo. Minsan talaga, kapag si Kuya ang nagsalita, tagos hanggang buto kasi alam kong siya ang boses ng reyalidad na pilit kong tinatakasan.
Katahimikan sa kabilang linya. Akala ko tapos na siya sa panenermon, pero bigla siyang nagsalita uli.
"One month."
Napakurap ako. Sandali, parang nag-hang ang utak ko roon.
"Huh?" tanong ko, medyo loading pa ang system ko.
"One month." pag-uulit niya, cold at seryoso ang boses.
"Kuya!" hirit ko agad. Isang buwan? Seryoso ba siya? Kulang pa 'yon para sa mga plano ko!
"After one month, tell him the truth." Yun lang ang sabi niya, parang nagbibigay ng deadline sa isang corporate project. No extensions allowed.
"Two months please," tawad ko agad. Kakapal na kung makapal ang mukha, pero kailangan ko ng time. Parang nakikipag-negosasyon lang ako sa Divisoria.
"No." short and sharp.
"Please…" pagmamakaawa ko, turning on my mental puppy-dog eyes kahit alam kong hindi niya nakikita.
Napapikit ako. This time, nawala na talaga lahat ng pagka-pilosopo ko. Na-drain na ang energy ko sa pakikipag-asaran. "Gusto ko lang naman siyang makilala."
Sinabi ko 'yon nang mahina, as honest as I could possibly be.
Pagkatapos niyon, biglang naging tahimik siya. Walang sumasagot, pero naririnig ko ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya. 
At bago pa siya makasagot—
"Hey, what are you doing there?" may boses ng babae sa kabilang linya.
"Mamaya na."
At binabaan niya ako.
As in, toot-toot-toot. Bastos talaga. Iniwan akong nakatunganga sa pader habang tinititigan ang screen kong nag-black out. Bastos talaga si Kuya, porket may lumapit lang na babae, kinalimutan na ang kapatid.
Habang pinag-iisipan ko kung paano ko siya itatakwil bilang kamag-anak, isang pamilyar at malamig na boses ang biglang bumasag sa emote ko.
"Why are you here?"
Napalingon ako.
Si Klaus.
At mukhang hindi maganda ang timpla. Kung kanina mukha siyang seryosong model sa stockholders meeting, ngayon mukha na siyang handang pumatay ng tao. 
"Who called you?" tanong niya, nakapamulsa habang matalim ang tingin sa akin. "Is that more important than this?"
Napalunok ako. Ang laway ko, parang naging semento sa sobrang kaba. Isip, Melissa, isip! Alangan namang sabihin ko na ang Kuya ko yung tumawag para i-threaten ang career ko?
"Ah… kaibigan ko po," palusot ko, biglang naging magalang at may pa-"po" pa dahil sa takot.
Tinaasan niya ako ng kilay, mukhang hindi benta ang script ko. Kaya para mas convincing, dinagdagan ko pa ang detalye ng kasinungalingan ko.
"May sakit siyang makakalimutin."
Seryoso, Melissa? 'Yun talaga ang naisip mong dahilan? Ginawa ko pang may early-onset dementia ang Kuya ko para lang makalusot. Kulang na lang sabihin ko na nakalimutan niya kung paano huminga kaya kailangan ko siyang i-remind sa telepono.
Mariin niya akong tinitigan.
Yung titig na parang tinatantya niya kung may sapak ba ako sa utak o sadyang pinapatawa ko lang siya. He didn't look amused at all. Parang mas lalo lang siyang na-stress sa narinig niya.
"You think I'm kidding? Who are you talking to?" tanong niya uli, bawat salita parang ice cube sa lamig. Halatang hindi niya binili yung Alzheimer's script ko para kay Kuya.
"Kaibigan ko nga po sir, may tinanong lang po siya," ulit ko, todo defensive habang nagmamakaawa ang mga mata ko. Kulang na lang mag-twirl ako sa harap niya para patunayang inosente ako.
Napailing siya.
Yung iling na puno ng disappointment, yung tipong “Bakit ba ako nag-hire ng alien?” style. Mukhang sumuko na siyang intindihin ang takbo ng utak ko, which is a good thing naman para sa akin dahil feeling ko sasabog na ang reasoning skills ko.
"Let's go," maikli niyang utos bago tumalikod.
---
Pagkatapos ng meeting, alas tres na ng hapon nang matapos kami. Literal na tunaw na ang utak ko at yung concealer ko sa mukha, sumuko na rin sa laban. Buong meeting, tanging pangarap ko lang ay pagkain.
Pareho na kaming hindi pa nakakakain. No breakfast, no lunch, pure stress and corporate dynamic fluids lang ang nagpapatakbo sa system ko buong araw. Feeling ko nga, pati si Klaus, mukha nang roasted chicken sa paningin ko.
Tahimik kaming naglalakad papunta sa restaurant ng resort. Grabe ang awkward ng katahimikan, maririnig mo na lang ang tunog ng hangin at ang mabigat naming mga hakbang sa semento. Para kaming naglalakad sa sarili naming libing, pero ang totoo, gutom lang talaga kami.
Hanggang sa bigla akong napahawak sa tiyan. Biglang nag-alburoto ang digestive system ko. Nag-produce ito ng sound effect na parang may active volcano sa loob ng tiyan ko, sapat na para marinig ng buong resort.
"Gutom na gutom na talaga ako," bulong ko. Siyempre, pabulong lang para may konting poise pa rin, pero deep inside, gusto ko na lang mag-lupasay sa sahig at mag-collapse para maging mukhang dramatic emergency.
Napahinto si Klaus.
Literal akong napatigil din sa paghakbang. Oh-oh. Masyado yata naging malakas yung bulong ko, o baka naman nag-echo lang talaga sa sobrang tahimik ng paligid. Dahan-dahan siyang humarang sa akin, at seryoso pa rin ang mukha niya.
"Why didn't you say so?" tanong niya, medyo salubong ang kilay pero nawala na yung galit sa boses niya kanina.
Napakurap ako.
"Huh?"
"Kanina ka pa walang kinakain," dugtong niya, habang nakatitig sa akin na parang sinusuri kung hihimatayin na ba ako sa gutom any minute now.
Napansin niya? Akala ko ba literal na robot at walang pakialam sa human rights itong si Klaus? Buong akala ko busy ang utak niya sa mga bilyong pondo ng kumpanya, pero na-track niya ang meal schedule ng tiyan ko.
"Can you work properly if you are hungry?" dugtong niya, looking at me with those cold, corporate eyes.
Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatakot. Hindi ko kasi mawari kung concerned ba siya sa health ko o baka nag-aalala lang siya na baka mag-kamali ako sa pag-compute ng data dahil low-blood na ako.
"Sorry po," mabilis kong sagot, looking down para maging mukhang kawawang assistant na disiplinado ang bibig pero rebelde ang tiyan.
"Come with me," utos niya kaya sumunod ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang private dining area.
At sa sobrang gutom ko—
Hindi ko na napansin na halos maubos ko ang steak, pasta, soup, at dessert. Literal na naging mukhang buffet for one ang lamesa namin. Yung poise ko, tuluyan nang nag-evaporate. Seryoso, para akong sumali sa mukbang challenge na walang camera— sunod-sunod ang subo, walang preno.
Pag-angat ko ng tingin—
Nakahawak lang si Klaus sa coffee cup niya. At tahimik akong pinagmamasdan.
Halos mabulunan ako.
"S-Sir?" Unti-unti nag slow mo ang kamay ko habang hawak ang kutsara pababa ng pinggan. Nakakahiya. Hindi naman ako patay gutom pero talagang nagutom lang ako ng sobra kanina. 
"Done?" tanong niya, ibinaba ang hawak niyang cup nang walang kaingay-ingay.
Tumango ako at ngumiti ng pilit. Yung ngiti na may kasamang matinding pananalangin na sana ay lamunin na lang ako ng lupa ngayon din.
"Yes po."
May kung anong dumaan sa mga mata niya. At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya—
Bahagya siyang ngumiti.
Hindi ko alam kung himala ba itong nakikita ko o baka naman na-amuse lang siya sa tindi ng appetite ko. Akalain mo 'yon, marunong pala ngumiti ang isang Walden Klaus Evans? At ang kailangan lang pala para mangyari 'yon ay ang panoorin akong ubusin ang kalahati ng menu ng resort.
"You eat like a squirrel preparing for winter."
Nabuga ko ang juice na iniinom ko. Pambihira. Akala ko pa naman gentleman profile line ang sasabihin niya, yun pala ihahambing lang ako sa isang squirrel na nag-iipon ng mani para sa taglamig. Hustisya naman sa ganda ko!
"Ano pong squirrel?!" gulat kong tanong, medyo lumaki pa ang mga mata ko sa depensa habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.
At sa kauna-unahang pagkakataon—
Narinig ko siyang mahinang tumawa.
Hindi malakas.
Pero totoo. Walang halong pilit, walang halong corporate sarcasm. Yung tawang galing talaga sa dibdib, parang nakakita siya ng totoong entertainment sa harap niya.
At Diyos ko.
Mas gwapo pala siyang tingnan kapag nakangiti.
Hindi ko namalayang natulala ako.
Literal na nag-hang ang system ko habang nakatitig sa mukha niya. Yung jawline niya na parang pwedeng makahiwa ng papel, tapos yung mga mata niyang may kakaibang kislap kapag tumatawa—lord, paki-pause naman ang oras! Nakalimutan ko na tuloy na kinumpara niya ako sa hayop kanina.
"Are you staring again?"
Binasag ng boses niya ang pagpapantasya ko. Bigla akong napaiwas ng tingin, tinitigan ko na lang nang mariin yung natitirang piraso ng steak sa plato ko na parang iyon ang pinakamagandang bagay sa mundo.
"Hindi po!" mabilis kong tanggi, kahit huling-huli na ako sa akto. Todo iling pa ako para mas mukhang convincing, kahit ang totoo ay epic fail ang depensa ko.
"Really?" tanong niya uli. Rinig ko ang pang-aasar sa tono ng boses niya, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa akin.
Bahagya siyang ngumiti habang nakalumbaba at diretsong nakatingin sa akin.
"Then stop blushing."
Nanlaki ang mata ko.
Pambihira! Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko mula sa paa hanggang sa mukha. At agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad, na parang sa ganoong paraan ay maitatago ko ang katotohanang mukha na akong maliwanag na stoplight ngayon.
"Hindi ako nagbo-blush, Sir! Mainit lang po talaga dito sa room, grabe yung aircon  parang sira," palusot ko, kahit ang totoo ay halos mag-yelo na ang buong paligid sa lamig ng private dining area.
---
Third POV
Samantalang sa di kalayuan—
Tahimik na nakamasid si Mackenzie. At katabi nito si Ezekiel na halos mapatawa. Nakatago ang dalawang 'to sa likod ng malalaking kurtina o ornamental plants ng resort, parang mga spy na nanonood ng live romantic-comedy show. 
"Couz is doomed." Ngumisi si Ezekiel. Todo siko pa siya kay Mackenzie habang tinitingnan si Klaus na bihirang-bihirang maging marupok. "Bro, I think Klaus is starting to like her."
Ngunit nanatiling seryoso si Mackenzie. Walang kabuhay-buhay ang mukha niya, na parang hindi niya nakikita ang nakakakilig na scenario sa harap nila.
"That's exactly what worries me," sagot niya, malamig at puno ng babala ang tono. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (4)

  • avatar
    Elaine Dcs

    Ang ganda update pls

    11d

      0
  • avatar
    Lex Dela Cruz

    amazing

    20d

      0
  • avatar
    twinkle

    Wow! Start to read🥰

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด