logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Melissa's Point of View
Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Kasama ko na rin sa bahay si Jane. Pagkapasok pa lang niya rito, agad na akong naglatag ng mga house rules.
Una sa lahat, no pets allowed.
May asthma kasi ako kaya bawal sa akin ang mabalahibong hayop. That was one of Ezekiel’s biggest worries, which is why he picked this specific house to buy for me. Sabi pa niya, kapag hindi maayos ang lilipatan ko, baka atakihin daw ako ng asthma at siya pa ang mapagalitan ng magulang ko.
"Good morning!" masiglang bati ni Jane, na daig pa ang sumlaklak ng tatlong sachet ng 3-in-1 coffee sa sobrang energy.
Pareho kaming maaga ang pasok kaya maaga rin kaming nagkukumahog maghanda. Walang gustong ma-late, mahirap na, baka bawas pa sa sweldo—at kailangan kong panindigan ang pagiging masipag na commuter at empleyado.
"Good morning din. Tara na?" aya ko, habang chine-check kung dala ko ba ang lahat ng ID at susi ko.
Habang naglalakad kami papunta sa kumpanya, doon ko napatunayan na hindi lang pala energy ang baon ni Jane—may kasama rin palang unlimited data para sa daldal. Ang dila niya, halos walang preno sa pagsasalita! Ang dami niyang tanong tungkol sa buhay-buhay, hanggang sa pumasok na kami sa main topic na paborito ng lahat: ang aking love life.
“May boyfriend ka na ba?” tanong niya, sabay siko sa akin na may kasamang mapanuring tingin.
Siyempre, dahil tapat akong mamamayan, sinabi ko ang katotohanan.
"Single," sagot ko.
Pero muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang bigla niyang idugtong ang hinala niya. Akala ba naman niya, boyfriend ko si Ezekiel?!
As in, yuck! Gross! Kadiri to the highest level!
Awtomatiko ngang napangiwi ang buong mukha ko, na halos magsalubong ang mga kilay ko sa matinding plot twist na naisip ng utak niya. Kung alam lang niya ang pinanggagalingan ng hinala niya, baka madiri rin siya.
Pinsan ko kaya ang lalaking 'yon! Ang dugong dumadaloy sa ugat niya, galing din sa pamilya ko! The thought of us being together romantically makes my skin crawl—para akong nakakita ng multo sa tanghaling tapat.
"Hala, grabe siya! No way! Friends lang kami. Period. No commas, no erasable ink!" pagtanggi ko sabay paypay ng kamay sa hangin, pilit na itinatago ang katotohanang mas higit pa sa 'friends' ang koneksyon namin dahil magkadugo kami.
Nakahinga siya nang maluwag at biglang napatawa, halatang natusok ang pride sa maling hula niya.
"Akala ko lang kasi sobrang close niyo, eh. I mean, the way he looks out for you? Kulang na lang maging bodyguard mo," sabi niya habang humihagikhik.
Napaikot na lang ang mga mata ko internally. Sus, kung alam mo lang, Jane! Kung alam mo lang kung gaano kakulit at pambihirang sakit sa ulo ang lalaking iyon kapag kaming dalawa lang ang magkausap. Overprotective lang 'yon dahil kapag may nangyaring masama sa akin, literal na itatakwil siya ng pamilya namin.
Dahil nakita ko ang pagkakataon para mag-divert ang usapan, ako naman ang bumanat at nagtanong na may kasamang nakakalokong ngiti. "O, bakit parang protective ka sa kaniya? Ikaw... do you like him ba?"
Boom. Huli pero di kulong! Biglang namula si Jane, daig pa ang kamatis na hinog na hinog sa sobrang bilis ng pag-akyat ng dugo sa mukha niya.
"H-Huh? Hindi naman... Ano ka ba!" nauutal niyang sagot, sabay iwas ng tingin.
At para mas maging guilty ang itsura niya, bigla pa talaga siyang huminto sa paglalakad sa gitna ng bangketa. Clutching her bag tightly, she tried to defense herself with the classic fan-girl excuse.
"May... may kamukha kasi siyang Korean actor na crush ko. Kaya siguro napapatingin ako... At tsaka ang bango niya pa, okay?" bulong niya, na halos hindi na lumalabas sa bibig niya sa sobrang hiya.
Napataas ako ng kilay.
"Ahhh... so substitute crush," pang-aasar ko sa kaniya, sabay siko nang bahagya sa braso niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata na para bang nakahuli ako ng isang napakalaking balita.
Dahil doon, napangiwi si Jane at lalong namula ang mukha. Halatang huling-huli pero pilit pa ring pumapalag!
"Hindi ah! Grabe ka naman!" depensa niya, habang pilit na nagpapakabusy sa pag-aayos ng strap ng bag niya para lang maiwasan ang nakakaloko kong tingin.
Natatawa ko namang tinapik ang balikat niya para pakalmahin ang nagwawala niyang nerves.
"Relax, gurl. Hindi ka nag-iisa," sabi ko habang umiiling-iling, tila isang eksperto na nagbibigay ng comforting advice. "Madami nang nabiktima ng mukha ng mokong na 'yon. Sa totoo lang, pwede na ngang i-display sa National Museum ang mukha niya—bilang halimbawa ng isang pambansang scam at paasa."
"Marami?!" ulit niya, at biglang nabaon sa kawalan ang boses niya. Tila ba bigla siyang nanlumo at pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig niya. Nabitawan na yata niya ang pangarap niyang K-drama love story kasama ang pinsan ko.
"Oo naman, as in pila-balde," dagdag ko pa, na may kasama pang hand gestures para mas dama ang bigat. "Kaya huwag ka nang magtataka kung isang araw, may makikita kang mga babaeng nakapila sa harap niya para lang bigyan sila ng isang ngiti. He’s like a walking charity event for broken hearts."
Pero imbes na matawa, biglang nalungkot nang tuluyan ang mukha niya. Bagsak ang mga balikat, at parang nawalan na ng lasa ang 3-in-1 coffee na ininom niya kanina.
Awtomatiko akong napaubo. 
Ay, teka lang. Seryoso pala si ate gurl! Akala ko nagbibiruan lang tayo rito habang naglalakad, bakit biglang naging teleserye ang vibes natin sa gitna ng kalsada?
"Uy, joke lang! Crush pa lang naman, hindi pa naman sila kasal," mabilis kong tukso at bawi sa kaniya, sabay siko nang bahagya para gisingin siya sa pagdadalamhati niya. Mukhang konting-konti na lang kasi, iiyak na siya sa harap ko, eh!
Mabuti na lang at agad naman siyang natawa, tuluyang nabasag ang teleserye-moment namin sa gilid ng kalsada.
"Baliw! O siya, let's go na, baka malate pa tayo" aya niya habang hinihila ako.
Pagdating namin sa kumpanya, pormal nang nagsimula ang aking day one. Agad akong inilibot ni Jane para sa aking grand office tour. Parang tour guide ang peg niya habang ipinapakita sa akin ang iba't ibang department, pati na ang mga bonggang amenities ng building.
At doon ko lang nalaman ang pinakamatinding rebelasyon—may sarili silang gym at swimming pool sa upper floors!
“Grabe, kumpanya ba 'to o resort?” bulong ko sa sarili ko, pero narinig pa rin niya. Kahit galing ako sa pamilya ng mga bilyonaryo at sanay ako sa karangyaan, iba pa rin pala kapag nakakita ka ng pool sa gitna ng isang corporate building. Akala ko ba magtatrabaho kami rito? Bakit parang may kasamang staycation card ang kontrata ko?
Natatawa naman si Jane sa naging reaksyon ko. "Sabi sa 'yo, eh. Pwede kang mag-workout during lunch break para bawas stress!"
At ang pinakamatindi sa lahat—nang makarating kami sa cafeteria, halos malaglag ang panga ko sa sahig. Napakalawak nito! Daig pa ang food court ng isang high-end mall.
May mga station para sa iba't ibang lutuin, at ang sikat ng araw mula sa malalaking glass windows ay nagbibigay ng five-star hotel vibe. Kung ganito kaganda ang tambayan, mukhang hindi ako sa trabaho tataba, kundi sa katakawan dito sa cafeteria!
"Ito ang cafeteria natin. Through our ID tayo nagbabayad dito, cashless facility siya," paliwanag ni Jane na may kasamang malawak na kaway ng kamay, animo'y ipinagmamalaki ang sistema. "Every cut-off, automatic na nilalagyan ito ng company ng allowance para sa pagkain natin."
Napatango ako habang pinagmamasdan ang mga hi-tech na scanner. Not bad, sa loob-loob ko.
Pero bago pa ako magsalita. Biglang nagbago ang atmospera sa paligid. May grupo ng mga babaeng empleyado ang halos magkandahirap sa pagtakbo at pagpigil ng kilig habang dumadaan sa harap namin. Para silang mga high school students na nakakita ng kanilang ultimate campus crush.
"Gurl, dalian mo! Nandiyan si Boss!" pigil-hiningang bulong ng isa.
"Oh my goodness, ang bango niya talaga! Buo na naman ang buong linggo ko, hindi lang ang araw ko!" sagot naman ng kasama niya habang nag-aayos ng buhok.
Napakunot ang noo ko sa tindi ng reaksyon nila. Grabeng kumpanya 'to, may swimming pool na nga, may pa-K-pop idol meet-and-greet pa ba sa gitna ng hallway?
Lumingon ako kay Jane na may halong pagtataka. "Impossible naman yata 'yang iniisip nila. Hindi naman siguro basta-basta pupunta rito sa cafeteria ang CEO—"
Naputol ang sasabihin ni Jane. Hindi dahil sa sumabat ako, kundi dahil literal na napa-singhap siya at nanlaki ang mga mata, na parang nakakita ng isang napakagwapong multo sa mismong entrance ng kainan.
At nang lumingon ako para tignan kung sino ang dahilan ng mass hysteria na ito—pumasok si Klaus.
Oh, wow.
Biglang tumahimik ang buong cafeteria. As in, zero-volume silence. Parang may invisible remote control na pumindot ng 'pause' sa mundo. Ang mga chismisang halos umalingawngaw kanina, biglang naglaho. Ang tanging maririnig mo na lang sa buong paligid ay ang mahinang pagkalansing ng kutsara na nabitawan ng isang empleyadong natulala. He was walking in slow motion, pulling focus like a main character in a prime-time drama.
Naka-suit siya, mukhang seryoso, at may aura na nagsasabing, 'I own this place—and probably your souls.'
Tumingin siya sa paligid, marahan ang bawat galaw ng mga mata niya na tila may partikular na hinahanap sa gitna ng dambuhalang crowd na ito. Todo iwas naman ng tingin ang iba, habang ang ilan ay pasimpleng nag-aayos ng postura.
Hanggang sa nagtama ang mga mata namin.
Literal na huminto ang tibok ng puso ko ng isang segundo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko—dapat ba akong yumuko? Magpanggap na pader? Pero bago pa man ako makapag-react, binaling niya ang tingin sa buong cafeteria at nagsalita gamit ang baritono at malamig niyang boses.
"Continue what you're doing."
Isang simpleng utos, pero sapat na para magpabalik sa wisyo ang lahat. Awtomatikong bumalik sa pagsubo ng pagkain ang mga tao, pero ang mga mata, nakaw patingin pa rin sa kaniya.
Susmaryosep. 
Boses pa lang, parang imported! Ang lalim at may accent na kayang magpatunaw ng kahit sinong makarinig. Kulang na lang ay lagyan ng background music ang bawat hakbang niya habang naglalakad siya sa direksyon namin.
At bago pa man rumehistro sa utak ko ang sitwasyon—in a span of just a few seconds—nasa harapan ko na siya. Literal na amoy-mayaman at mukhang mamahaling pabango ang humampas sa mukha ko. Ang tangkad niya, at kapag nakatayo siya sa harap mo, bigla mong maiisip kung sapat ba ang height mo para sa kumpanyang 'to.
"You're the new assistant secretary, right?" tanong niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko, walang kurap, at seryoso ang mukha.
Napakurap ako ng tatlong beses. Teka, assistant secretary? Ako?! Ah, oo nga pala, ito nga pala ang pinasukan kong trabaho para magkunwaring normal na mamamayan!
"Ah, yes, sir. Ako nga po," sagot ko, pilit na pinatitino ang boses ko kahit na medyo nanginginig na ang tuhod ko sa awra niya.
"Come with me," maikli niyang utos bago tumalikod, hindi man lang nag-atubili kung susunod ako o hindi. He just assumed I would—and honestly, who wouldn't?
Hindi pa lubusang gumagana ang utak ko at parang naiwan sa ere ang kaluluwa ko, nang bigla kong maramdaman ang isang malakas na tulak sa likod ko. Muntik na akong mapasubsob kung hindi ko nabalanse ang sarili ko. Lumingon ako at nakita ko si Jane na halos mapunit ang mukha sa pagngiti.
"Good luck, gurl! I-rampa mo ang ganda mo!" bulong niya na may halong matinding kilig at siko, animo'y ipinapamigay niya ako sa hari ng palasyo.
Huminga ako nang malalim, inayos ang aking corporate attire, at sumunod sa likod ni Klaus. 
Halos magkandakuba ako sa pag-keep up sa mahahaba niyang hakbang hanggang sa tuluyan kaming makarating sa VIP elevator.
Bumukas ang makintab na silver na pinto, pumasok kami, at dahan-dahang sumara ito.
At habang nasa loob kami... na-realize ko ang isang nakakapanindig-balahibong katotohanan. Dalawa lang kami. As in, kaming dalawa lang.
Biglang parang lumiit ang dambuhalang space ng elevator. Ang tahimik! Tipong maririnig mo yata kung paano mag-process ng matinding kaba ang mga internal organs ko. Dagdag pa rito yung amoy ng pabango niyang umaalingawngaw sa buong enclosed space—amoy pera, awtoridad, at wag-mo-akong-kakausapin.
Pasimple akong napalunok. Teka lang, nasaan ba si Secretary Cruz? Siya yung head secretary, ah! Bakit naiwan akong mag-isa kasama ang lalaking 'to? First day ko pa lang, hindi ko pa nga kabisado kung nasaan ang pantry tapos ia-assign agad ako sa Boss?!
Biglang lumingon si Klaus. Sa talas ng tingin niya, parang may built-in mind-reading device ang utak niya at nahagip ang nagwawalang WiFi signal ng isip ko.
"Secretary Cruz is unavailable due to a pressing matter," basag niya sa katahimikan gamit ang malamig at authoritative niyang boses na parang nag-e-echo sa loob ng elevator. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at walang-awang idinugtong, "You'll be taking his place in my meetings today."
Ano raw?!
Gusto kong himatayin nang very light. Lord, Day 1 pa lang po, isasabak na agad ako sa giyera ng mga board meetings?! Kahit anak pa ako ng bilyonaryo, wala sa plano ko ang maging instant proxy ng isang head secretary! Paano ko idedepensa ang sarili ko mamaya, gagawin kong shield itong ballpen at notebook ko?!
Habang nagpapanic ang buong pagkatao ko, nakita kong gumalaw ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin mula sa makintab na reflection ng dingding ng elevator.
"I don't tolerate slow responses or wasted time. Do you understand?" mariin niyang paalala.
My gosh. The tone of his voice? Parang ang sarap i-record tapos gawing alarm clock. Instead of getting intimidated, mechanical failure ang nangyari sa utak ko. I was literally staring at him. Super gwapo naman kasi ng mukha, mapanakit!
"Miss Assistant Secretary. Are you listening?"
"Ah! Yes, sir! Loud and clear!" mabilis kong bawi. Gurl, muntik na akong mawala sa wisyo. I had to compose myself real quick bago pa niya mapansin na natutunaw na ako rito sa tabi niya.
Napayuko ako sa sahig, invisible na lang sana ako bigla.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang reflection ng elevator at doon ko nakita kung gaano kalamig ang titig niya sa akin. Grabe, scary.
Patay talaga. First day ko pa lang naman sa trabaho, pero mukhang bagsak agad ako sa performance review at mapapagalitan na ako ng wala sa oras.
Bumukas ang pinto ng elevator at awtomatiko akong pumasok sa survival mode.
Pagdating ko sa executive floor, I didn't waste any single second. Hinanap ko agad ang table ni Secretary Cruz at parang magnanakaw na hinablot ang tablet niya. Grabe, literal na mabilis pa sa alas-tres ang pag-scroll ko habang nagdarasal na sana ay hindi naka-pattern lock ang gadget na 'to—kung hindi, I am officially dead on arrival.
Bitbit ang tablet na parang hawak ko ang kapalaran ng buong sangkatauhan, pumasok na ako sa kuweba—este, sa dambuhalang office ni Klaus.
Pagpasok ko, nandoon ang lolo mo sa dulo ng silid, mukhang nakikipagbakbakan sa kaniyang laptop. Ang bilis mag-type ng mga daliri niya, daig pa ang professional gamer, pero ang mukha niya? Seryoso kung seryoso. Walang emosyon. Parang pader.
"What is my schedule today?"
Awtomatiko akong tumayo nang tuwid, halos magka-fracture ang spine ko sa sobrang posture. Hinarap ko ang tablet na parang isang sundalong nagbabasa ng mission briefing sa kaniyang heneral. Clear format, walang utal. Game.
"You have a meeting at the Grand Hotel at 8:00 AM, followed by another one at the Courtyard at 10:00 AM. After lunch, you have a site visit at Ocean Park at 1:00 PM, then back to the office for a stockholders' meeting at 3:00 PM. And finally, sir, you have an early dinner at the Manhattan Hotel at 6:00 PM."
Pagkabasa ko, gusto kong maiyak para sa sarili ko. Grabe, anong klaseng schedule 'to?! Literal na ratratan! Wala ba siyang balak mag-banyo o huminga man lang sa pagitan ng mga oras na 'yan? At ang pinakamasakit sa lahat, kasama ako sa buong kalbaryong ito. 
Inasahan kong magrereact siya o kaya ay magrereklamo man lang sa siksik niyang araw. Pero walang kababakasang pagod o gulat sa mukha niya.
He just closed his laptop with a sharp snap, stood up effortlessly, and adjusted his suit.
"Good. Let's go."
At ako naman, napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung mauuna ba akong maglakad para pagbuksan siya ng pinto o hihintayin ko siyang maunang lumabas dahil siya ang boss. I was literally frozen in confusion.
Napansin niya yata ang pag-aalinlangan ko dahil huminto siya at nilingon ako gamit ang mapanghusga niyang tingin.
"What? Too much for you already?" tanong niya, na may kasamang sarkastikong ngiti.
"Ah, hindi po! Super ready, sir!" sagot ko na parang cheerleader na uminom ng limang energy drink.
Mabilis akong sumunod sa likod niya. Pero pagdating namin sa harap ng elevator, habang naghihintay na bumukas ang pinto, mechanical failure na naman ang nangyari sa mga mata ko. Nahuli ko na naman ang sarili kong nakatitig sa kaniya. Paano ba namang hindi ka mapapatitig? Perfect ang side profile niya, parang laging may invisible lighting na nakatutok sa mukha niya para magmuka siyang commercial ng mamahaling pabango.
Ting!
Bumukas ang elevator pero dahil busy ako sa pag-dissect ng ka-gwapuhan niya, hindi ako nakagalaw.
"Hurry up," malamig niyang utos habang pumasok na siya sa loob.
Mabilis akong natauhan at sumunod sa pagpasok, pero bago pa man mag-slide ang pinto para magsara, humarap siya sa akin at idinugtong ang isa pang nakamamatay na banat.
"I don't like absent-minded people."
Ouch. Sobrang diretso, walang preno! Parang binalatan ng buhay ang pride ko sa harap niya.
"Opo, sir. Sorry po," sagot ko na lang habang nakatitig sa sapatos ko, pilit na pinapakalma ang puso kong nagwawala sa kaba at asar.
Hindi ko lang masabi na ang dahilan ng absent-mindedness ko ay ikaw.
Pagdating namin sa parking lot, awtomatikong lumapit si Kuya Driver para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Normal protocol naman kasi para sa mga baguhang assistant na sa tabi ng driver umupo para i-navigate ang daan.
Pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko, nagsalita si Klaus mula sa kabilang bahagi ng kotse.
"Sit here beside me."
Teka, sandali. Sa likod? Katabi niya?!
Literal akong napatigil. Napatingin pa ako kay Kuya Driver na hawak pa rin ang hawakan ng pinto sa unahan. Pati siya, mukhang nagtataka at nanlaki ang mga mata sa utos ng Big Boss. In my mind, nagwawala na naman ang alarm system ko. Ang alam ko, ang mga bodyguard o kaya ang mga asawa lang ang tumatabi sa may-ari sa backseat, ah! Bakit ako na bagong hire pa lang ay may VIP seating arrangement agad?
"Ah, Ma'am, bilis na po, sumunod na kayo," pigil-hiningang bulong sa akin ni Kuya Driver, na parang natatakot na baka madamay pa siya sa lamig ng aura ni Klaus kapag pinag-antay namin ito.
At bago pa ako makatutol, halos itulak na ako ni Kuya Driver papunta sa backseat! Kulang na lang ay i-shoo niya ako palayo sa unahan para lang maisara niya agad ang pinto. Sinenyasan niya ako gamit ang mga mata niya na parang sinasabing, ‘Ma’am, huwag mo nang sagutin ang boss kung gusto mo pang mabuhay!’
Wala akong nagawa kundi ang sumubsob sa tabi ni Klaus. Nang mag-click ang pinto at sumara, na-realize ko kung gaano kalaki ang pagkakamali ko. The space was layout-wise spacious, pero dahil katabi ko siya, feeling ko nakakulong ako sa isang space capsule na kaming dalawa lang ang may oxygen supply!
Habang nasa biyahe kami patungong Grand Hotel, I tried my best to look professional, pero mechanical failure na naman ang mga mata ko. Pasulyap-sulyap pa rin ako kay Klaus sa peripheral vision ko. Paano ba namang hindi ka titingin? Ang tuwid ng upo niya habang nagbabasa ng kung anong financial report, mukhang pader na gawa sa mamahaling marmol.
"May sasabihin ka ba?"
Napatalon ako sa sobrang gulat, muntik ko nang mai-drop yung tablet na hawak ko.
"Ha? Ano po 'yun, sir?" tangang tanong ko habang mabilis na napaayos ng upo.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang papeles, binalingan ako ng seryoso niyang tingin, at nag-taas ng isang kilay. "Are you done staring at me?"
Hindi pa po. Kung pwede lang, gagawin ko itong full-time job.
Pero siyempre, sa loob-loob ko lang 'yun isinigaw.
"Focus and speak if you have something to say." malamig niyang dugtong bago muling ibinalik ang atensyon sa binabasa niya. Napaka-straightforward, walang kaabog-abog!
"W-Wala po, sir! I am just reviewing the schedule!" nauutal kong palusot. 
Ang gwapo mo lang po kasi talaga, sir. Kasalanan ng genetics mo kung bakit ako na-di-distract!
At dahil ayaw kong mahuli niyang namumula ako, agad akong tumingin sa bintana.
Pero sa isip ko...
Lord, first day ko pa lang. Baka hindi ako mapatay ng trabaho, kundi ng kagwapuhan nitong lalaking ito.
---
Mabilis kaming nakarating sa Grand Hotel. Agad namang bumaba si Kuya Driver upang pagbuksan kami ng pinto. I stepped out first and waited for Klaus to get down.
Pagkababa pa lang niya, tila may magic na nangyari.
Napansin siya ng guard at halos wala pang limang segundo ay nagsipilahan na ang mga empleyado sa entrance. Sabay-sabay silang yumuko.
"Good morning, Sir Evans!"
Klaus walked in with his head held high, completely unbothered. Ni hindi man lang niya pinansin ang sabayang pagbati ng mga ito. Samantalang ako, nasa likuran niya lang at napapatingin sa mga empleyadong who looked like they'd won the lottery just seeing their CEO looking every bit like a celebrity.
"Good morning, Sir. This way, please."
Isang babaeng mukhang manager ang sumalubong sa amin. Napatingin siya sa akin na tila nagtataka kung sino ako.
Ngumiti agad ako.
"Hi! I'm Isa, assistant secretary."
Ngumiti rin siya at nakipagkamay.
"Nice to meet you. I'm Tanya."
Pagdating namin sa conference room, muntik na akong mapahampas sa noo.
"Hey, bro! What's up?"
Si Ezekiel!
Ang babaero kong pinsan!
Nakipagkamay siya kay Klaus.
"Fine," simpleng sagot ni Klaus.
Napatingin naman si Ezekiel sa akin at lumapad ang ngiti nito.
"Oh, hi. Sino naman itong magandang babae sa harapan ko?"
May pakindat pa ang walanghiya!
Tinaasan ko siya ng kilay.
Bago pa ako makapagsalita, agad akong hinawakan ni Klaus sa braso at hinila papunta sa tabi ng mga secretary.
"Back off, dude. She's my new assistant secretary."
Pagkaupo ko, yumuko siya nang bahagya sa akin.
"Sit down here and don't even think about talking to him."
Iniwan niya akong tulala.
Ha?
Excuse me?
Ano 'yon?
Bakod?
Possessive?
Selos?
Hindi pa man nakaka-process ang utak ko ay may nagsalita sa tabi ko.
"Hi. May problema ba?"
Napalingon ako sa babaeng katabi ko.
"Wala naman."
"Kanina ka pa kasi tulala. Anyway, I'm Sandra, secretary ni Boss Ezekiel. Teka… nagkita na ba tayo? You look familiar."
Napakamot ako sa ulo.
"Huh? Baka kamukha ko lang. Isa pala, assistant secretary. Busy kasi si Secretary Cruz kaya ako muna ang sumama kay Boss Klaus."
Ngumiti siya.
Hindi ko maiwasang mapahawak sa sintido ko.
Buti na lang hindi ako madalas sumama sa opisina ni Ezekiel. Safe pa ang identity ko.
"Sorry, I'm late."
Napalingon ako at halos mapamura.
Oh my goodness!
Kakasabi ko lang na safe ako!
Bakit nandito si Kuya?!
Akala ko ba busy siya sa ibang branch sa ibang bansa?
"Is this chair available?"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Mukhang siya ang bagong secretary ni Kuya.
"Yes, para talaga 'yan sa'yo," masayang sagot ni Sandra.
"I'm Chloe, secretary ni Sir Mackenzie."
Mahinhin siyang ngumiti.
Napatingin siya sa akin.
"I'm Isa, assistant secretary ni Boss Klaus."
Pakiramdam ko, mukha na akong naiihi habang nakatitig siya sa akin. Lord, sana walang family picture sa office ni Kuya.
Nagsimula na ang meeting kaya agad akong nagbukas ng tablet para mag-take notes.
Isang oras ang lumipas.
Maayos naman ang meeting.
Ako lang ang hindi maayos.
Dahil isang maling lingon lang ng kapatid ko—
Pucha.
Maling lingon nga!
"Hey, are you done?"
Tanong niya kay Chloe pero sa akin nakatingin.
Nakataas pa ang isang kilay.
Mukhang ine-examine kung bakit ako naroon.
"What are y—"
"Hey, you coming or what? Let's go."
Parang anghel na bumaba mula sa langit si Klaus.
Save by the bell!
"Yes, Sir."
Nginitian ko nang sarcastic si Kuya bago sumunod kay Klaus.
---
Matapos ang Grand Hotel, dumiretso naman kami sa Courtyard.
Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga empleyado.
"This way, Sir."
Dinala kami sa isang malawak na hardin.
"Oh, great! You're here!"
Isang eleganteng babaeng nasa singkwenta ang lumapit.
Ngumiti siya sa akin bago tumingin kay Klaus.
"Hindi mo kasama si Secretary Cruz?"
"Some important matters."
"Ah, ganoon ba. Nandito pala ang anak ko. Iyong sinasabi ko sa'yo. Matutuwa ang mama mo kapag nalaman niyang nagkita na kayo."
Napangiwi ako.
Hindi ko pa nakikita ang babae, gusto ko na agad siyang sabunutan.
"Mom!"
Napalingon ako.
At doon ay halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan.
Diana Torres.
Ang mortal kong kaaway noong college.
Academic rival.
Babaeng dahilan kung bakit dalawang beses akong muntik ma-high blood sa Calculus.
Sa sobrang gulat ko, napahawak ako sa braso ni Klaus.
"Sir, pwede po bang mag-CR? Masakit po kasi ang tiyan ko."
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya.
Tumaas ang isang kilay.
Agad kong inalis.
"Sorry po."
"Go."
Parang tumakbo ang kaluluwa ko papuntang comfort room.
Pagkapasok ko sa cubicle ay agad kong tinawagan si Ezekiel.
"Hello, cous! Napatawag ka? Grabe 'yang crush mo, makatingin sa akin kanina—"
"Cous, listen first!"
"Oh. Serious voice."
"Nandito si Diana Torres!"
"Ah. 'Yung cutie brat?"
"Ezekiel!"
"Ok! Ok! Pupunta ba ako diyan?"
"No! Gumawa ka ng paraan. Tawagan mo si Klaus. Sabihin mong may emergency. Kahit ano!"
"Copy that. Relax ka lang."
Habang naghihintay ako, tumawag naman si Klaus.
"Where are you? Why aren't you back yet?"
Ay.
Galit.
Hindi nga ako nakapagsalita kaagad.
"Hmm, wait s-sir…" nauutal kong sagot habang pinipilit na gawing convincing ang boses ko. "Na L-LBM po kasi ako."
Tahimik sa kabilang linya.
"Just take the medicine. Gusto mo bang maiwan dito?"
Napakagat ako sa labi.
Hindi dahil sa pananakot niya.
Kundi dahil sa simpleng Tagalog niya.
Susmaryosep. Bakit ba ang cute kapag nagtatagalog siya?
"Hey! Am I still talking to someone?"
Napabalik ako sa katinuan.
"H-Hmm, wala po kasi akong gamot, sir."
"I have medicine. Come out, now. We're running out of time. We have to go."
At dahil medyo iritado na ang boses niya, halos mapasubsob akong tumayo mula sa toilet seat.
"Ay eto na po!"
Mabilis akong lumabas ng comfort room at halos takbuhin ang parking lot.
Pagdating ko roon, agad kong nakita si Klaus.
He was leaning against the car with his left hand casually tucked inside his pocket. Ang kanan naman ay may hawak na cellphone na nakadikit sa tenga niya. Seryoso ang mukha nito na parang may kausap na presidente ng bansa.
"Okay, I'm coming."
Binaba niya ang tawag at tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero I suddenly felt like apologizing, even though I had absolutely no idea what I did wrong.
Sumenyas siya.
"Get in."
Parang robot naman akong sumunod.
Pagkaupo ko sa tabi niya, tahimik lang ako.
Bigla naman siyang nagsalita.
"Are you ok now? Does your stomach still hurt?"
Napakurap ako.
Aba? Concern si crushy?
Napatitig pa ako sa kanya.
Ang seryoso pa rin ng mukha niya, pero may kakaibang lambot sa boses niya.
"Ah… ok na po ako, sir."
"Really?" Tinaasan niya ako ng kilay. "I have medicine."
Napangiwi ako.
Ay, lagot. Mabubuking na ako.
"Haha… oo nga po pala. Penge na lang po."
Parang may duda siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung iniisip niyang may sakit ako o iniisip niyang may topak ako.
Binuksan niya ang compartment sa gilid at kumuha ng gamot.
"Here."
Agad ko namang tinanggap.
"Thank you po."
Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
"Take it."
"Opo."
"Let me see"
Natigilan ako.
"H-Ha?"
"Take the medicine."
Susmaryosep! Hindi pala nagtitiwala!
Parang batang nahuling hindi umiinom ng vitamins, agad kong inilagay sa bibig ang gamot at uminom ng tubig.
Satisfied naman siyang tumango.
At eksaktong oras na iyon, iniligtas ako ni Kuya Driver.
"Saan po tayo, Boss?"
Napabaling ang tingin ni Klaus sa harap.
"HS Resort."
Halos mabilaukan ako sa tubig.
Ubo! Ubo!
Napalingon si Klaus.
"Still sick?"
"W-Wala po!"
Pero sa isip ko…
Really, Ezekiel?
Sa resort niyo pa talaga?
Pwede bang sa iba na lang?
Hindi kasi ordinaryong resort ang HS Resort.
Pag-aari iyon nina Ezekiel at Kuya Mackenzie.
Unang business nila na sila mismo ang nagpatayo.
At kahit magkaedad sila, para silang langit at lupa.
Si Ezekiel?
Walking disturbance.
Easy-going.
Madaldal.
Mahilig mang-asar.
At hindi kayang manahimik ng limang minuto.
Samantalang si Kuya Mackenzie?
Walking refrigerator.
Sobrang seryoso.
Laging walang emosyon.
At ang tingin sa jokes ay isang kasalanan sa sangkatauhan.
Hindi uso sa kanya ang "haha."
Ang meron lang ay—
"Hm."
At minsan, kapag masaya siya—
"Hm."
Parehong "Hm" pero magkaiba ng meaning.
Napahawak ako sa sintido nang biglang may sumagi sa isip ko.
Unti-unti akong napalingon sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ko.
Patay na.
Nandito pala ngayon si Kuya sa bansa! At kakakita lang namin kanina sa meeting. 
At siguradong nasa resort iyon!
Bigla akong pinagpawisan.
Kung kanina ay si Diana Torres ang problema ko…
Ngayon naman ay ang kuya kong mas nakakatakot pa sa final exams.
Kapag ma-confirm niya itong pinagkakaabalahan ko—
Tapos na.
Game over.
Mission failed.
Respawn na lang siguro sa susunod na buhay.
At ang pinakaunang papatayin ko?
Si Ezekiel.
Hindi ko na kailangan ng kutsilyo.
Sapat na ang dalawang kamay ko.
Humanda ka sa akin, Ezekiel.
Kapag nabisto ako, ipapakain kita sa mga isda sa resort niyo.
Tahimik akong napapikit habang nagdadasal.
"Lord…"
"Kung hindi Mo po ako maililigtas…"
"Kahit si Ezekiel na lang po ang kunin Ninyo."
Napamulat ako nang marinig ang malamig na boses ni Klaus sa tabi ko.
"What are you muttering about?"
Napangiti ako nang pilit.
"Wala po, sir."
Ngunit sa isip ko…
May huling habilin na ba ako?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (4)

  • avatar
    Elaine Dcs

    Ang ganda update pls

    12d

      0
  • avatar
    Lex Dela Cruz

    amazing

    21d

      0
  • avatar
    twinkle

    Wow! Start to read🥰

    23d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด