Melissa's Point of View Another day, another life. Ang sarap sana matulog buong umaga, lalo na't parang binugbog ang katawan ko sa stress ng interview kahapon. Pero bigla akong napabalikwas nang may tumatawag sa cellphone ko. Unknown number Binalik ko ang phone sa kama at humiga muli. Hindi naman ako mahilig sumagot sa mga hindi ko kilala. Natapos ang tawag, pero ilang segundo lang ay muli itong nag-ring. Napabuntong-hininga ako. Pabalang kong binuhat ang phone at tuluyan nang umupo sa gilid ng kama, ginugulo ang aking buhok. "What if emergency?" bulong ko sa sarili ko. Wala akong choice kundi sagutin. Huminga muli ako nang malalim, pinawi ang inis sa aking mukha, at pinindot ang screen. "Hello, good morning." "Hi, good morning. Is this Ms. Isa Garcia?" Isang pormal at pamilyar na boses ng babae ang sumalubong sa akin mula sakabilang linya. "Yes, speaking," sagot ko. Awtomatikong nagbago ang tono ng boses ko. Nawala ang pagiging tagapagmana na sanay mag-utos, at napalitan ng isang magalang at simpleng aplikante. "This is Jane, HR Assistant of WE Group. We are pleased to inform you that you have passed the final interview held yesterday. Kindly proceed to the same location to receive the list of requirements needed for your employment. Congratulations, and have a great day." Natigilan ako. Then… Nanlaki ang mga mata ko. I passed. "I'm… thank you." At binaba na niya ang tawag. Pagkahimasmas ko, agad kong tinawagan si Ezekiel. Hindi ko mapigilan ang pag-apaw ng excitement sa dibdib ko—for an heiress who can get anything with just a snap of her fingers, to win through my own wits using unknown name was a legendary kind of success. "Hey! What's up?" masigla niyang bati mula sa kabilang linya. Rinig ko pa ang ingay ng kung anong mamahaling sasakyan o background music sa pwesto niya. "Ezekiel! I made it! Nakapasa ako! Magre-requirements na ako!" "Oh, well, that's good, couz. I know kaya mo 'yan. Basta sundin mo lang ang mga advice ko." Masigla niyang tugon, halatang proud sa kaniyang one question, one answer rule na binitawan ko kahapon kay Klaus. "By the way, where are you?" "Nasa bahay pa ako, and I'm getting ready to head to the company," sagot ko habang ipinaiipit ang phone sa pagitan ng aking balikat at tainga. I paused for a moment and looked around. Lumingon ako sa paligid ng dambuhala kong kwarto, and I couldn't help but sigh. Mula sa king-sized bed na may silk sheets, sa naglalakihang crystal chandelier sa kisame, hanggang sa floor-to-ceiling glass walls na nakaharap sa malawak na garden at infinity swimming pool ng aming mansyon—ito ang reyalidad na pansamantala kong kailangang talikuran. I was leaving my literal palace to play the role of a simple citizen of the country, and honestly? The adrenaline rush was insane. "Oh, great. Sakto," Ezekiel’s voice chuckled from the other end. "Nakahanap na ako ng apartment na lilipatan mo. Susunduin kita ngayon, then after your business sa company, deretso na tayo sa apartment so you can check the place out." Napangiti ako nang malawak. My brilliant cousin actually pulled it off. Si Ezekiel talaga, pagdating sa mga seryosong back-up plan ng disguise ko ay maaasahan mo. Para tuluyan kong mapanindigan ang pagiging isang simpleng Isa Garcia sa harap ni Klaus, hindi ako pwedeng ihatid-sundo ng kotse mula sa mansyong ito araw-araw. Kailangan kong lumipat sa isang ordinaryong apartment na malapit sa WE Group. "The best ka talaga, Ezekiel! You're a lifesaver," I beamed. "Libre kita ng kape mamaya." "No problem, couz. Mag-ready ka na. Papunta na ako." Ibinaba ko ang aking cellphone at mabilis na naglakad patungo sa aking walk-in closet. Nilagpasan ko ang mga hilera ng Chanel, Gucci, at Prada na paborito kong isuot. Sa halip, dumiretso ako sa pinakasulok kung saan nakatago ang ilang piraso ng simpleng office attire na binili ko pa kahapon pagkagaling ko sa interview. It was a modest, unbranded white blouse and a pair of basic slacks that I grabbed from a regular department store. The fabric felt completely different from the silk and cashmere I was used to, but it was the ultimate camouflage. Habang isinusuot ko ang simpleng white blouse at sapatos, naramdaman ko ang kakaibang pananabik sa aking dibdib. Ngayong araw, bago ko tanggapin ang listahan ng requirements mula sa company, tuluyan ko nang iiwan ang marangyang buhay sa mansyong ito para lumipat sa apartment. I took one last look at my grand, air-conditioned room. It was time to lock away the billionaire heiress and step into the shoes of a simple hardworking citizen. --- Mabilis akong nag-ayos. I double-checked my reflection in the mirror, making sure absolutely nothing on me looked expensive. Walang mamahaling alahas, walang designer watch, at walang kahit isang luxury brand na pwedeng magbukod sa totoong estado ko sa buhay. I had to look like a normal, average girl trying to survive the corporate world, kaya pinalitan ko rin ang paborito kong luxury perfume ng isang simpleng cologne. At pagkarinig ko ng busina ng sasakyan ni Ezekiel mula sa malawak na drive-way ng mansyon, dali-dali akong bumaba. Bitbit ko ang isang simpleng bag na naglalaman ng mga paunang dokumento ko. "Wait, couz!" sigaw ko nang mapansing umaandar na nang bahagya ang kotse niya. I literally panicked for a second. Halos matapilok pa ako sa enggrandeng hagdanan ng mansyon habang pilit na inaayos ang pagkakasuot ng sapatos ko. Ang hirap talagang magmadali kapag hindi ka sanay sa mga mumurahing flat shoes na binili mo lang sa kung saan. My feet were used to custom designer heels, kaya ang maglakad nang mabilis gamit ang matigas at murang sapatos na ito felt like a whole new challenge. "Easy, Cinderella. Baka maiwan mo ang sapatos mo sa hagdan ng palasyo, mahirapan si Prince Charming mong hanapin ka," pang-aasar niya, na malinaw na tumutukoy kay Klaus. "Shut up. Let's go," iritado ngunit natatawa kong bawi habang mabilis na binubuksan ang pinto. I slammed the door shut and buckled my seatbelt as fast as I could. Pagkapasok ko sa kotse, ngumisi na naman siya—that signature, mischievous smirk of his that always meant trouble. "Well, well. How does it feel knowing you're about to get closer to your crush? Kinakabahan ka na ba?" he teased, shifting the gear while glancing at me sideways. Sumimangot ako, my mood instantly switching from excited to annoyed. "Couz, gusto mo ng sapak?" I threatened, glare settling on his face. Inangat ko ang kamao ko right in front of his face, making sure he could see just how tightly clenched my knuckles were. I wasn’t bluffing, and he knew it. Agad siyang napaatras, flinching away and leaning his back completely against the driver’s side door. He raised his hands in mock surrender, his playful confidence evaporating in a second. "Tsk. Wala akong laban sa black belter," he muttered, turning his gaze back to the road but keeping a safe distance from my right hook. Napangisi ako. Judo Taekwondo Jiu-jitsu Simula bata pa kami, sinanay na kami ni Kuya para sa self-defense. "Mag-drive ka na lang." --- Pagdating namin sa WE Group, agad akong bumaba at pinaghintay ko na muna si Ezekiel sa 'di kalayuan. I checked my surroundings before stepping out. Baka may makakita pa sa aming magkasama, and that would easily blow my cover. Mahirap na. He was driving a luxury car, at hindi tugma sa profile ng isang ordinaryong aplikante ang ihatid ng ganoong klaseng sasakyan. I took a deep breath, adjusted my cheap canvas bag, and confidently walked into the grand lobby of the corporate building. "Congratulations once again, Ma'am!" Ngumiti ang babaeng nag-assist sa amin kahapon pagkakita sa akin sa HR department. She handed me a neat folder with a warm, welcoming expression. "Here are the requirements you need to complete. Secretary Cruz is already handling a considerable workload, so we hope you can submit them as soon as possible," she added politely. "Thank you so much. I'll make sure to process these right away," I replied with a sweet, humble smile, playing my part perfectly. "By the way, I'm Jane. HR Assistant," she introduced herself with a friendly smile, extending her hand across the desk. Nakipagkamay ako, keeping my grip polite and professional. I needed to build a good network inside the company, and having a friend in HR was definitely a strategic start. "Thank you, Ma'am Jane." "Oh, Jane na lang," she corrected warmly, waving her other hand casually. "We're going to be colleagues anyway, so no need to be so formal outside of business hours." Ngumiti ako. "Salamat, Jane. I really appreciate the help." --- Paglabas ko ng HR department, agad akong nagmadaling maglakad patungo sa exit para balikan si Ezekiel. I was looking down, busy checking the document folder in my hands, when suddenly— Bam! May nabangga akong matigas na pader. Or at least, it felt like a wall. Ang lakas ng impact kaya napaurong ako at halos mabitawan ko ang mga hawak kong papel. I gasped and quickly looked up to apologize. Pero literal na napatigil ang mundo ko nang mapagtanto kung sino ang hinarangan ko. It was him. Walden Klaus Evans! Oh, my goodness. I hated his guts, but looking at him up close right now? Ang gwapo! He was wearing a perfectly tailored charcoal gray suit that hugged his broad shoulders, and his dark hair was neatly styled. Up close, his features were incredibly sharp, and he smelled like expensive sandalwood and success. "Be careful," tipid at baritono niyang salita. Napakurap ako, totally frozen on the spot. Seryoso siyang nakatingin sa akin, ang kaniyang madidilim at tila nang-aakit na mga mata ay nakatitig nang diretso sa akin. At swear, muntik nang malaglag ang panty ko sa lalim ng tingin niya. There was an intense, magnetic aura around him that I didn't notice during my chaotic interview. But before I could even open my mouth to speak, the cold, arrogant boss inside him quickly took over. Ang gwapo niyang mukha ay seryosong seryoso, walang kahit isang bakas ng emosyon. "I expect my employees to maintain discipline. I won't tolerate reckless behavior inside my company," he added coldly, his voice cutting through my temporary daydream. At pagkatapos sabihin iyon… Umalis siya. He just brushed past me without even waiting for my response, leaving a faint scent of his expensive cologne lingering in the air. Ang kaniyang mga bodyguard ay mabilis na sumunod sa likod niya, completely ignoring my existence. Natulala ako habang nakatingin sa kaniyang papalayong likod. My jaw practically dropped. Grabe. Ang cold. He didn't even check kung nasaktan ba ako o kung okay lang ako. He just delivered his robotic, ice-cold warning and walked away like the ultimate corporate king that he is. Napangisi ako. "Interesting," I whispered to myself, watching the executive elevator doors slide shut. My competitive spirit was officially triggered, pero deep down, there was a tiny, hidden part of me that was screaming. Damn it. As much as I hated his arrogant attitude, I couldn't deny the sudden flutter in my chest. He was exactly my type—dark, mysterious, and devastatingly handsome. --- "Ang tagal mo," reklamo ni Ezekiel nang makapasok ako sa kotse. He was tapping his fingers impatiently against the steering wheel, glancing at the dashboard clock. "Akala ko ba kukuha ka lang ng list ng requirements? I was about to go inside and rescue you." "Nakabungguan ko lang naman ang cold mong kaibigan," pabalang kong sagot habang isinusuot ang aking seatbelt. I rolled my eyes, trying to sound completely annoyed to cover up the lingering warmth in my cheeks. Just the thought of Klaus's deep voice and intense gaze was making my heart do uninvited flips. Napangisi siya nang malawak. That annoying, all-knowing smirk immediately returned to his face, and he looked at me like he just discovered a gold mine of gossip. "Oh? You ran into Klaus? What did the ice prince do this time?" he teased, shifting the car into drive and slowly pulling out of the driveway. "Sinungitan ka ba agad on your first day as an official employee?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Super sungit. He told me he won't tolerate reckless behavior inside his company," I scoffed, looking out the window so Ezekiel wouldn't notice the subtle smile tugging at the corners of my lips. Sungit-sungit mo, pero ang gwapo mo pa rin, I thought to myself, burying my crush deeper into my heart. --- Pagdating namin sa apartment… Napahawak ako sa bibig ko. My jaw literally dropped to the floor the moment he pushed the door open. "Ano 'to?!" bulaslas ko. Kung may five-star hotel, siguro may five-star apartment din. At ito na iyon. The floors were made of polished, pristine marble, and the floor-to-ceiling windows offered a breathtaking view of the city skyline. Sobrang hi-tech ng digital lock system at built-in smart appliances, sobrang laki ng living area na kasya ang isang buong baranggay, at sobrang sosyal ng minimalist aesthetic ng bawat sulok. It felt less like a normal employee's apartment and more like a luxury penthouse suite for a CEO. "You like it?" Binatukan ko kaagad si Ezekiel. "Aray naman! Mapanakit ka talaga!" reklamo niya habang hinihimas ang kaniyang batok, looking at me like I just committed a crime. "Ezekiel! Sabi ko lowkey lang!" bulyaw ko sa kaniya, my voice echoing in the massive, elegant living room. "I asked for a simple, ordinary apartment para sa disguise ko bilang isang simpleng mamamayan! Paano ko mae-explain kay Klaus o kahit kanino sa kumpanya kung makita nilang nakatira ako sa ganitong karangyang lugar?!" "Couz, ito ang pinakamalapit sa company," depensa niya agad, stepping back to safety habang itinataas ang kaniyang mga kamay. "Fully paid na rin ito. Touch move. Wala ka nang choice." Napahawak na lang ako sa noo ko, feeling a massive headache coming on. How on earth was I going to play the role of a struggling, hardworking citizen of the country while living like royalty right under his radar? Napailing na lang ako. Ganito talaga ang pinsan ko. He always does things in the most extra, over-the-top way possible, completely ignoring the word moderate. Ezekiel Johan Dwyane Harrison. CEO of the Harrison Group of Companies. Behind that playful, relaxed facade was a powerful business tycoon handling a massive empire. He was easy-going, mahilig mag-travel sa kung saan-saang sulok ng mundo, at isang certified babaero na laging laman ng mga dating rumors sa business industry. Pero pagdating sa akin… Spoiled rotten ako sa kaniya. He would give me anything and everything I wanted before I could even ask for it. Minsan nga, mas gusto ko pa siyang maging kapatid kaysa sa kuya kong ipinanganak yata sa sama ng loob sa sobrang sungit, seryoso, at boring sa buhay. "Hey!" tawag niya sa pansin ko, proudly gesturing to the grand hallway of the apartment. Napairap ako, walking past him to inspect the place. At nang buksan ko ang mga pinto sa pasilyo, halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. "Limang kwarto?!" hindi ko makapaniwalang bulaslas. Pambihira talaga ang lalaking ito. Isang tao lang ang titira dito pero ginawa niyang boarding house ng mga mayayaman ang buong palapag. "Yep. May mini bar, kumpleto ang groceries, appliances, lahat. Ayaw kong mag-alala ka pa," sagot niya habang nakapamulsa, looking incredibly satisfied with his work. He really thought he did something amazing. Ngumisi siya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ezekiel, isang simpleng empleyado lang ako sa company ni Klaus! Paano kung bigla siyang mag-check ng address ko?" He just chuckled, completely unfazed by my mini-tantrum, and leaned casually against the counter. "Chill, couz. Don't worry about the cleaning part. I already hired a private cleaning service that will come in twice a week when you're at work. Discrete sila, so no one will know," he explained with a wink, looking entirely too proud of his coordination skills. "And about Klaus checking your address? Relax. In the system, this whole building is under one of my dummy real estate companies. If he looks it up, it’ll just show up as a standard rented unit. Stop stressing." "At isa pa, nakikita mo namang mag-isa lang ako Ezekiel, hindi ba? Aanohin ko ang natitirang kwarto? Are you even thinking?!" inis kong sabi sa kaniya, dropping my folder onto the kitchen island with a loud thud. Tumaas ang kilay niya at ngumiti ang loko. The mischievous glint in his eyes returned, and I instantly knew he was planning something behind my back. "Gusto mo nang may kasama?" he asked, crossing his arms and leaning forward with a teasing grin. "Whatever," I snapped, rolling my eyes as I crossed my arms tightly over my chest. "I don't need a roommate, Ezekiel. Ang kailangan ko, isang normal, maliit, at madaling linisin na apartment para mukha talaga akong kapus-palad na sekretarya!" "Actually… may kilala ako," he revealed smoothly, ignoring my complaints completely. He pulled out his phone, scrolling through his contacts with a smug look on his face. Napatingin ako sa kanya. Seriously? "Need niya rin ng matitirhan." "Isa ba 'yan sa mga babae mo? Ezekiel?" asik ko sa kaniya, dahan-dahang itinaas ang kamao ko para seryosong takutin siya. Mabilis siyang nagtago sa likod ng sofa. "No! Actually, kakakilala ko lang sa kaniya," tanggol niya sa sarili habang sumisilip mula sa likod ng sandalan. "Kakakilala mo lang tapos papatirahin mo dito?! Nahihibang ka na ba?!" asik ko. My jaw practically dropped. "Cous, nag-aalala lang naman ako sa kaligtasan niya," katwiran niya na parang isang tunay na ginoo. Tinaasan ko siya ng kilay. "Lakas ng loob mong sabihin 'yan!" puna ko. "Ano bang pinakain sa'yo ng babae mong 'yan—" "Hindi ko nga siya babae!" pinuputol niya agad ang sasabihin ko, todo-depensa ang mukha. "Seryoso, couz. She's completely harmless. At tsaka, isipin mo 'to—kung may kasama ka rito na mukhang ordinaryong tao, mas magiging kapani-paniwala ang disguise mo bilang simpleng empleyado. Parang naghahati lang kayo sa upa!" Ding dong Pareho kaming napalingon sa pinto. Ang lakas ng tunog ng doorbell sa tahimik at malawak na aprtment. Sinamaan ko muna ng tingin si Ezekiel, bago ako humakbang patungo sa may intercom at tiningnan ang monitor. Sino naman ang pupunta rito sa ganitong oras? Siya na ba ang tinutukoy ng magaling kong pinsan? Napakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha sa screen. "What is she doing here?" bulong ko sa sarili ko. My heart skipped a beat in sheer panic. Binuksan ko ang pinto para kumpirmahin kung tama ba ang nakita ko. At nagulat din siya nang tumambad ako sa harap niya. Halos mabitawan niya ang hawak niyang maliit na bag habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa numero ng pinto. "Ms. Isa?!" gulat niyang tanong, ang mga mata ay nanlalaki sa hindi makapaniwalang pagkakataon. Si Jane. Ang HR Assistant na kababati ko lang sa WE Group kanina. "Are you the owner?" tanong niya, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa marangyang interior sa likod ko. "Hindi, sa kaibigan ko ito," mabilis kong sagot habang pinipilit na huwag mautal. Natigilan siya saglit at mukhang may malalim na iniisip, looking completely confused as to why a newly hired, ordinary secretary was standing inside a multi-million apartment. Langya ka talaga, Ezekiel. I swore to myself, planning ten different ways to murder my cousin in his sleep. Of all the people in the city, he just had to find someone from Klaus's own HR department! Pero bago ko pa man maisip kung paano lulusutan ang sitwasyon, biglang lumiwanag ang mukha ni Jane nang tumingin siya sa bandang likuran ko. "Ezz!" masaya niyang tawag. Napasinghap ako. Ezz?! May nickname pa talaga?! At kailan pa naging "Ezz" ang Ezekiel Johan Dwyane Harrison sa mga ordinaryong tao?! "Ezz! I'm here!" tawag ni Jane mula sa labas ng pinto, looking totally relieved and excited to see him. Lumabas naman ang loko kong pinsan mula sa living room, matching her energy with his casual, effortlessly cool walk. He checked his watch and offered her a warm, charming grin. "Oh, Jane. You're here," he said smoothly. Napakunot ang noo ni Jane, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. She looked completely out of the loop. "Ah, ito pala ang—" "Kaibigan." Ako na ang sumalo sa sasabihin niya bago pa tuluyang mabuking ang ugnayan naming magpinsan. Mas lalong sasabog ang disguise ko kung malalaman ng HR department na pinsan ko ang isang Harrison. "Magkaibigan kami," dugtong ko, enforcing a sharp, warning glare directed straight at Ezekiel. Sinamaan ko siya ng tingin nang akbayan pa talaga ako ng pinsan ko na parang napilitan lang. The absolute audacity of this guy! He was leaning into the cover story entirely too much, giving my shoulder a reassuring squeeze while suppressing a tease of a laugh. "Yep, Jane. This is Isa, my good friend," patuloy ni Ezekiel na parang walang kasalanan. "Siya ang makakasama mo dito sa unit habang naghahanap ka pa ng permanenteng matitirhan." "Pasok ka, Jane," alok ni Ezekiel at tuluyan na ngang pumasok si Jane. Pinaupo ko muna si Jane sa sofa habang namamangha naman ito sa apartment. Pabalik-balik ang tingin niya sa naglalakihang bintana at sa mamahaling disenyo ng buong palapag. She looked like she couldn't believe her luck. "Sabi mo sa pinsan mo itong unit. Nasaan na siya?" nagtatakang tiningnan ni Jane ang pinsan ko. Napakamot si Ezekiel sa kaniyang sintido, halatang mabilis na nag-iisip ng idadahilan para hindi kami mabuking. "Ah… nasa States na," sagot nito habang pilit ang ngiti. Napaubo ako sa narinig ko. "Tama-tama, kailangan din kasi ng kaibigan ko ng roommate," patuloy ni Ezekiel habang nakatingin nang makahulugan sa akin, humihingi ng tulong gamit ang kaniyang mga mata habang nagdadahilan itong pinsan ko. "Kaya perfect timing na naghahanap ka rin ng matutuluyan, Jane. At least, may kasama si Isa na maghati sa... sa mga bayarin." Ngumiti si Jane, her eyes lighting up instantly like a kid in a candy store. "Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yep," nakangiting sagot ni Ezekiel, doing his best to look like a benevolent savior while ignoring my death stares. "Pwede?" paniniguro pa ni Jane, turning her hopeful gaze towards me this time. "Of course," pilit-ngiti kong sagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na. Halos mapatalon sa saya si Jane sa narinig niya, clasping her hands together. "Oh my gosh! Thank you! Nice seeing you again, Miss Isa. Hindi ako makapaniwalang magiging roommates tayo!" "Nice seeing you too, Jane. At Isa na lang, masyadong pormal 'yung Ms." sabi ko na lang habang unti-unting tinatanggap ang tadhana ko. At pagkatapos sabihin iyon, excited siyang umalis para mag-empake. Pagkasara ng pinto… Dahan-dahan akong lumingon kay Ezekiel. Ang kanang kamay ko, kusang gumapang pababa sa gilid ng sofa para maghanap ng sandata. "So… siya pala?" malamig kong tanong, unti-unting naniningkit ang mga mata ko sa kaniya. Ngumisi siya nang alanganin, dahan-dahang umaatras papalapit sa pinto. "C-Couz, kalma—" "Aray—!" Binato ko siya ng unan mula sa sofa. Sapul sa mukha! "Dapat lang sa'yo 'yan!" singhal ko habang naghahanap pa ng isa pang unan na pwedeng ihagis. "Couz!" daing niya habang isinasalo ang braso niya para protektahan ang sarili. "Magiging katrabaho ko 'yan! Paano kapag nalaman niya ang sekreto ko?!" asik ko, frustrated na napasabunot sa sarili kong buhok. "Ang liit-liit ng mundo sa WE Group, Ezekiel! HR Assistant siya! Isang maling galaw ko lang, isang maling salita tungkol sa totoong pagkatao ko, pwedeng-pwedeng makarating kay Klaus!" At kapag nakarating kay Klaus, hindi lang ang disguise ko ang masisira—pati ang pagkakataon kong mapalapit sa kaniya nang hindi niya nahahalata ang nararamdaman ko, maglalaho na parang bula! "Sorry na!" patawad niya, itinataas ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. "Huli ko na nalaman na sa WE pala siya nagtatrabaho. Hindi ko na mabawi kasi sobrang saya niya." Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko. Grabe, ang sakit sa ulo ng pinsan ko. "Tsk." Humiga ako sa sofa, staring blankly at the high-tech ceiling of this ridiculously massive apartment. Bumuntong-hinto ako nang malalim, hinahayaan ang sarili kong lumubog sa malambot na unan habang pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na 'to," bulong ko sa sarili ko, looking totally defeated. Wala na rin naman akong choice. Hindi ko naman pwedeng kaladkarin palabas si Jane lalo na't nakita niya na ako rito at alam niyang magkakilala kami ni Ezekiel. At sa hindi ko inaasahan… Hindi lang pala si Walden Klaus Evans ang magiging problema ko. Ang akala kong simpleng plano para makalapit at makatrabaho ang crush ko nang tahimik, biglang nagkaroon ng matinding plot twist. Mukhang pati ang overly friendly kong magiging roommate… makakadagdag pa sa stress ng double life ko. Paano kung magkuwentuhan sila sa opisina? Paano kung magtaka si Jane sa mga mamahaling gamit na baka madulas kong madala? Isang maling kilos ko lang talaga, pwedeng gumuho ang buong disguise ko. At pakiramdam ko… Simula pa lang ito ng gulo. At ang gulo na 'to, siguradong magdadala sa akin nang mas malapit—o mas malayo—sa mailap at cold na si Walden Klaus Evans. "Umalis ka na nga rito, Ezekiel," taboy ko sa kaniya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, itinataas ang isang kamay para ituro ang pinto. "Bago pa magbago ang isip ko at tuluyan kitang masapak."
Ang ganda update pls
16d
0amazing
25d
0Wow! Start to read🥰
26d
0ดูทั้งหมด