logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Joshua's POV.
Habang nag da-drive hindi ko maiwasan na sumulyap sa babaeng nasa back seat.
Hindi ko ugali na mangialam ng gamit ng may gamit, at lalong hindi ako yung tipo ng tao na gumawa ng bagay na labag sa loob ko.
Pero ng makita ko s'ya kanina habang kumakanta ng umiiyak, parang may kung ano sa loob ko na nalulusaw.
Nahahawa ako sa emosyon n'ya...
Isang bagay na ipinagtataka ko ngayon.
Hindi ko naman intensyon na panoorin s'ya kanina, pero dahil sa paki-usap ng Mommy ko ay pumunta ako sa Resto-bar na pag-aari namin.
Hindi ko alam na ang tinutukoy ni Mommy sa tawag n'ya ay ang babaeng 'to.
Napatigil ako sa pag pasok sa loob kanina nang makita ko s'ya at ang mga kaibigan n'ya.
It's just a coincidence.
Napagpasyahan ko na lang na sa labas ko na lang sila hihintayin.
"Hmmmmm... hindi na ako~~aasha pang mule~~~ayoko ng mashaktan pang mule~~" napatingin ako sa rearview mirror dahil sa narinig ko.
Akala ko ay nagsasalita o tumutula s'ya habang tulog, pero ng magtama ang paningin namin sa salamin at nakita ko s'yang nakasandal ng nakatagilid sa backseat ay natigilan ako.
Aksidente kong natapakan ang preno ng sasakyan.
"A-ano ba!?" inis na tanong n'ya sa akin ng masubsob s'ya dahil sa biglaan na pag preno ko.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil nang lumingon ako sa kanya ay muntikan na kaming magka-untugan.
Napansin nya  naman 'yon kaya umayos s'ya ng upo.
"Baka gushto mong ako nalang ang mag drive?" sarkastikong tanong n'ya pa.
Amoy ko hanggang dito sa driver's seat ang umaalingasaw na amoy ng alak mula sa bibig n'ya.
"A-ahmmm..sorry, nabigla lang ako." paumanhin ko na lang
"Tsk..umayosh ka ahh," singhal n'ya.
Inangasan pa ako.
Nag drive nalang ako ulit at hindi na nagsalita pa, hanggang makarating kami sa kanila.
Bumaba ako at tinulongan ko s'yang nakababa at maglakad ng maayos.
"Tsk!hindi ako pilay,kaya ko ng maglakad mag-isa," sabi n'ya sabay bawi sa braso n'yang hawak ko.
"Peste, kung hindi lang ako nautusan ni Mommy, ewan ko lang talaga!"
Gusto kong sabihin iyon, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Baka mapahiya pa ako lalo sa sarili ko.
Pinanood ko na lang s'yang maglakad ng gigiwang-giwang.
'Kaya pala ahh...tss'
Lumapit s'ya sa mga kaibigan n'ya na nasa may gate ng malaking bahay.
~~~Doorbell~~~
"Oh, mga hija... nand- Oh my goodness! ano'ng nangyari sa'yo Dienne!!!??" gulat na sigaw ng babaeng nag bukas ng gate.
Mommy n'ya siguro...
"Oh, hi Nanny Mela!magandang~~~gabi~~~p-pwede na po ba kameng pumashok?hihi" ngingisi-ngising bati n'ya sa babae.
Akala ko mommy n'ya... Nanny lang pala.
Hindi ko lubos maisip na sa edad n'yang 'yan,may Nanny pa sya.
"O-ohh,ehhh...Pasok,pasok kayo," aya ng Nanny n'ya nang makabawi sa gulat dahil sa nakitang itsura ng alaga.
Ang dungis n'yang tingnan, idagdag mo pa ang bukol sa noo n'ya.
"Ahmmmm... Uuwi na siguro ako," kuha ko atensyon nila.
Nasa may hallway na kami papasok sa bahay nila Zairah.
"Geh, kljghfdlkg"
Hindi ko na maintindihan ang iba n'yang gustong sabihin ng takpan ng isa sa mga kaibigan n'ya ang kan'yang bibig.
"Ha?bakit?ayaw mo bang makilala ng parents ni Zai?" tanong ng isa pa kanila.
"Hin—"
"Asus, dapat dito ka muna ng makilala mo parents ni Z, ano ka ba? don't worry hindi naman sila nangangagat,"
Sinasabe n'ya yun habang hila ako sa braso.
Paano pa ako hi-hindi neto?
"By the way, I'm Estephanie.. s'ya naman si Dyan," sa wakas ay pakilala n'ya, at tinuro n'ya yung cute sa kanilang grupo, 'yong Dyan.
Maganda naman din ang isang 'to mukhang may lahing intsik, kasi tulad ng kay Zairah, singkit din ang kanyang mga mata.
"At 'yang isang 'yan..."turo n'ya sa babae na naka-alalay kay Zairah habang papasok sa bahay.
Sya yung nakasulobong ko sa cafeteria, 'yong morena.
Maganda din s'ya, may malamlam na mga mata na medyo bilogan.
Pilipinang-pilipina.
"Sya si Angel," nakangiti sambit nung Stephie.
"Josh nga pala," pakilala ko ulit sa kanya.
"Hmmm..nice to meet you Josh!" sabay  na sambit ni Dyan at Estephie.
Magkasabay nilang inilahad ang kanilang mga kamay.
"Nice to Meet you two," sagot ko.
Aabutin ko na sana ang kamay ni Estephanie ng tinabig ni Dyan ang kamay nya.
"Ako muna hihi.." si Dyan.
"Uy,anong ikaw!?kita mo nang aabutin na yung kamay ko ehh..um-epal ka lang eeh!" inis na sigaw ni Estephanie kay Dyan.
At nagsimula na silang magbangayan na dalawa.
Isinilid ko na lang sa bulsa ng Coat ko ang mga kamay ko.
Bilib din ako sa dalawang nasa unahan eh, hindi man lang lumingon kahit nag-iingay na ang dalawa pa nilang kaibigan.
Natatawa ako sa Nanny ni Zai dahil panay ang lingon n'ya sa mga kaibigan ng alaga.
Sobrang kulit kasi...
Sa sobrang kulit,hindi na ako pinagbigyan na humindi.
Natigil lang sila ng makarinig ng nag-aalalang boses ng isang babae.
"Oh my goodness Zairah Dienne!anak,ano ang nangyari sayo at ganyan ang ayos mo ha??" kitang kita ang pag-aalala sa itsura ng babae.
Napatayo pa ito mula sa pagkaka-upo sa mahabang sofa.
Tantsya ko ay nasa late 40's na ito, pero hindi halata dahil sa taglay na ganda.
'Siguro ito na ang mommy n'ya.'
"Mom, don't you worry ... I'm fine," nakangiting sagot ni Zairah.
Hindi na ako nagkamali sa pagkakataon na 'to.
Mommy nya na talaga ang kausap n'ya.
Pina upo muna kami ng ginang bago nagsalita ulit.
"Tsk! Nag drive ka ng lasing baby ko? hindi mo ba alam na delikado 'yang ginawa mo!?" exaggerated na tanong mommy n'ya.
"Mom, hindi po ako nag drive ng lasing. Hinatid naman po nila ako," paliwanag n'ya sa mommy n'ya sabay turo, at sa akin tumapat.
"O-oh... kasama mo nga pala ang mga friends mo, at ... may extra pa, sino sya?" tukoy ng ginang sa akin.
"Hmmmm... actually Mom, I don't know him. He's just an acquaintance," paliwanag n'ya ng hindi tumitingin sa kan'yang Ina.
Nakapako lang ang mga tingin n'ya sa akin.
Nangingilala.
Ang bilis naman makalimot ng isang 'to, napapahiya naman ako ng wala sa oras neto.
Nag bawi ako ng tingin at bumaling sa mommy n'ya.
"A-ahmm.. magandang gabi po," magalang kong bati, kahit naiilang na talaga ako.
Bakit naman kasi ako naiilang? eh, wala naman akong ginawa na mali.
"Hmmm.. magandang gabi rin hijo.. pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" nakangiting tanong n'ya sa akin.
"Ako po si Josh, bagong schoolmate po ako ng anak n'yo," sagot ko.
"Ah, ako naman Si Dianna, mommy ni Zairah," pakilala n'ya naman.
"Nice to meet you po, Ma'am," nakangiti  kong tugon.
"It's nice to meet you too hijo, and please... don't call me Ma'am , just call me tita,"
"Okay po... tita,"
"Alam mo ba? ngayon lang ulit nag-"
Hindi na natuloy ang gustong sabihin ni Tita Dianna nang sumingit ang anak n'ya.
"Mom! stop in there, tss..." tumayo na si Zai na medyo gumewang pa.
"Hmmm... bawal na ba akong mag kwento tungkol sa iyo ngayon baby girl ko?" nagtatampong tanong ni tita sa anak.
"No. It's not that mom, ayaw ko lang may maikwento ka po sa kanya na sobrang personal na sa akin," paliwanag n'ya naman.
Naputol ang pagd-drama ng mommy ni Zai ng lumapit sa amin ang isa sa kanilang kasambahay.
"Ready na ang hapunan, kain na po kayo mga Ma'am at Sir," aya neto sa amin.
Tumayo kami at naglakad papasok sa dining area.
Kahit uwing-uwi na ako, wala akong choice kundi ang makikain ng hapunan sa kanila, dahil nahihiya na akong magpaalam.
Pagkatapos maghapunan ay hindi na ako nag tagal pa.
Nagpa-alam na ako sa kanila dahil late na rin.
Umakyat na rin si Zairah sa 2nd floor ng bahay nila para makapag pahinga na,inalalayan pa s'ya ng tatlo kahit parang kaya n'ya naman na ang sarili n'ya.
At habang nasa daan pauwi ay naalala ko na naman yung nangyari kanina sa cafeteria.
~~~~Flashback~~~~
Hindi ko na lang pinansin ang habulan na nangyayari sa harap ko, kahit hindi ko maiwasan na mag isip kung saan ko narinig ang pangalang Zai ...
Tumuloy na ako sa cafeteria, pag pasok ko sa loob ay nakita ko ang mga students na nakatingin kay Alexia na may pandidiri, at naririnig ko ang mga bulongan tungkol kay Alexia at Fredrick.
"What's happening here?" takang tanong ko kay Fred na walang imik at nakatingin sa malayo.
Kaya bumaling  ako kay Alexia.
Nakita ko s'ya na nakasubsob ang mukha sa mga palad at tahimik na umiiyak.
"Ay, kaya pala... hindi na sila friendship, dahil mang a-agaw pala ng boyfriend ng may boyfriend," isa lang yan sa naririnig ko sa oras na ito.
Hindi ko 'yon pinansin at nilingon ko na lang ulit si Fredrick.
"Bud, anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko ulit sabay tapik sa balikat n'ya.
"H-ha??m-may sinasabe k-ka ba?" wala sa sariling tanong n'ya sa akin.
Tsk,I can tell... something is off!
"Tinatanong ko kung ano ang nangyari?" tanong ko ulit sa kanya.
"A-ahh... nagkita kasi kami ng mga friends ni Alexia. A-at hindi na p-pala s-sila okay. K-kaya medyo n-nagka eksena dito k-kanina," pahayag n'ya.
Napabuntong hininga pa s'ya pagkatapos.
Tinitigan ko sya habang nakatulala.
'May hindi 'to sinasabe ehh.'
Hindi naman siguro kami magiging mag-bestfriend kung hindi ko s'ya kilala.
We're bestbuddy, since we're young.
I know him too well, that's what I thought before... not until now.
Ngayon ay masasabi ko na hindi ko pa talaga alam lahat sa kanya.
And I'm respecting his privacy.
Nang natapos kaming kumain ay walang nagsalita.
Mga wala sa sarili ang dalawa hanggang natapos ang lunch namin, pero hind na ako nag tanong pa.
'Ano kaya ang nangayari kanina bago ako dumating?'
~~~Ring~~~Ring~~~
~Mommy Calling~
"Hey,Mom?" bungad ko sa kanya.
"Hi, son!how's your day?" masiglang tanong n'ya.
"Hmmm.. my day's fine, thanks. How about you?" tanong ko sa kanya.
Nandito na ako sa harap ng classroom namin at nakikita ko ang mga babaeng estudyante na parang kinikiliti habang pasulyap-sulyap sa gawi ko.
"As usual, busy. Well, I called to ask you a favor," saad n'ya.
"What is it mom?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm... may babae kasi dito na mag- isa at naglalasing. I saw her crying silently son, and I feel her pain," biglang naging malungkot na sambit ni mommy.
"And? what do you want me to do this time?" tanong ko.
"Can you please drive her home, for me?Kasi parang sobrang bigat ng pinagdadaanan nya eh, nakaubos na sya ng two bottles of Rum. Ang lakas n'yang uminom son, and it's not good for a drunken lady to drive home. It's not safe," malungkot na paliwanag n'ya.
My mom is a kind hearted woman.
Kaya mahal na mahal namin sya ni daddy.
We don't have a heart to decline her favor, she doesn't ask for it, if it's not necessary.
"At regular customer naman natin s'ya dito sa Resto-Bar, so please..." nagpapa-awa na dugtong nya.
"Okay...okay,just look over her,and I will be there after class.And you don't need to use that tone on me Mom, you know how soft I am when it comes to you," mahinahon kong sagot sa kanya.
"Okay!thank you so much son,I ove you and take care,bye!mwuah!!" biglang masayang sambit n'ya at pinatay na ang tawag.
Pagkatapos ng tawag ay pumasok na ako sa classroom, na may hindi makapaniwalang ngiti sa labi.
Sino ba makakaisip na uminom ng ganito ka aga?
Just a broken person does.
~~~~End Of Flashback~~~~
"Sir, nandito na po tayo," inporma ng taxi driver.
"Eto po manong, keep the change,"
Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin ako sa mga nangyari kanina.
Tsk,sana maging okay na bukas.
To be Continue....

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    MacasambatRhian

    nice story

    23/05/2024

      0
  • avatar
    jumbohatdog

    wowowow

    09/02/2024

      0
  • avatar
    Mayeth Conol

    Good and great

    13/12/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด