logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

It's been two days since I found out that I'm pregnant. I'm still a bit shock about it. I can't believe that I'm carrying the child of the man that I love. I'm happy yet sad. Happy because magkakaanak na kami ni Kent, but sad because I wouldn't get pregnant if Kent didn't mistook me as Kyla, the woman he loves.
That's why I'm hesitating whether I should let him know or not. I'm afraid that if I let him know that I'm pregnant, he would reject the child. I don't want my baby to feel unwanted, especially by its father. Hindi pa nga siya naisilang tapos hindi na agad siya tanggap ng ama niya. No, I can't bear it.
"Hoy, Bes! Are you okay?" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagtawag ni Trishia.
Lumingon ako sa kanya saka ngumiti. "Yeah, I'm fine."
Nandito kami sa mall ngayon. Nag-aya kasi si Trishia kanina na mamamasyal daw kami at buti nalang day off ko ngayon. Matagal na rin simula nung nakapamasyal kami ni Trishia. Kung dati halos palagi kaming magkasama, ngayon madalang nalang. Kaya nakakamiss ang ganito.
We are so careless before. Yung tipong walang pakialam sa paligid basta masaya kaming dalawa na namamasyal. But when I got married, everything changed. Naging focus ako sa pagganap bilang asawa ni Kent.
After a few hours of going out to various shops here in the mall, napagod rin kami kaya napag-desisyonan naming kumain muna. Medyo nahihilo rin ako at gusto kong magpahinga muna, ayaw kong masyadong pagurin ang sarili ko lalo na't may kasama na akong bata. We chose to eat at a Itallian cuisine.
Habang papunta roon, bigla nalang ako napahinto when I saw a familliar couple smiling at each other. They looked so happy while walking beside each other. They looked like a perfect couple. And it hurts me. Because they're none other than my husband and the woman he loves. I've never seen him smile at me like that. I've never seen him so happy. His eyes shines like a star as he looked at her. He looked at her like she was his world, like he can't live without her.
And it pains me. I'm the wife yet he never looked at me like that, the way he looked at her. Well, sino lang ba naman ako? Ako lang naman ang sumira sa relasyon nila. Kung titingnan niya ako, puno ng galit at poot ang kanyang mga mata. Halos hindi nga niya ako kayang tingnan.
"Isn't that your husband?" Rinig kong sabi ni Trishia kaya agad akong napalingon sa kanya. She's already looking at them.
"Uhm, let's go?" Pag-aya ko sa kanya pero parang di niya ako narinig. Nakatingin pa rin siya kina Kent.
"This jerk. May asawa na nga, lumalandi pa sa iba." Nagulat ako nang bigla nalang siyang nagsimulang maglakad papunta sa direksyon nila Kent kaya agad ko siyang pinigilan.
"Trishia tara na. Nagugutom na ako." Sabi ko.
"No! I need to slap that bitch and your jerk of a husband." Galit niyang sabi kaya kinabahan ako at bigla nalang bumalik yung hilo ko kanina.
"Hayaan mo na sila. Tara na." Pag-aya ko ulit sa kanya.
Hindi makapaniwalang napatingin sa'kin si Trishia. "Are you freaking kidding me? Hahayaan mo lang sila? Ghaaad, Zane! You're the wife kaya may karapatan kang magalit."
"Trish, please." Pagmakaawa ko. Gusto ko na talagang maupo dahil nahihilo na naman ako. Umiikot na ang paningin ko.
"No! Kai—"
Bago pa man matapos ni Trishia ang sasabihin ay naramdaman ko nalang na pabagsak na ang katawan ko at ang sigaw niya ang huli kong narinig before darkness invades me.
Nagising nalang ako sa isang kwarto. Base from the smell, I guess I'm in the hospital.
"Oh gosh, you're awake!" Bulalas ni Trishia at agad tinawag ang Doctor. Hindi naman nagtagal ay may pumasok na Doctor at chineck ang kalagayan ko.
"Don't worry, Misis. Normal lang sa mga buntis ang mahilo but don't stress yourself a lot lalo na't maselan ang iyong pagbubuntis. You need to rest and take your vitamins." Sabi ng Doctor. Marami pa siyang sinabi na mga paalala bago siya nagpaalam na umalis.
"So, you're pregnant?" Agad na tanong ni Trishia nang makalabas ang doctor. I nodded. "Why didn't you tell me?"
"I just found out two days ago." Sagot ko.
Trishia sighed. "About what happened earlier, I'm sorry. Kung alam ko lang na buntis ka, di sana 'to mangyayari. Nagalit lang talaga ako dahil sa nakita ko kanina."
I reached for her hand. "It's okay, Trish. You don't need to be sorry." I smiled at her.
"Pero galit pa rin ako sa asawa mo hanggang ngayon. Pati na doon sa babaeng yun. Alam kong alam niya na may asawa na si Kent pero nakikikapid pa rin siya. Ang kapal talaga ng mukha." Bumalik na naman ang galit sa mukha ni Trishia.
I forced a smile. "Wala naman silang kasalanan dahil simula't sapol, ako 'tong nakikikapid. Ako ang sumira sa relasyon nila. Ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. I am the villain of their love story, kaya wala akong karapatan magalit."
"Are you serious right now? Did you hear yourself? Gosh, Zane. Sabihin na nating naghiwalay sila dahil ikinasal kayo ni Kent, but it's not your fault! Hindi mo kasalanan na ipinagkasundo kayong ipakasal. At kahit na nagmahalan pa sila, they should know how to respect you! Kahit sabihing sa papel ka lang niya asawa, pero sa harap ng diyos at batas ikaw ang legal at mali ang ginagawa nila! You should know how to fight what's legally yours." Mahabang lintaya niya. Natahimik nalang ako dahil wala naman akong masabi.
Legally mine but never rightfully mine. He will never be mine. Being his wife is just a tittle.
Hindi na kami nagtagal pa sa hospital. I was discharged after Trishia and I talked. Hinatid niya ako sa bahay bago umuwi.
Nang makapasok sa bahay, napabuntong-hininga nalang ako. Siguradong ako na naman mag-isa ngayon.
Nitong mga nakaraang araw, isang beses palang nakauwi si Kent and I never seen him since then at alam ko kung sino ang kasama niya. Ang sakit isipin na ikaw yung asawa pero sa iba na siya umuuwi.
Di ko alam kung bakit patuloy ko pa ring isinisiksik ang sarili ko sa kanya, sa puso niya. Sa puso niya na si Kyla lang ang tinitibok.
Patuloy pa rin akong nanlilimos sa pagmamahal niya na kailanman ay hindi ko naramdaman.
Bakit ba hindi niya ako kayang mahalin? Bakit 'di pwedeng ako nalang? Ano bang meron si Kyla na wala sa'kin?
Sa mga naiisip kong yan, bigla na namang tumulo ang luha ko.
Bakit ba sa lahat ng lalaking pwede kong mahalin ay si Kent pa?
Oo aaminin ko, minahal ko ang isang Kent Adrian Mendoza ng higit pa sa buhay ko. Kahit palagi niyang pinaramdam sa'kin na kahit kailan ay hindi niya ako kayang mahalin, patuloy ko pa rin siyang minahal.
Napabuntong hininga nalang ako bago pinahiran ang luha ko.
Maglilinis pa pala ako dahil hindi ako nakapaglinis kanina.
Dali-dali kong kinuha ang mga cleaning utensils at pumunta na sa kwarto ni Kent. Kwarto niya ang uunahin ko sa paglinis.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Kent, nagsimula na akong maglinis.
Habang naglilinis ako, naagaw ang pansin ko dun sa isang brown envelope na nasa ibabaw ng bedside table.
Na curious ako kung ano ang laman nun kaya lumapit ako at kinuha ang brown envelope.
Kinakabahan ako habang tinignan ko palang ang envelope.
Nang nabuksan ko na ito, binasa ko na agad kung ano ang nakasulat... Ganon nalang ang gulat ko nang mabasa ko ito.
Ang laman ng brown envelope ay.... ay isang Divorce Paper.... Bigla ko itong nabitawan dahilan para magkalat ito sa sahig.
Natulala ako sa Divorce Paper na nagkalat sa sahig. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Iiyak ba o ano.
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang luha ko na dumaloy sa aking pisngi.
Natauhan lang ako nang marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ni Kent kaya dali-dali kong pinahiran ang mga luha ko. Nagulat ako nang pumasok siya. I didn't know na uuwi pala siya ngayon.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko na 'wag kang pumasok dito at 'wag mong pakialaman ang mga gamit ko!" Galit na sabi ni Kent.
"N-naglilinis lang ako K-Kent." Nauutal kong sabi.
Tumingin siya sa sahig at bigla nalang nagtagis ang bagang niya nang makita ang papel na nagkalat. "Naglilinis o nakikialam sa mga gamit ko?"
"I-I'm sorry, nasagi ko 'to habang naglilinis." Agad kong pinulot ang nagkalat na papel at ibinalik ko ito sa envelope.
"Get the fuck out." Gigil niyang sabi kaya agad akong lumabas dala ang cleaning utensils. Ibinalik ko ito sa stock room saka pumunta sa kwarto ko.
Nakatulala ako habang nakaupo sa kama ko. Bumalik na naman sa'kin ang nakita ko kanina. He's planning to divorce me.
Why did this happen to me? What did I do to feel this pain? I don't deserve this shit. Ang sakit-sakit na.
Siguro tama si Trishia. I shouldn't confine myself to someone who did nothing but to hurt me over and over again. Dapat hiwalayan ko na si Kent. Total makipag divorce naman siya sa'kin.
But fudge. Sa tuwing iniisip ko pa lang na makikipag divorce na sa akin si Kent, nasasaktan na ako. Parang ginupit ang puso ko ng pira-piraso. Ang sakit talaga.
Wala na ba talagang pag-asa na mahalin ako pabalik ni Kent? Hanggang dito nalang ba talaga kami? Bakit hindi niya ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya kay Kyla?
Nagkulong lang ako sa kwarto ko habang umiiyak.
Pag naiisip ko na wala na talaga akong pag-asa sa puso niya, mas lalo lang akong humagulhol.
Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    Baby Candado

    so sad

    27/11

      0
  • avatar
    PunzalanMariz

    ganda nya kahit hindi pa tapos HUHUHU next chapter po😭

    30/05/2023

      0
  • avatar
    Manjiro Sano

    highley recomende

    02/04/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด