logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

C7: Knowing myself

ZINDELEIGH IORI ARDENT (ZIA) POV
Pababa ako noon sa hagdan ng bigla ay may malakas akong nakabangga. Napalingon ako sa paakyat na iyon. Ang singkit na mata ni Kivon ang aking nasilayan.
"Sorry."
"Your favorite word." Nagpatuloy na siya sa pag-akyat at iniwan muli ako. Napatulala na lamang ako sa bintana.
Bakit ganito, ang hirap makaalala? Ni kahit anong ala-ala ay wala talaga. Dahan-dahan akong bumaba muli sa hagdan. Sa katotohanang wala akong maintindihan sa eskwelahan ko ay madami akong tanong bakit ganito ang mundo.
Nagpapasalamat ako ng sobra kay Kivon na dinala ako sa hospital. Isang linggo na rin ang nakalipas at pilit kong iniiwasan si Kivon. Pakiramdam ko ay nakakaabala ako sa ensaho niya sa pagsi-swimming.
"Zia, tara!" aya na naman sa'kin ni Elaine na lagi akong pinapahamak.
Hindi ko ito pinansin ngunit pwersahan niya kong hinila.
"Ayoko sumama sayo." Naitulak ko ito bigla na ikinagulat niya nang bumagsak siya bigla sa sahig.
"Aray! How dare you to hurt me? Huh!"
"Nilalagay mo'ko sa peligro, pwede bang lumayo-layo ka sa'kin," tila' nawalan ako ng panghihina dahil walang awang pinaggagawa niya sa'kin. "Ayoko sa lahat ay pinu-pwersa ako, Elaine."
Nanlaki ang mg mata niya at naglakad palayo.
Matapos ang aking klase sa asignaturang Filipino ay agad na'kong umuwi. Nagkasalubong kami ni Radson ngunit alam kong nakinig siya sa mga sinabi ko, sa aming huling gabing magkasama. Hindi na siya nakaabang sa bawat klase na pinapasukan ko. Hindi man siya magpakita ay ramdam ko na nakabantay lamang ito.
"Hindi ka na ba sasali sa Dance group, Zia?" sumabay sa lakad ko si Vio.
"Hindi naman ako nasayaw, Mr. Vinz Ian Orlando."
"Dancer ka kaya, may amnesia ka lang hindi mo na ginagawa ang mga dating ginagawa mo."
"My bad, susubukan kong sumali."
"Gawin mo, Zia. Andito ako para sayo. Nakakapanibago dahil ang bait mo na. Miss ko na ang sigang ikaw." Vio chuckled.
Sumabay sa lakad ko si Vio. "Saan ka nga pala pupunta, Zia?"
"Kahit saan," saad ko dahil pati ako ay hindi alam kung saan pupunta. "Just wanna know myself, baka sa paglilibot ko makaalala ako."
"Sasamahan kita diyan!"
Tumango ako sa kaniya. Siguro kailangan ko ng kasama para malaman ang mga daang tinatahak ko.
"Singkwenta nalang mangga!" sigaw ng isang vendor.
"Mangga? Gusto ko tikman 'yon, Vio!" hindi ko na hinintay na sumagot ito at agad akong nagtungo roon.
"Pabili ako kuya!"
Inabot ko ang pera pagkatapos nito ibigay ang magga. Tinignan ko muna ang plastic at saka umalis doon.
"Tara meryenda tayo roon, masarap palabok nila," aya sa'kin ni Vio sa isang kainan na siksikan ang mga tao.
"Shane! Tara dito kana umupo," tawag ni Vio sa isang babaeng tila' masama ang tingin sa'kin.
"Bakit kasama mo siya, Vio?" kwestyon nito agad sa'kin.
"Ahhh kasi..."
"Alam mo naman kung anong nangyari sa kuya ko dahil sa babaeng 'yan. Nakakatampo ka!" Nagdabog ito na ikinabigla ko.
Napangiwing napaharal sa'kin si Vio.
"Bakit?" malungkot na tankng ko.
"Halos mapatay mo kasi ang kuya niya noon, Zia. Ngayon lumpo na. Madaming may galit sayo dahil alam mo na. Bayolente kang babae..." ang tono nito ay malungkot.
Mas lalo akong nalungkot dahil sa palagi nilang sinasabi na masama akong tao. Wala naman akong maalala kaya't naiinis ako sa sarili ko kung bakit salbahe ako noon tulad ng pagkasalaysay nila nito sa'kin.
Uminom ako ng soft drink na binili ni Vio.
"Huwag mo nang isipin masyado baka sumakit pa ulo mo, Zia. Maayos ba tinitirahan mo ngayon?"
"Oo, maghahanap din ako ng trabaho dahil wala nang susuporta sa'kin."
"Uy! May alam akong work kay Mr. Cheng, doon sa grocery niya."
"Sige ba!"
"Bukas puntahan natin."
Hinatid ako ni Vio hanggang kanto. Habang naglalakad ako ay may nararamdaman akkng sumusunod. Kakaiba sa akin ang kilis na iyon. Napalingon ako ngunit wala naman.
Sa aking peripheral sight ay may nakasunod talaga. Napatakbo ako kung saan-saan matakasan lamang ito.
"Mukha marunong ka nang matakot Zia," sambit nito.
Napaharap ako sa kaniya. Naka-takip ang buong mukha nito.
"Anong kailangan mo?"
"Ikaw!"
"I'm not available, sorry not sorry."
Natawa naman ito sa sagot ko ngunit nanatili akong kalmado.
"Joker ka na pala ngayon, akalain mo!"
"Hindi, sadyang mababaw lamang kaligayan mo. Ang jeje mo pa manamit."
"Nang insulto ka pa talaga!"
"Ang reklamo mo, totoo naman..." Napabugtong hininga na lamang ako.
Pagtalikod ko ay may nakita akong grupo ng mga kalalakihan. May mga hawak ito dos por dos. Mukhang ako ang hahampasin ng mga ito.
"Musta na Zia, matagal ding walang nagpaoasakit ng katawan ko," pahayag ng isang lalaking madaming tatoo.
Ang iba naman ay naninigarilyo pa. Sa kantong natakbuhan ko ay walang masyadong tao kaya't mahihirapan akong makahingi ng tulong. Napakunot-noo ako sa bawat isa sa kanila.
"Gaga ka ba! Si Finn 'yan!" sigaw noong kalbo.
"Dheo, chill ka lang. Kalmado lang si Zia oh!" sambit ng isang na tinapakan ang sigarilyo sa lupa.
Masamang tingin ang ipinukol ko sapagkat mga nakangisi ang mga mukha nila. Naalala ko tuloy si Carson na na hipuan ako na hindi ko maisumbong kay Kivon dahil alam kong nakaka-abala na'ko sa kaniya.
"Ayoko nang magsayang ng oras, para ito sa kapatid kong nilumpo mo, ZIA!" sumugod ang matabang lalaki na handa nang ipukpok ang kahoy na hawak niya.
Napatakbo ako sa kabila upang maiwasan iyon. Kakaibang kabog ng dibdib ang nadama ko. Masyadong marahas parang ito na ang huling hantungan ng aking buhay.
"Magbabayad ka, Zia!" Hindi agad ako nakagalaw nang sumugod ang isa pang payatot na lalaki. Napaluhod akk dahil sa malakas na paghampas ng kahoy sa balikat ko.
"Ahhhhhhhrggg!" sigaw ko. Hawak ko parin ang plastic na may mangga. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ko non.
"Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko pero kung ganito pala ang gusto niyo ibibigay ko!" hindi ko alam kung saan nagmula ang tapang ko.
Kahit na iniinda ko ang sakit ay naoabaling ako sa galit na sumugod sa'kin. Hinampas ko ang mga mangga na binili ko sa mukha niya.
Napamura pa ito ngunit aking inagaw ang pamalong hawak niya ng mawalan ito ng balanse.
"Parang humina si Zia ngayon," komento pa ng kalbo. Nakangising lumapit ito sa'kin. "Alam mo ikaw dapat magpakabait ka---" bigla ko itong binigyan ng uppercut punch sa mukha.
Napamura pa ito habang hawak ang ilong.
"Malakas parin si Zia..." komento ng kaninang sumusunod laamng sa'kin.
"Tigilan niyo ko. At kung sino man ang nalumpo ko noon ay dapat siya ang makakausap ko."
Pinagmumura naman ako ni Finn habang nakaduro pa sa'kin. Nasa malayo parin ito kaya't masyadong mayabang dahil sa madami utong kasama.
"Lumapit ka dito Finn at iwan mo ang pagiging duwag mo. Matapang ka lang ba dahil sa hawak mo?" pang-aasar ko.
Napatikhim ito na nanggigil ang mukha sa'kin. Napahawak ako sa aking ulo... Unti-unting sumasakit ito dahil tila' may bumabalik. Parang Deja vu ang pangyayaring ito sa buhay ko. Parang nangyari na ito ngunit masyadong malabo at hindi ko maipaliwanag.
"Oh! Ngayon artista kana Zia? Ano yan pasakit-sakit ulo lang? Ha!" sigaw nito.
Malapit na mag-gabi at doon ako natatakot dahil dumidilim na ang kalangitan. Kasabay non ay ang pag-ambon.
"Gag*! Dumudugo ilong ni Zia!" sambit ni Wenzo na tila' pamilyar sa'kin dahil sa katangkaran nito.
Nanghina ang katawan ko para manatiling nakatayo pa. Nanlalabo ang aking paningin na nagpaluhod sa'kin sa lupa. Sa aking pag-ubo ay dugo ang kumabos doon sa aking palad.
"Tara na, mamatay na 'yan si Zia mag-isa," sambit noong Finn na tumalikod na nang lumingon ako sa dereksyon niya.
Nalalasahan ko ang dugo, nanamlay na rin ang aking pakiramdam.
"Sana, bago ka humimlay Zia. Maalala mo kung paano mo nilumpo si Shawn, ang nobyo mo," sambit ni Wenzo.
Ang pakiramdam ko ay inaantok. Sa aking pagpikit ay narinig ko ang hiyaw ng isang lalaki na nagmamakaawang pigil nito sa'kin. Dahil hawak-hawak ko ang binti nito.
Bakit ko nga ba siya nilumpo? Anong ang rason ko Shawn? Kung nobyo kita ay dapat pagmamahal lamang ang nadama ko sa panahon na iyon. Sana naawa ako ngunit bakit kita nilumpo?
Mas lalo ko lamang pinapasakit ang ulo ko. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakahandusay na pala ako sa lupa. Aking pinagmasdan ang kalangitan. Ang bawat pagpatak ng ulan sa aking mukha ay tila' isang libingan.
Si Shane Austin, ang sinasabi ni Vio kanina. Sino kaya siya? Bakit galit ito sa'kin?
Madami na nakapagsabi na karapat-dapat akong mamatay ngunit sino ba ako noon at bakit ito ang mga naritinig kong kahilingan nila.
Aking pinikit ang mga mata ko. Pinapa-ubaya ko na kay Bathala ang aking tadhana. Kung anoman ang kapalaran ko, bahala na.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    Delos ReyesShereen Mae

    It's very awesome and the first chapter is sooo good!!

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Hadea Pigao

    agaling ang Dami ko na laman dahil sa story na to gling

    12/07

      0
  • avatar
    andalvia

    nice

    06/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด