Kahit apat na oras lang sya halos nakatulog masigla siyang nagising. Mayamaya lamang eh titilaok na ang mga manok. She's actually looking forward sa pamamasyal nya ngayon. Parang kahapon lang ay ready to leave na sya pero bigla na namang nabago ang mga plano niya. Binago nung Paolo. Nakapaligo na rin siya at inaayos na ang sarili. Buti na lang at dinala niya ang kanyang make-up kit. Ayaw niyang maging pangit. Ang hindi niya nadala eh ang kanyang hair blower at plantsa. Pony tail na lang para itago ang buhok na kulang sa conditioner. Naalala niya ang pangako ng binatang gatas kaya pumunta siya sa gate ng bahay at doon nga niya nakita ang mga gatas. Maayos ang lalagyan may takip at ang pinakainteresting ay may sticky note doon. "Good morning Six a.m susunduin kita." Pinag-aralan nya handwriting nito. Walang smiley or anu mang signature design na uso sa mga kabataan. Hindi rin ito mahilig sa texting at internet lingo dahil buo ito magsulat. Tiningnan niya ang orasan and its already 5 am. Marami pang time para maghanda. Pumasok na siya at dinala sa kusina ang gatas nandoon na si Manang Lina at nagluluto ng agahan. "Dinalahan ka pala ni Paolo ng gatas. Maganda yan sa katawan." komento ni Manang Lina. "Kinulit kasi ako kagabi kaya napaorder na ako. Galing mag sales talk," sagot niya rito. "Oo nga pala Manang meron po ba kayong sumbrero diyan na pwede kung magamit? Pupunta kasi ako sa tabing ilog mamaya baka kasi mainit dun eh sobrang dry na itong balat at buhok ko." "May salakot sa palabigasan natin. Kunin mo na lang dun, " turo nito. Ang tinutukoy nito eh yung lumang salakot ng yumao nyang lolo, luma at medyo malaki yon sa kanya. Ginagamit yon para hindi mainitan sa pagsasaka. Parang nag dalawang isip tuloy siyang gamitin yon Hindi naman sya maarte pagdating sa pananamit pero ewan ba nya she felt the need to look good. Naglagay siya ng lipstick at manipis na blush on para hindi naman siya mukhang anemic. Natural look ika nga ng mga make up artists. Eksakto alas sais eh nasa harapan na ng bahay nila si Paolo. Lumabas sya agad dahil ayaw nya tong paghintayin. “Good morning," nginitian nya agad ito bilang pagbati. Pero biglang nawala ang ngiti niya ng Makita ang kalabaw kung saan ito sakay. May balak ba tong pasakayin sya sa likod ng kalabaw? Maglalakad na lang siya kung ganoon. Marami na syang nakitang nahulog sa kalabaw kahit mabagal itong maglakad at ayaw nyang magkaroon ng ganoong kapalaran. Para namang nabasa nito ang nasa isip nya. "Huwag kang mag-alala hindi naman kita isasakay sa kalabaw. Dun tayo sa kariton sasakay." Sabay turo nito sa kariton. Bumaba na rin ito sa kalabaw at ikinabit na ang kariton sa hayop. "Bat di na lang tayo maglakad diba 20 minutes lang naman yata." "Medyo mas malayo siya sa iniisip mo. Tsaka kailangan kasing maligo ng kalabaw sa ilog. Mag-aanihan ng pakwan kaya kukuha din ako para itinda sa palengke at tsaka bibili din ako ng tilapia kaya kailangan dalhin itong kariton." So may errands pala ito at kung baga singit lang siya. Parang bumaba tuloy ang energy nya. " Sakay na." aya nito. Kahit medyo nawala siya sa mood sumakay pa rin siya. "Pasensya na at medyo mabagal tong si brownie dapat motor ang gagamitin ko para mas mabilis ang andar natin kaya lang nasira." paliwanag nito. "Pinapangalanan mo ba talaga mga hayop na inaalagaan mo?" tanong niya rito. Aso at pusa lang kasi ang mga alaga niya at hindi niya natatandaang pinangalanan ng lolo niya ang alaga nitong kalabaw. "Wala naman akong alagang nagtagal kundi si brownie lang dahil lahat binebenta. Sa tiyuhin ko itong kalabaw na ito hinihiram ko lang kapag kailangan. Bilang kapalit kailangang paliguan. At ako na rin gagawa nung pagkuha ng pakwan na ibebenta sa palengke bukas." sagot nito. "Nagtitinda ka rin ng pakwan?" talk about working hard. "May puwesto sa palengke tiyuhin ko tumutulong ako minsan kapag walang ginagawa." "Napilitan ka lang yatang isama ako." Pero ang totoo ay natutuwa siyang humiram pa ito ng kalabaw para sa kanya. Malaki ang kariton kaya magsakay kahit sampung tao. Feeling nya tuloy isa siyang haciendera na pumapasyal sa kanyang malaking bukirin. "Saan mo naman nakuha yang ideya na singit ka lang. Eh ako nga ang nag-aya sa iyo di ba? Kinuha ko pa itong kalabaw para di ka mapagod sa paglalakad." "Gusto mo lang yata akong bentahan ng pakwan eh." "Balak ko sana bigyan ka pero dahil nagduda ka sa intensyon ko ibebenta ko na lang sa iyo at wala kang discount." Pagbibiro nito. "Paano yan wala akong dalang pera." pinakita pa niya rito ang walang lamang bulsa. "Eh di magtrabaho ka." sagot nito. "Trabaho?" "Oo, tumulong ka sa pagkuha ng pakwan o kung gusto mo paliguan si brownie pwede rin." "Gusto mo talaga akong maging amoy kalabaw, dun na lang ako sa pamimitas ng pakwan. Aalipinin mo lang pala ako." "Walang pilitan kung gusto mo lang. Exercise din naman yon. Tsaka maganda rin namang naaarawan ka. Kita mo ngayon medyo maganda ang kulay mo. Hindi katulad kahapon medyo maputla ka." Buti na lang naglagay siya ng konting make-up. Kundi mukha pala siyang tinakasan ng kulay. "Ganoon pala ang tingin mo sa akin kaya pala inalok mo ako ng gatas at ngayon balak ibilad sa araw. Dahil mukha akong sakitin?” “Wala akong sinabing ganoon. Ang natatandaan ko sinabi ko mas bata kang tingnan sa edad mo. Yon ang sinabi ko." pagtatama nito sa kanya. “Sinabi mo ring maliit ako at maputla. You say something nice pero babawiin mo rin by saying something negative.” Tumawa ito. “O sige subukan natin. Sa tingin ko cute ka kaya lang medyo nakakatakot.” "See I'm right, kita mo na laging may follow-up na nega.” “Sandali lang di pa ako tapos. Pero mali pala ako hindi ka pala nakakatakot. Sa tingin ko bukod sa cute ka, matalino ka rin at nakakatawa. Masaya kang kasama.” Buti na lang at hindi ito lumingon kung hindi makikita nitong namula ang mga pisngi nya. "That's more like it at dahil mabait ka sa akin sige tutulong ako pero hindi sa pagpapaligo kay brownie, sa iyong trabaho yan. Wala akong balak mag-amoy kalabaw." She likes exchanging banters with him. Sa umpisa parang asaran lang but there's obvious flirtation. "Tingnan mo yun." Itinuro ni Paolo ang malawak na taniman tiningnan naman niya yon. "Ganda diba. Mamaya pupunta tayo dyan at pupunuin natin ng pakwan tung kariton. Tuturuan din kita kung paano malamang hinog na yung pakwan para di ka maloko sa palengke.” Tama si Paolo ang gandang pagmasdan nung malalaking pakwan at nakakatuwang tingnan ang mga abalang nag-aani. Napansin ng mga ito si Paolo at kumaway. Kinawayan din naman sila ng binata. "Mang Nilo pupunta ako dyan mamaya." Sigaw nito. "O sige Paolo hihintayin ka namin. May masarap kaming meryenda dito." "Baka ka palang Mr. Friendship kaibigan mo ang lahat." "Mabait naman sila sa akin kaya madali lang silang lahat paki samahan. Parang ikaw mabait at maganda." Hindi niya masyadong narinig ang Sinabi nito sa dulo dahil pabulong na halos yon. "Ano uli ang sinabi mo?" "Ang sabi ko ang ganda ng panahon ang sayang mamasyal." "Tama ka." pagsang-ayon niya rito.
muito bom
06/01
0Muito bom, amei de mais, recomendo muito ler esse belo livro❤️
20/10/2024
0Maravilhoso
26/07/2024
0ดูทั้งหมด