logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 Paolo

"O hija mukhang aburido ka." Puna ni Manang Lina kay Anne.
"Inang anu bang signal ang gumagana dito? Di ako makapagtext." tanong niya dito.
"Pasensya na hija pero wala naman kong cellphone di rin ako marunong magtext. Maganda sigurong tanungin mo yung kapitbahay natin. Si Paolo maraming alam yon sa cellphone at computer." suhestyon nito.
"Paolo?" yun kaya yung nakausap niya kanina?
"Kapitbahay natin. Gusto mo kausapin ko para tulungan ka."
"Okay lang po ako nang bahala. Ano po ba lunch natin?" tanong na lamang niya dito.
"Pinakbet at Inihaw na hito, " sagot nito
"Parang ang sarap ah." lalo siyang ginutom sa narinig.
"Oo naman binigay ni Paolo yung gulay at bagong huli lang yung hito."
"Ang bait yata nung kapitbahay natin sa inyo manang. Nililigawan ka yata." biro nya dito.
"Ay naku ineng matagal ko nang kinalimutan ang muling pag-aasawa at imposible namang ligawan ako nun eh parang apo ko na yon. Tong batang to masyadong mahilig manukso.” Nginitian lamang nya to.
" Inang mamaya ako ang magluluto para hindi naman kayo mapagod." Volunteer nya.
"Hindi naman nakakapagod magluto mabuti nga nandito ka para my makasama naman ako, masyadong abala ang mga anak ko sa pagsasaka at sarili nilang pamilya. Kaya ito mag-isa maghapon kaya medyo nakakanip na rin."
"Sinabi nyo pa, " pagsang-ayon niya rito.
Kung ang isang matandang sanay sa simpleng pamumuhay ay naiinip ano pa kaya sya. Tatapusin lang nya ang araw na ito at uuwi na sya bukas. Bahala na basta wala syang balak mabore to death.
Alas diyes pa lang ng gabi ay nakahiga na siya. Hindi siya sanay matulog ng maaga pero dahil wala naman siyang ibang gagawin napilitan na lang siyang mahiga.
Sobra ang pagsisisi nyang iniwan nya ang kanyang Laptop at tablet hindi tuloy siya makapaglaro kahit man lang ng solitaire. Eh wala naman siyang game sa cellphone niya. Wala siyang dalang libro. Puro damit lang ang inempake nya. Ayaw din nya kasi magdala ng mabigat.
Magboboracay na lang siguro siya bahala na bukas baka magpaalam na siya kay Inang Lina.
Pilit nyang pinikit ang mata para matulog. Pero ilang minuto pa lang ay bigla syang nakarinig ng sigawan.
“Anung ingay yon? May sunog ba?” Inis na talaga siya. Lumabas sya para hanapin ang ingay mukha namang di kalayuan yon. Mga nagsisigawan nga pero mukha namang walang emergency dahil wala namang pumapansin sa ingay.
Papasok na sana uli sya nang biglang may nagsalita. "Di Karin makatulog?" Muntikan na siyang mapasigaw sa gulat.
"Bat ka nanggugulat. Ganyan ka ba talaga bigla na lang nagsasalita mula sa kawalan?" mahina pero asar nyang tukoy dito. Ito rin yung lalaking nakausap niya kanina.
"Sobra ka lang sa kape. Gatas ang inumin mo para makatulog ka. Meron kaming gatas ng kalabaw kung gusto mo dadalhan kita tuwing umaga. Mura lang bibigyan pa kita ng discount." offer nito sa kanya.
"Kahit isang balde pa siguro ng gatas ang inumin ko eh hindi ako makakatulog dahil sa ingay. Parang may away lang."
"Tama ka may away nga. Away ng manok, sabong." Sagot nito.
"Sabong?! Kailan pa?" That explains all those roosters na inaalagaan ng mga kalalakihan. Wala iyon dati kapag nagbabakasyon siya. kung meron man eh puro mga inahing manok.
"Last year lang. Pinayagan ni mayor na magtayo ng sabungan dito. Kaya maraming lulong sa sugal at nag-iingay tuwing weekend. Masasanay ka rin." kuwento nito.
"Eh bakit ikaw?"
"Hindi ako nagsusugal, magagalit si San pedro." Biro nito
Relihiyoso ka pala, pero Hindi yung pagsusugal ang tinatanong ko. Ba't di ka rin makatulog?" tanong niya rito.
"Hindi na rin siguro ako masasanay. Tutal naman dalawang buwan lang naman ang titiisin ko at tuwing sabado lang naman yan."
"Bakasyunista ka rin pala."
"Taga rito ako pero nag-aaral ako sa Maynila. Umuuwi ako tuwing bakasyon para makatulong sa bukid." paliwanag nito.
"Taal ka bang tagarito kasi di naman kita nakikita dati?" pag-uusisa niya rito.

"Taga batangas kami dati pero nung mamatay ang tatay ko bumalik kami dito sa bayan ni nanay.” kuwento nito.
"Ilang taon ka na dito?" curious niyang tanong.
"Dito na ako nag highschool. Pitong taon na ang nakakaraan.""
"Well 9 years old ako nung lumipat kami sa Maynila. Hindi na tayo napang-abot"
Tinitigan nya ito, nasanay na ang mata nya sa dilim kaya kita nya ang features nito. Seryoso ang mga mata nito pati ang mukha. Matangos ang ilong at very striking ang itsura pero ang mata nito ang pinakakaiba para kasing nanunuri ito kapag nakatingin, walang detalyeng nakakalagpas. He looks timid yet serious. Giving him an air of mystery.
"Bakit?" tanong nito.
"Ha? Anung bakit?.” Nagtataka naman si Anne
"Bakit sobra namang seryoso ang pagkakatitig mo sa akin?"
Hindi nya napansin na sobra pala ang pagtitig nya kaya bigla niyang binawi ang tingin.
"Hindi naman ako nakatitig ang dilim kaya nag-aadjust lang mata ko. Ilang taon ka na ba." Tanong niya dito para kasing nag-iiba ang edad nito depende sa anggulo nito. She could swear kanina he looks like a teenager pero ngayon sa dilim he looks older.
"Twenty na ako. Ikaw?" balik tanong nito.
"Tama bang itanong sa babae ang edad nya?"
"Okay lang kahit di mo sabihin balewala naman yon?" kibit balikat nito.
"Twenty nine na ako." Unang beses siyang nag-aalangang sabihin ang edad. Nakakatawang isipin na lagi nilang sinasabing magkakaibigan na 30 is the new 20. How she wish na bente lang talaga siya.
"Mas mukha kang bata sa edad mo. Siguro dahil maliit ka. Yung gatas nakakatulong pagtangkad yon ibibigay ko na sayo mamayang umaga." Muntikan na nyang makalimutan yung gatas. Sine sales talk nga pla siya nito.
“Almost thirty na ako hindi na ako tatangkad kahit uminom ako ng gatas.” sagot niya rito.
"Lalakas naman ang buto mo. Hindi ka magkakaroon ng Osteoporosis." pangungimbinsi pa rin nito.
"Anu naman ang susunod mong iaalok, itlog at alaga mong manok?"
"Puwede mo ring bilhin yung alaga kung baboy kung gusto mong maghanda sa piyesta."
"Vegetarian ako."
"Pareho tayo."
"Ganun eh bakit puro manok at baboy nga yang alaga mo?"
“Binebenta ko naman lahat yon pang tuition ko. Pero syempre umiinom ako ng gatas para sa calcium need. May itataas pa kasi ako.” Nginitian siya nito na tila parang nang-aasar.
"Oo na sige na bibili na ako ng gatas mo baka may pandesal ka na rin, dyaryo, taga igib at labandera Kailangan ko rin noon.
“Yung kaibigan ko nagdedeliver ng pandesal, sasabihan ko para dalhan ka araw araw. Piso isang piraso." Hindi siya sigurado kung seryoso ito o nagbibiro sa mga sinasabi pero nevertheless she's amused.
"Bago pa ako magsubscribe sayo ng cable eh may itatanong nga pla ako. Smart lang ba talaga ang may signal dito?”
"Oo, next month pa kasi magtatayo ng tower ang globe."
"Wala pa naman akong prepaid phone." sentimyento niya.
"Wala kang choice kailangan mong pumunta sa ilog para makakuha ka ng matinong signal."
"Akala ko bebentahan mo rin ako ng sim card." Biro nya dito.
"Meron akong kaibigan na may puwesto sa palengke ng load pero SIM gaya nang sinabi ko kanina sa siyudad ka pa makakabili."
"Sa globe lang gumagana ang cellphone ko." nakaline kasi siya.
"Ganito na lang sasamahan kita bukas ng umaga sa ilog wala naman akong gagawin pagkatapos kung magdeliver ng gatas."
Bago pa man siya makatutol ay nagsalita uli ito.
"Wala nang ingay puwede ka nang matulog."
"Sandali di mo man lang sinabi ang pangalan mo." habol niya dito.
"Hindi ko ba nasabi kanina? Sorry. Ako si Paolo nice to meet you Anne." pagkilala nito.
" Alam mo name ko?"
"Nasabi na sa akin ni Manang Lina. Tinanong ko sa kanya nung dumating ka."
"Tsismoso ka rin ha."
"Hindi ako tsismoso, interesado lang."
Is he trying to flatter her? Bata pa pero medyo bolero na.
“Sige bukas ha kita tayo. Medyo mainit kaya magdala ka nang proteksyon sa araw." Bilin nito.
“Seryoso ka?”
"Doon din naman ang punta ko. Tsaka kukuha ka sa akin ng gatas parang extra service na rin.” Sige magandang gabi."
"Sige medyo malamok na nga." Pero hindi sya tuminag sa puwesto nya. Hinihintay nyang pumasok muna ito. Pero parang halos isang minuto na silang nakatayo doon eh wala pang gumagalaw sa kanila.
Si Anne na ang bumasag ng katahimikan.”Hindi ka pa ba papasok?” tanong niya rito.
“Hinihintay kitang mauna.” sagot nito.
She had to smile at the gesture. “Sige goodnight. Papasok na ako.” paalam na niya dito.
Mataas ang bintana kaya hindi nya nasilip kung pumasok na rin ito o tumambay pa sa labas.
Nung nasa kuwarto na siya at nakita ang mga gamit nyang nakaempake na noon lang niya naalala na may plano na siyang umalis bukas. Narealized din nyang Hindi man lang nito tinanong kung gusto ba niyang sumama sa ilog.
Napa Oo siya nito nang hindi man lang nagtatanong.
"Gusto mo rin namang sumama. Plastic ka." Sabi niya sa sarili habang binabalik ang iba nyang damit sa dresser at namimili ng isusuot para bukas.
"I guess hindi naman masamang manatili pa ng ilang araw dito." bulong niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (91)

  • avatar
    AlvesTiago

    muito bom

    06/01

      0
  • avatar
    Júlia Oliveira Nascimento

    Muito bom, amei de mais, recomendo muito ler esse belo livro❤️

    20/10/2024

      0
  • avatar
    Aninha Silva

    Maravilhoso

    26/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด