logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Decision

Alora's Point of View
Inihatid nga ako ni Zeke sa trabaho. Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami. Nakikita ko siyang pasulyap-sulyap sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman siya nagsalita kaya hindi ko na rin siya kinibo.
At saka baka makagawa na naman ako ng katangahan kapag nag-usap pa kami.
Nang huminto ang sasakyan ay tila lumukso ang puso ko nang bigla na lamang siyang dumukwang palapit sa'kin.
"Teka! Anong gagawin mo?" Hindi ko napigilan na panlakihan siya ng mga mata.
Tila balewala naman siyang tumitig sa'kin at saka nginuso ang seatbelt.
Nang ma-realized ko ang gusto niyang ipahiwatig ay naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
Hayys. Malay ko bang 'yong seatbelt ang sadya niya. Akala ko kasi ay hahalikan niya ako.
"Kaya ko na 'to," mabilis na saad ko at saka kaagad na tinanggal ang seatbelt ko.
Bumuntong-hininga na lang siya at saka lumabas ng kotse niya. Humakbang siya patungo sa tapat ko at pinagbuksan ako ng pintuan.
Hindi ko naman naiwasan ang mapaisip.
Bakit ba nagsawa si Leina sa lalaking 'to? Ano pa bang kulang?
"Take care and don't forget to eat on time," saad niya nang makababa na ako.
Iba din ang lalaking 'to.
Sayang naman siya.
"Salamat. Ikaw din,"sagot ko na lang bago ako tumalikod at pumasok sa pinagtratrabahuan ko.
Hindi na ako nag-abalang lingunin siya kahit ramdam ko ang paninitig niya sa akin.
Mabilis lumipas ang araw. Pag-uwi ko sa unit ni Leina, kaagad niya akong sinalubong na parang kanina pa nag-aabang.
"Ano, kumusta? What happened? Nakahalata ba siya? C'mon tell me." Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Gano'n ba siya katakot sa mister niya? Sabagay, mukha namang mas mayaman at makapangyarihan ang asawa niya kaysa sa kanya. Plus maaaring magkagulo kapag nalaman 'to ni Franc.
"Tingin ko, hindi naman siya nakahalata," saad ko bago ako dumeretsong umupo sa sofa.
"Yaya! Magdala ka dito ng tubig," pasigaw na tawag ni Leina sa katulong namin.
You heard it right. Napakaliit ng unit namin pero nag-hire pa siya ng stay-out maid. Buti nalang at nang magdramahan kami kahapon ay nakauwi na ang katulong.
"Ano pang nangyari?" saad niya at saka tumabi sa'kin.
"Kumain lang kami at nag-usap," tipid kong sagot. Dumating na rin kasi ang katulong dala ang tubig kaya hindi sandali akong natahimik.
Nang makaalis ito sa sala, ipinagpatuloy kong magsalita.
"Sinabi kong gusto ko ng divorce."
"What did he say?" Halata ang excitement sa mukha niya.
"Hindi siya pumayag," sagot ko dahilan para mawala ang kislap sa mukha niya.
"I'm sorry,"she said. Nakita ko ang sinseridad sa mukha niya.
"Gusto niyang tumira ako sa bahay niya ng one month. He said , he want to see if we could fix the marriage and if not he will give the divorce that I'm asking."
"What did you say then?" Mabilis niyang usisa.
"Hindi ako sumagot. Wala ako sa posisyon para magdesisyon. Ikaw naman talaga ang asawa niya. I am just his wife in papers."
To sum it all, gulo nila ito at nadamay lang ako.
Kinuha ko ang baso at saka tinungga ang laman nitong tubig.
"Pumayag ka! Sigurado naman akong kapag tumanggi ka, kukulitin ka parin niya hanggang sa mapapayag ka niya."
Nasamid ako dahil sa narinig ko. Akala ko pa naman, sasabihin niyang tumanggi ako.
Agad naman niyang hinagod ang likod.
"Pero Leina, pa'no si Kenneth? What if he finds out about this?" turan ko nang makabawi ako sa pagkasamid.
"He's out of country for training ,diba? Hindi niya malalaman. Pwede mo naman siyang i-text o tawagan kapag wala si Zeke."
Seryoso ba siya?
Parang ang dali ng pinapagawa niya sa'kin ah.
"Pero uuwi siya after two weeks. Pa'no ko maitatago 'to sa kanya?"
"Magagawan natin 'yan ng paraan. Tiwala lang, okay?" saad niya.
Napaawang na lamang ang labi ko.
Ayos ha! Palibhasa ako ang maiipit kapag nagkataon.
"Another thing, how could I stay with him if I don't even know how to act as a wife?" nasaad ko.
Totoo naman kasi. Wala nga akong kaalam-alam kung paano sila bilang mag-asawa.
"Don't think too much about that. Just be your self, okay?"
Napailing na lamang ako. Napakagaling din ng advice nitong kaibigan kong 'to, nohh?
"Meaning, I don't need to act like you? Hindi kaya siya makahalata?" I asked. Naniniguro lang. Baka ikapahamak ko pa kapag nabuking ako.
"Four years kaming hindi nagkita. Siguro naman hindi niya ako gano'n kakilala. Three years lang naman kaming nagsama."
Hindi naiwasan ang mapataas ang kilay.
Whoa. Three years LANG daw. LANG lamang para sa kanya ang three years. As if she was only talking about a one month relationship.
"Pag nagtanong siya at nase-sense mong nagdududa siya then just tell him that people change. Tutal ang alam naman niya, twenty years old lang ako noong magpakasal kami."
Noong maregister ang kasal, Twenty years old ako noon at si Leina naman ay twenty-two ang edad. Identity ko nga talaga ang ginamit niya kasi pati edad ko hiniram niya.
"Ilang taon na ba ang asawa mo?" Usisa ko.
"Twenty-nine na siya ngayon," sagot niya.
Mas matanda pala siya sa'kin ng two years. He looks younger than his age.
"Pareho pala kayong twenty-two that time. Too young to get married." Nawika ko. Hindi ko rin maipaliwag ngunit tila kusang lumabas iyon sa bibig ko.
"That time, we both believe that were deeply in love with each other."
Hanggang ngayon naman yata deeply inlove parin si Zeke sa kanya. If it's not then he won't try to fix their broken marriage---- I mean our marriage in papers.
Ang masaklap, ako ang kailangang umayos ng gulong ginawa niya kasi busy rin naman siya sa pag-ayos sa sarili niyang buhay.
Sana lang ay kayanin ko ang pinagagawa sa akin ng kaibigan ko.
Sana lang ay hindi ko to pagsisihan sa huli.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (133)

  • avatar
    Simon Roda

    great story

    28d

      0
  • avatar
    Theresa Macula Limosionero

    ang ganda ng story 😍

    16/08

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Maganda kwento😍

    25/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด