logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

HABANG NAGLALAKAD ako dito sa may palengke at namamimili ng bibiling ulam ay may katandaang babae akong nakabungguan. Pareho kaming natumba at laking pasasalamat ko na nasa may tuyong parte kami kaya walang putik.
"Naku! Pasensya na po, ma'am. Halika tayo po kayo." Kinakabahan kong sabi at agad na tumuyo at tinulungan siya.
"Hija." Napatingin ako sa mukha ni ma'am at parang nahiya ako. Ang ganda niya at mas lalong nagpaganda sa kaniya ay ang morena niyang balat.
Hinawakan niya ang braso ko.
"Hija, do you want a job?" Napakunot ang noo ko sa tinanong nito.
"Po?" Kunot noong tanong ko, naguguluhan.
Bumuntong hininga muna ang babae at hinawakan ang kamay ko, kanina ay sa braso ko siya nakahawak. Pagkatapos ay hinila niya ako patungo sa may tagong eskinita ng palengke.
"My son. He has a mental problem. My husband and I don't know what to do anymore. Palala na siya ng palala, I know your not a nurse or something but i just want to try."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi  niya.
"Ano po bang ibig ninyong sabihin?" Tanong ko.
"I want you to take care of my son. Kailangan namin umalis ng asawa ko patungo sa US upang asikasuhin ang mga business namin doon. Wala na akong kilala pang mapagkakatiwalaan para sa anak ko." Saad niya.
"Pero hindi ninyo naman po ako lubusang kilala, tapos ipapaubaya ninyo pa sa akin ang anak ninyo? Ilang taon lamang po ba iyon at anonh kasarian? Pwede ninyo naman po siguro kayo maghire ng professional na magbabantay sa kaniya." Mahabang lintanya ko sa kaniya
"I know i can trust you. Besides you look like an angel kaya panatag akong wala kang gagawing masama sa anak ko. And to answer your question, he's 29 years old. April 13 is his birthday same as yours."
Teka, paano niya nalaman ang birthday ko?
"Paano ninyo po nalaman na april 13 ang birthday ko?" Tanong ko at napansin ko ang kaba na gumuhit sa magandang mukha nito.
"I-i just know? Anyway, are you accepting my offer? Please accept it my son needs you." Pagmamakaawa nito.
Napabuntong hininga naman ako habang nagtatalo ang isip. Unang una hindi ko siya kilala. Pangalawa ay hindi na pala bata ang anak niya at may sakit pa ito, hindi ba dapat ay nurse o doctor ang puntahan niya? Hindi katulad ko.
"P-pasensya na po kayo, ma'am. Pero hindi ko po matatanggap—"
"May sakit ang nanay mo hindi ba? Kailangan ninyo ng pera pampagamot sa binti niyang na paralize. At sa pag-aaral ng bunso mong kapatid. I'll give you 50,000 every month just be my son personal assistant." Pagputol nito sa akin.
"M-ma'am—"
"100,000 deal or deal? Please please accept my offer." Nanlaki ang mata ko sa malaking halagang sinabi nito.
"A-ayos na po ako 10,000, ma'am. Pampagamot lang po ni mama." Nakayuko kong sabi.
Nilalaro ko ang mga daliri ko dahil kinakabahan ako. Baka akalain niyang pera lang ang habol ko sa kanila.
"No, no, no hija. 100,000 that's final. Thank you so much for accepting my offer. You can start your job as a personal assistant of my son." Nagulat ako sa sinabi nito. N-ngayon na agad?
"Ngayon na po?"
"Yes, hija. I'm so sorry if it so rush. Talagang ngayon din kasi ang flight namin ng asawa ko at kailangang may magbabantay kay Ambrose."
"Ambrose?"
"Yes. Ambrose Benedict Augustus. That's his name. And I am Briatte Rose but you can call me tita Rose." Pagpapakilala nito.
"Ah gano'n po ba? Sige po magpapaalam lang po muna ako sa pamilya ko." Sabi ko.
"No need. Nagpadala na ako ng tauhan sa pamilya mo at sa oras na ito ay tiyak kong alam na ng nanay mo ang bago mong trabaho, so let's go?" Yaya nito.
Mangha man sa sinabi nito ay sumunod nalang din ako at sumakay sa magara niyang kotse.
May sarili din pala itong driver. Nasa likod kami ni T-tita Rose habang nagkukuwento siya tungkol sa aalalagan ko.
Hindi din naman nagtagal at nakarating na kami sa isang private property ng isang malaking subdivision. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakanganga ang bibig habang iniikot ang paningin sa buong lugar.
First time ko makakita ng mala palasyong bahay sa ganda at laki nito. Halos nakatingala ako makita lang ang kabuan ng kabahayan.
"Let's go, hija." Yaya ni Tita Rose at sumunod naman ako sa kaniya. Habang naglalakad kami papalapit sa bahay nila ay tinanong niya ang pangalan ko.
"Can you introduce yourself?"
"Uh, ako po si Chloe Colleen Samson, 21 years old. Ako po ang panganay sa dalawang magkapatid nila nanay Martha Coleen. And yes po sa pangalan po ni nakuha ang pangalan ko na dinagdagan lang ng isa pang L. Mas komportable din po akong tawaging Colleen kesa Chloe, ma'am este Tita Rose." Pagpapakilala ko.
"I like your name, hija. It's sound really like an angel. Also, your first name which is Chloe is also pretty try to use it too. Maganda siya bagay na bagay sa iyong mukha." Papuri ni Tita Rose na bahagya kong ikinahiya.
"S-salamat po."
"Mom! Mom! Mom!" Nagulantang kami pareho ng makarinig ng baritonong boses ng lalaking sumisigaw.
"Ambrose! We're here at the front!" Sigaw din ni tita at maya maya lang ay nasa harapan na namin ang lalaking sumisigaw kanina.
Napakatangkad nito at katulad ng ina ay moreno ang kulay niya na sa tingin ko ay lalong nagpa gwapo sa kaniya, tingin ko lang naman.
Tantya ko ay 6'0 pataas ang taas nito pero parang mas mataas pa ata doon dahil halos nakatingala na din sa kaniya si tita Rose na halos 5'7 ang height.
5'4 naman ang taas ko at sa tingin ko ay sakto lamang ito huwag lang tatabi sa katulad ng lalaki sa Harapan ko.
"Ambrose, nandito si Colleen. Siya ang bagong mag aalalaga sa iyo. Batiin mo siya." Sabi ni Tita Rose.
Unti unti namang tumingin sa akin ang lalaki at natulala ako sa kulay abo nitong mga mata. Hindi ako naka atras ng lumapit ito sa akin at yumuko upang kami ay magpantay.
Pero laking gulat ko sa sunod nitong ginawa.
Hinalikan niya ang labi ko.
"It's nice to meet you, My Baby Colleen." Nakangiti ang mapupulang labing saad nito habang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Itutuloy.
❄️

หนังสือแสดงความคิดเห็น (274)

  • avatar
    LaureagasThe

    Napakaganda naman nito writer!!! Highly recommended. Parang gusto kong basahin ng paulit ulit.. napakapure and genuine naman ng pagmamahal ni ambrose ❤️ deserve ng 10 stars compare sa mga nauna kong nabasa dito sa novelah..

    11/08/2022

      4
  • avatar
    Ronalyn Ddiola

    I love how Ambrose genuinely love her girl Colleen and its worth it that Colleen give him a second chance. Keep writing and doing well po Zariyah Denise 🩶.

    11d

      0
  • avatar
    Zai

    very beautiful ❤️

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด