logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

2

Zed's POV
       
        
KUMATOK muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok ng infirmary.
"Ikaw na naman!!" nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin.
Napalunok naman ako sa takot. Dito lang ako nakakita ng doktor na papatayin sa sindak ang kanyang pasyente.
"Ano naman ang nabali sa'yo ngayon?"
Itinuro ko ang aking kanang braso at tagiliran. "Braso at ribs doc. Madami din akong sugat."
"Maupo ka sa kama!"
Masakit man ang katawan ay kaagad akong nagtungo sa kama kung saan madalas akong maglagi.
"Sino naman ngayon ang nakabangga mo?" aniya habang may hawak na baso na naglalaman ng pulang likido.
Napakamot naman ako. "M-may mga nakasalubong ako, h-hindi yata nila nagustuhan ang presensya ko."
Walang pasabi na iniabot n'ya ang basong hawak. Nanginginig ang kamay na inabot ko naman iyon.
"Seriously Zed, pang-apat na buwan mo na dito pero halos ikaw na lang ang laman ng clinic ko?"
"Ako ang nasaktan dito doc," depensa ko.
Nakita ko naman na umiling s'ya. "Akala ko pa naman ay madali ang magiging trabaho ko dito. Sa'yo pa lang ay nananawa na ako."
Grabe talaga s'yang magsalita sa akin. Kasalanan ko ba na madalas akong pag-initan ng mga estudyante dito, lalo na iyong mga gifted?
Walang imik na ininom ko ang gamot na ibinigay n'ya. Hmm, mas mapait ito kaysa sa mga nauna n'yang ipinapainom sa akin.
Gusto kong umiyak. Ang hirap kaya ng sitwasyon ko. Parang gusto ko na lang umuwi sa North Alegria at magtanim na lang ng kamote.
"Hi Zed!" isang babaeng may mahabang buhok ang lumapit sa akin.
Friendly pala ang mga estudyante dito sa Superno academy. Hindi ko inaasahan na sila ang unang lalapit sa akin.
 
"H-hi." ganti kong sagot. Nakaka-intimidate s'ya.
"Ako nga pala si Pauleen."
"H-hi Pauleen."
Bagay sa kanya ang pangalan n'ya, kasing ganda n'ya.
"Mula ka daw sa North Alegria?"
"O-oo. Doon nga." sagot ko.
"Ano'ng rank at ability mo?"
Natigilan ako. Bigla din tumahimik ang mga kaklase ko na kanina lang ay nagkakagulo. Lahat ng pansin ay sa akin nakatutok, o sa isasagot ko?
Napalunok ako. Ano'ng sasabihin ko?
"Zed?"
Bahagya naman akong nagulat nang pumitik s'ya sa ere.
"A-ah,"pinilit kong kumalma. "Isa akong mortale."
Ilang segundo din ang lumipas na nakatitig lang s'ya sa akin.
"Damn!" sigaw n'ya.
Nagulat ako nang bigla n'ya akong itulak. Ramdam ko ang pagtama ng mukha ko sa sahig.
"Hindi ko akalain na nag-aksaya ako ng laway para lang sa mababang kagaya mo."
Hindi ko alam kung saan ako susuot nang biglang magliparan ang gamit na nasa paligid ko. Nanay ko, papatayin ba n'ya ako? Ganito ba sila mag-welcome sa bago nilang kaklase?
Sinulyapan ko ang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Wala ba s'yang pakialam? Wala ba ni isa dito na tutulong sa akin?
"Kamuntikan ko nang makalimutan," ani Pauleen.
Napayakap ako sa aking sarili. Nakakatakot talaga ang mga babae.
"Doon ang upuan ng mga kagaya mo!" itinuro n'ya ang hilera ng mga lumang silya sa dulo ng classroom.
"Ang lakas ng loob mo na umupo sa tabi ni Xavier."
Xavier pala ang pangalan ng lalaking hindi namamansin?
"Naiitindihan mo ba?!"
Sunod sunod na tango ang ginawa ko. "N-naiintindihan ko."
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa silya at patakbong nagtungo sa dulo ng classroom. May isang paa naman na humarang sa daraanan ko dahilan para matisod ako. Humampas na naman sa sahig ang aking mukha. Siguradong madami na akong pasa.
Malakas na tawanan naman ang pumuno sa buong silid.
Hindi naman ako na-inform ni Papa na impyerno pala ang aking pupuntahan.
         
          
"Mahiga at magpahinga ka lang diyan," ang boses ni doc ang nagpabalik sa akin mula sa pagbabalik-tanaw.
"P-pero may klase pa ako," angal ko.
Masamang tingin na naman ang ibinato n'ya sa akin. Nanindig naman ang balahibo ko.
"S-sabi ko nga, dito muna ako." humiga na lang ako sa kama.
Mahirap na, baka madagdagan pa ang bali at sugat ko. Napangiwi ako sa sakit nang maramdaman na nagsisimula nang magbalik sa dating posisyon ang ilan kong buto. Ang ilang gasgas at sugat ko naman ay mabagal na naghihilom din.
Tumitig ako sa kisame. Ilang oras na naman ang ilalagi ko dito. Kung nagsasawa na si doc sa pagmumukha ko, mas lalo naman ako!
"Zed!"
"Tipaklong na lumipad!" bulalas ko sa gulat.
Biglang may humawi sa kurtina na nagsisilbing harang sa aking kinahihigaan.
        
         
"Papatayin mo naman ako sa gulat!" napahawak pa ako sa aking dibdib.
"Sorry."
S'ya nga pala si Shaina, isa sa mga naging kaibigan ko. Bagama't isa s'yang Koina, hindi naman s'ya katulad ng ibang gifted sa paaralang ito.
"Paano mo nalaman na narito ako?" tanong ko sa kanya.
 
Naghila naman s'ya ng isang upuan saka pumwesto sa gilid ng kama ko.
"Nakita ka ni Mallows."
Si Mallows, ang kaibigan nyang ibon. Oo, wierd ang kanyang ability. May kakayahan s'yang makipag-usap sa mga hayop.
Wierd man at nakakatawa, at least mayroon s'yang ability. Hindi katulad ko na isang ordinaryong tao lang.
"Napag-trip-an ka na naman ng ilang Koina?" tanong n'ya.
Pinilit ko naman ngumiti. "Oo."
Kita ko naman ang pagsimangot n'ya. Tsk. Alam ko na ang sunod n'yang sasabihin.
"Bakit ba hinahayaan mong saktan at i-bully ka nila?!"
Nagkibit balikat ako. "Ganoon talaga, nasa pinakababa ako ng social ladder kaya ganito ang treatment na natatanggap ko."
"Pero sana, lumaban ka."
Napakamot naman ako. "A-ang totoo nyan, nakasuntok naman ako ng isa bago ako nanakbo palayo."
"Hindi sapat iyon! Saka kung nakatakbo ka, paanong ganito ang inabot mo?"
"Naabutan ako. May isa sa kanila na mabilis, kaya wala akong kawala."
"Superhuman speed," ani Shaina.
"Iyon nga."
Ilang sandali at naging tahimik lang s'ya. Bakas sa kanyang mukha ang galit at pag-aalala.
"Shaina, huwag ka masyadong mag-alala sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko."
Seryoso s'yang tumitig sa akin. "Sa ilang buwan na pamamalagi mo dito, hindi ka man lang ba nagsasawa na araw-araw kang target ng mga Koina? Hindi ka ba napapagod na palagi na lang may sugat at bali sa katawan?"
Ha? Wala sa loob na napakamot ako sa batok. Ano na naman ang drama ng kaibigan kong ito?
"Shaina—"
"Sa totoo lang, hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganitong trato. Kahit kaming mga Koina, ni minsan na din ay nakatikim kami ng pananakit ng ilan na ang tingin sa kanilang sarili ay makapangyarihan."
Natigilan ako. Mas matagal na sa paaralang ito si Shaina, at sa tagal namin magkasama, ito ang unang pagkakataon na nasabi nya iyon.
"Sinaktan ka na din ba nila?" tanong ko.
Nakita ko naman na nangilid ang kanyang luha. Sapat na iyon bilang sagot.
Napaisip naman ako. "Kapwa Koina mo din ba ang nanakit sa'yo?"
"Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga kung ano kami sa social ladder. Mas tinitingnan na ng nakakarami ang ability level mo."
"Paano naman ang mga elites?"
"Wala din naman silang pinagkaiba."
Hindi ako nakaimik.
Lahat ng sinabi n'ya ay bago sa pandinig ko.
"W-wala bang alam sa n-nangyayari ang student council?" tanong ko.
Isang mahinang tawa ang aking narinig. "Sa tingin mo, dadanasin mo ang ganitong bagay araw-araw kung alam nila?"
Totoo ba? Hindi ba't sila ang dapat nangunguna sa pagpapalaganap ng katahimikan sa buong academy?
"Idol ko pa naman si Calvin," bulong ko.
Ilang beses ko nang nakita si Calvin, ang kasalukuyang King ng academy mula sa ikaapat na taon.
"Maaaring may ginagawa sila, pero sa laki ng academy, hindi naman nila makikita ang lahat ng nangyayari."
May punto s'ya.
Minsan, gusto kong sabihin na napakamalas ko at ganito ang aking sitwasyon. Ilang beses kong hinangad na sana ay nabiyayaan ako ng ability, kahit iyon pang pinakamababa para naman matanggap ako ng society.
Sinulyapan ko muli si Shaina na kasalukuyang nagkakalikot na sa kanyang cellphone.
"Ganito ba talaga ang buhay sa South?" tanong ko.
"Ilang beses mo nang naitanong iyan sa akin Zed," sagot n'ya na hindi man lang nag-abala na tingnan ako.
"Siguro, dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala."
"Kung papipiliin ako, mas gusto ko ang buhay sa North Alegria."
Awkward naman akong natawa. "Hindi naman ganoon kaganda ang lugar namin."
"Pero at least, balanse at may pagkakapantay-pantay ang mga nakatira doon."
"Dahil halos mortale naman ang nakatira doon." paglilinaw ko.
"Whatever, Zed."
Tama ang sinabi n'ya.
Sa North Alegria, mabibilang mo sa daliri ang mortal at gifted na abusado. Sinisigurado ng pamahalaan ng Norte na wala sinuman ang makakapanakit ng kapwa, mortale ka man o gifted.
Kaya sobra akong na-culture shock nang lumipat ako sa South Alegria. Napakalaki ng kaibahan ng gobyerno dito. Lalo na ang mga nakatira dito.
  
Ito ang lugar kung saan susukatin ang pagkatao mo base sa kakayahan mo. Dito ko din nalaman ang iba't ibang klase ng gifted at kung ano ang kanilang kakayahan. Pati na din sa academy na ito, kung saan may social ladder na kailangang sundin.
Kaming mga mortale, ang nasa pinakaibaba ng ladder. Kami iyong mga isinilang na normal at ordinaryo lang. Kami din ang madalas saktan at pagsamantalahan ng mga gifted.
Sumunod naman ay ang Koina. Sa Norte, commons ang tawag sa kanila. Sila ang tipikal na gifted na sakto lang ang abilities. Nothing special.
Ang Lorem o ang mga elites naman ay pangalawa sa mataas sa social ladder. Isa sila sa mga privileged at tinitingala din sa hierarchy. Hindi din basta basta ang kanilang mga abilities kumpara sa mga commons.
At ang pinakahuli, ang Regius. Kilala sila sa Norte bilang Royales. Dahil sila ang pinakatuktok ng social ladder, sila ang mas privileged. Protektado din sila ng Light Vatican, unlike commons and mortale.
"Babalik na ako sa classroom. Malapit nang magsimula ang training namin," ani Shaina saka tumayo.
"Iyong training ng mga gifted, kailan ko kaya iyon mapapanood?"
"Mortales are not allowed to step inside the training ground. Saka mahina ang sikmura mo, baka himatayin ka lang kapag nakita mo kung gaano ka-brutal ang mga nagsasanay doon."
Natawa naman ako. "Oo nga pala."
Ilang beses na ba akong nag-collapse sa tuwing nakakakita ako ng mga elites na nagpapalitan ng atake?
"Magpahinga ka na lang diyan."
"Ingat ka sa training Shaina!" nag-peace sign pa ako.
Isang irap lang ang natanggap ko. "Alam mong hindi ako isinasali sa training dahil isa lang daw malaking joke ang ability ko."
"Astig ka pa din!"
Natawa naman sya. "Para sa isang mortale, siguro nga."
NAGSISIMULA nang dumilim ang paligid nang magdesisyon akong bumalik sa dorm. Kapag ganitong oras, iilan na lang ang mga estudyante sa labas. Karamihan sa kanila ay nasa dorms na o di kaya naman ay nasa canteen para maghapunan.
Kumalam naman ang sikmura ko.
"Aish. Hindi pa nga pala ako naghahapunan," bulong ko.
Gusto kong pumunta ng canteen kaya lang, baka mapagdiskitahan na naman ako ng ilang gifted. Ayokong umuwi nang naliligo ng juice.
"Hah!" Kamuntikan na akong mapatalon sa takot nang may isang bagay na nahulog sa harapan ko.
Tumingala ako. Nasa tapat ako ngayon ng isang five storey building.
"May nakahulog ba nito?" dinampot ko ang bagay na nasa lupa.
Isa iyong libro. Walang kahit anong nakasulat sa cover. Plain black lang iyon.
"May libro palang walang title?"
Muli ay tumingala ako sa building. Nanindig ang balahibo ko nang may nakita akong pigura sa rooftop. Naka-black cloak sya at natatakpan naman ng hood ang kanyang mukha. Tila nakamasid din iyon sa akin.
Wala na dapat tao sa building na iyon dahil tapos na ang klase. Patay na din naman ang ilaw doon kaya paano magkakaroon ng tao doon.
Maliban na lang kung...
"Multo!!!" nanakbo ako pabalik sa dorm.
Halos mahimatay ako sa takot habang nananakbo papunta sa gawi ng dormitories. Pakiramdam ko din ay sasabog na ang ihi ko sa kaba at takot.
Laking pasalamat ko nang matanawan ko ang entrance ng aming dorm. May ilang elite ang nakatambay sa labas. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang tumatawa.
"Dumating na pala ang pambansang tanga," ani ng isang lalaki na may pulang buhok.
"Mukhang nakakita ka ng multo ah?" segunda naman ng babae na may maikling buhok.
"M-mayroon nga," nauutal kong sagot.
Kahit pagtawanan nila ako sa hitsura ko ngayon ay ayos lang. Mas makakampante ako na may tao na sa paligid ko.
"Tanga na nga, duwag pa."
Malakas na tawanan ulit ang sumunod. Nilampasan ko na lang sila saka nagtungo sa pinakadulong palapag ng dorm.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng aking tinutuluyan nang may lalaking lumabas mula sa kabilang kwarto.
Si Calvin.
"H-hi King!" bati ko.
Bored na tiningnan naman n'ya ako saka tumalikod. Napabuntong hininga naman ako.
Hindi naman ako manhid. Alam kong lahat ng estudyante na narito sa palapag na ito ay hindi natutuwa sa bigla kong pagsulpot. Kahit naman ako. Bakit ba dito ako nilagay ni Dean samantalang may nakabukod na dorm naman para sa mga mortale.
"Good evening!" masayang bati ko kay Dylan na kasalukuyang nasa kanyang study table.
Isang sulyap lang naman ang ibinigay n'ya sa akin. Kamuntikan na din akong mapatalon nang bigla n'yang hilahin ang kurtina na nagsisilbing harang sa aming mga kama.
Napangiwi ako. Akala ko paliliparin n'ya ako dahil binati ko s'ya.
           
Kailan ba ako masasanay? Lahat sila ay ayaw sa akin, sa kagaya ko. Katulad nitong si Dylan. Hindi n'ya itinatago ang disgusto sa akin.
Bigla din s'yang nagpalagay ng kurtina para daw hindi n'ya makita ang nakakadiri kong mukha.
Pagod na naupo ako sa aking kama. Napatingin din ako sa aking kamay. Nadala ko pala sa pagtakbo ang itim na libro.
"Kanino kaya ito?" bulong ko.
Binuklat ko ang ilang pahina para tingnan kung may pangalan ba na nakasulat doon pero wala naman akong nakita.
"The Cursed Child." basa ko sa nakasulat sa ikalawang pahina.
Cursed child? Ano ba ito? Na-curious naman ako sa iba pang nakasulat doon. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong libro.
      
"Hoy!"
Mabilis pa sa alas kwatro na isinara ko ang itim na libro at itinago iyon sa ilalim ng aking unan. Bigla kasing hinawi ni Dylan ang kurtina.
"B-bakit?" nauutal kong tanong.
"Pwede ba'ng bilisan mo ang paggamit ng banyo?!"
  
Ha? "Banyo?"
"Tanga ka talaga," naiiling sa saad n'ya. "Tuwing umaga na lang, nagmamadali ako papasok dahil halos sa banyo ka na tumira!"
Napaigtad naman ako sa sigaw n'ya. Iyon pala. Pero hindi ko naman kasalanan kung late na s'ya nagigising.
"S-sige. P-pasensya ka na Dylan."
"Tss." inirapan lang n'ya ako.
Ipagpapatuloy...
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (110)

  • avatar
    Jessiel Ann Ypanto

    💖💗

    24/08

      0
  • avatar
    PastorpideHeilykristle

    Ang galing nyo pong gumawa I can 't wait to read season 2

    11/08

      0
  • avatar
    Lawrence Calibho

    hvbnu

    07/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด