logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

06

"Pasensya ka na ha." Nagkamot ako ng batok at umiwas ng tingin sa kanya. "Hindi kita masasamahan ngayon. May pasok ako e," palusot ko pero tinatamad lang talaga ako ngayon sa dami nang nangyayari. Nakakatakot na rin at baka kung ano nang mangyari sa'kin.
Nakatingin 'yong mga ibang estudyante sa'min. Nagtataka ata at may gwapo na bumisita sa'kin. Nakakapanibago nga siguro dahil lagi lang akong mag-isa o kaya naman ay kausap ang sarili.
Oo, mga kaibigan, totoong may himala pero ang totoong himala ay kung magiging jowa ko itong si Enro. Titigan n'yo na habang nandito pa siya. Bawal pala, ako lang dapat ang tititig.
"Ayos lang. Kaya ko naman talagang mag-isa," sabi niya at ini-start na ulit ang makina ng motor n'ya.
Napairap ako sa kanya. "Para namang wala akong natutulong?"
"Wala naman talaga," bulong niya saka suot ng helmet.
Sus, e bakit mo ako sinusundo ngayon? Miss mo lang talaga ako ano? 'Wag ganyan, Enro! May girlfriend ka.
Saan nga pala pupunta 'tong lalaking 'to?
"Pasaan ka?" tanong ko sa kanya bago niya mapaandar ang motor niya. "Baka makasunod ako."
As usual, hindi niya ako pinansin at dumiretso na sa pag-alis. Masama pa ata ang loob sa'kin.
Hindi naman ibigsabihin na tutulungan ko siya sa paghahanap kay Kate ay lagi niya na akong isasama 'di ba? 'Di ba?
Bigla naman tuloy akong na-guilty.
Dumaan ang buong maghapon at si Enro lang ang nasa isip ko. Ano kaya 'yon? Hindi nga ako sumama pero siya naman laman ng utak ko.
Buhay pa ba siya?
Nasaan na kaya siya ngayon?
Nahanap na kaya niya si Kate?
Inaatake na ako ng konsensya ko ngayon. Feeling ko 'pag namatay siya, ako agad ang una niyang mumultuhin. Hay, 'wag ka na ngang mag-overthink, Affy! Relax, I'm sure mamaya susulpot na naman si Enro at ready ka na namang bwisitin siya.
"Pst! Anong iniisip mo d'yan?" Nagulat ako at natigil sa pag-iisip dahil sa tanong ng kaklase ko. Salamat sa kanya kasi nagising ako sa katotohanan.
"Ah wala, iniisip ko lang kung bakit naging ganon 'yong sagot sa number five," pagpapalusot ko at mukhang naniwala naman agad siya.
"Ganito kasi 'yan," panimula niya ngunit hindi ko na naintindihan 'yong mga sunod niyang sinabi kasi ayaw ko naman talagang intindihin. Lumipad na naman ang isip ko papunta kay Enro. Gusto ko na siyang puntahan.
"Uy, Affy!" pangungulit na naman nitong kaklase ko. "May gagawin ka ba? Kakain daw buong section e. Awasan na kasi."
Napatulala naman ako sandali at nagtaka kung bakit niya ako niyayaya e alam naman nila na hindi talaga ako nasama sa mga pakain-kain nila sa labas dahil malayo pa ang uuwian ko. "Nako, may pupuntahan ako e," sagot ko na lang.
"Ah sige. Samahan kita?" alok niya.
"Hindi!" gulat na tugon ko. Ano ba 'yan, Affy? Lalo kang napaghahalataan e. "'Wag na, Ken," malumanay na sabi ko.
"Hindi. Ayos lang sa'kin kahit saan man 'yon," pagpupumilit niya.
"Ayos lang talaga, sis! Salamat." Tumayo na ako at lumabas ng room para hindi na niya ako mapilit. Ayaw ko na may mapahamak pa dahil sa'kin. Tama nang ako na lang.
Tumingin-tingin ako sa paligid pagkalabas ko ng school, umaasang may lalaking naka-motor na nag-aabang sa'kin, pero wala.
Hays, nasaan kaya si Enro? Wala akong number niya. Hindi ko siya matawagan. Wala rin pala akong load. Ano ba namang buhay 'yan, Affy?
Puntahan ko na lang kaya sa bahay n'ya?
Hala! Nakakahiya naman sa mga kamag-anak niya.
Hay, bahala na nga!
Bigla namang nag-ring ang phone ko bago pa man ako makahakbang.
"Hello?" sabi agad ng tao sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag.
"Sino 'to?" tanong ko kahit na pamilyar sa'kin ang kaniyang boses at dahil dito, bigla na lang ako kinilig.
"Enro." Sabi na nga ba! Grabe, sobra akong nag-alala sa'yo!
"Paano mo nakuha number ko?" Stalker ka talaga, Enro.
"Liana," matipid na tugon n'ya.
"Oh, nasaan ka na?" relaxed na tanong ko, kungwari hindi ako nag-alala sa kanya maghapon.
"Hindi ko pa rin mahanap 'yong bahay e na hinahanap ko e." Halata ko na ang inis sa tono ng boses niya. Maghapon lang ba s'yang naghanap ng bahay? Mahina pa naman siya sa directions sa pagkaka-alala ko.
Sasagot pa sana ako kay Enro pero bigla na lang akong may nakarinig ng kalabog sa may likuran ko.
"Sino 'yan?" kinakabahang tanong ko. May sumusunod na naman ba sa'kin?
Ilang segundo rin ang binilang ko bago ito lumabas sa pinagtataguan niya. "Hi, Affy," nahihiyang bati niya.
"Ken?"
...
"Bakit mo ba sinama pa 'yan? Gusto mo bang mas madami pa ang madamay dito?" pagsusungit na naman sa'kin ni Enro dahil nakita niya na may kasama pa akong iba, si Ken, 'yong kaklase kong makulit.
Sinama ko siya dahil nalaman kong taga-doon pala siya sa lugar na pinaghahanapan ni Enro kaya naisip ko na puwede siyang makatulong sa amin.
"Sige na. Tutulungan n'ya raw tayo," saad ko habang hinihimas ang braso ni Enro. Argh, grabe sis ang tigas. Mag-hunos dili ka, Affy! "Sino bang hinahanap natin?" tanong ko habang patuloy pa rin ang paghawak sa braso niya.
"'Yong tagapag-alaga ni Kate noong bata pa siya," saad niya sabay alis ng kamay ko sa braso niya. Damot naman.
"E bakit naman natin siya hahanapin?" tanong ko at humawak sa aking magkabilang bewang.
"Nagkakausap pa rin sila at nagkikita kahit na nagretire na siya sa pag-aalaga kay Kate since high school."
"Anong pangalan n'ya?"
"Ising Mapanalunan."
"Si Manang Ising?" singit naman nitong si Ken. "Kakilala namin 'yon. Albularyo kasi asawa niya e, nagpapagamot kami doon minsan." Ngumiti pa sa'kin Ken pagkasabi niya n'yon.
"I told you," bulong ko kay Enro. "Galing mo talaga, Ken! Salamat ah!" baling ko naman kay Ken at marahan siyang siniko. Feeling close ka, Affy.
"Wala 'yon!" Mas lalo pa siyang ngumiti at nahawa naman ako sa ngiti niya.
Si Ken na ang nanguna sa pagpasok sa gate ng bahay nina Manang Ising. Simple lamang ang bahay at kita na katamtaman lang talaga ang kanilang pamumuhay. Sementado ang haligi nito ngunit wala itong pintura at halatang hindi pa ito napatapos. Ang bubong ay medyo kinakalawang na, nakailang tagpi na rin ang ibang bahagi nito.
Pagkakatok ni Ken sa pintuan, isang matandang lalaki ang lumabas at mukhang nagulat ito. Kinausap siya ni Ken at hinayaan muna namin sila. Pagkatapos nilang mag-usap, pinakilala na kami ni Ken dito at nalaman namin na siya pala ang asawa ni Manang Ising, si Mang Ben. Binati namin siya ng magandang gabi at ganoon din naman ang ginawa niya.
"Nako, pasensya na kayo ha. Wala pa dito si Ising e," saad ni Mang Ben nang malaman niyang si Manang Ising ang pakay namin.
"Anong oras po kaya siya darating?" tanong ni Ken sa kanya.
"Siguro ay maya-maya ay nandiyan na siya. Kung gusto niyo ay antayin niyo na siya," tugon naman nito.
"Sige po, Mang Ben. Salamat po!" masayang turan ni Ken. "Tara! Doon muna tayo sa may kubo," pag-anyaya niya.
"Buti na lang sinundan kita," sabi sa'kin ni Ken habang naglalakad kami papuntang kubo.
Napatawa naman ako nang mahina at nilagay ang nalalaglag na buhok sa mukha ko sa likod ng aking tenga. "Bakit mo nga pala ako sinundan?"
"Nag-alala kasi ako sa'yo, tulala ka kasi maghapon. Baka may mangyari pa sa'yo sa daan," sagot naman niya.
Bigla naman akong na-touch dito kay Ken. Buti pa siya naiintindihan ako.
Nginitian ko siya nang maigi at medyo nailang ata siya ngunit ngumiti rin siya.
Narinig ko naman na napa-buntong hininga si Enro.
Napalingon kami ni Ken sa kanya.
Problema na naman nito?
Bigla namang pumasok si Mang Ben sa kubo at sinabing dumating na raw si Manang Ising. Sa likod niya ay bumungad ito.
"Enro," bati niya agad dito. Ngumiti naman si Enro sa kanya.
Nagbatian din sila ni Ken at mukha close talaga sila. Napakatamis ngumiti ni Manang Ising, parang 'yong ngiti ni Ken pero mas wholesome lang 'yong kay manang dahil na rin siguro sa edad niya at mukhang malambing din siya.
"At sino itong dalaga na kasama ninyo?" pabirong tanong niya nang magtagpo ang mga mata namin.
"Si Affy po! Kaibigan ko," pakilala naman sa'kin ni Ken.
"Kagandang dilag naman." Napangiti naman ako. I know manang. Buti pa kayo ni mama, na-aappreciate ang kagandahan ko.
"Bakit nga pala kayo napabisita?" tanong niya sa'min.
"Manang, si Kate po," walang pag-aatubiling sagot ni Enro. Seryoso ang kaniyang mga mata at mukhang nangungusap talaga. Ramdam ko ang lungkot mula rito. Kulang na lang ata ay maiyak siya dahil sa sobrang lungkot.
Naramdaman ko na hindi dapat ako nandito. Mas ayos siguro kung silang dalawa lang sana ang magkausap para hindi sila mailang o magdalawang isip sa kanilang sasabihin. "Labas muna kami, Enro." Tumayo na ako para lumabas.
"'Wag, siya lang." Turo niya kay Ken.
Napaupo naman ako at napatingin kay Ken. "Labas muna ako," nakangiting sabi niya pero ramdam ko na napahiya siya. Hay, ang harsh talaga netong si Enro.
"Mahigit isang linggo na siyang nawawala, manang. Alam n'yo ba kung nasaan siya?" tanong agad ni Enro kay manang pagkalabas ni Ken.
Napayuko si manang at matagal din bago siya nakapagsita. "Nagtaka rin ako noong tumigil siya sa pagbisita hanggang sa nalaman kong nawawala na pala siya," tumunghay siya at humarap kay Enro. "Pinuntahan ko pa nga siya sa bahay nila. Nakausap ko ang mga magulang niya at sinabing wala siya doon."
"Wala ba siyang pagpaparamdam sa inyo kung nasaan siya?"
"Wala e." Napabuntong hininga si manang at lumapit kay Enro. "Sasabihin ko sa inyo kapag may nalaman ako."
"Sige, manang. Salamat po."
Ngumiti naman si manang at hinawakan ang ulo ni Enro. "Sige, iho. Sana ay makita mo na siya. Ingat kayo sa pag-uwi."
Tumayo na si Enro at namaalam kay manang. Sumunod naman ako sa kanya at namaalam din. Paglabas namin ng kubo ay nagdire-diretso na agad si Enro papunta sa motor n'ya. Alam ko na lalong bumigat ang pinagdadaanan niya dahil dito. Unti-unti na siguro siyang nawawalan ng pag-asa.
Sumunod na lang ako sa kanya at hindi na lamang umimik. Baka kung ano pang sala ang masabi ko, sa'kin pa mabunton 'yong galit. Nakayuko lang akong nag-aantay habang inaayos niya ang motor niya.
"May pasok ka ba bukas?" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong n'ya.
"Wala, Sabado e. Bakit?" sabi ko habang pinipuyod ang aking maiksing buhok.
"May papagawa ako sa'yo." Wow, ganoon na lang 'yon? Makautos ha.
"Sige." Pero eto naman ako, sige lang nang sige.
"Mamaya na lang natin pag-usapan. Sakay na." Pinapasakay niya na naman ako sa motor niya. Sasakay na sana ako ngunit naalala ko si Ken.
"Pero paano si Ken?" Napalingon ako rito at nakangiti lamang siya sa amin.
"Ayos lang ako, Affy! Sakay ka na!" masayang sabi naman niya sa'kin. Napakabait talaga nitong taong 'to. Kahit na napahiya siya ni Enro kanina, mukhang wala lang sa kanya 'yon.
Umiling ako. "Hindi pwede! Sinamahan mo nga kami dito tapos iiwan ka lang namin," saad ko.
"Marunong ka bang magmotor?" biglang tanong ni Enro kay Ken.
"Oo, sakto lang. Bakit?" nagtatakang tugon ni Ken dito.
"Ikaw na lang sumakay. Sauli mo na lang bukas," walang pag-aalinlangang utos ni Enro kay Ken. Basta na talaga 'to. Parang laruan lang na pinahiram 'yong motor e.
"'Di nga pre?" Nanlalaki pa ang mata ni Ken habang nakatingin sa poging-poging motor ni Enro.
"Oo. Pasasalamat ko na rin sa'yo sa pagtulong sa'min," plain na tugon niya. Kahit na ang papasalamat, naka-poker face pa rin.
"Wala 'yon pre!" masayang sagot ni Ken.
"Sige na. Sakay na," utos naman ni Enro.
"Hay, sige na nga pare! Pangarap ko ring makasakay sa ganitong motor e!" excited na sagot ni Ken habang namamanghang sumakay sa motor ni Enro.
Sasakay na rin sana ako pero bigla na naman akong hinila ni Enro.
"Oh? Bakit ka sasakay diyan? Samahan mo akong magbyahe," masungit na sabi niya sa'kin.
"Sabi ko nga." Wala na akong nagawa kundi magkamot na lang ng ulo.
"Ayos lang ba sa'yo na magbyahe, Affy?" tanong naman sa'kin ni Ken.
"Oo naman! Ayos na ayos." Hindi talaga sis lalo na kapag 'tong si Enrong walang pakiramdam ang kasama mo. Major turn off na talaga!
"Tara na," sabi ni Enro sa'kin na may pagkulbit pa talaga.
"Sige." Rupok.
Nag-aabang na kami ng masasakyan sa may kalsada pero bigla kaming nagkakayayaan na kumain muna sa 7 eleven para kumain. Gutom na kami parehas e, hindi pa nga pala kami naghahapunan.
Bumili agad ako ng siopao at gulp at naghanap ng mauupuan. Si Enro naman nasa cashier pa at nagbabayad. Nang papalapit na siya sa akin, nakita kong sipao din pala ang binili n'ya at isang bote ng bottled water.
"Wow, same tayo!" masayang sabi ko habang pinapakita sa kanya ang siopao na binili ko. Wala siyang reaksyon at umupo na lang sa harapan ko. "Anong flavor n'yan?" pangungulit ko.
"Asado," sabi niya saka kumagat. Napangiti naman ako dahil asado rin ang binili ko. Meant to be talaga kami. Kami nga siguro dapat ang nagkatuluyan kung hindi lang dahil kay Kate. Char. Biro lang, Ate Kate, kung nasaan ka man.
Masaya kong kinain ang siopao ko kasabay ng pagkain niya ng siopao niya ngunit muntik na akong mabulunan sa sinabi niya sa akin.
"Ha? Bakit ko naman kailangang magkungwaring kaibigan ni Kate at sa mga magulang niya pa talaga?" sagot ko.
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sa akin. "Alam kong may alam sila pero hindi ko sila matanong. Ayaw nga nila akong kausapin, ni ayaw nga nila akong makita."
"E paano naman ako? Lalo na ako! Hindi pa nga nila ako nakikita ever since!" Hay, kung ano talagang maisipan nitong si Enro. Palpak pa naman ako lagi. Paano kung pumalpak din ako sa pinapagawa niya? Atsaka hindi ko pa nakikita 'yong mga magulang ni Kate e, ang weird naman kung bigla akong susulpot sa harapan nila.
"Sure ka?" masungit na tugon niya saka kumagat ulit sa siopao. "Kilala ka nila," saad niya. Seryoso n'ya akong tinignan at napaisip naman ako sa sinabi niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด