logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

05

"Po? Bakit nyo po pinakawalan?" agad na bungad ko sa pulis na siyang naka-toka sa lalaking dinala namin dito sa police station kahapon. Mukhang hindi rin siya mapakali, at halata ko ang kaba sa kaniyang pagsasalita.
Hay! 'Yong lalaki na lang na 'yon ang lead namin kay Kate e. Siguradong may kinalaman siya dito sa mga nangyayari, pero 'yon nga, nakawala.
"Eh sabi nitong kasama mo ay jaywalking lang naman e. Tsaka nagpiyansa yung lalaki," palusot na naman ni manong.
Jaywalking? Seriously? Eh muntik na nga akong mapatay non! Sala rin pala itong si Enro. Ano na namang kalokohan 'yon?
"Bakit naman jaywalking lang yung sinabi mo?" naiinis na tanong ko kay Enro.
"Wala na akong maisip." Napa-face palm na lang ako sagot niya. Hay, kasalanan mo rin kung bakit nakawala ang lead natin.
"Pwede namang attempted murder keme keme!" gigil na sabi ko. Ang dami naman talagang pwedeng sabihin! Jaywalking lang talaga?
"Lalo lang lalala sitwasyon," mahinang sabi niya sa'kin.
"Oh ngayon? Saan na tayo pupunta? Nawala na yung pinakalead natin?" kungwaring pagtataray ko sa crush ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Wow?Ikaw na nga tinutulungan e.
"Umuwi ka na. Wala ka bang pasok ngayon?" sabi niya sa akin at akmang lalabas na ng police station. Hay, pagwawalk-out na lang ba ang sagot sa problema?
"Ikaw ba? Wala ka ding pasok? Tsaka bakit mo ako pinapauwi? Tapos napahamak ka sa daan, tapos mag-isa ka lang?" tuloy-tuloy kong sabi habang humahabol sa mabilis na paglalakad n'ya.
Tumigil siya at humarap ulit sa akin. "Paano kung ikaw mapahamak? Problema pa kita d'yan e."
Sus, problema raw. Ayaw mo lang talaga akong mapahamak.
Nilagay ko ang buhok na nakataklob sa mukha ko sa likod ng aking tenga at tinignan siya. "Kahit naman umalis ako sa tabi mo, mapapahamak pa rin ako e. Tignan mo nangyari noong isang araw! Mas safe pa nga siguro kung kasama kita." Kiligin ka naman kahit isa lang.
"Kasalanan mo 'yan. Kinuha-kuha mo pa yung wallet eh," naiinis na tugon niya at naglakad na ulit papalayo. Walk-out king ka ba? Hay nako, stress!
"Teka nga teka nga! Ano nga palang meron dun sa wallet na 'yun?" habol ko sa kanya. Nakarating na nga kami sa parking kakahabol ko.
"Ang ingay mo." Marahas siyang napakamot sa kanyang ulo at saka ako tinitigan ng masama.
Ngumiti naman ako sa kanya pero lalo lang ulit siyang sumimangot.
"Sakay," sabi niya habang pinapagpag ang upuan ng motor niya.
Napailing naman agad ako. "Ayaw ko. 'Di ako nasakay sa motor. Magbabyahe na lang ulit ako. Saan ba punta natin?"
"Bahala ka d'yan." Bigla na lang siyang sumakay sa motor niya at inistart ang makina nito.
"Huy huy! Teka!" Hawak hawak ko yung dulo ng motor at pinagpilitang isakay ang sarili ko parang kung paano ko rin pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya ngayon. Nakakapagod sis. Muntik pa akong malaglag. At yun nga, unti-unti na naman akong nahuhulog sa kanya. Akala ko rin nakamove-on na ako eh. It's a prank pala.
Nakasakay naman ako ng motor niya kahit gusot-gusot na ang damit ko ngayon. Napaka-walang hiya talaga, hindi man lang siya tumigil para makasakay ako nang maayos.
Hindi ko alam kung tinatawanan niya ba ako. Basta may narinig akong tawa sa kanya. Nakakaasar. Kung wala lang akong pake sa kanya, hinayaan ko na lang siya pero jusme, kahit ayaw ko ng mga ganitong ganap sa buhay ko, hindi ko alam kung bakit ko ginustong tulungan itong si Enro. Baka gusto ko lang talagang magpapansin sa kanya.
Habang nakasakay sa motor, hindi ako kumakapit sa kanya. Kahit na ang bilis niyang magpatakbo. Baka kasi isipin niya na pinagnanasaan ko lang siya. Ayokong isipin niya na gusto ko pa rin siya. Baka lalo lang lumaki ang ulo niya at awayin lang ako nang awayin.
"Gusto mo bang mahulog?" tanong niya. Nahalata niya ata na hindi ako nakapit sa kanya.
"Ha?" Nahulog na ako sa'yo eh.
"Kumapit ka," utos niya.
Bakit nagagalit? Ito na.
Nagdadalawang isip pa ako na kumapit dahil baka kung saan dumampi ang mga kamay ko. Kumapit na lang ako sa damit niya na parang pang baby shark lang yung paghawak. Hindi naman sa nandidiri ako sa kanya, baka lang talaga ako lalong ma-fall kapag naramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Hay, Affy! Kalma.
Hindi ko malaman kung nakailan akong Aba Ginoong Maria bago sabihin ni Enro na nandito na kami. Nakailang liyad na ata ako dahil sa bilis niyang magpatakbo. Nagusot ko na ata 'yong damit niya, pero ayos lang, kasalanan n'ya naman e. Kung hindi naman siya ganong kabilis magpatakbo ay hindi ako mapapakapit nang ganong kahigpit sa kanya.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa kanyang damit.
"Tambayan," matipid na sagot niya sa tanong ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Napaka-kalma rito. Ang daming mga puno at halaman. May mga roses pa sa gilid ng pathway. Grabe, parang magical ang lugar na ito. Dinaig pa 'yong mga resort na pinuntahan ko na mga tuyo ang halaman. Ang sarap sa mata ng lahat ng mga nakikita ko.
Bakit naman kaya n'ya ako sinama rito? Ano kayang balak n'ya sa'kin? Char.
"Nasaan tayo?" Sumunod ako sa kaniyang paglalakad. Nakita ko na may kubo pala sa may dulo ng malawak na garden na ito. Pumasok siya sa loob at pumasok din naman ako.
"Tambayan namin 'to ng kapatid ko pero dahil nasa ibang bansa na siya, ako na lang nakakatambay dito." Umupo siya at sumenyas naman siya sa'kin na umupo rin ako. Ganoon nga naman ang ginawa ko.
"Anong gagawin natin?" tanong ko pagkaupo ko sa harap niya.
"Kukwento ko sa'yo kung ano ang dapat mong malaman." Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko. "Para hindi ka na tanong nang tanong. Nakakabingi na e," dagdag niya pa.
Ngumuso naman ako habang nakasimangot. E sa gusto kong malaman kung anong nangyayari e. Gusto ko kasing makatulong sa kanya. Gusto kong mapasaya siya.
Sasagot pa sana ako ngunit nagsalita siyang muli, "'Yong wallet, sana hindi mo na lang 'yon nakita," pagkasabi niya nito ay napayuko siya. "Sadya kong iniwan 'yon sa jeep."
Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya. Sabi na nga ba at s'ya ang nakaiwan n'yon e! Pinagmukha niya pa talaga akong tanga. Kainis!
"Pero baki--"
"Wallet 'yon ng fiancé ni Kate, si Simon. Pinagkasundo sila ng mga magulang nila. Ayaw kasi sa'kin ng parents ni Kate," pagputol niya sa pagsasalita ko. Sige na nga, magkwento ka na muna. Mamaya na ako sasabat.
Tumunghay siya at tumingin ulit sa'kin. Nahihiya pa ako sa t'wing nagtatagpo ang mga mata namin pero hanga ako sa kanya dahil tuloy-tuloy lang talaga siya sa pagkukwento. Hindi ko rin inexpect na mag-oopen siya sa'kin nang ganito. "Yung phone ni Kate, puro pictures namin, puro memories nang magkasama kami. Pero tinakot siya nung lalaki na ipapakita ito sa mga magulang nila, kaya sinira ni Kate yung phone pero nakalimutan niya na ang iba ay nakasave naman sa memory card. Nakuha ni Simon yung memory card at nilagay niya iyon sa wallet niya."
Tumango naman ako para malaman naman niya na nakikinig talaga ako, at nagpatuloy naman ulit siya.
"Kasabay pa nito ang hindi pagpaparamdam ni Kate sa'kin. Wala ring nakakaalam kung nasaan na ba siya. Pati mga pulis, walang mabalita sa'kin simula nung araw na nireport ko ang pagkawala niya." Napatigil siya nang sandali. Kita ko sa kaniyang mga mata na nahihirapan na siya sa pagkukwento dahil naaalala niya ang pinagdaanan niya, ang pagkawala ni Kate, at kung paano niya sinusubukang hanapin ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko naman sa kanya.
Tumango naman siya at nagpatuloy muli sa pagkukwento, "Kaya naisipan kong nakawin 'yong wallet, 'yong memory card na nandoon. Baka kaya nawawala si Kate ay natatakot siyang malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa'min. Baka natatakot siya na baka mapahamak din ako. Pero ngayon, hindi ko naman siya mahanap at makausap na ayos na, na nasa akin na yung card, na hindi na niya kailangang matakot at magtago."
"Noong araw na nakuha ko yung wallet, hindi alam ni Simon na ako ang nakakuha. Kinuha ko ang memory card na nakatago dito, at binalak na iwan na lang yung wallet sa jeep na masasakyan ko para walang ebidensiyang mahahanap sa'kin."
"Pero sa kasamaang palad, may asungot akong nakasabay sa jeep. Sa halip na mawala na lang sana 'yong wallet, dinala pa sa'kin, dinala pa sa pulis," kumunot ang kaniyang mga noo habang nakatingin sa'kin. Yumuko naman ako para umiwas sa mga titig niya.
Bakit? Hindi ko naman alam ah! E kung sinabi niya agad 'di ba edi sana hindi ko na nadala sa pulis?
Inosente talaga ako sa lahat ng nangyari ano!
"Nagkaroon tuloy ng hint si Simon na baka nasa akin nga yung memory card," paninisi niya pa. "Baka tauhan niya 'yong lalaking sumusunod sa iyo at baka kasabwat din nila ang mga pulis dahil sa mga kuneksyon niya."
Hay, hindi mo na talaga alam kung sino ang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Nang dahil sa pera, nagbabago ang pananaw ng mga tao, at nang dahil din sa dito, ginagawa nila ang kasalungat ng tama.
Napakamot ako ng ulo bago magtanong sa kanya, "Nasaan na ngayon 'yong memory card?"
"Eto." Pinakita niya ito sakin. "Pero, nagtataka ako kung bakit may password. Hindi ko mabuksan ang laman," saad niya.
Tinignan ko naman ito at ininspeksyon. "Ni-try mo na ba anniversay nyo ni Kate? Birthday niya?"
"Oo, wala eh. Ayaw gumana." Edi kayo na may anniversary.
Ang misteryoso naman ng jowa nitong si Enro. Bakit hindi na lang kasi talaga ako ang jinowa mo? Edi sana hindi ka na naghahanap ngayon. Hays. Bakit mo kasi jinowa yung may matapobre ang magulang e?
"May isa pa akong taong hindi napupuntahan, at siya naman ang pupuntahan natin ngayon," biglang sabi niya sa'kin.
Hala? Ano na? Wala na talagang atrasan 'to, Affy? May pasok ka pa bukas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด