logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

04

"Hindi naman talaga sa'kin yung wallet na 'yon eh! May nagpapahanap lang din," palusot nung lalaki habang nakagapos ang mga kamay niya at nakaupo sa semento. Siya rin 'yong lalaking tumagpo sa'kin sa police station. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Akala ko pa naman, karangal-rangal siya pero ito, muntik na niya akong mapatay. Buti na lang at dumating si Enro, hindi pa rin ako makapaniwala na niligtas niya ako.
Ang Enrong nakilala ko? 'Yong napakasungit? Niligtas ako? Wow.
Kilig na kilig na naman ako dito kay Enro, pero napakarahas naman. Nakailang suntok na siya dito kay Kuya Gym Guy at lalo naman siyang naiinis kapag ngumingisi lang ito.
"Enro, dalhin na lang kasi natin siya sa mga pulis!" sigaw ko kay Enro bago pa man niya ulit ma-landingan ng kamao niya ang mukha ng lalaking ito.
"Sinong nagpadala sa'yo?" kalmado at seryoso niyang tanong doon sa lalaki. Pero kahit kalmado 'yan, ang sama pa rin n'ya kung makatingin, nakakapanindig-balahibo.
"Hindi ko rin alam," sabi nung lalaki sabay ngisi.
"Anong hindi mo alam?" Napakuyom na naman ang kamao ni Enro. Susuntukin niya ulit sana yung lalaki pero napigilan ko agad siya.
"Tama na 'yan," suway ko sa kanya. "Gusto ko nang umuwi. Dalhin na lang natin siya sa pulis." Nagpa-cute pa talaga ako para pumayag na siya. Ayaw ko na talaga rito. Grabe na 'yong trauma ko! Ayaw ko na ng gulo! Gusto ko nang umuwi.
Tumingin lang siya sa akin nang masama at sinimulang hilahin sa may k'welyo ang lalaki.
"Anong gagawin mo na ngayon sa kanya?" natatakot kong tanong.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Alam ko ang ginagawa ko," sabi niya sa'kin. "Umuwi ka na."
"Pero..." Okay? After all of these, hahayaan mo akong umuwing mag-isa? Nanganganib na rin buhay ko gawa mo no! Pero sa halip na magreklamo at sabihin lahat ng iyon sa kanya, huminga na lang ako nang malalim at pumayag. "Sige, uuwi na ako. Ingat ka."
Bigla naman siya napapikit nang madiin at napakagat-labi.
Oh ano na naman? Hindi na kita inaano d'yan ha!
"Hatid kita. Ihatid ko lang din 'to sa pulis," saad niya.
Napangiti naman agad ako sa sinabi niya.
Hoy, Affy! 'Wag assumera ha. Ihahatid ka lang. Hindi pa rin ikaw ang gusto. Period.
Nang makarating kami sa police station, hinayaan ko na lang na si Enro ang mag-asikaso ng nangyari. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na talagang magpahinga. Ang s'werte ko pa ngayon dahil buhay pa ako. Thank you, Lord! Thank you, Enro.
...
"Sakay na," sabi niya sa'kin nang makarating kami sa sakayan. Pinipilit niya na akong pumasok sa jeep. Hays, akala ko naman kasama rin siya.
"Akala ko hahatid mo ako?" tanong ko naman sa kanya.
"Hinatid nga kita," sabi niya habang nakalahad pa ang kaniyang mga kamay at nakataas pa ang kanyang magkabilang kilay.
"Sa sakayan," pagpapatuloy ko.
"Oo." Napakamot siya ng batok at saka tumingin sa paligid.
Hay, ano ba 'yan? Paano kung pababain ulit ako ng driver? Tapos may kung ano na naman ang sumunod sa'kin? What if this time, mapatay na talaga nila ako? Good bye world na talaga!
"Sakay na nga. Sasakay din ako," masungit na turan niya sabay pasok sa jeep sa harapan namin.
Hindi ko na naman napigilang ngumiti at pumasok na lang din sa loob. Pakipot pa talaga itong si Enro.
"Ikaw naman! Joke lang. Kaya ko umuwi mag-isa e," pagpapakipot ko rin.
Ito na naman ang poker face niya na kungwari'y walang narinig. Sige! D'yan ka magaling e.
Pero kilig talaga ako. Isa ba itong panaginip? Walanjo naman. Mamamatay na ata ako sa kilig. Sana 'wag na po itong matapos. Ready na akong i-risk lahat makasama lang si Enro.
Hindi na ako bababa sa amin. Makasama ka lang siya!
"Malapit na bahay mo," biglang sabi niya habang nakatingin sa bintana ng sinasakan naming jeep.
Ay? Alam niya pala ang bahay namin?
"Sunod na kanto na 'di ba?" tanong niya sa'kin.
Napatango naman ako. Ano ba 'yan? Akala ko makakasama ko na siya ng mas mahaba e kaso alam pala ang bahay namin. Paano naman kaya niya nalaman ang bahay namin? Stalker ko siguro 'to.
"Para na po!" sabi ko kay manong driver. Nagtaka naman ako nang maramdaman kong bumababa rin si Enro.
"Bababa ka rin?" tanong ko sa kanya.
Tumango lamang siya at sinamahan akong maglakad papuntang bahay. Papasok din kasi ng kanto ang bahay namin. Pangatlong bahay mula sa highway. Hindi naman ganoong kalayo ngunit nakakatakot din maglakad mag-isa dahil pundi ang mga ilaw sa daan, hindi pa napapaltan ni kapitan. Nasaan na naman kaya ang pondo ng bayan?
Napatingin naman ako kay Enro habang naglalakad kami. Ang pogi naman ng jowa ko. Ano ba? Feeling ko ay jowa ko na siya e. Hay, bakit hindi pa kasi ako jinowa nitong lalaking 'to.
"Salamat dito na ako," sabi ko sa kanya nang nakarating na kami sa harap ng bahay.
Tumango lang naman ulit siya. Pipi ka ba o wala lang talagang masabi? Napaka-sungit talaga. "Ingat ka pag-uwi," sabi ko na lang sa kanya.
"Wala bang malapit na pwedeng matulugan dito?" bigla niyang tanong sa akin.
"Ha? Bakit?" Napa-nganga pa ako pagkatanong ko.
"Gabi na e. Ayoko na ring may makasalubong sa daan," seryosong sabi niya ngunit nahalata ko na meron ding siyang pangamba.
Pinatuloy ko naman siya sa bahay at pinakilala kay mama. Agad naman namin siyang hinatid sa boarding house sa likod lamang ng aming bahay. Lumang bahay 'yon nina mama noong bata pa siya. Pinaupahan niya na lang ito nang mag-asawa na siya at nagkaroon ng sariling bahay para naman hindi masayang ang bahay na pinatayo nina lolo at lola.
"Sige utoy. Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa ha." Ang bait naman talaga ni mama sa future son-in-law niya. Asikasong-asikaso si Enro e. Naglabas pa ng mga bagong punda ng kama pati ng mga baso at plato. Kulang na lang ay dito na talaga tumira si Enro.
"Salamat po. Pasensya na po sa abala. Uuwi din naman po agad bukas. Medyo ginabi lang po ngayon." Tinignan niya pa talaga ako pagkasabi n'ya n'yon. Sorry na ano? Hindi ko nga rin alam kung anong pinasok ko e.
Nauna na si mamang lumabas ng kwarto. Tinignan ko muna si Enro bago rin ako tuluyang lumabas. Mukha siyang at home na at home. Mabuti naman 'yon at ng tumira na lang siya dito malapit sa'kin. Char.
"Mag-uusap pa tayo bukas tungkol sa wallet na 'yon," bulong ko kay Enro saka sinara ang pinto ng kwarto.
"Tsk!" Narinig kong tugon niya. At least sumagot 'di ba?
Pagkalabas ko ay may nareceive akong text ni Liana. Oo nga pala, debut na ng kapatid niya bukas at invited ako. Kahit na hindi na kami masyadong in touch ni Liana, magkaibigan pa rin talaga kami. Napagkukwentuhan ko pa rin siya ng kung anu-ano at siguradong magugulat siya kapag kinuwento ko lahat ng nangyari ngayong araw na ito.
Kinabukasan, pag-gising ko, wala na si Enro sa boarding house pero nagpaalam naman siya kay mama dahil maaga rin itong nagising. Pupunta raw ito sa debut ng pinsan niya. Natuwa naman ako kasi makikita ko rin pala siya doon.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako maghapon dahil siguro sa pagod. Buti na lang ay nagising ako bago pa ako malate nang tuluyan sa birthday party. Hindi na ako nakapag-ayos dahil sa pagmamadali ko. Mas nakakahiya naman kay Liana kung malelate pa ako e gabi na nga ang start nung party.
"Buti sis at umabot ka!" salubong sa akin ni Liana sabay yakap. "Tara na sa loob."
Sumunod naman agad ako sa kanya. "Si Enro nga pala?" tanong ko.
"Nasa loob na siya sis!" masayang sagot niya. "Hay, ship ko talaga kayo ng pinsan ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ship ko rin kami pero iba talaga gusto n'ya.
"Miss ko na yung dating Enro," dagdag ni Liana pagkaupo naming dalawa sa harap ng isang bilog na table.
Napuno naman ng pagtataka ang mukha ko. "Bakit?"
"Si Kate kasi, nawawala siya."
Napatulala ako bago pa man ako makasagot kay Liana. "Nawawala si Kate?"
"Oo. One week na," malungkot na tugon niya.
Napaisip tuloy ako. May kinalaman ba lahat ng kaguluhan kahapon sa pagkawala niya? Ano na ba talaga ang nangyayari?
"Walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon. Kaya yang si Enro para laging may sariling mundo."
After 8 years pala, siya pa rin gusto mo.
Wala na nga siguro akong panama doon kay Kate, gustong-gusto talaga siya ni Enro.
Nagpaalam muna ako kay Liana para hanapin si Enro. Kaya naman pala lalong sumungit si mokong, may pinagdadaanan pala. Hay, I feel bad tuloy at dumagdag pa ako sa mga problema niya.
Habang hinahanap ko siya ay nakuha ng atensyon ko ang isang tumpok ng mga tao sa may labas ng venue.
May dalawang lalaki sa loob ng bilog at tila ba pinapanood ng mga nakapalibot ang dalawang ito.
Nakatayo lang ang isa samantang ang isa naman ay dinuduro-duro ito. Lumapit naman ako para makita kung ano ba ang nangyayari.
"Ang KJ mo naman Enro eh!" sabi nung lalaki na parang inis na inis talaga habang dinuduro ang kaharap niya. "Hanggang kailan ka ba magmumukmok d'yan? Nakakainis ka na!" tinulak pa nito ang dibdib nito saka tumalikod. "Tara na nga. Iwan na natin 'yan." sabi niya sa mga kasama niya na nanonood din. "Wala na tayong mapapala d'yan. Tumigil na ang pag-ikot ng mundo niya nung nawala 'yong babaeng 'yon."
"Tama na," malamig na tugon ni Enro.
Lumingon ang lalaki sa kanya at sumagot ulit, "Tama naman 'di ba? Baliw na baliw ka sa babaeng 'yon."
"Tama na nga!" Naka-abang na ang kamao ni Enro para suntukin ang lalaking nasa harapan niya ngunit napigilan siya ng mga iba pang lalaking kasama nito.
"Oh sige! Susuntukin mo ako? Go!" gigil na gigil niyang sabi kay Enro.
Bigla namang umawat si Liana sa gitna nila. "Tama na nga 'yan! Birthday ng kapatid ko tapos dito pa kayo manggugulo?" sigaw niya. "Pumasok na nga kayo sa loob, Lance! Hayaan n'yo muna dito si Enro."
Ayaw pang umawat nung si Lance pero hinila na siya ni Liana sa loob katulong nung iba pang mga kasama nila.
Ako naman, hindi ko alam kung bakit patuloy ang paghakbang ko papunta kay Enro.
"Pst." Argh! Bwiset talagang bibig 'to!
Lumingon lang siya sa'kin habang nakakunot ang kaniyang noo. Syempre, matic na ata 'yon sa kanya. Menopause na ata itong si crushie e.
Medyo kumalma naman yung mukha niya nang nakita niya ako.
"Tara sa loob?" pagyaya ko sa kanya.
"Mamaya ako." Umiwas siya ng tingin sa akin at niyuko ulit ang kanyang ulo.
"Pero uulan na oh?" Ang daldal ko talaga.
Tumingin lang siya sa langit sabay sabi ng "Ayos lang."
"Nabalitaan ko yung kay Ate Kate. Sorry." Ang huli ko talaga sa balita. Hays, hindi ko man lang siya na-comfort noong una naming pagkikita.
Ngumiti lang siya ng pilit at tinignan ako. "Nasaan na kaya siya?" Halata ko ang lungkot sa tono ng boses niya. Ang sakit, bakit ako ang nasasaktan?
Siguro ay nakita ko nga ang pagbabago niya. Nawala na ang saya sa kanyang mga mata.
Nasaan na yung mayabang at malokong Enro?
Nasaan na 'yung crushie ko na ang galing at hilig maglaro ng soccer?
Nasaan na yung matamis na ngiti niya?
Nasaan na?
Nawala na nga ba?
Pero sino ba naman ako para hanapin 'yun? E iba nga ang hinahanap nya eh.
"Enro?" bigla ko na namang natawag pangalan niya. "Tutulungan kitang hanapin siya." Ano ba talaga 'tong bibig na 'to? "Si Kate."
Hays, Affy! Alam mo ba itong pinapasok mo?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด