logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7 Ang dating biyenang hilaw ni Jeremy

"KAMUSTA ka na, Rosales?”
“Mabuti naman po, Sir,” propesyonal na propesyonal ang pagkakasagot niya sa tanong ng dating biyenan na hilaw -- kay Ex-General Leopoldo San Juan. Kahit ang totoo ay nangangalog ang tuhod niya. Mabuti na lang at agad din siyang pinaupo nito matapos siyang sumaludo. Ngunit ang totoo, ang una niyang naisip gawin kanina ay magmano rito.
Damn, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganito at kung hindi siya nagkakamali ay naramdaman din niya iyon sa kanyang kaharap. Nang gabing ipinakilala siya rito ni Katrina bilang boyfriend. Matiim na matiim kasi siya nitong tinitigan noon at marami itong tinanong sa kanya. Kahit naman nasagot niya ng buong katotohanan ang lahat ng itinanong nito'y hindi pa rin niya napigilang kabahan. Para kasing gusto pa siya nitong paimbistigahan matapos silang mag-usap.
“Huminga ka muna, fire dragon, baka masunog ka sa sarili mong apoy,” natatawang sabi sa kanya ni Chief Domingo Mercado.
Kahit pa sabihin niyang hepe niya ito, hindi niya napigilan ang sariling tapunan ito ng masamang tingin. Alam na alam niyang inaalaska siya nito dahil sa naging karelasyon niya ang anak ng bestfriend nito. At dahil mahusay itong bumasa ng emosyon, alam na alam nito ang kanyang nararamdaman. At sigurado siyang sa paningin nito ay katawa-tawa ang inaakto niya.
“May asawa ka na ba, Rosales?” walang anu-ano't tanong nito. Hindi siya agad nakasagot kaya inulit ulit nito ang tanong.
Sinalubong niya ang tingin ng ex-general bago sumagot. “Wala pa po akong pinakakasalan.”
“Pero, may anak ka na.”
Kinabahan siya sa sinabi nito. “Ho?”
Nang mapasulyap siya sa kanyang hepe kaya naman nakita na naman niyang nakangisi ito at napapailing. At huling-huli din niya ang sinabi nito kahit walang boses na lumabas sa bibig nito. “Nagba-blush ka. May naalala ka ba?”
Damn! Kung isa lamang siyang suspect, siguradong napaamin na siya sa mga kasalanang nagawa. Gaya nga ng sabi ng kanyang hepe, damang-dama niyang nag-iinit ang kanyang mukha at buong katawan. Kung bakit ba naman kasi bumalik na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila ni Katrina.
Para pa ngang gusto niyang mapaungol nang maalala niya kung gaano kasarap ang halik nito at kung gaano kainit ang yakap nito. Para ngang gusto rin niyang mabingi nang manumbalik sa kanyang isipan kung gaanong kalakas ang pag-ungol nito sa bawat pag-ulos niya.
“Tinatanong ko kung may anak ka na,” ulit ng ex-general.
“Wala po,” tiyak na niyang sagot. Kung nagkaanak kasi siya siguradong malalaman nito iyon. Dahil si Katrina lang naman ang tanging babae na ginalaw niya. Kahit naman maraming babae ang nagpapakita ng interes sa kanya, hindi siya pumatol sa mga ito. Pakiramdam niya kasi'y magtataksil lang siya kay Katrina kapag ginawa niya iyon.
“Good. Kayang-kaya mong gawin ang ipapagawa ko sa’yo,” anitong parang hindi naman napansin ang paghinga niya ng malalim. Para kasing may punyal na nahugot sa kanyang dibdib.
Kunot ang noo niya, “Ano ho?”
Hindi muna ito kumibo. Pinakatitigan muna siya na para bang gustong makita nang mabuti ang reaksyon niya sa sasabihin nito. “Ang kidnapin si Katrina sa araw ng kanyang kasal.”
“Sigurado kayo?” manghang tanong niya. Kinuwestiyon niya ang sarili, hindi ba ang dapat niyang itanong ay ‘bakit?’ At saka, bakit parang may excitement siyang naramdaman sa ipagagawa nito sa kanya? Sa isip nga niya'y sinabi niyang masosolusyunan na ang kanyang pinuproblema.
“Hindi ang Flaviano Samonte na iyon ang karapat-dapat sa aking anak. Isa siyang mabangis na leon na nagtatago bilang maamong tupa. Ginagamit lang niya ang anak ko para makapaghiganti sa akin dahil ipinakulong ko ang kanyang ama na napatay din sa kulungan. Akala niya yata ay hindi ko malalaman ang tunay niyang pagkatao dahil iba na ang kanyang apelyido.
“At hindi ‘yan alam ni Katrina?” mangha niyang tanong. Alam naman niya kung gaano kapili si Katrina pagdating sa pakikipagkaibigan, lalo na sa pagpili ng gagawing nobyo. Sabi nga nito dati, siya lang ang lalaking pumasa sa standard nito kaya hindi na siya nito pinawalan pa kahit marami naman itong manliligaw.
“Masyado siyang in-love sa lalaking iyon para kilalaning mabuti. Dalawang taon pa lang niyang boyfriend, magpapakasal na sila,” wika nitong titig na titig sa kanya na para bang binabasa sa mukha niya ang kanyang nararamdaman.
Kahit alam niyang nakatingin sa kanya ang mag-best friend, hindi niya napigilan ang paniningkit ng kanyang mga mata, pagtangis ng kanyang bagang at ang pagtikom ng kanyang kamay. Parang gusto niyang maghagilap ng punching bag ng mga sandaling iyon. Ibig niyang manuntok nang manuntok hanggang sa magdugo ang kanyang kamao. Masyado kasing mabigat ang dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Si Katrina, in-love na sa ibang lalaki?
“Guwapo naman kasi talaga ang boyfriend ni Katrina..ngayon,” ani ng kanyang hepe na halatang pinakadiinan ang katagang ngayon. Na para bang ang pangit-pangit niya. “Mala-Dingdong Dantes. Kapag itinabi siya sa’yo magmumukha kang second lead. Ay, ‘yun ba ang ibig sabihin ng alalay?”
Nakangisi sa kanya ang magaling niyang hepe kaya alam niyang binubuwisit siya nito. Kitang-kita niya ang pagningning ng mga mata nito na para bang nagsasayaw pa. Ang sarap dukutin.
Ang dating biyenan na hilaw niya ang sumagot. “Kilala mo naman siguro si Katrina kung gaano katigas ang ulo niya pagdating sa mga taong gusto niyang panindigan, hindi ba?”
Tumango siya sabay lunok dahil alam niyang isa siya sa mga taong tinutukoy nito. Ngunit, sa pagkakaalam niya ay wala namang negative reaction sa kanya ang pamilya ni Katrina. Katunayan, lagi ngang sinasabi ng mga ito na masuwerte si Katrina dahil siya ang lalaking natagpuan nito. Ewan nga lang nya kung hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin ang tingin sa kanya ng pamilya ng ex-girlfriend. tiyak niya kasing hindi matitiis ni Katrina na sabihin kung anong nangyari sa kanila.
Napalunok siya nang maisip niya ang mga sinabi niya kay Katrina kaya kung ang lahat ng iyon ay nalaman ng pamilya nito, siguradong masama na rin ang tingin sa kanya.
“Kaya, wala rin akong mapapala kung kokontrahin ko lang siya sa gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Ang tanging paraan lang talaga ay hadlangan siya sa mismong araw ng kanyang kasal,” wika nito saka pumukpok sa mesa at tumingin sa kanya. “At ikaw ang inaatasan kong gumawa noon. Dahil kahit iniwan mo ang anak ko, wala akong ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw. Tiyak ko naman hindi mo ako bibiguin, hindi ba Rosales?” matigas nitong sabi na para bang wala siyang karapatang tumanggi.
Well, hindi naman talaga siya tatanggi dahil talagang hindi siya papayag na magpakasal sa ibang lalaki si Katrina. Dahil walang ibang karapat-dapat para kay Katrina kundi siya lamang. Kaya naman nang pumikit siya ay parang nakita niya sa kanyang balintataw si Katrina. Nakasuot ng puting-puting trahe de boda habang nakangiti sa kanya ng pagkatamis-tamis. Yes, sa kanya lang si Katrina San Juan. Mapapalitan lang ang apelyido nito kapag sa kanya nagsabi ng I do.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Kaye Cy Ann Manangan

    yes

    23d

      0
  • avatar
    GOLDROSE

    nice work

    21/07

      0
  • avatar
    tafallaNoriel

    goods

    05/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด