logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

NAGISING ako na sumasakit ang ulo. Saka may napapansin ako sa paligid. Sgad akong napabalikwas ng bangon.
Nasa kwarto na ako. Napasapo ako sa noo. Wala akong matandaang kahit ano maliban sa kumain kami ni Ried sa isang restaurant at nilaklak ko ang—Oo nga pala! `Yong wine!
Napasapo ulit ako sa ulo nang sumakit ulit `yon. Kaya lang parang.., parang masusuka ako. Agad akong tumayo bago pa ako magsuka rito sa kama. Hindi ko na pinansin kung sino ang nasa loob ng shower room dahil sukang-suka na talaga ako.
Shit! Ang sakit ng sikmura ko at parang nahihilo at sumasakit pa rin ang ulo ko.
Nag-flash pa ulit ako bago nagsuka ulit.
“What the—”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na `yon. Ang gagong si Radier.
Naka-towel lang pambaba.
Naduduwal ulit ako. Shit! Napakarami ko sigurong nakain kahapon bago nalasing kaya ganito. Kainis! Kung alam ko lang na ganito pala epekto ng alak. Shit! Dapat hindi na ako—teka nga! Napilitan lang naman ako, `di ba? Hindi ko naman talaga intensyon na lumaklak ng wine kung hindi ko lang nakain `yong putakti na petsay na `yon.
“Buntis ka ba?” Malamig ang boses niya.
Gulat na napatingala ako.
“Ano?!” bulalas ko.
May galit na rumehistro sa mukha niya. “Sino ang—”
“Buntis?!”
Gulat na napatingin kami mula sa hamba ng pinto ng banyo. Si Ma’am Olga. Nanlalaki ang mata at palipat-lipat ang mata sa aming dalawa. Ako na nakapantulog pa at si Radier na towel lang ang suot pambaba.
“M-Ma’am?” nauutal na bulalas ko.
“Radier?” ani Ma’am at nilipat ang tingin sa akin. “Carlota?”
Teka! Bakit ganyan siya makatingin?
`Wag mong sabihing—Shit!
“M-Maam! H-Hindi po sa gano’n! Mali po kayo ng iniisip!” depensa ko.
Itong katabi ko ay napatanga lang at mukhang gaya ko hindi rin magawang makapagsalita.
“Oh... my... gosh!” wala sa sarili na naisatinig ni Ma’am Olga.
Kaya lang nakapagtataka. Dapat sinampal niya na si Radier or ako. Dapat pinangangaralan niya na kami. Dapat binabato niya na ako ng nakakainsultong linya... pero... Bakit kumikislap pa ang mga mata ni Ma’am Olga?!
Hilaw akong napangisi. “M-Ma’am, mali po talaga kayo ng—”
“Anong pinaglilihian mo? Ilang buwan na? Nakapagpa-check ka na ba? Hmm. Kailan pa? Oh, my gosh! I can’t believe this!” putol niya at biglang nilingon si Radier na gulat pa rin hanggang ngayon. “Your dad should know this! Gosh!”
`Tapos sa isang kisap-mata lang, nawala na sa harap namin si Ma’am at... Malakas na sumara ang pinto.
Patay!
Wala sa sarili na nagkatinginan kami ni Radier. `Tapos sa mga sarili namin. Parang gusto kong mahimatay.
KAGAT-labi ako habang nakayuko. Si Radier ay bored na nakasandal sa sofa katabi ko.
Nalaman ko kay Radier na sira pala ang shower sa room nila at inaayos pa kaya sa kwarto namin siya nakiki=shower. At saktong nagsuka ako at ng pagdating ni Ma’am Olga...
Nagkabuhol-buhol na ang pangyayari. Nakaharap kami ngayon kay Sir Bernard na mukhang hindi makalma at panay inom ng kape. Mas lalo siyang ninerbyusin niyan, e.
Samantalang ang dalawang sina Ried at Redwell ay nasa labas at ayaw papasukin ni Sir Bernard kasi raw masyadong maselan ang issue.
Nakakairita nga lang ngayon. Ayaw magpaliwang nitong ugok na `to rito. Putek! Mas gusto pa `atang mapikot kaysa sa masagi ang pride niya. Kaya ako ang nagpaliwanag para sa aming dalawa.
“Totoo po ang sinasabi ko—”
“Just tell me, Carlota, kung pinagbabantaan ka ng anak kong ito kaya mo nasasabi `yan. I know my son. Sa ilang taon na paglalaro niya sa mga babae, ito ngayon ang resulta, and godgamit! Hindi pa graduate ng college! Hindi man lang naisip kung gaano kahirap na responsibilidad itong pinasukan niya!”
Galit na si Sir Bernard kaya halos hindi na ako makapagsalita. Walangya! Hustisya! Hindi naman talaga totoo!
Binalingan ni Sir ang walang paki na si Radier. “Ngayon, magpakalalake ka! Harapin mo ang responsibilidad mo. Hindi kita pinalaki na iresponsable! Ginawa mo `yan, panindigan mo. Hindi maaring magkaroon ng iresponsableng ama ang magiging apo ko.”
Napalunok ako sa salitang ‘apo.’
Shit! Walang ibang laman ang tiyan ko kundi bulate kaya ano bang pinagsasabi nila?
Hindi ako maka-insert at itong walangya sa tabi ko puro ‘tss’ lang ang ginagawa. Grr! Sarap ihampas sa puno ng makahiya.
“We should call your parents Carlota. Naiintindihan kita kung ayaw mong ipaalam ito sa kanila but we should do this. Habang maaga pa, kailangan na nating maayos ang lahat habang hindi pa lumalaki ang tiyan mo. I’ll set your wedding as soon as possible,” seryoso sabi ni Sir Bernard na mas lalong nagpalaki ng mata ko.
Whaaaaaat?!
“P-Pero—”
“And you!” Itinuro si Radier at hindi ako pinansin.”Be ready, haharapin natin ang pamilya ni Carlota. Soon they will be here, hihingin mo ang kamay niya sa kanila. Be responsible this time, Radier.”
Alam n’yo kung ano sagot?
Tss.
Grr! Mapapatay ko na talaga `to!
“HERE she is!” mukhang masigla na hinila ako ni Ma’am Olga sa harap ng laptop.
Nagulat pa nga ako pagkapasok ko. May babae roon na sobrang puti at mukhang Amerikana na agad nagtakip ng bibig at napasinghap.
“Oh, my gosh! Mom! Siya na ba ang soon-to-be daughter-in-law ko? Is she really carrying my son’s child?” bulalas ng babae at mukhang tuwang-tuwa pa.
Oh, my... shit! Alanganin akong ngumiti. Kaya ang resulta, ngiwi.
“Yeah. Hindi ko aakalaing maaga kong makikita ang apo ko sa tuhod. Oh, my gosh! I feel old. But too glad.” At ngumiti si Ma’am Olga sa `kin.
Gusto kong mapamura sa inis. Dahil wala sa intensyon ko na paasahin sila. At nakikita ko sa mga mukha nila na sabik sila. Pero... Shit! Walang katotohanan ang lahat ng `to. `Yon ang gustong-gusto kong ipaintindi sa kanila kanina pa pero ayaw nila akong paniwalaan!
“Oh, my... hello, hija! Ano pangalan mo?” Kumaway ang babae sa laptop.
“‘C-Carlota’ po.”
“Nice meeting you. My name is Farah, Radier’s stepmom and soon-to-be your mom, too.” Parang kinilig pa. “Nakakatampo iyang apo n’yo, Mama, hindi man lang ipinakilala sa `kin si Carlota.”
Kumunot ang noo ni Ma’am. “Wala siyang nabanggit? Tsk. Oo nga naman, kailan ba nagbanggit ng babae ang anak mong `yan, Farah.”
“Yeah, masyadong malihim. But after all, there’s a little angel na. At hindi na maitatago ni Daddy Radier `yan ngayon.” `Tapos kumindat pa sa `kin.
Nahihiya na ngumiti ako. Shit! Feeling ko ngayon pa lang, parang nasusunog na sa impyerno ang katawan ko! Napakabait nila at pawang kasinungalingan lang pala ang lahat.
Inakbayan ako ni Ma’am Olga.
“Alam mo ba? Itong magiging in-law mo ay magaling mag-drawing? I hope magmana sa kanya ang bata,” ani Ma’am Olga `tapos ngumiti sa `kin.
“Oh, really? Gosh! I love arts, too! Alam mo ba, lahat ng pictures ko gawa sa portrait?” sabay humalakhak.
Nahihiya na ngumiti ako. Gosh, Carlota! You’re a damn idiot!
Napakaraming napag-usapan pa ang dalawa pero inutusan na ako ni Ma’am Olga na matulog nang maaga dahil nga raw nakakasama sa bata ang pagpupuyat.
“I can’t forgive my grandchild of what he did to you these passed days, hija. Pinagpupuyat ka niya kahit alam niyang buntis ka. Gosh! Hindi ko akalaing nagawa niya `yon sa`yo.” Madrama na napasapo pa si Ma’am Olga sa noo bago niya ako hinayaang matulog.
Kailangan ko raw matulog... Pero hindi ako makatulog.
Mali `ata na pumayag pa ako sa kagustuhan ni Auntie. Pinagsisihan ko nang pumasok ako sa trabaho ko na `to.
Maaring bukas o sa susunod na araw, darating na ang parents ko.
Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nina Papa at Mama. Oh, my... bakit nangyayare sa `kin `to? Tuwing naiisip ko ang mukha ni Radier, parang gusto kong mag-acrobat sa inis!
“P-PAPA... M-Mama...” Palipat-lipat ang mga mata ko sa dalawang napagbuksan ko ng pinto.
Tumingin sa tiyan ko si Papa `tapos sa mukha ko. At nagsalubong ang kilay. Agad akong napayuko.
`Ayan na... `ayan na...
“Emilio!” Agad pinigilan ni Mama si Papa. Dadapo na dapat ang palad niya sa pisngi ko. “Kumalma ka, buntis iyang anak mo!”
“Papa...” Maiiyak na ako.
Gustong kumawala ni Papa sa yakap ni Mama para saktan ako. Ramdam ko na kating-kati na siyang saktan ako ngayon.
“Hindi na dapat kita pinayagan! Sa una pa lang, alam na alam ko nang mali ang naging desisyon ko na magpadala sa pandedemonyo ng tiyahin mo! Pero ano? Ano ito? Iyan na! Nagbunga na ang lahat dahil sa katigasan ng ulo mo!”
Napayuko na lang ako. Gusto kong sabihin ang totoo pero siguradong maging si Papa hindi rin ako paniniwalaan. Ano pa nga ba? Nandito na ito kaya siguro paninindigan ko na lang.
“Papa, sorry—”
“Maibabalik ba ang lahat sa dati niyang ‘sorry’ mo?”
“Emilio... nandiyan na `yan, wala na tayong magagawa. Kaya kumalma ka na. Sige ka, baka lumaki pa ang mga pores mo,” si Mama.
Sinamaan siya ng tingin ni Papa. At nang ibaling ulit ni Papa ang tingin sa `kin ay nag-iwas ako ng tingin at napayuko. Paksyet talaga!
“ANG yaman-yaman pala ng daddy ni baby,” nakangisi na puna ni Mama. Umiikot-ikot siya sa taas `tapos tinititigan `yong mga muwebles doon.
Si Papa, nasa kwarto ko nagpapahinga. Napagod sa biyahe mula probinsya patungo rito `tapos medyo na-highblood pa kanina.
Mamaya pa darating sina Ma’am Olga pati si Sir Bernard. Busy pa sila sa trabaho. Ayoko rin ipaalam sa kanila na nandito na ang parents ko dahil baka mag-abala pa sila sa pag-uwi. Kilala ko pa naman `yong si Ma’am.
“Totoo pala talaga `yong mga fairytale, `no? `Yong mayayaman makakapangasawa ng mahihirap.” `Tapos kinilig pa.
Pilit lang akong ngumisi. Pero sa totoo lang, kating-kati na akong sabihin sa kanya ang totoo. Kaya lang ayoko namang lumabas na KJ.
Napakasaya niya at parang sina Maam Olga rin, nag-a-assume na si Mama. `Tapos biruin mo? Sumadya pa talaga sila rito kahit ang sabi pala nina Ma’am Olga ay kami ang uuwi sa probinsya para makipagkita sa kanila at doon pormal na hingin ang permiso ng pamilya ko.
Sure akong si Papa ang may desisyon nito. Gaano ba niya kagustong pagalitan ako?
“Naku, anak, dapat `wag ka pumayag sa prenup, dapat conjugal kayo. Kailangan walang batas sa relasyon n’yo,” aniya at hinawakan pa ako sa magkabilang braso.
Napangiwi ako sa pinagsasabi niya. “Mama, naman... hindi sila gaya ng inaakala n’yo. Saan mo ba nakuha ang ideya mong `yan?”
Napakurap-kurap siya. “H-Hindi ba?”
“Mababait po sila.” Ngumiwi ulit ako.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin na parang napahiya.
“Concerned lang naman ako. `Yon kasi madalas kong nakikita sa mga drama, e.”
Pinagmasdan ko ang lumang suot ng Mama ko at ang tsinelas niyang medyo sira-sira na. Hindi ko akalaing iyan ang ginamit niya upang makarating dito at makita ako.
Aaminin ko, hindi talaga kami nababagay na tumuntong sa lugar na `to. Napakalayo ng estado namin sa mga gaya nina Radier.
“O, ba’t ka umiiyak ngayon?” Nagtataka na tinitigan ako ni Mama. Nawala ang ngisi niya kanina. “Dahil ba sa Papa mo—”
Umiling agad ako at ngumiti kahit may luha pa sa mata ko.
“Na-miss ko po kayo ni Papa,” nanginginig na sabi ko. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Tatlong buwan pa lang naman pero miss ko na agad `yong mga pagalit na boses ni Papa. `Yong paglalambing ni Mama at iyong mga biruan namin.
Hinampas ako ni Mama sa braso.
“Kainis ka... pinapaiyak mo `ko,” at hinila ako para yakapin.
Kinagabihan, eksaktong 7 PM dumating sa garahe ang sasakyan nina Sir Bernard at Ma’am Olga. Kinakabahan na ako lalo pa at si Mama ay masyado nang pakialamera sa kusina.
Nagpresinta siyang siya ang magluluto sa hapunan. Aminado naman akong magaling sa pagluluto si Mama.
Pero kasi... Baka hindi pumasa sa pangsosyal na taste ni Ma’am Olga ang mga luto ni Mama.
Alam niya namang masyadong inspired by province ang mga luto niya. Gaya ng ginataang manok, nilagang bangus, eskabeche, sinarsahang manok. E, masydong British style sina Ma’am Olga. `Yong tipong pang-first class talaga.
Ang problema lang ay ayaw paawat ni Mama kaya wala akong nagawa kundi ang mapapakagat-labi sa tabi at magngitngit sa inis.
“Balae!” agad na salubong ni Mama.
May apron pa talaga, hindi man lang nag-abalang tanggalin. Saka amoy pawis pa siya samantalang si Ma’am Olga, e mukhang ang bango bango pa at mukhang gulat.
“Your parents?” nakangiti na baling ni Ma’am Olga sa `kin.
“O-Opo.” Nahihiya na tumango ako.
“Nays meteng yo, balae,” ani Mama `tapos naglahad pa ng kamay.
Na agad namang tinanggap ni Ma’am Olga.
Wow! Nays engles din, Ma. Masyado kang nagpapahalatang trying hard.
“Yeah, me, too. Ah... I’m Olga Berneth. I am the grandmother of Radier Berneth, ang daddy ng anak ni Carlota,” nakangiti na sabi ni Ma’am.
“Ah, eh, ako ang mother ni Carlota, Ma’am Olga—”
“Cut the ‘ma’am’, just balae, like what you addressed me awhile ago.”
Napansin kong napatulala si Mama. Mukhang kailangan na ng panyo ni Mama. Pamunas sa dumudugo niyang ilong.
“Ah. Hehe.” Nilingon ako ni Mama at bumulong sa hangin ng... ‘Ang lambot ng kamay.’
Napasapo ako sa noo. Oh, shit!
“Ah, Bernard?” tawag ni Ma’am Olga sa kakapasok lang na si crush.
Niluwagan pa ang necktie bago lumapit sa amin. Shit, ang hot! Sayang... hindi ko na siya maaring pagnasahan ngayon. Sayang talaga!
Napabalik ang mata ko kay Mama nang mapansin kong... Tulala si Mama... Kay Sir Bernard.
Whaaatt???
Siniko ko si Mama. Shit! Oo na, sa`yo ko na namana ang kalandian pero `wag mo namang ipahalata.
“Good evening, Madam. I’m Bernard Berneth. I’m sorry kung natagalan kami. Hindi namin alam na nandito pala kayo,” me kahabaan na sabi ni Sir Bernard.
Kaya lang mukhang walang naintindihan kahit isa si Mama doon. Nakatanga lang naman siya at wala sa sariling naglalaway sa mukha ni Sir Bernard.
“Mama...” sita ko, sabay siko sa kanya kaya natauhan siya.
My gosh! Mama, alam ko hindi kagwapuhan si Papa pero maghunos-dili ka!
“Ah... a-ano nga ulit `yong—”
“Ah, eh, kain na po tayo!” biglang putol ko sa kashungahan ng Mama ko.
Agad kong iginiya ang dalawa sa hapag dahil kanina pa nakahanda ang lahat. Hanggang ngayon nasa taas pa rin si Papa at mukhang wala nang planong bumaba. Masyadong ini-enjoy ang pangmayaman na silid sa taas.
“Mama! Umayos ka po,” bulong ko sa kanya dahil hanggang ngayon ayaw pa rin matanggal ng titig niya kay Sir Bernard.
“A-Ah?” aniya mukhang wala sa sarili.
Shit!
Ilang saglit lang unti-unti rin namang bumalik ang katinuan ni Mama dahil mukhang nagsisimula nang tumabil ang dila niya.
“Nasaan ang asawa mo?” tanong ni Ma’am Olga, kay Mama nakatingin.
“Naku! Oo nga pala—Lot-lot, tawagin mo na nga pala ang Papa mo. Nakakahiya, nandito na sila, hanggang ngayon tulog pa siya.” `Tapos nilingon niya ako.
Lot-lot talaga?
“No. It’s okay,” ani Ma’am Olga. Napatingin kami ni Mama sa kanya. “Mukhang pagod pa siya. Hayaan n’yo na lang muna, kayo rin maaga kayong magpahinga. Bukas na lang tayo mag-usap.” `Tapos ngumiti siya.
“Ah, he-he, sige,” si Mama.
“I love this type of food. Who cooked this?” Biglang nagsalita si Sir Bernard.
Ganadong-ganado nga siya sa pagkain ngayon.
“Me, Sir—Bernard pala,” agad na sagot ni Mama.
“Hmm. You did it good, huh?” `tapos patango-tango pa si Sir.
Napansin kong lumaki naman ngisi ni Mama na halos mapunit na `yong labi niya. Wow! Parang ngayon lang nakarinig ng appreciation.
10 PM na. Ramdam ko ang pagsuklay-suklay ni Mama sa buhok ko. Dati niya `tong gawi noong nando’n pa ako sa probinsya kasama sila.
“Alam mo bang umiyak ang Papa mo noong nabalitaan niyang buntis ka?”
Nagulat akong napalingon kay Mama. Ang alam ko, hindi marunong umiyak si Papa. Ever since, hindi ko pa nakitang umiyak si Papa.
“S-Si P-Papa?”
Tumango si Mama saka ngumiti. “Noong umalis ka, panay titig ang Papa mo sa mga pictures mo sa sala at sa kwarto niya, `tapos tuwing nahuhuli ko siya, kunyare sasabihin niyang linisin ko ang mga frames dahil may alikabok raw.” Marahang natawa si Mama. “Kahit nagmamatigas iyang Papa mo, mahal ka niyan. Hindi niya lang kayang sabihin.”
Napangiti ako.
“Kaya sana `wag kang magtampo sa Papa mo. Bunga lang ng pag-aalala at gulat iyon pero ang totoo, hindi naman talaga siya galit sa`yo. Siguro... kaunting tampo pero hayaan mo at lilipas din `yan. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin kayo ng magiging apo niya at ang katotohanang magkakaroon ka na ng sariling pamilya at malalayo ka na sa amin,” dugtong ni Mama.
Napatitig ako kay Mama at sa malungkot niyang mukha..
Mama, sorry, sorry talaga! Ayokong paasahin kayo pero ayoko rin namang madismaya kayo. Alam ko, mali na niloloko ko kayong lahat pero wala na akong ibang maisip na paraan para matapos ito.
Nag-aalala ako na baka magkagulo lang, at naduduwag akong makita ang maaaring reaksyon ni Papa oras na nalaman niyang niloloko ko kayo.
“Hindi ako mawawala Mama...” Mapait akong ngumiti.
Tumango si Mama.
“Mukhang kailangan n’yo rito ng kusinera, anak. Mas type ni Bernard gwapo ang luto ko.” `Tapos humagikhik si Mama.
Oh, my gosh!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (229)

  • avatar
    Bernales asperoLecelyne

    nice story😊

    19d

      0
  • avatar
    RoblesLizzy

    noce

    20d

      0
  • avatar
    Sarah Tenerife

    good novel

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด