logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

WENDY
LUNCH BREAK na. Nagbaon ako ng sarili kong lunch para hindi na ako pumunta sa cafeteria. Ako nanaman ang magiging center of attraction kung doon pa ako kakain.
"Wendy!~"
Halos mapatalon na ako sa gulat nang may sumigaw ng pangalan ko mula sa labas ng classroom. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko para makita kung sino 'yon. Nakita ko si Sophie, nickname ni Sophronia, na kumakaway sa 'kin habang nakangiti.
Lahat ng classmate ko ay nakatingin sa kanya at halatang nagtataka. Well, who wouldn't? Isang anak ng mayamang pamilya, nakikipag-usap sa 'kin?
Lumapit ako kay Sophie, na kasalukuyang nakatayo sa pinto namin at binigyan siya ng ekspresyon na how-dare-you-interrupt-my-lunch. Nagugutom na kaya ako. But she didn't seem to feel it—either intentionally or she's dense.
"Why are you here?"
"I'm 'ere to invite 'chu~" sweet niyang sagot sa 'kin.
"Sino'ng may birthday?" I asked and raised a brow. Umaarte na siyang parang close na close kami kahit na kahapon palang kami nagkakilala. But I guess this is a good start. I wonder kung ilang araw siyang tatagal sa 'kin.
"Birthday agad? 'Di ba pwedeng group study of thesis project lang?"
"Group study?"
"Yeap! Kasama si pancit Kenton. Tayong tatlo sa bahay nila. Nasa business trip pa ang magulang niya kaya pwedeng-pwede tayong maging bwisita sa kanila. Hihihi."
"Thesis project?"
"Nnnn, yeap! Tulungan mo kami sa thesis namin. My brain will blow up na like gosh! Sabog na nga si pancit Kenton e! Hahaha!"
"No," sabi ko at sabay talikod sa kanya. Hindi ako magaling sa mga thesis kaya wala akong maitutulong sa kanila. Sorr—
Hinigit niya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya. "Please, Wendy! Nasa title palang kami, kalagitnaan na ng July! After one month, ngayon lang in-approve ng panelist 'yung title namin. 'Tapos kailangan naming matapos hanggang chapter three, 'yung methodology! Huhuhu."
Her puppy eyes is not that cute yet irresistible. Nakakaawa naman pala sila. Napapikit nalang ako at napasabing, "Fine."
"Yaaay! Thank you! Mamaya after ng classes, sunduin ka namin dito, a! Huwag kang indianera!"
At umalis na siya. Indianera? If she only knew that I was the one used to being ghosted. Napahinga ako nang malalim at bumalik sa upuan ko para kumain. Tutulungan ko nalang sila sa abot ng makakaya ko. Ang tanong, kakayanin ko ba?
"You two seemed to get along well."
Napalingon ako sa tabi ko. Nakayuko lang si Zen habang binabasa ang libro na The Hidden Staircase ni Carolyn Keene. Hindi ko alam kung mas importante ba ang libro niya kaysa sa lunch niya.
"Yeah," sabi ko at iniwas ang tingin para simulan na ang pagkain.
"A group study, huh. May I come, too?"
Agad ulit akong tumingin kay Zen na busy pa rin sa pagbabasa habang kausap ako. What's with him, today?
"Bakit?" tanong ko.
"Bawal? E 'di 'wag," sambit niya at saka inangat ang librong hawak niya para takpan ang mukha niya. Minsan, ang unpredictable n'ya. 'Tapos kadalasan isip-bata. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo niyang ugali — kung sino ba talaga siya. Whoa, as if it has anything to do with me.
Natapos ang klase namin para sa buong araw at sinundo nga ako nina Kenton at Sophie sa classroom ko. Sama-sama kaming lumabas ng gate ng school at naglakad. Sinundan ko lang silang dalawa dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay ni Kenton. Mayaman naman sila, 'di ba? Bakit wala silang service?
Nasa unahan ko sila ngayon, nag-uusap ng mga walang kwentang bagay. Naglalakad kami ngayon sa gilid ng Brontë street. This street is known for commercial purposes. Mga restaurants, cafes, botiques, at iba't-ibang klase ng mga stores.
Napahinto sila sa tapat ng isang botique at tumingin sila sa 'kin. Napahawak silang dalawa sa bâba nila at naningkit ang mga mata. Okay, what was that?
"Sa tingin ko, mas bagay 'yung maid outfit. Since mukha siyang doll at mukhang real life anime," sabi ni Sophie.
"Nu-uh. I think mas okay 'yung uniform ng anime na Another. Look, kamukha niya si Misaki Mei!"
"No? Mas okay pala kung pang-detective na attire. Ang seryoso kasi ng aura niya."
"Huh? Hindi. Paano kung outfit ng isang assassin? Red kasi 'yung mata niya. Parang dugo."
Bigla nalang sinuntok ni Sophie si Kenton sa braso. Dahil doon, napaatras si Ken at napahawak sa sumasakit niyang braso. "Aray! Inform mo ko kapag mananakit ka ha! Para makailag ako!"
"Siya nalang papiliin natin ng damit! Kaysa tayo pa. Who knows, baka labag pala sa kalooban niya 'yung gusto natin."
Are they pertaining to me?
Tinulak nila ako sa loob ng botique shop at wala na akong panahon para magreact dahil nasa loob na ako. Ayokong magscandal pa.
"Welcome po," bati sa amin ng saleslady nang pumasok kami.
Tahimik sa loob at violet ang theme ng store. Malaki ito pero kakaunti lang ang tao. Mayroong iba't-ibang section ng mga damit.
"Uh... May kinalaman ba 'to sa thesis n'yo?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa shop.
"Nnnn, nope. Peroooo, nag-decide kaming dumaan muna dito. W-Window shopping, you know," sabi ni Sophie na may suot na malawak na ngiti.
Window shopping, huh. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga damit, pero mayroon lang akong gustong-gustong isuot. I really loved looking at it.
Pumunta ako sa section ng mga coats at hinahanap ang ideal ko. Nakasunod lang sa 'kin si Sophie na mukhang may hinahanap din sa section na 'to samantalang hindi ko naman makita si Ken sa paligid. Ipinadulas ko ang kamay ko sa mga hanger at nang makita ko ang hinahanap ko, kinuha 'ko agad 'yon para tingnan.
"Y-You... like that?"
"Yeah," tanging sagot ko habang ibinababa ang tingin sa hawak kong grey overcoat. "I think it's just awesome."
Titingnan ko sana ang price tag na nasa leeg ng overcoat nang bigla itong hablutin sa 'kin ni Sophie.
"It's settled, then!"
Tumakbo siya papunta sa counter at ibinigay sa cashier ang overcoat. Don't tell me—oh my freaking holy pasta. I don't wanna owe someone!
I'm too late. She already handed her credit card—yayamanin talaga—and the cashier handed her a paper bag.
"Don't worry, it's just a coin," sabi sa 'kin ni Sophie at iniabot sa 'kin ang paper bag pero umiling lang ako. Coin?!
"Eh? Ayaw mong tanggapin ang regalo ni Sophie? Itatapon niya lang 'yan 'pag 'di mo tinanggap. Hindi siya mahilig sa mga coats," komento naman ni Kenton. Grabe, gano'n ba talaga sila kayaman para itapon lang 'yung kabibiling damit dahil lang hindi nila gusto?
"M-Magkano 'to? B-Babayarin kita..." nauutal kong sabi habang nakatitig lang sa paper bag at kinuha 'yon sa kanya. Kahit wala akong pera, pwede no namang hulug-hulugan 'to, 'di ba?
"Don't sweat it! Libre 'yan! Kahit mag-F.O. pa tayo, hindi ko sisingilin 'yan sa 'yo, I swear," natatawang sagot ni Sophie at lumabas na kami sa shop.
F.O.? Does she mean friendship over? Do we even have that friendship to begin with?
Sumakay na lami ng taxi para daw hindi na kami mapagod kahit na medyo malapit lang naman. Huminto kami sa tapat ng exclusive subdivision at bumaba ng taxi. Naglakad pa kami nang kaunti sa street at nakarating na kami sa... malaking bahay—no. This is rather a mansion.
Tumayo kami sa gate at may pinindot si Ken sa pader sa gilid sa ibabaw ng isang speaker. "It's me."
Napaatras ako sa gulat nang kusang bumukas ang gate. Sa 'di kalayuan, may malawak na hagdanan na mukhang limang steps lang. Pumasok kami sa terrace at umakyat ng hagdan. May dalawang malaking pair of wooden doors ang bumungad sa 'min. Bumukas iyon at may isang lalaking nakaformal na attire ang sumalubong sa amin. He looks like a butler...
"Welcome home, young master Kentonni. Greetings, young lady Sophronia."
Master Kentonni?! Wala naman akong problema sa pagtawag nitong young master pero the name Kentonni? Weird. Utterly weird.
"Kasama namin siya," sabi ni Kenton at itinuro ako. Pakiramdam ko hindi ako nababagay sa gan'tong klaseng lugar.
Sheesh, pumayag lang naman akong tulungan sila sa thesis nila, I don't deserve a bit of this. Feeling ko hindi dapat tinatapakan ng sapatos ko ang mapuputing tiles ng bahay na 'to.
Dumiretso kami sa malaking hagdan na nasa gitna. Ang hagdan na iyon ay nahati sa dalawang direksyon—kanan at kaliwa. Nanahimik lang ako habang umaakyat kami sa kanan. Nag-uusap sina Ken at Sophie pero hindi ko iyon masyadong maabsorb dahil nakatuon parin ako sa ganda ng mansion na 'to.
May mga paintings sa dingding, figurines sa mga mamahaling lamesa na halatang galing pa sa ibang bansa, at mga portrait ng bawat miyembro ng pamilya ni Ken. Parang royal family. Pfft.
Huminto kami sa paglalakad nang buksan ni Kenton ang isang kwarto. May mga bookshelves sa paligid at table sa gitna na may nakapatong na laptop.
"This study room is soundproof so walang makakaistorbo sa 'tin sa pag-aaral," wika ni Ken at sinundan namin siya sa loob. Nilapag namin ang mga bag sa isang tabi at kinuha ang mga kailangan. Pagkatapos, umupo kami sa upuang katabi ng table.
"Nnnnn. Sooo," panimula ni Sophie sa pag-uusap at inabot sa akin ang isang papel. "This is our research title. Madali lang, 'di ba? Physical science lang naman."
Nagsimula na kaming magtulungan nang hindi napapansin ang oras. Mga siguro isang oras ang nakalipas, nakarinig kami ng katok sa pinto. Simula kanina, wala kaming naririnig na ingay mula sa labas. At itong sunod-sunod na katok lang ang nangdistract sa 'min.
Nagdadabog na tumayo si Ken para pagbuksan ito ng pinto. "Yes?"
"M-Master Kentonni! S-Si Mr. Llanes!" bungad ng isang kabataang lalaki na may suot na maruming white T-shirt at blacks na shorts. Nakasuot ng siya sumbrerong pang magsasaka at nakabota rin.
"Anong nangyari kay Mr. Llanes?" nagtatakang tanong ni Ken. Taimtim lang kami ni Sophie na nakikinig sa usapan nila.
"P-Patay na po!"
Napatayo kami ni Sophie sa kinauupuan namin dahil sa gulat. Patay? You mean, hindi na nahinga? Nalagutan na ng hininga? Bangkay?
Dali-dali kaming lumabas at sinundan ang kabataang lalaki patungo sa kusina. Nang itulak ni Ken ang pinto, bumungad sa amin ang isang lalaking nakaformal attire na nakahiga sa sahig.
Ito 'yung butler na nagwelcome sa 'min kanina! Nakamulat pa ang mga mata niya pero hindi na gumagalaw. Wala ring dugo sa anumang bahagi ng katawan niya. At mayroon siyang hawak na kutsilyo sa kanang kamay niya. Natanggal ang bow tie niya at nakabuka ang blazer. Bukas din ang mga butones sa bandang taas ng puting polo.
"Master Kentonni! T-Tumawag na po kami ng mga police at ambulance. Baka sakaling—" napahinto sa pagsasalita ang isang maid. Mayroon naman lalaki sa tabi niya at nakasuot ng isang formal attire din.
"Parating na sila..."
Dumating ang mga pulis ilang minuto pagkatapos naming madiskubre ang bangkay. Sayang, dapat pala isinama ko si Zen dito tutal siya naman ang may gusto no'n, sabi niya. Pero nag-iisip pa rin ako kung pati hanggang dito, susulpot ang Phantom Detective. Nasa exclusive subdivision kami e.
"Hindi pa namin alam ang cause of death. Dalawang oras pa bago dumating ang autopsy report," sabi ni Inspector Lopez at bumaling sa maid, manservant, at kabataang lalaki. "Pero idadaan kayong tatlo sa questioning."
Nilibot ko ang mata ko sa buong kusina. Wala namang kakaiba bukod sa bukas na malaking refrigerator, natapon na kape sa tabi ng sink, toaster na may sunog na tinapay, basag na itlog sa sink, at mga hindi tapos na hiniwang sibuyas sa chopping board.
Ano'ng nangyari dito sa kusinang 'to?
Habang pine-preserve ng mga constable ang crime scene, lumabas kaming kusina kasama ang tatlo—maid, manservant, at 'yung kabataang medyo marumi ang pananamit—papunta sa living room. Tinawag ni Inspector ang maid at pumasok sila sa isang kwarto, na katabi ng study room.
Tumingin ako kay Ken at Sophie na nag-uusap habang nakaupo sa couch. Hindi nila ako napansin kaya sumunod ako kina Inspector.
"Teka bata, bawal ka sumunod dit—ikaw 'yung babaeng nasa restaurant noong linggo, 'di ba? Nakita nanaman ulit kita!" wika ni Inspector sa akin nang makitang papasok na sana ako. May dalawang constable rin sa loob na nakatayo sa gilid. May bintana ring bukas sa likod nila. Maybe doon nalang ako mag-ieavesdrop.
"A-Ah... O-Opo," nahihiya kong sagot at isinara ang pinto. Kilala na ako ni Inspector sa mukha. Ilang beses niya na akong kinuwestyon tungkol sa mga crime scene. Ilang beses narin akong naging witness.
Lumabas ako ng mansion at pumunta sa terrace sa likod. Nagmamadali kong hinanap ang bintana ng kwarto kung nasaan sina Inspector. Gusto kong malaman ang nangyari. Parang kakaiba kasi 'yung kaso ngayon.
"Magpakilala po muna kayo. Anong relasyon niyo sa biktima?"
Napahinto ako nang marinig ang boses ni Inspector at hinanap agad kung saan galing 'yon.
"Ako po si Beatrice Hernandez. Sampung taon na po akong naglilingkod sa pamilyang Serrano. Kasama ko po si Mr. Llanes dito sa pamamahay na 'to simula noong... namatay ang isa kong anak na lalaki."
"Kailan 'yon?"
"Tatlong taon na po ang nakalipas."
"Ibig-sabihin, tatlong taon nang ang pamamahala ni Mr. Llanes sa household ng Serraro?"
"Opo."
"Ikwento mo kung ano'ng nangyari kanina."
"Pagdating po nina young master Kentonni, sinabihan po ako ni Mr. Llanes na maghanda ng meryenda para sa bisita. Habang nasa kalagitnaan po ako ng paghahanda, pumunta po siya sa kusina at sinabing siya na raw ang bahala na maghanda. Kaya umalis na po ako at inasikaso ang mga labahan. Pagkalipas po ng mga tatlumpung minuto, bumalik ako sa kusina upang kunin ang nakalimutan ko. Pero... nakita ko po si Mr. Llanes na nakahiga na sa sahig. Kaya tinawag ko po sina Jonathan at Bernard."
"Ah, bale ikaw ang unang nakakita sa katawan ng biktima?"
"Opo."
"Sa tingin mo, bakit natanggal ang bow tie ng biktima?"
"Hindi ko po alam."
"Sino ang tumawag ng pulis?"
"A-Ako po. Nang makita po kasi nila Jonathan at Bernard si Mr. Llanes, sinabi po nilang tumawag ako ng pulis."
Natapos ang interrogation sa maid, na si Beatrice, at sumunod na pumasok ang kabataan. Sa hitsura niya, sa tingin ko, mga nasa early 20's na ang edad niya. Sinabi ni Inspector na magpakilala siya at sabihin ang relasyon niya sa biktima.
"Bernard Hernandez po. Anak po ako ng maid at ako po ang gardener ng Serrano family for 3 years. Nag-aaral po ako sa isang University. Hindi po ako close kay Mr. Llanes dahil... siya po ang dati kong professor na nagpabagsak sa 'kin at dahilan kung bakit nawala ang scholarship ko."
"Kung gayon, may motibo ka sa pagpatay."
"H-Hindi ko po siya p-pinatay!"
"Ikwento mo sa amin ang nangyari kanina."
"Inaasikaso ko po ang mga bulaklak kaya nasa garden po ako kung saan natatanaw ko ang bintana ng kusina. From my point of view, nakikita ko po ang mama ko na gumagawa doon. Pero bigla pong dumating doon si Mr. Llanes at pinagalitan ang mama ko."
So pareho silang may motibo sa pagpatay.
"Pagkalipas po ng mahigit 30 minutes, napansin kong wala nang gumagawa sa kusina kaya napagpasiyahan ko pong uminom ng tubig. Nang dumating po ako sa kusina... nakita ko pong nakahiga na si Mr. Llanes sa sahig. Kaya tina—"
"Sandali lang, sinasabi mo bang ikaw ang unang nakakita sa biktima?"
"Opo."
Teka, nagko-contradict 'yung kwento nila ng mama niya. Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Never mind. Siguro naman sasabihin ng manservant kung ano talaga ang nangyari.
"Sino tumawag ng pulis?"
"Si Mama po."
"May idea ka ba kung bakit natanggal ang bow tie at butones ng biktima?"
"W-Wala po."
Natapos ang interrogation sa gardener na si Bernard. Sumunod naman na pumasok sa kwarto ang manservant, na malamang si Jonathan. Gaya ng nauna, tinanong ni Inspector Lopez kung sino siya at ang relasyon niya sa biktima.
"Jonathan Credo ang pangalan ko. Labin-limang taon na akong naglilingkod sa pamilyang Serrano. Labin-dalawang taon akong naging butler at naging simpleng manservant na lang nang dumating si Mr. Llanes."
"Edi may motibo ka rin sa pagpatay."
"Hindi ako mababaw na tao na papatay ng iba dahil sa naagaw na posisyon."
"Sige. Ikwento mo ang nangyari kanina."
"Inutusan ako ni Mr. Llanes na linisin ang wine cellar dahil siya na raw maghahanda ng meryenda ng bisita. Malamang wala siyang tiwala kay Beatrice. Tatlong taon na akong hindi nakakapasok sa cellar dahil si Mr. Llanes lang at ang Lord Serrano lang ang pwedeng pumasok. Makalipas ang trentang minuto, napansin kong may nawawalang wine na galing sa Europe. Alam kong hindi pa nila iyon naiinom kaya pumunta ako sa kusina para tanungin si Mr. Llanes pero nakita kong wala na siyang malay at nakabulagta na sa sahig."
"Sinasabi mong ikaw ang unang nakakita sa biktima?"
What the heck? Bakit magkakaiba sila ng kwento tungkol sa kung sino ang unang nakakita sa bangkay? Anong trip nila sa buhay?
"Oo, ako nga."
"Sinong tumawag ng pulis?"
"Si Beatrice."
"May ideya ka ba kung bakit natanggal ang bow tie niya at ang mga butones?"
"Ah, nang umalis si Beatrice para tumawag ng pulis at si Bernard para tawagin ang young master, sinubukan ko ang CPR dahil may alam naman ako pero wala na talagang pag-asa."
Natapos na ang interrogation at bumalik sila sa crime scene. Ako naman, bumalik ako sa loob ng mansion sinalubong ako nina Kentonni at Sophie na may nag-aalalang mukha.
"Wendy! Saan ka nagsususuot? Kanina ka pa namin hinahanap!" sabi ni Sophie at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Ayos ka lang ba? Naligaw ka ba?"
Tumango ako bilang sagot. "Ayos lang. Naligaw lang ako pero buti nakabalik."
"Sorry sa nangyari ngayon a. Hindi ko akalaing mamamatay ang butler namin," malungkot na sambit ni Kentonni.
"Uhm... condolences."
"Thank you."
"But Kenton, isn't this nice? No offense sa butler n'yo a, pero baka dumating din dito si Phantom Detective! And who knows, baka makilala na natin siya. May mga CCTV naman dito sa inyo 'di ba?" Sophie suggested excitedly. She's a sorta horrible person. Pfft.
Sa location ng crime scene, malamang naka-disguise na pupunta dito si Zen. Or baka nga nandito na s'ya e.
Teka CCTV? Paano kung madiscover din nila ang identity ng Phantom Detective? Hindi naman sa duda ako sa disguising skills ni Zen pero hello? Nasa mansion siya ng mayaman kaya siguradong bantay-sarado ang bawat sulok ng bahay. Maybe I should lend a hand? Pero dadating ba talaga siya?
"Phantom Detective? Hmm. Paano kung unahanan na natin siya?" tanong ni Kentonni habang nakahawak sa baba niya at nakatingin sa baba.
"Paanong unahan?"
"I-solve natin 'yung kaso without getting his help!"
"You think you can?" tanong ko at pareho silang napatingin sa akin. "Look, ang totoo n'yan, nakinig ako sa interrogation at—"
"Wendy!"
Napahinto ako sa pagsasalita nang tawagin ni Sophie ang pangalan ko. Mayroon siyang ekspresyon na eavesdropping-is-bad. Saglit kaming nagtitigan, at biglang nagbago ang expression niya, nakangiti na.
"Good job, Wendy!"
Akala ko papagalitan niya ako.
"Nakinig ako sa interrogation. Their stories contradict each other. The part wherein who among them discovered the corpse first," paliwanag ko.
"You mean, iba-iba ang kwento nila?" tanong ni Kentonni. Sinamaan naman siya ng tingin ni Sophie at mahinang sinampal ang pisngi nito.
"Oo nga, 'di mo ba siya narinig? Linis-linis din kasi ng tainga, pancit Kenton."
"Bakit magkakaiba? Baka galing sila sa multi-verse, na nagtravel through space and time?" seryosong tanong ni Kentonni na nakahawak parin sa baba.
"Right, pancit Kenton! Tingnan natin 'yung CCTV footage on the kitchen earlier—"
"Sinira ko 'yung CCTV sa kitchen kagabi."
Agad na tinadyakan ni Sophie si Kentonni kaya napatalon ito sa sakit. "Bakit mo sinira, bonak ka?!"
"Sorry naman! Hindi ko naman alam na kailangan pala 'yon ngayon! Ayaw ko kasing mabisto akong kumukuha ng midnight snacks e, kaya sinira ko—"
"Bonak ka! Bonak!"
Tumingin ako sa living room kung saan tahimik lang na nakaupo ang tatlong suspect. Hindi sila nag-uusap at pare-parehong nakatingin sa baba. Bakit naman sila mag-iiba ng story tungkol sa nangyari sa crime scene? Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
Nandito na kaya si Zen?
"Why don't we take a look at the crime scene?" I suggested at pumayag naman silang dalawa. Naglakad kami papunta sa kusina. May mga pulis sa paligid na kanya-kanya ang ginagawa ay may mga nakakasalubong din kami.
Nang makapasok sina Ken at Sophie sa kusina, napahinto ako sa labas nang may dumaang pulis sa tabi ko at bumulong.
"Cursed doll~"
Lumingon agad ako kaya nakita mo ang isang pulis na nakatalikod sa 'kin at naglalakad papalayo, patungo sa living room.
"Wendy? What's wrong?"
Bumalik ang tingin ko sa pinto ng kusina at namataan si Kentonni na nakasilip, hinintay na pumasok ako.
Nginitian ko siya at umiling. "Nothing."
Zen's here. There's nothing to worry about.
Pumasok ako sa kitchen at bumungad ulit sa 'kin ang bangkay sa gitna. May mga constable na nagkalat aa paligid at mukhang chinecheck pa ang bawat sulok ng kusina. They've been doing this and that. Isn't it tiring?
Nakatingin lang si Sophie sa bangkay habang may malungkot na mga mata. "Nakakawa siya. Kung sinuman ang may gawa nito, mabubulok siya sa jail. Gosh, bakit kasi gan'to mga tao ngayon?"
"Sa tingin ko, the murderer attacked him. 'Tapos ginamit niya 'yung kutsilyo pang self-defense. Pero paano siya namatay?" tanong ni Kentonni habang nililibot ang kusina at parang may hinahanap.
Wala namang signs na sinakal siya. Wala ring signs na nalason siya. Walang dugo sa paligid.
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa no'n si Inspector Lopez. "Nasaan si Sergeant Mal—ano'ng ginagawa ng mga bata dito?!"
"LOOK! ISANG PHANTOM PAPER!"
Wala na kaming oras na sagutin si Inspector Lopez dahil sa sigaw ni Kentonni habang may pinupulot sa trash can sa gilid ng refrigerator.
"Ano?! Ano?! Nandito na ang phantom detective?! Siguraduhin n'yong walang lalabas ng mansion na 'to! Hulihin n'yo agad kapag may kahina-hinalang tao kayong nakita!" sigaw ni Inspector Lopez na mukhang desperadong makilala ang Phantom Detective. "Hindi niya na tayo matatakasan ngayon!"
Lumapit siya kay Kentonni at kinuha ang phantom paper mula rito. Nagulat siya sa nakita niya at dali-daling lumabas ng kusina. What was that?
Sinundan namin siya papuntang living room. Lahat ay nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. Ano 'yung nakasulat do'n sa phantom paper? Posible bang nasolved na ni Zen 'yung case? Gano'n kabilis?
Siniko ni Sophie si Kentonni sa tagiliran at bumulong. "Anong nakasulat sa phantom paper?"
"Secret. Magugulat ka. Masasabi mong oh, ang tanga ko. 'Yon lang pala ang nangyari—"
Bago pa magpakawala ng suntok si Sophie ay natigilan na kami sa unang pasalita ni Inspector Lopez.
"Walang pumatay kay Mr. Llanes."
"EH?!" sigaw ni Sophie na umalingawngaw sa buong living room. Napatingin ang lahat sa kanya kaya ngumiti nalang siya, awkwardly.
"Sabi dito sa phantom paper, An unfortunate accident. He put a knife inside the toaster. He was electrocuted by his own stupidity. Pero kayong tatlo, 'wag kayong masyadong pakampante."
Electrocuted? Knife? Toaster? Ahuh! Why didn't I realize it sooner? You'll unfortunately be electrocuted just by simply putting a knife inside the toaster. Such incidents do happen sometimes.
Kaya pala may hawak siyang kutsilyo kasi sinusubukan niyang alisin 'yung sunog na tinapay sa toaster. Pero isa siyang professor 'di ba? Dapat alam niya na ang nga simpleng bagay na kagaya no'n.
Oh. That explains the unfinished chopped onions at natapon na kape. Malamang nasanggi niya ang kape dahil nagmamadali siya at ang kutsilyo ang hawak niya no'n kasi naghihiwa siya. Hindi niya namalayan na pwede palang 'yon ang pumatay sa kanya.
What an unfortunate accident, indeed.
"The case does not end here, sabi ng Phantom Detective. Ito na ang oras para buksan ang case ng namatay dito tatlong taon na ang nakalipas."
"Ibig mo bang sabihin, ang kaso ng anak ko?!" gulat na tanong ni Beatrice, ang maid. Napatayo pa siya habang balisang-balisa ang mukha.
"Oo. Kung tama ako, pinaghinalaan niyo si Mr. Llanes ang kumitil ng buhay ng anak mo 'di ba?"
"Anong hinala? Siya talaga ang pumatay kay Benjamin! Wala lang kaming sapat na ebidensya! Hindi naman nakinig sa 'min ang pulisya at sinarado ang kaso kahit hindi nabigyan ng hustisya! Mga walang kwentang—"
Huminto sa pagsasalita si Jonathan, the manservant, nang senyasan siya ni Bernard, the gardener, na tumigil na.
Tumingin ako sa paligid at hinahanap si Zen. Hindi ko nakita ang mukha niya kanina dahil nakatalikod siya. Gusto kong malaman kung anong naiisip niya tungkol sa kaso. So which among these constables is he? Kailangan ko pa bang pisilin isa-isa ang mga pisngi nila? Ang swerte niya dahil sinira ni Kentonni ang CCTV sa kusina at may pagtataguan siya.
Biglang may dalawang constable na dumating at mukhang hingal na hingal. Sumigaw ang isa na, "Inspector! May magnanakaw! Kanina! Pero—pero..."
Hinabol muna nila ang hininga nila pero dali-daling pumunta sa kanila si Inspector. Ipinaliwanag ng isa ang sitwasyon nila pero nakatingin naman sa 'kin 'yung isa pang constable. Iginawi niya ang ulo niya na para bang sinasabing sumunod ako sa kanya.
Napataas ako ng isang kilay habang pinapanood siyang maglakad papasok sa kusina. Is this Zen?
Without attaining attention, I walked towards the kitchen and followed the constable. Nang makapasok ako at nilock ang pinto, nakita ko siyang nakatayo at hinihitay ako. Wala nang ibang tao dito bukod sa aming dalawa.
"Cursed doll—"
I cut him off again. "Anong case ang sinabi mo? Three years ago?"
"Oh, that? Well, why would they change the story of whoever discovers the body first? In most cases, the first person who finds out the body is the most suspicious," paliwanag niya habang may ngiti sa labi. "Questions! Why would they make themselves suspicious? Isn't that a wrong move? Uh-uh. They wanted to protect someone."
"Protect someone? Why? And who's telling the truth?"
"As much as I hate explaining, I don't wanna hear something like if you don't tell me, I'll spill your secret from you. And then viola—"
"Just tell me!"
"Okay, who among them told the truth? It's the accomplice to a murder of late gardener who went in the wine cellar two years ago. And that person... is who they wanted to be out of suspicion from Mr. Llanes unfortunate accident."
Hindi ko masyadong maintindihan. "So bakit mo 'ko tinawag dito?"
"Oh, oh! Remember the thief that the constable mentioned?" masaya niyang tanong. Is he glad there were a thief that outsmarted him?
"What about it?"
"He stole my phantom paper, the key to this dim case! And also stole the ruby pendant that a Serrano family member owned. He's getting on my nerves. He have tricked the great me! He'll pay a dozen thousands of cheese in his mouth."
Cheese? Huh?
"So gusto mong hulihin ko 'yung thief para sa 'yo?"
"No, idiot! As if you can."
"Then what?"
"Awe! You're a horrible daughter! Have you forgotten that your late mother own a ruby pendant as well?"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (141)

  • avatar
    Queen04

    Highly recommended po!

    19/06/2022

      1
  • avatar
    Liza P Millan

    so pretty story

    23/08

      0
  • avatar
    Dela TorreElizer

    can i get a 1 million

    26/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด