logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

“KUNSABAGAY, PANG-TAO nga lang pala ang mga jokes ko,” bulong ni Ada. “Hindi iyon ma-a-appreciate ng mga gaya mong kalahi ni ET.”
“May sinasabi ka?”
“Wala. Sabi ko, ET’s beri hat tonayt.”
“May araw pa.”
“Hay naku, kaya nga joke, eh.”
“Joke na ba iyon?”
“Huwag kang mag-alala, hindi para sa iyo iyon.” nagpangalumbaba na lang siya. At para hindi tuluyang mabuwisit ay inalala na lang niya ang munting eksena nilang iyon ni Jigger. “Ang bango-bango talaga niya. Ang guwapo-guwapo pa lalo na kapag nakangiti. Ang tangkad, ang suwabe ng mga kilos…hay! Kinikilig na naman ako.”
“Saan ka bababa? Puwede ka na siguro dito.”
“Dito?” Ni walang bakas ng sibilisasyon sa kinaroroonan nila nang mga oras na iyon. Isa iyon sa parte ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club. “Hindi ako bababa dito. Sasama ako sa iyo. Ayokong mawala ang magandang trabaho ko rito kaya kahit labag sa loob ko, gagawin ko ang iniutos ni Reid.”
“You don’t have to come with me. Puwede mong sabihin sa kanya na maayos an ang lagay ng kalusugan ko kahit hindi tayo magsama.”
“Tuturuan mo pa akong magsinungaling. Ayoko. Pinalaki ako ng mga magulang kong may takot sa Diyos. Isa pa, nag-iipon ako ng reward points para sa Pasko at wala akong balak na ikaw lang ang makakasira sa agenda kong iyon.”
“Reward points?”
“Sa akin na lang iyon. Basta, sasama ako sa iyo kahit saan ka pa magpunta. At least for the whole week. Sapat na sigurong panahon iyon para maniwala si Reid at ang mga taga-SRC na okay ka na kahit hindi naman totoo.” Nilingon niya ito. “Naiintindihan mo iyon?”
“Hindi.”
“Bahala ka sa buhay mo.”
Inihinto nito ang sasakyan at binalingan siya. Hindi pa rin niya ito inurungan dahil hinarap din niya ito. Wala siyang balak na magpaapi sa isang gaya nito. pare-pareho lang silang kumakain ng bigas.
“Hey, you should watch your words when you’re talking to me. Baka nakakalimutan mo kung sino ka at kung sino ang kausap mo ngayon.”
“Ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyo na may pangalan ako. Ada. A-D-A. Ada Dalipe. And for your information, nakasalalay din sa akin ang lagay mo dito sa Stallion Riding Club. Kaya kung gusto mong igalang kita, matuto ka ring igalang ako. Hmm?” Bahagya pa itong napapikit nang tampalin niya ang pisngi nito. Ng may kalakasan. “Hindi ako kasing yaman mo o ng kahit na sinong miyembro ng SRC o nagiging guests dito. Pero tao rin ako, gaya nyo. Pare-pareho lang tayong anak ng Diyos.”
Muli niyang naramdaman ang kinis ng balat ng pisngi nito na minsan niyang nahaplos doon sa Clinic habang natutulog ito. Touching him like that just gave her that warm and calming feeling inside her. Kaya hindi na niya namalayang masyado na pala siyang natatagalan sa pagkakadaiti ng kanyang palad sa pisngi nito. Idagdag pa ang unti-unti na naman niyang pagkahumaling sa guwapo nitong mukha. Parang sa isang iglap, nakalimutan na niya ang masamang imahe nito sa kanya. And the way he looked at her…
“Puwede kitang kasuhan ng sexual harassment, alam mo ba iyon?” untag nito.
Doon lang siya tila natauhan. Ngunit nang ma-realized niya iyon ay hawak na pala nito ang kanyang braso. She tried pulling away but he didn’t let her go. Sa unang pagkakataon, kinabahan siya sa presensiya nito. Subalit ang kabang iyon ay hindi naman nagmumula sa pagkatakot dito.
“Maaaring sa iyo nakasalalay ang pananatili ko sa Stallion Riding Club. But it doesn’t mean I’m letting you get too close to me. Huwag mong kalilimutan ang estado natin, Miss. I’m one of the Stallion boys. And you’re just one of the people who works for us. I won’t insult you just as long as you know your place. Sana naman, naiintindihan mo iyan.”
Doon lang siya nito hinayaang makawala at tahimik ng muling binuhay ang makina ng sasakyan. Pinipilit niyang kalimutan ang mga sinabi nito subalit nagpapaulit-ulit lang iyon lalo sa kanyang isipan. Lantaran na nitong sinabi kung bakit ipinasya niya noon na panoorin na lang sa malayo ang mga Stallion boys. Dahil magkaiba sila ng mundo. And now, with Rozen Aldeguer just made it even more clear why there would always be a great wall between the rich and the poor.
'I’m one of the Stallion boys. And you’re just one of the people who works for us.' Kahit kailan, hindi na yata niya makakalimutan pa ang mga salitang iyon.
“We’re here.”
Nauna ng lumabas ng sasakyan si Rozen. With those words still ringing in her ears, she went out after him. Pero parang nanlamig ang buong katawan niya nang makita ang helicopter. Isang lalaking naka-sunglasses at nakasandal sa katawan ng chopper ang lumapit kay Rozen.
“Ang tagal nyo. Dalawang minuto na akong naghihintay dito, ah.”
“Sorry, Mark Ashly. May inasikaso lang ako sandali sa Clubhouse.”
Nilingon siya nito. “Isasama mo na pala siya.”
“You know about her?”
“Sinabi sa amin ni Reid ang tungkol sa kundisyon mo at kung ano ang magiging papel niya sa iyo.” Inayos nito ang suot na bullcap. “Ingatan mo iyan. Lagot ka kapag hindi naging maganda ang assessment niya sa iyo. Seryoso pa naman si Reid sa banta niyang tanggalin ka sa Stallion Riding Club.”
Hindi niya alam kung ano na ang naging reaksyon doon ni Rozen dahil patuloy lang siyang nakatingin helicopter. Humigpit ang pagkakakapit niya sa nakabukas na pinto ng kotse. Mananalangin na ba siya? Kaninong pangalan ang tatawagin niya? Dapat siguro ay tawagan na niya ang kanyang pamilya para ibilin ang lahat ng mga dapat niyang ibilin bago siya sumakay ng helicopter na iyon.
“Hey!” untag ni Rozen. “Let’s go!”
“H-ha? E…” Lumingon-lingon siya sa paligid. “Wala pa si Jigger. Hindi ba natin siya hihintayin?”
“Hindi na. Tumawag na siya kanina kay Mark Ashly bago tayo dumating. May importante raw silang pag-uusapan ng kakambal niya.” Hinintay siya nitong kumilos. Nang hindi siya kumilos ay nagpamaywang na ito. “What?”
“Ahm…w-wala pa si Jigger—“
“The hell with Jigger! Kung ayaw mong sumama, bahala ka—“
“Roz,” singit ni Mark Ashly. “Remember, you could get kick out of the club if you—“
“Alright, alright.” He gave out a frustrated sigh. “Damn it! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?”
Tinapik lang ito ni Mark Ashly sa balikat bago lumapit sa kanya. “Let’s go.” Umiling siya. “I don’t have time for this, woman.”
Isang beses pa siyang umiling habagn patuloy na humihigpit ang pagkakakapit niya sa pinto ng kotse. Doon na yata naputol ng tuluyan ang pasensiya nito dahil hinila na nito ang kanyang kamay. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito nang hindi siya bumitaw sa kotse. Isang beses pa siya nitong tinangkang hilahin pero hindi pa rin siya kumilos.
“You know what? I’m really getting tired of this.”
Pinilit na nitong tanggalin ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay ipinulupot nito ang mga braso sa katawan niya para igiya siya patungong helicopter.
“Ahm, Sir Rozen, alam mo kasi, hindi maganda na iwan natin si Sir Jigger. I really think we should wait for him. Baka kasi magalit iyon kapag—“
“No. He’s not coming anymore.”
She planted her feet on the ground and her arms on the chopper’s steps. “Teka muna, Sir. Hahangaan ko muna ang ganda ng design ng helicopter na ito. You know, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang likha ng sensiya sa buong buhay. Maganda pala, ha? Ano kaya ang itsura ng elisi nito sa likod—“
“Shut up and just get in!”
“Yes, Sir!”
Mahigpit ang hawak niya sa kinauupuan nang isara ni Rozen ang pinto ng chopper pag-akyat nito. Sa isang senyas sa pilotong si Mark Ashly ay umangat na ang helicopter sa lupa. Mariin siyang napapikit at impit na napatili.
“Hey, are you alright?” Sunod-sunod lang siyang tumango. “Ah, I see. You’re afraid of boarding a plane, aren’t you? Well, don’t worry. There’s always a first time for everything.”
“Oo—“ Impit uli siyang napatili nang maramdaman ang paggalaw ng chopper.
“Just relax.”
“I am relaxed. I’m fine.”
“Yeah, right.”
“I said I’m fine.” Iminulat niya ang kanyang mga mata upang balingan sana ito. Wrong move. Dahil lumagpas sa mukha ni Rozen ang kanyang paningin. Nakita niya ang mga ulap at na-realize niya kung gaano na sila kataas ngayon. Mabilis niyang itinakip sa kanyang mga mata ang mga kamay niya. “I’m fine, I’m fine…I’m gonna die…”
“Ah, geez! Bakit hindi mo sinabi kanina na takot ka palang sumakay ng chopper kanina?”
“Becuaseyouneveraskedmeandyoudidnttellmeweregoingtotakeachoppertoyourplace.”
“What?”
Sa sobrang nerbiyos niya ay dire-diretso nalang ang pagsasalita niya. Kahit siya ay hindi na naintindihan ang kanyang mga sinabi.
“Are we dead yet?”
“Mukha kang tanga riyan. Tigilan mo na nga iyan. walang mangyayaring masama dahil magaling na chopper pilot si Mark Ashly.”
“Are we dead yet?”
“You—“
“Are we dead yet?”
Naramdaman niyang inalis nito ang mga nakatakip niyang kamay sa kanyang mga mata. “Open your eyes—what’s wrong with you? Bakit nanginginig ka ng ganito?”
“Are we dead yet?”
She felt him pulling her towards him and the next thing she knew, there was this calming warm feeling surrounding her. Naramdaman din niya ang pagdampi ng pisngi niya sa dibdib nito dahil naririnig na niya ang malakas na tibok ng puso nito.
“Mark Ashly, get us down.”
“Hindi puwede, Rozen. Wala tayong mala-landing-an.”
“Maghanap ka na lang ng clearing diyan.”
“You’re going to get us in trouble for this.”
“Wala akong pakialam!” sigaw na ni Rozen. “Just get us down! Now!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (116)

  • avatar
    RoldanAnthony

    ellow IM diamond 💎

    22/10

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks again writer ☺️☺️☺️,,,, it's nice story !!!

    31/05/2025

      0
  • avatar
    AdamiLucius

    Ganda bokkkk

    04/05/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด