logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

DAHAN-DAHANG isinara ni Ada ang pinto ng pribadong silid ni Rozen. Kakaiba talaga ang clinic na iyon. Clinic lang pero daig pa yata ang pinakamagandang ospital sa buong bansa. Kumpleto kasi sa gamit at may pitong pribadong silid na para sa mga pasyente bukod sa mga doktor at nurses na ang alam niya ay pinirata pa ni Reid sa mga ospital ng Pilipinas.
Marahan siyang tumikhim para kung gising ito ay malaman nito ang presensya niya. Hindi naman kumilos sa pagkakahiga nito sa kama si Rozen kaya dahan-dahan na siyang lumapit.
“Ahm…k-kumusta na ang kalagayan mo?” tanong niya sa natutulog na lalaki. “Sana okay ka na. Kasi alam mo, nakukunsensiya ako sa nangyari sa iyo, eh. Feeling ko kasi, ako ang may kasalanan kung bakit sumakit ang tiyan mo kahit na sinabi pa ni Dr. Mondragon na matagal ka ng may sakit sa tiyan. Pasensiya ka na sa naamoy mo kagabi, ha? Hindi ko naman intensyong lasunin ang sikmura sa amoy ng…alam mo na. Pero ayos na rin na hindi naman pala dahil sa naamoy mo kaya ka hinimatay.” Napakagat-labi siya nang makitang kumilos ito sa kinahihigaan at bahagyang bumaling sa kanya ang mukha.
Napatitig na lang siya rito. At parang hindi siya makapaniwalang hindi niya magawang alisin sa mukha nito ang kanyang mga atensyon. Batid niyang lahat ng club members ay talagang may mga itsura. Kaya nga ilang beses na rin siyang nagka-crush mga iyon. At latest nga niya si Jigger Samaniego. But this guy in front of her now, she just couldn’t turn her eyes away from him! Meron bang tao na mukhang walang kapintasan kapag natutulog? Meron siguro. Dahil ang lalaking ito ngayon sa harap niya, wala siyang maipintas sa itsura.
“Bakit hindi ko yata napapansin masyado ito?” bulong niya sa sarili habang unti-unting lumalapit sa kama nito. “Ang guwapo mo masyado. Parang hindi totoo.”
Inilapit niya ang kanyang mukha rito at hindi niya mapigilan ang mapangiti. Sino ang mag-aakala na isa ito sa pinakasuplado at pinaka-antipatikong miyembro ng Stallion Riding Club? E mukha itong anghel nang mga sandaling iyon. Para bang hindi mo gugustuhing saktan ito o makagawa ng anomang bagay na ikasasama ng loob nito.
Hinila niya ang silya at nauno na sa tabi ng kama upang mas lalong mapagmasdan ang mukhang iyon. “Parang gusto kong kumain ng kanin ngayon habang nakatitig sa iyo. Mukha mo pa lang kasi, ulam na.”
Tulog naman ito kaya siguro ay hindi na nito mapapansin ang gagawin niya. Hindi kasi niya matiis na hindi idampi ang daliri niya sa pisngi nito. Ang kinis-kinis. Ang ilong, matangos. Ang mga labi, manipis at pinkish. Halatang hindi naninigarilyo. Mahahaba ang pilik. Makapal ang mga kilay pero may korte. Napabuntunghininga na lang siya.
“Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, ikaw ang may pinakaperpektong mukha kapag tulog.” Impit pa siyang napabungisngis. “Halos hindi na kayo nagkakalayo ng itsura ni Jigger ko. And take note, si Jigger na ang pinakaguwapo para sa akin sa buong SRC.”
Naghikab na naman siya at namungay na ang kanyang mga mata. Dapat ay umalis na siya pero ayaw naman niyang mawala agad sa paningin niya ang guwapong mukha ng mamang natutulog.
“Five minutes…” sambit niya nang iniyukyok niya ang ulo sa kama katapat ng mukha ng lalaki para makita pa rin niya ang mukhang iyon. “Patabi, ha…?”
Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok. Namalayan na lang niyang nakatulog na pala siya nang magising na siya sa wakas. Nag-iinat pa siya nang mapansing hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan. Saka lang siya nahimasmasan nang luminaw na ang isip niya at mapatitig sa guwapong mukhang iyon na kasa-kasama niya sa kanyang panaginip.
“Tulo mo lumalaway,” seryosong wika ni Rozen.
“Ha?” Bilang kasagutan ay inabutan na lang siya nitong isang box ng tissue saka iminuwestra ang kanyang bibig. Doon lang niya naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. “Shucks!”
Mabilis niyang pinunasan ang kanyang bibig. Nakakadiri! Naglaway na pala siya sa kanyang pagtulog. Subalit nang hindi makuntento ay nagtungo na siya sa banyo sa silid na iyon para maghimalos.
“Nakakahiya ka, Ada!” impit niyang tili sa sariling repleksyon sa salamin. “Nagpasabog ka na ng air pollution kagabi, ngayon naman naglalawa ang laway mo. At bakit sa lahat ng pagkakataong puro kahihiyan ang inaabot ko, laging ang lalaking iyon pa ang nagiging saksi? Pambihirang buhay ‘to!”
Nakakahiya talaga! Wala na siyang magandang mukhang maihaharap pa kay Rozen. Kaya nagbilang siya ng ilang segundo bago nagpasyang lumabas ng banyo. Ng nakatakip ang kanyang bag sa mukha niya. Dire-diretso siyang nagtungo sa pinto para lang muling mapaurong pabalik nang biglang bumukas ang pinto at malakas iyong tumama humampas sa kanya.
“O, anong ginagawa mo riyan?” It was the lordly Reid Alleje. Kasama nitong nakatayo roon at nakamasid sa kanya sina Myco Gosiaco at Zell Zapanta. Pare-pareho lang ang reaksyon ng mga ito na nakamasid sa kanya at nagtataka kung bakit naroon siya sa sahig. Kung hindi lang nangungulit ang pananakit ng kanyang balikat nang tumama iyon sa bumukas na pinto, baka sinamba na niya ang mga lalaking nasa harap niya nang mga sandaling iyon. Because in their riding uniform, they all looked regally handsome, if there’s such a word.
“Wala naman, Sir,” sagot niyang nangingiwi na sa sakit ng pagkakatama sa balikat niya ng pinto. “Ano lang, ahm…naisipan ko hong mag-swimming. Alam nyo iyon?”
“Hindi.”
Myco started to picked her up but someone had reached her first. Holding her arm firmly but gently, he helped her get up. Nagulat pa siya nang mapatingala siya sa kanyang tabi at makitang si Rozen ang naroon.
“Where’s Kester?” tanong nito sa mga kapwa club members. “Gusto ko ng lumabas dito. Marami pa akong aasikasuhin.”
“Tamang-tama,” si Zell iyon. “Kailangan din nating mag-usap. Kumusta na nga pala ang political system ng Sta. Barbara? I heard its still a mess.”
“Medyo lang. That’s why I had to go back there now.”
“Pero hindi ka pa magaling,” singit niya. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang tingin ng mga lalaki roon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (116)

  • avatar
    RoldanAnthony

    ellow IM diamond 💎

    22/10

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks again writer ☺️☺️☺️,,,, it's nice story !!!

    31/05/2025

      0
  • avatar
    AdamiLucius

    Ganda bokkkk

    04/05/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด