logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 5

Nakatulala lang ako rito sa kwarto habang nakahiga. Pinipilit ko ang sarili ko na makatulog pero ayaw yata dumalaw ng antok kaya nililibang ko nalang ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano ano. Tila ba lahat ng bagay na nangyayari ay nag-iiwan ng marka sa isip ko.
Simula nung dinala ako ni Averill sa isang shaman ay hindi na natahimik ang buhay ko. Parang lagi nalang may humahabol sa 'kin at pakiramdam ko'y kahit maglakad lang ako ng mag-isa sa daan ay maaari na akong mawala sa mundong ito. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Balewalain ko nalang ba ang mga nangyayari o may mga bagay na kailangan ko tuklasin tungkol sa sarili ko?
Alam kong lahat ng mga sinabi ni Averill ay may ibig syang ipahiwatig pero hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon. Magkaibigan kami pero pakiramdam ko'y may tinatago sya tungkol sa tunay kong pagkatao. Isa pa, umitim ang ibabang bahagi na balahibo ng Dream Catcher, ibig bang sabihin nito may nagtangkang pumasok sa kwarto ko para sa kung anong pakay nya sa 'kin?
"Nalilito na ako. Do I have to be bothered by those things?" wika ko nalang sa sarili at bumuntong-hininga.
-
"Herrera..."
May kung sinong tumawag sa 'kin. Hindi Herrera ang pangalan ko pero bakit patuloy ko paring hinahanap ang pinanggalingan ng boses na iyon?
"Herrera..."
Nagpalingon-lingon ako pero wala akong ibang nakita kundi isang liwanag lamang. Parang do'n galing ang boses na 'yon.
"Herrera, bumalik ka..." malumanay ngunit puno ng pagkasabik habang sinasabi nya ang katagang iyon.
Nanatili lang ako sa kinatayuan ko habang napapikit ako sa sobrang liwanag. Nasaan ba ako?
"Herrera..." nagulat ako nang biglang may isang mainit na mga palad ang humawak sa mga balikat ko. Nang nilingon ko ito'y hindi ko man lang makita ang kanyang mukha dahil natatakpan lamang ito ng liwanag.
"Sino ka?" mahinang boses kong tanong sa kanya. Sa tingin ko'y hindi naman ito masamang tao kaya nakuha ko na ring kumalma.
"Tama ako. Buhay ka nga..." puno ng sigla na wika nya.
Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nya. Bakit ba lahat nalang ng nasa panginip ko sinasabing buhay ako? Namatay ba ako noon? Hindi ako naniniwala na kapag namatay ang isang tao ay mabubuhay itong muli pero sa pamamagitan ng ibang katauhan. 'Yan ang tinatawag ng karamihan na "Reincarnation". Maaari bang ito ang nangyari sa 'kin?
"Kung sino ka man, wala akong alam sa mga sinasabi mo." tugon ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa balikat ko at bahagyang humakbang paatras. Hindi ko maintindihan kung bakit parang normal lang na nakakausap ko ang taong ito kahit nasa loob kami ng isang panaginip at parang totoo ang nararamdaman ko nang hinawakan nya ako. Pakiramdam ko'y ligtas ako sa mga kamay nya.
"Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo. Babawi ako, Herrera. Babalikan kita, hintayin mo lang ako..."
Pagkatapos nyang bitawan ang mga katagang iyon ay nararamdaman kong bigla nalang naglaho ang kanyang presensya. Nanatili pa rin akong nakatayo pero napansin kong unti-unting nawala ang liwanag—
-
Napansin kong bumalik na ako sa realidad kaya ibinukas ko ang mga mata ko. Bakit parang totoo ang mga nangyari sa panaginip ko? Parang normal lang sa akin ang makapasok sa panaginip na iyon at nakilala ko pa ang taong pakiramdam ko'y matagal nya na akong hinahanap. Anong ibig sabihin nito?
Walang araw na hindi ako nalilito sa mga nangyayari. Kailangan ko ng kasagutan. Tama, hahanapin ko si Averill. Alam kong may nalalaman sya tungkol sa sitwasyon ko. Wala akong pakialam kung ayaw nyang sabihin ang lahat ng nalalaman nya pero kahit konti man lang. Kahit bigyan nya lang ako ng clue at ako na ang bahalang humanap sa iba pang kasagutan.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tahimik na tinungo ang kabilang kwarto pero nang kumatok ako ay wala man lang sumagot. Marahil walang tao sa loob. Sa'n na naman kaya gumagala ang babaeng 'yon? Napansin kong madalas na ang paglabas nya ng gabi. Curious ako kung ano nga ba ang pinagkaabalahan ni Averill sa ganitong oras?
Mabilis kong tinahak ang hagdan at bumaba para kunin ang flip-flops ko. Habang presko pa sa 'kin ang panaginip ko, kailangan ko na syang makausap agad. Lumabas ako ng apartment kahit alas onse na ng gabi. Hindi naman ako masyadong takot sa dilim. Sa panaginip lang, may kung sino kasing nilalang ang laging nagpapakita sa panaginip ko.
Tinatahak ko na ngayon ang daan patungong iskinita. Tanging mga street lights nalang ang nagsisilbing liwanag at lahat ng tao ay nasa loob na ng kanilang mga sariling bahay. Tanging ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon sa daan. Hindi ko alam kung saan ko unang hahanapin si Averill, ang importante makausap ko sya ngayon din.
Konting hakbang nalang ay dadaan na ako sa isang bakanteng lote kung saan doon nagpakita sa 'kin ang lalaking nakaitim kanina. Natatakot pa rin akong isipin 'yon pero kailangan kong lakasan ang loob ko.
Isang hakbang nalang at nararamdaman ko na ang kakaibang presensya. Umihip ang hangin galing sa bakanteng lote at nag-iiwan ito ng malamig na haplos sa aking balat kahit naka-jacket at pajama na ako. Pilit kong binalewala ang nararamdamang kong 'yon. Itinaas ko ang hood ng jacket ko para kahit papano'y matakpan ko man lang ang mukha ko at maiwasang lumingon sa parteng iyon. Sumipol-sipol pa ako para aliwin ang sarili ko at 'di ko maramdaman ang takot.
Nasa gitnang parte na ako ng bakanteng lote na ito nang biglang makarinig ako ng kaluskos galing sa makakapal na talahib. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko sa sobrang takot.
Palakas na palakas ang kaluskos na tila ba patungo ito sa kinaroroonan ko. Hindi na ako makagalaw. Ni hindi ko makilos ang mga paa ko para tumakbo palayo sa lugar na ito. Ito na ba ang ang katapusan ng buhay ko?
Mangiyak-ngiyak nalang ako sa iniisip ko. Gusto ko pang mabuhay. Bigyan nyo pa ako ng pagkakataong mabuhay, please lang.
Nanigas ang buong kalamnan ko nang may biglang humila sa 'kin papasok sa bakanteng lote na ito. Kating-kati na ang binti ko dahil sa mga talahib na nadadaanan namin. Nagpupumiglas ako ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak nya sa katawan ko habang tinatakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw.
Maya-maya pa ay naramdaman kong tumigil kami. Hindi ko alam kung saan kami pero base sa sinandalan ko ngayon, isa itong malaki at malapad na puno. So, anong ginagawa namin dito? Nagtataguan ba kami?
"Tul—" sisigaw na sana ako pero tinakpan nya ulit ang bibig ko. Hindi ko maaninag ang mukha nya gawa ng madilim ang paligid at walang niisang ilaw sa bahaging na ito.
"SHHHH! 'Wag kang maingay." pabulong nyang wika sa 'kin.
Tinanggal ko ang pagkakatakip nya sa bibig ko kaya malaya na akong makahinga ng maluwag. Akala ko kung ano na gagawin sa 'kin.
"Do you heard something?" pabulong nyang tanong sa 'kin.
Napakunot naman ang noo ko, "Ha? Ano naman maririnig ko?" nalilito kong sagot sa kanya.
Pinagloloko ba ako ng mokong na 'to?
"Just listen..." tinakpan nya ulit ang bibig ko.
Naghari ang katahimikan sa buong paligid pero nanlaki ang mata ko nang may marinig ako. Isa iyong mga yabag ng dalawang taong nag-uusap. Base sa boses nila ay parang may binubuhat silang mabigat kaya parang hinihingal sila habang nag-uusap.
"Sigurado ka ba talaga na dito natin itatapon ang katawan na 'to?" wika ng isa sa kanila.
Napasinghap ako pero tinakpan pa rin ng lalaki na 'to ang bibig ko.
"Bakanteng lote naman 'to. Sigurado akong walang magagawi rito." wika ng isa pang lalaki.
"Alam mong malalagot tayo kay Boss kapag nalaman nyang may makakita nito rito. Sinasabi ko sa 'yo, Fernan." sagot naman ng isa.
"Nga pala, napapansin mo ba?" tanong ng isa sa kanila.
Kinabahan ako nang bigla kong marinig 'yon. Baka napansin na nilang may nakamatyag sa kanila ngayon.
"Oh, ano na naman? Lagi ka nalang may napapansin—" iritadong sagot ng isa.
"Eh, kasi napapadalas ata pag-uutos ni Boss sa 'tin ngayon na kidnapin si ganito, kidnapin si ganyan—" pagpapaliwanag ng isa.
"Hinaan mo nga ang boses mo, Fernan!" bulyaw ng kausap nong Fernan.
"Eh, kasi 'pag maling tao naman yung nadadala natin pinapatay nya pa rin..." takot na paliwanag nung Fernan.
"Nga pala, sumilip ako nung isang gabi. Nagulat ako nang makita ko kung pa'no nya pinatay yung taong inutos nyang kidnapin natin..." patuloy nung Fernan sa sinabi nya.
"Sinakal nya lang tapos parang may kung anong puting usok na lumabas sa bibig nung biktima— A-Aray!" paliwanag nya.
"Manahimik ka na nga! Kung ano ano pinagsasabi mo. Kapag ikaw pumalpak, isusunod ka no'n sa mga pinatay nya. Tara na nga!" pagbabanta ng isa.
Narinig namin ang papalayong yabag ng dalawang lalaki. Nang mapansin naming tahimik na ang paligid ay saka kami lumabas sa pagkakatago nitong puno. Agad namang nilapitan nitong lalaking kasama ko ang puting sako na kanina lang ay tinapon ng mga lalaking 'yon. Mga kriminal!
"H-Hoy! Bumalik ka!" pabulong kong tawag sa lalaking to. Nakaitim sya ng jacket, naka-jeans at puting sapatos. Naaninag ko na since lumiwanag na ang buwan na kanina lang ay natatakpan ng mga ulap kaya sobrang dilim ng paligid. Mahaba ang kanyang maitim na buhok. Hindi ko pa nakita ang mukha nya dahil nakatalikod ito sa 'kin.
Tinitigan nya lang ang puting sako na nasa harap nya saka bumalik dito sa kinaroroonan ko.
"Umalis na tayo rito." wika nya tapos hinila nya ang braso ko.
"T-Teka lang, ah. Matanong nga kita, anong purpose na hinila mo ko rito? Hindi naman kita kilala. Alam mo bang pwede kitang kasuhan—" sabi ko habang pinaghihila nya pa rin ako palayo sa lugar na iyon.
"Hoy! Sa daan nalang tayo—" pagrereklamo ko. Bakit kasi dito pa kami dumaan sa mga likod bahay na konektado sa bakanteng lote na iyon. Masyadong makati na sa balat dahil sa mga talahib na ito.
Hinila nya ang braso ko palapit sa kanya at mahigpit itong hinawakan. Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa 'kin, "Manahimik ka!" angil nya.
Nagulat ako sa inasta nya. Nakita ko ang mapupula nyang mata at tila ba sing puti ng nyebe ang kulay nya. Hindi ko makita ang parte ng bibig nya dahil natatakpan iyon ng itim na mask. Parang tumigil saglit ang paghinga ko.
"Nakita mo ba ang lalaking nakaitim na nagpakita sa 'yo kanina? Kung walang dumating para tulungan ka, magiging katulad ka ng babaeng tinapon kanina ng dalawang lalaki na 'yon!" pabulong ngunit nararamdaman ko ang angil at galit nya. Ibig sabihin, andun sya no'ng nangyari 'yon?
"A-Anong ibig mong sabihin?" pag-aalangan kong tanong at dahan-dahan akong tumayo sa pagkakatumba.
"Hindi isang mortal ang may gawa ng nakita mo kanina—" tugon nya.
-
"Nga pala, sumilip ako nung isang gabi. Nagulat ako nang makita ko kung pa'no nya pinatay yung taong inutos nyang kidnapin natin-"
"Sinakal nya lang tapos parang may kung anong puting usok na lumabas sa bibig nung biktima- a-aray!"
"Manahimik ka na nga! Kung ano ano pinagsasabi mo. Kapag ikaw pumalpak, isusunod ka no'n sa mga pinatay nya. Tara na nga!"
-
Bumalik sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina. Napasinghap ako nang mapagtanto kong sinabi nga pala iyon ng isa sa lalaking nagtapon kanina.
"Ibig mo bang sabihin—"
"Isang Evil Dreamer ang gawa ng karumaldumal na krimen na 'yon." putol nya sa sinabi ko.
"Evil... Ano?" nalilito ako sa sinabi nya. Anong evil pinagsasabi nito? Gusto ko tumawa sa mga sinabi nya pero parang seryoso talaga sya. Sa pagkakaalam ko, sa isang fantasy movie lang nangyayari ang mga ganito, e.
"That girl who died lived few blocks away from your apartment." wika nya.
Natigilan ako sa sinabi nya. Maaaring yung may gawa ng krimen ay nasa paligid lamang at nagmamasid kung sino ang pwede nyang maging susunod na target? Base sa sinabi ng dalawang lalaki kanina, kung sino sino lang daw ang nagiging biktima nito.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko maaaring sabihin sa 'yo. Pano ako makakasiguro na mapagkakatiwalaan ang isang mortal na tulad mo?" may halong panunuya na wika nya.
"A-Ahh, sige po. Salamat po sa pagligtas sa 'kin. Papasok na po ako, ah." pagpapaalam ko sa kanya. Nakaramdam na ako ng tensyon sa pagitan naming dalawa kaya minabuti ko na lamang na umiwas. Wala akong ideya kung ano ang pinagsasabi ng lalaking 'to. Hindi nalang sana ako lumabas, edi sana hindi ko na nakilala ang taong ito.
"Mag-iingat ka, sapagkat hindi mo kilala kung sino ang iyong kalaban. Maaaring ang ibang nilalang na kahit anong oras ay handang sumugod sa 'yo. Ikaw ay mahina dahil isa ka lamang hamak na mortal." pahabol nyang wika.
Nilingon ko sya ngunit wala na akong naabutan. Agad na syang nawala sa kinatayuan nya kanina. Umihip ang malakas na hangin dahilan na tumakbo na ako papasok sa pinto na nasa likod ng apartment.
Nang nasa sala na ako ay tahimik pa rin ang buong apartment. Wala kang maririnig kahit konting ingay. Ibig sabihin, wala pa rin si Averill? Sa'n na kaya ang babaeng 'yon? Gabing-gabi na hindi pa rin umuuwi.
Panaginip lang ang lahat. Magigising din ako. Malakas kong kinurot ang braso ko dahilan na napasigaw ako sa sakit. Napagtanto kong hindi nga ito isang panaginip kundi lahat ng nangyari at naririnig ko ay totoo.
"Evil Dreamers?..." wika ko sa sarili ko.
"May gano'n bang nag-eexist sa mundo na 'to?" dagdag ko pa.
Nakakapagtaka lang. Paano nalaman ng lalaking yo'n na ang babaeng namatay ay ilang bloke lamang ang layo mula sa apartment namin? Hindi kaya lagi na syang nagawi rito sa lugar na 'to? Parang kabisado nya na ang lugar na dinaanan namin kanina. Kung hindi nya ako hinila sa dilim ay hindi ko malaman na may daan pala sa mga likod-bahay. Sa pagkakaalam ko, isang mataas na pader ang nasa likod ng apartment na 'to at sa ibang mga bahay sa village na 'to.
-
"Gusto nyong magrenta rito?" bakas sa mukha ang pagkasaya ni Mang Eldie nang sabihin namin na sa kanyang village kami gustong mag-upa ng bahay. Sya ang Chairman sa village na ito at sya ang nakatalaga sa mga taong gustong umupa ng apartment dito sa village.
Nagkatinginan kami ni Averill nang may labis na pagtataka. Natural lang naman siguro na may gustong umupa ng apartment sa village na 'to, 'di ba? Dahil bukod sa ligtas ang lugar na ito, malapit lang din kami sa Unibersidad na kung saan doon kami mag-aaral ni Averill.
"Masaya lang ako na sa aming village nyo napiling umupa. Ligtas na ligtas ang village na ito lalo na sa mga studyanteng tulad nyo! Napapalibutan tayo ng sampung talampakan na pader kaya sinisigurado kong walang magnanakaw dito!" pagpapaliwanag nya nang may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
Tumango lang kami ni Averill at alangang ngumiti. Pagkatapos ibigay ni Mang Eldie ang susi ay nagpaalam na kami sa kanya na tutungo na kami sa uupahan naming apartment.
-
Nang maalala ko ang sinabi ni Mang Eldie, mabilis akong tumakbo patungo sa pinto na kanina lang ay dinaanan ko. Nang marating ko ang kusina ay kumunot ang noo ko sa aking nadatnan. Napaatras ako nang mapansin kong...
...nawala ang pinto na dinaanan ko kanina.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Ian Jake Recaa

    djdjcjfcisicicjfjcjdjjc

    09/04

      0
  • avatar
    CascayoAlwin D.

    wow

    27/01

      0
  • avatar
    NatinoMarisol

    I love your story🥰

    13/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด