logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Chapter 6
Zamiell
"Ipagpaumahin po ninyo ang aking kapangahasan, alam ko pong wala akong karapatan magsalita sa inyong harapan dahil ako ay nagsisilbi lamang po sa inyo. Ngunit kung wala pong limampu, apatnapu't lima, apatnapu, tatlumpu, dalawampu, at sampu na matuwid ang naroon sa Sodoma katulad ng sinabi ni Abraham ay hindi ninyo gugunawin ang Sodoma o ang Gomorra. Akin pong gustong sabihin na mahigit pa sa limampu ang matutuwid na tao na naninirahan ngayon sa mundo, kung kaya ay bakit niyo po gugunawin ang mundo?"
Ang Apat na Nilalang na Buhay (Four Living Creatures) ay nakatingin sa akin ng taimtim habang hawak ang kanilang mga mangkok na puno ng insenso, ito ang mga dasal ng santo at ang mga naniniwala sa Diyos.
Ang Apat na Nilalang na Buhay ay puno ng mga mata sa harap at likod, ito ay may mukha ng leon, kapong baka, tao at agila na papalipad, sila rin ay may anim na pakpak. Nang ako ay nanatili pa rito sa palasyo ng panginoon ay lagi ko silang naririnig na sumasamba at kinakanta ang kabanalan ng Ama.
"Ikaw ba ay may pag-aalinlangan sa plano ng Panginoon?"
Napatingin ako sa mga Serapin (Seraphim) na nakapalibot sa Panginoon habang Siya ay nakaupo sa trono. Ang mga ito ay may anim na pakpak, dalawa rito ay ginagamit para takpan ang kanilang mukha, dalawa rin para takpan ang kanilang paa at ang natitirang dalawa ay para makalipad sila. Katulad ng ibang anghel ay katulad din sila ng mga tao na may mukha, paa, at kamay. Sila rin ay umaalab dahil sa apoy na nakapaligid sa kanila.
"Hindi po, ako ay humihiling sa Panginoon, kay Yahweh at sa kanyang anak na si Hesus na huwag ng gunawin ang mundo"
Muli akong napatingin sa kanila ngunit agad ko rin binawi ang aking pagtitig dahil sa hindi ko makayanan ang tignan sila ng matagal.
"Anak, ako ay nakipagtipan sa naging anak ni Noah, kailanma'y hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Wala ng baha na gugunaw sa daigdig, kung kaya ang bahaghari ang naging tanda ng aking pakikipagtipan."
Nabuhayan ako sa pahayag ng Panginoon, ngunit takot ang nanaig sa akin ng maalala ang pangalawang pagdating muli ni Hesus sa daigdig.
"Kung ganoon po ba ay ito na ang pangalawang pagdating muli ni Hesus sa daigdig?"
Ramdam ko kung paano ako tignan ni Yahweh at ng kanyang anak na si Hesus kasama ang mga Serapin at Apat na Nilalang ng Buhay. Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa kanilang mga tingin, ngunit hinawakan ni Archangel Chamuel at Haniel ang magkabila kong balikat. Senyales na nandito sila para sa akin at taimtim akong nanalangin na ako ay kanilang pakikinggan.
"Ang pagdating namin sa mundo ay walang makakaalam, tanging ang araw, buwan at bituin lamang ang makakapagsabi ng aming pagdating"
Ngumiti sakin si Hesus, kasabay nito ang pananampalatayang umuusbong sa akin na may pag-asa pang makita kong mabuhay ng payapa ang aking mga mahal sa buhay.
Habang ang Ama ay nakatitig sa akin ng taimtim, para bang ako ay sinusuri niya ng maigi.
"Ako ay magpapadala ng mga sanggol na kalahating anghel at kalahating tao na siyang tutulong sa inyong mga aghel na maghasik ng kabutihan sa mundong napupuno ng kasakiman"
"Kalahating anghel?"
Tumango sa akin ang Panginoon, naguguluhan man ay hindi ko na nais magtanong dahil isa na itong kapusukan sa aming mga alipin ng Panginoon.
"Ang mga kalahating anghel na ito ay manggaling sa mga tao mismo, sila ay mamumuhay tulad ng isang tao, makakagawa ng kasalanan at maliligaw ng landas, ngunit ito ang magiging daan upang mas mapalaganap ang kabutihan. Ang kapwa nila tao na nararanasan ang kanilang mga hinanaing o karanasan ay mas maitutuwid ang kanilang pagkakamali dahil sa karunungan at kaalaman na meron sila katulad ng kapwa nila. "
Tumulo ang luha mula sa aking mata, hindi ko akalain na may pagkakataon pa akong makasama ang aking pamilya.
"Zamiell, inaasahan kong ikaw ang magbibigay sa amin ng impormasyon sa unang pagsilang ng mga kalahating anghel at tao"
"Masusunod po Ama"
Lumabas kami sa bulwagan, nagpasalamat ako ng taos puso kay Archangel Chamuel at Haniel. Sa aming paglalakad ay nakita kong naghihintay samin si Archangel Michael.
"Aking inaasahan na iyong gagawin mabuti ang bagong utos ng Panginoon"
Tumango ako habang siya ay lumipad na papaalis.
Year 1987
Hindi ko akalain na ang katagang "Small World" ay magiging isang katotohanan. Sa dami ng tao sa mundo ay pakiramdam ko lumiliit lalo ito, dahil doon ay mas nararamdaman ang kahirapan, gutom, at dumarami rin ang mga taong kumakapit sa patalim upang mabuhay.
Ang mga kalahating anghel naman ay nasa gulang na tatlo o apat pa lamang kung kaya't hindi pa sila nakakatulong sa paglaganap ng kabutihan. Kamalas-malas lang nila na sila ay naipanganak sa panahon na lumiit na ang mundo dahil sa dami nilang mga tao.
Nanatili ako rito sa Pilipinas kasama ni Porpeng sa loob ng tatlong taon, ngayon ang panahon ng aking paglilibot muli ngunit nagkasakit si Porpeng dahil sa katandaan. Wala akong nagawa kundi manatili upang alagaan siya at palitan siya sa paaralan upang maging guro, swerte lamang at tinaggap nila ako kapalit ni Porpeng dahil alam nilang anak niya ako.
"Pogi! Eto oh mura lang!"
"Sariwang isda!"
"Baboy kayo riyan!"
Katulad ng dati ay maiingay pa rin ang mga tindero at tindera rito sa palengke, dati ay sama-sama pa sila sa bayan pero ngayon ay may sarili na silang pwesto. Tumitingin ako ng manok, baboy, at isda para may mga pagkain na kami na nakaimbak sa loob ng isang linggo, ng makita ko ang isang demonyo na sinusundan ang isang bata.
Hawak ang aking bayong ay sinundan ko ito, gusto ko malaman kung paano ang isang kalahating anghel na bata ay maiiwasan ang tukso galing sa isang demonyo na nagngangalang Berith. Nagtago ako sa mga patong-patong na kahon ng gulay hindi kalayuan sa kanilang pwesto.
Si Berith ay isa sa mga Fallen Angel, siya ang may pakana kung bakit nagagawang pumatay ng kapwa tao ang isang tao. Kaya kitang-kita ngayon kung paano niya bulungan ang bata na paslangin ang may-ari ng isang pwesto rito sa palengke.
Natutulog ang ginang na tinutukoy ni Berith, nag-papahinga habang wala pa ang kanyang tinda dahil bakante ang kanyang pwesto, dahil na rin siguro sa pagod na trabaho dito sa palengke. Ang kanyang mga kita ay nakalagay sa isang kahon na may kandado, halata sa bata na nais niya itong makuha. Ang bata ay payat at halatang galing sa hirap.
Nagngingit-ngit na ang aking mga ngipin sa pagtitimpi upang makita lamang kung paano mareresolba ng kalahating anghel ang tulad nito. Lalo na ang mundo ay puno ng tukso, kung hindi niya ito kakayanin ngayong bata pa siya ay papaano na siya sa kanyang paglaki?
Laking gulat ko ng kinuha nito ang kutsilyo malapit sa lamesang ginagamit upang pang-kaliskis sa isda, itinutok ng bata ang patalim sa leeg ng ginang habang si Berith ay walang tigil sa pagsasalita sa tabi ng bata, kita sa kanyang mga mata ang galak at pagkasabik sa gagawin ng bata.
"Gusto mo makakain diba? Patayin mo siya at kunin ang pera, mabubuhay ka na ng hindi nagugutom. Mapapakain mo rin ang pamilyang naghihintay sayo sa inyong tahanan, hindi mo mararanasan ang dinanas ng iyong kapatid na mamatay sa gutom. Ayaw mo nun hindi ba? Gusto mong mabuhay ng matagal at makamit ang iyong pangarap, kung ganon ay gilitan mo ang kanyang leeg. Pagkatapos ay kunin ang perang iyong kailangan"
Paulit-ulit na sinasabi ito ni Berith sa bata, habang ang bata ay nanginginig ang kamay na hawak pa rin ang kutsilyo. Tulad ng tao ang mga kalahating anghel ay hindi nakikita ang mga demonyo sa kanilang paligid, pakiramdam ko ay isa ito sa mga kawalan nila na sana ay maari nilang magamit.
Akmang itutusok na ng bata ang kutsilyo sa leeg ng ginang na natutulog, ngunit bigla itong napaluhod sa harap ng walang kamalay-malay na tao at umiyak habang unti-unting binitiwan ang kutsilyong hawak.
"Patawad po"
Ang paulit-ulit na sinasabi nito habang humahagulgol, nagising ang ginang at ng makita ang bata ay pinatahan ito. Hindi niya alam na balak ng bata ang kitilin ang kanyang buhay kanina lamang.
Umalis si Berith na dismayado at handa ng humanap ng kapalit na biktima ngunit hinarangan ko siya sa kanyang dadaanan kung kaya ay nagulat itong nakatingin sa akin, ngunit napalitan ang kanyang ekspresyon ng isang ngisi.
"Hindi ko akalain na maganda rin palang tignan ang isang anghel na namamalengke"
Agad kong binitiwan sa isang tabi ang bayong kong hawak.
"Wala kang pake sa aking mga gawain"
Akmang aking ilalabas ang espada ngunit binigyan niya ako ulit ng isang ngisi.
"Kung ako sayo ay hindi mo gagawin yan dahil sa maraming tao ang makakita"
Nakatingin siya sa likod ko habang tinatanaw ko naman ang mga tao sa likod niya, napa-ismid na lang ako dahil mukhang lalabanan ko siya gamit ang sariling mga kamay. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanya ay nilabas niya ang kanyang pakpak at isang malakas na pagaspas ang ginawa niya rito.
"Sa susunod na muli nating pagkikita Zamiell, maaaring malalaki na ang mga kalahating anghel na iyan. Tignan natin kung hanggang saan ang kanilang pananampalataya sa iyong Diyos"
Hindi ko na siya nagawang sundan dahil sa nakita ako ng isang tao na nakatunganga sa langit. Kaya naman inayos ko ang aking sarili at kinuha muli ang aking bayong. Bago ako bumalik sa lugar na aking pagbibilhan ay nakita kong naglalakad ang kalahating anghel na bata habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Lumapit ako sa kanya, kaya mula sa pagkakatungo ay tumingala siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako.
"Magaling ang iyong ginawa kanina, nakita ko kung paano mo pinigilan ang sarili na kumitil ng isang buhay"
Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha habang kinakabahan na hinahawakan ang laylayan ng kanyang gutay-gutay na damit.
"Ayoko po kasing magutom at mamatay tulad ng aking kapatid. Ang aking pong ina ay may sakit din at nakaratay lamang sa kama"
Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan na hinila siya patungo sa mga tindahan ng gulay dito sa palengke.
"Kung ganon ay tayo'y mamili ng maaari mong ihain sa iyong pamilya mamayang hapunan"
"Wala po akong pera"
Pinakita ko sa kanya ang aking pitaka kung kaya sumilay ang isang ngiti mula sa kanyang labi. Mabuti na lamang at nakamasid ako sa mga kalahating anghel na ito dito sa lupa. Tama lang na ako ay nanatili para rito sa kanila.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    25d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด