logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Namalagi pa ako sa ospital ng ilang linggo hanggang maghilom ang mga sugat ko. Binibisita naman ako nila Gio at Yanna bago pumasok at pagkatapos ng klase. Inuupdate din nila ako sa mga gawain sa school. Niloloko pa nga ako ni Gio na namimiss na daw ako ni Amir!
Kadiri!
Ni hindi ko nga yon kaclose, feeling close naman. Buti hindi nila sinabi na nakaopsital ako, pusta ko pupunta iyon! Konti na lang sasabihan ko na na crush ako nun kung nagkataon e!
Napapansin ko naman, bawat paggising ko ay may pagkain sa side table ko at ang laging nakasulat sa note ay 'Take Care, Margo' -X
Palaisipan pa din saakin iyang mga pagkain na yan saakin. Paano kung may lason? Edi tigok din ako dito sa hospital. Pero minsan sa sobrang gutom ko kapag wala sina Gio ay kinakain ko na lang ang nasa table.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay magpapasalamat talaga ako sa taong iyon. Hindi ko man alam kung ano ang motibo niya bakit niya ako tinutulungan ay nagpapasalamat pa din ako dahil ginagawa niya ang 'yon. Tinry ko talaga siyang hulihin nung isang araw pero isang nurse lang ang nagdadala ng basket at sinabi niya saakin na may nagiiwan daw na lalaki ng pagkain saakin at pinapadala sa room ko. Medyo matalino siya sa part na iyon. Ayaw niya talagang magpakita saakin.
Gusto niya ba talagang itago ang pagkatao niya? Nacucurious tuloy ako!
Kahit pangalan lang ba hindi niya maibigay? X lang ang alam ko na clue sakaniya.
Tumayo ako saaking pagkakahiga. Inayos ko na ang aking mga gamit dahil ngayon ako madidischarge nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Magi. Napaawang ako ng bibig at agad siyang niyakap. "Magi!" I said in disbelief. Napaaray pa ako ng may matamaan sa sugat ko. Muntik ko ng makalimutan na may kapatid pa pala ako!
"Ate! How are you po?" imbes na sagutin ko ang kaniyang tanong ay takang tiningnan ko ito.
"How did you get in here? And where is Vana? Oh gosh I missed you! Did you eat already? You smell so good, naligo ka na?" aligaga kong sabi at niyakap siyang muli. Magdadalwang linggo na ako sa ospital. Si Yana at Gio lang ang bumibisita saakin. Ngayon ko na lang nakita ang mumunti kong kapatid. Binibisita naman daw nila Gio at maayos naman daw siya sa nagdaang araw. Pero nakakamiss ang bulinggit na ito. Hindi ko alam kung ano na nangyari sa bahay. Baka nagparty party na sila ni Vana doon! And worst scenario, pinagkakagat na ni Vana iyong mga sapatos o sofa namin doon!
But I'm still in deep thought, thinking how she managed to go here? She's just 11 years old for Pete's sake.
"I took a bath before leaving. I ate already po. And I left Vana with someone. How are you po?" she asked again.
Nangunot muli ang aking noo at humiwalay sa pagkakayakap sakaniya. "Someone?"
Bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang bruha. Nakasuot pa din sila ng uniform, mukhang kakatapos lang ng klase namin.
"Oh pano ka nakapunta dito, Magi? Si Vana? Kala ko ba ay aantayin mo na si Ate Margo mo sa bahay?" si Gio. Ganoon din ang tanong ko na namumuo sa isip ko.
"I left Vana to someone who can take care of her. And I missed Ate so much and I can't wait to see her, so I went here po." she said while giggling. Nangunot ang noo ko, sinong someone? Wala naman akong kilalang kaibigan ni Magi.
"Osiya tulungan ka na namin magligpit. Kami na maghahatid sainyo dahil umuulan ngayon." pagiiba ng usapan ni Yana.
May bagyo daw ngayon at nagsuspend ng klase. Mabuti na nga daw na ganon ng maghilom ang sugat ko sa bahay sabi nila Yana. At hindi daw ako pagpiyestahan sa school. Which is true, I guess. Kapag umuupo ako ay medyo kumikirot pa ang likod ko, hindi din ako makahiga ng maayos dahil kailangan ay nakatagilid ako o paiba iba ang puwesto ng di matamaan ang aking sugat. Sabi naman ng mga doctor ay pagaling na ang sugat ko.
Bigla kong naalala muli ang nangyari. Pauwi ako ng may magtangkang ikidnap ako at sinaksak ako sa likod, hinubaran at may dumating na lalaking may suot na krus ang necklace..nakafacemask, that has those pair of almond brown eyes at nakipagsuntukan sa lalaking nanaksak saakin. Iyon lang ang naalala ko.
Sabi naman nila Gio, nang dumating sila sa kanto kung saan ako huling naparoon, may lalaki daw na nakabusal ang bibig at nakatali ang paa at kamay. May kutsilyo sa gilid at may note na nakasulat daw ng address ng hospital kung nasaan ako. Inireport nila ang lalaking nakasaksak saakin at agad daw itong kinulong. Hindi ko nga lang alam ano ang mangyayari sakaniya.
He just tried to kill and rape me! I'm certain if no one had saved me that day, that guy had taken advantage of me. Though I don't still know his motives, why did he do such actions? Did he do it because he wanted to? Or did someone order him to do so?
Juliana and Giovanna asked the medical stuff already about the guy who helped me. The nurses told Gio about the payment of my hospital bills was paid. They keep asking the nurses about the person's name but to no avail.
Sayang at hindi ako nakapagpasalamat man lang sa tao.
He saved me from death! I should've thanked him in person.
I can't help but be curious.
"Let's go na Ate." aya ni Magi. Binuhat nila Gio ang gamit ko. Hawak naman ako ni Yana sa isang kamay at si Magi sa kabilang kamay.Sumakay kami sa kotse nila Yana at nagdrive na kami pauwi. Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa bahay. Mahina lang ang ulan ngayon, mukhang bukas ay bubuhos nanaman ang malakas na ulan. Weather forecaster ako e.
Nang ihatid kami sa gate nila Yana ay di na din sila nagtagal dahil may pupuntahan daw silang dalawa. Nagkibit balikat na lang ako at nagpaalalay kay Magi sa pagpasok ng gate.
Papasok pa lang kami ng gate ay tumatahol tahol na si Vana. Oh gosh I missed that little girl.
"Ate, Vana missed you too, look she is standing in the entrance door."
Lumapit kami kay Vana at tumalon agad ito saakin at dinilaan ang aking baba. Niyakap ko ito ngunit patuloy pa din ang pagdila niya saaking baba. Natatawa na lamang kami ni Magi.
Nahinto kami sa pagtawa ng tumunog ang telephone sa sala. Pumasok na kami ni Vana at Magi sa bahay. Dumiretso ako sa sala at ang dalawa naman ay nasa taas na.
Nagriring pa din ang telephone kaya sinagot kona ito. "Hello?"
"How are you, Margo, honey? How's Magi? Are you guys safe there? Don't you want to come back here to the States? I'll give you a free flight. I missed you so much kiddos."
Beat.
It was dad.
___
After dad called on the telephone a few days ago, I went to the nearest convenience store to chill off. Nabubulok na din naman ako sa bahay at hindi na ganoon maulan. Nakapagpahinga din naman na ako ng ilang araw and I think that's enough, siguro papasok na niyan ako.
Nailing na lang ako at bumuntong hininga saka mariin na hinawakan ang chopstick habang humihigop ng noodles. Nakaupo ako sa isa sa mga table ng convenience store habang nakatingin sa makulimlim na ulap. It's 3pm in the afternoon.
It's been 5 years ever since Mom and Dad left us. They went to the States and settled there for good. I was just a mere teenager carrying and holding my sister. I worked my ass off just to feed the two of us while my parents were busy doing illegal works just to earn money and be the rich figure they want to be and spend their money buying what they want while her daughters skipped meals, and steal food just to barely live.
They failed to do their obligation and deprived their children of rights to play, act and live like other normal children.
Magi and I woke up in the reality of blaming our parents who abandoned their child won't do us any good. Rather enjoy our lives and depend on no one.
And it's so odd that Dad wants us to take us to the States where I thought they already abandoned us for years!
It's----- "Oh, Josephina, Iniwan mo nanaman ba ang anak nating si Bogart?" I rolled my eyes as I heard his familiar voice. His presence is enough for me to vomit, really. Nageemo pa ako, epal talaga 'to. Tiningnan ko siya sa harap ko at nakapamaywang pa ito na may hawak ng oreo habang ngumunguya ng isa.
Nagliwanag ang paningin ko at binitawan ko ang chopstick bago pumalad sakaniya. Nageemote lang ako, oreo to oh! Oreo!! "Penge.."
"Pfft." he coughed and smirked before changing his expression to a serious one. "Answer my question first."
"Really? We will do it here? Are you for real Mr. Pelaez?" I arched my brow while asking.
He shrugged his shoulder while eating some oreo. But I could see him smirk! "Fine. Bogart was sound asleep when I left him. Now give me some." Magsasalita na sana siya ng may magbagsak ng isang balot ng oreo sa table ko at may resibo pa itong kasama. Nanlaki ang mata ko ng makita lalaking laging may suot na krus ang necklace. Nilapag niya lang ang oreo sa harap ko at huminto. "Eat it, Margo."
Natulala ako sa side view nitong mukha parang...may kamukha siya!
Hindi ko napansin na papalayo na siya saamin.
Hindi ko ata admirer to e.
Stalker! Poging stalker!
Kahit nasaan ako bibigyan niya ako ng pagkain!
Bago ko pa makalimutan ay kinuha ko ang isang balot ng cream o at oreo sa table at handa na siyang habulin ng hawakan ni Amir ang kamay ko. "Wait, stalker!---Ano ba Donatellio?"
"Hindi pa tayo tapos magusap, Josephina. Iiwan mo ba ako para diyan sa lalaki mong binigyan ka ng oreo? Kaya kitang bilhan ng isang convenience store. Sabihan mo lang ako." Hindi siya nakangiti, seryoso ang paningin nya na nakatingin din sa stalker ko.
Yabang.
Hindi ko siya sinagot at tiningnan ang lalaking may krus na necklace. Wala na ito kaya nagpapadyak na lang ako sa inis. Hindi ako nakapagthankyou sa oreo! At alam ko, siya iyon! Siya ang nagligtas saakin at siya ang laging nagbibigay saakin ng pagkain na akala ko ay kagagawan nila Gio!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (33)

  • avatar
    BactolMary genina bactol

    great one

    17d

      0
  • avatar
    Justin Aplacador

    great

    18d

      0
  • avatar
    Boquilon Calayag John Rey

    great

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด