logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 5

Chapter 5
“Encounter”
(A/n: Foul words ahead.)
Isang mainit na yakap ni Mommy Yvette ang sumalubong sa akin pagkadating ko sa bahay nila.
“Ferry! You should visit us more often! Last month pa nung huli tayong magkita, hija.” Sabi nito sabay ngiti. Mommy Yvette and my Mama could pass for being twins. Lalo na kung magkapareho sila ng hairstyle.
Nalala ko pa nga noon, na sa bahay ako ni Mommy Yvette nakauwi at hindi sa bahay namin. I was just 6 or 7 years old back then. I was so sleepy because I played badminton with my friends at the park. Hindi ko na namalayan na sa sasakyan pala ako ni Mommy Yvette nakasay at hindi kay Mama. Pati rin sa kotse o anumang gamit, nakasanayan na talaga nilang magkakapareho sila sa lahat ng bagay. Kaya hindi niyo talaga ako masisi!
“I’ll make some time, Mommy Yvette. May inaasikaso lang po ako sa kompanya kaya madalang na po kung ako’y makabisita rito.” Paliwanag ko naman.
“It won’t bother me if you’re busy with your company, just don’t overwork yourself, Ferry.” Malumanay ang boses niya habang hawak-hawak ang kamay ko. “Your Mama wouldn’t like that.” She added.
“Opo naman, Mommy. I’ll keep that in mind.” Sabi ko naman habang nakangiti.
“Si Daddy Tom nga po, pala?” tukoy ko sa kanyang asawa.
“He’s busy with some things, Ferry. But he’ll be here before dinner.” Mommy Yvette answered.
Tumango-tango na lamang ako. Masyado na atang napapadalas ang pagiging busy ni Daddy Tom. Of which I find very suspicious. Daddy Tom has three brothers who were currently running the operations for their company in the country, currently. He has the most shares, therefore he should not be that busy. Ayaw ko nang mas palalimin pa ang iniisip ko kaya’t iwinala ko nalang muna iyon sa sa aking isipan.
“Si Kuya Sanch nga po, pala?”
“You always ask about his whereabouts, alam mo naman kung nasaan ‘yun ngayon, hija.”
Of course, I know of where he is. I am just double-checking if he’s here because sometimes my Kuya’s mind is way too unpredictable.
“Sige po, Mommy. Puntahan ko lang po siya.” Sabi ko bilang pamamalaam at iniwan siya sa sala.
Tinahak ko ang daan patungo sa music room ni Kuya. He really loves to play and compose songs kaya nagpagawa siya ng sarili ng music room. Bukod pa rito ay may sariling studio na rin siya. It’s just an hour drive away from here. Sinadya talaga ni Kuya na malayo yung studio niya para ibili siya ni Mommy Yvette ng bagong sasakyan! Well, even though he could really afford one.
“Kuya Sanch!” tawag ko sa kanya nang tuluyan na akong makapasok sa music room niya dahil hindi ko siya mahagilap. Kaya napagdesisyunan kong ikutin ‘tong music room niya. Kumanan ako at nakita ang isang pintuan na sa tingin ko ay konektado sa kwarto niya. Pinihit ko ang doorknob upang bumukas ang pintuan at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
“Holy Mother of Christ!” I exlaimed.
Natigil ang pag-ungol ng kung sino mang babae na nasa ilalim ni Kuya Sanch. I really think that they’re doing something because it is clearly obvious. It’s a good thing that they were covered with a piece of blanket, kaya hindi ko nakita ang kabuuan nilang dalawa. They were so shocked that they just stared at me, with their eyes popping out. Maging ako rin nga naman e! Agad naman akong nakumahog papalabas at isinara ang pintuan ng kuwarto ni Kuya. Damn it! I should have knocked! Napasandal na lamang ako sa pintuan at narinig ang boses ng isang pamilyar na babae mula sa loob.
“Oh my God. It’s your cousin, Sancho!” sa pagkakasabi niyang iyon ay parang nahulog siya, para kasing may kumalabog na kung ano.
“Ouch!”
At para ngang tama ako. Nahulog nga talaga siya.
“Ria! Are you okay?” nag-aalala namang sabi ni Kuya rito.
Ria. Kilala ko siya! She was Bryan’s girlfriend. Bryan was also Mikha’s ex. Pero noon pa ‘yon, highschool pa nga ata kami nun ni Mikha, e. Ria was also there last night partying with Mikha’s cousin. Then why would she end up here? Sinundo ba siya ni Kuya?
“I’m fine, Sancho.” Si Ria.
“It’s alright. Kasalanan ko naman. I should have locked the door. Get dressed, Ria.” Si Kuya naman.
Dali-dali naman akong lumabas ng tuluyan sa music room niya at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. I think I got a golf size lump on my throat that I couldn’t swallow. I almost slid running towards the dispenser. Nang dahil na rin doon ay mas nadagdagan pa ang anumang kaba sa loob ko. Agad akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig upang makainom na ako.
What did I just saw again!?
Walanghiya ka, Ferry!
I inhaled deep breaths to calm myself down. Kumalma naman ako at na-absorb ko na ang lahat ng nangyari.
‘I should have knocked! Kung nagawa ko pa sana iyon ay hindi ko sila makikita na gumagawa ng milagro!’ pabalik-balik na sabi ko sa sarili ko.
Jusko! Gusto ko na atang hiwain ang mga mata at kamay ko na parang sibuyas!
Muntik na akong mapatalon sa kaba ng marinig ako ng yabag papunta sa sakin. Hinarap ko muna ito, at nagpagtantong si Kuya pala. I immediately greeted him.
“Happy birthday nga pala, Kuya.” Bati ko sa kanya.
“Thanks, cous.”
“And I’m sorry if you have to see that.”
Hinarap ko muna siya bago sumagot.
“It’s fine Kuya. I should be the one to apologize. I should have knocked!” pa-hysteria kong saad.
“Yeah, I think you should have. Lalo na’t hindi ako nakapaglock ng pinto.” Sabi niya at bahagyang tumawa.
Nakisabay na rin ako sa pagtawa niya. I swear, ngayon ko lang siya nakita na may ka-anuhan na babae in my entire life!
“So, you’re dating Ria pala Kuya?” tanong ko sa kanya na nagpalawak ng kurba ng kanyang labi.
“Uh, yes. Two months ago.” Sagot niya at uminom na rin ng tubig.
“Does Mommy know?” halos pabulong kong sabi.
Mommy Yvette doesn’t like Kuya engaging a relationship to any of the Aldonza’s. Mommy Yvette loathes them so much. At kung anuman ang rason niya ay sila lang na involved ang nakakaalam.
“No, she doesn’t. Not yet.” His voice broke.
“Have you fallen deep, Kuya?” I asked.
“I’m think I’m in the deepest right now, cous.”
***
Kuya explained to me that Ria have taken the window instead of the door, so that Mommy won’t know that she’s been here. Kuya also told me everything that I’d like to know from him. I think he is really inlove with her. I am happy for the both of them, but I’m worried of the things that could happen if Mommy would know. I told Kuya to be careful. Paano nalang kung si Mommy ‘yung nakakita sa kanila? Mommy would go ballistic! Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko ito ipapaalam kay Mommy na ikinatuwa naman niya.
I’ve gone to the rooftop kung saan naroon na rin ang iilan sa mga kaibigan ni Kuya. I simply smiled back at them.
I wasn’t there for them, but for Mommy Yvette. I walk towards her.
“Mommy, can I have the keys for my old room here po?” sabi ko rito.
“Yes, hija. Just ask Yaya Thelma for that.” Sagot niya na sinunod ko naman.
Habang naglalakad ako pababa ay nagring na naman ang phone ko at nakitang si Veolly na naman ang tumatawag. Sinagot ko iyon at napatigil sa kalagitnaan ng paglalakad sa hagdanan.
“Hello po, Ma’am Ferry.” Bati nito.
“Yes, Veolly. Is there something wrong?”
“Ma’am nandiyan po kayo sa bahay ng pinsan niyo po, ‘di po ba?”
Nagtaka naman ako sa tanong niyang iyon.
“Yes, why?”
“Ah, ipinapatanong po kasi ni Madamme Tina.” Tukoy niya kay Lola.
“Ganoon ba? Tell her I left a note on her desk. Saka nasabi ko na rin naman ‘to nung nakaraan, baka nakalimutan lang niya.”
Lola is being forgetful again.
Ibinaba ko ang tawag ko kay Veolly matapos akong makapagpaalam.
Naglakad na’ko patungo sa garden kung saan madalas kong matagpuan si Yaya Thelma. Saktong naroon siya nagdidilig ng mga halaman, mukhang maiistorbo ko pa talaga siya.
“Yaya Thelma.” Tawag ko rito na agad naman niyang napansin.
Nang makatapak na ako sa bermuda grass na nakalatag sa buong garden ay sinalubong ako agad ni Yaya.
“Ferry, hija! Naku, anong maipaglilingkod ko sa’yo?” agaran naman nitong tanong sa akin.
“Yaya, gusto ko lang po sanang kunin ang susi ng kwuarto ko rito.” Paki-usap ko sa kanya.
“Ah, sige hija. Maupo ka muna roon.” Tukoy niya sa isang bench na nakaharap sa garden na hindi naman kalayuan mula sa kinatatayuan ko.
“Sige po, salamat.” Nilagpasan ako ni Yaya at nagpasyang maupo rin muna sa bench.
Ang ganda talaga dito. Tanda ko pa nga na limang proffesional na landscape artist ang hinire ni Mommy para sa garden niya. No wonder tha this is also Mommy’s favorite spot on the house. With this nice view, it’s impossible for anyone not to calm. Kaya ine-enjoy ko muna ang view na ito habang wala pa si Yaya Thelma.
And speaking of plants, Mama likes to plant flowers. I remembered when I was little Papa would always buy Mama some rare potted plants whenever he goes out of town or abroad.
“Fern Lemmery.” A manly voice from behind called me.
Dahil na rin sa kuryusidad ay ibinaling ko ang tingin ko sa likuran at nakita ang nakapaka-gwapo ng mukha nitong lalaki na…
Hindi ko kilala.
Nanatili akong nakatitig sa pagmumukha niya at inalala. Inalala kung saan ko siya nakita. Nakatayo lamang siya roon. This man with his deep brown eyes and he stands 6’2 ft. tall. He’s wearing a formal attire of which really suites him. Para siyang galing sa isang executive meeting. His black hair is brushing way down to his broad shoulders. He’s quite familiar. My heart was beating fast, the longer I stared at him the more he becomes attractive.
“W-who are you?” I asked him. I almost lost words for once.
He heavily sighed before he finally answered me.
“I’m Louis Kendrick, Fern.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (93)

  • avatar
    DelrosarioBenzonjay

    grabe

    21d

      0
  • avatar
    Jv Matulac

    so very attractive

    17/08

      0
  • avatar
    QuiambaoKurt Angelo

    follow me in Angelo vlog's

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด