logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

Chapter 2
“Tattoo from the past”
“Ma’m Fern, you have a meeting with Mr. Alcazar this coming 2pm.” Paalala ng bago kong sekretarya na si Veolly.
“Cut the ‘Fern’ off, please. Just call me ‘Ferry’. And thank you, for that.” Sabi ko na lamang.
I don’t want anyone to call me that. That’s what my parents is used to call me. Hindi naman sa dumidilim ang pakiramdam ko pag naririnig ko iyon, para kasing ang weird. Lalo na’t wala na sila, para kasing nabubuhay sila pag may tumatawag saakin ng ganoon. I don’t want to make myself remember all those things or ressurect them. It feels like I’m battling it, repeatedly even though I already overcame it.
“Ah, yes po. Ma’am Ferry.” Nakangiti naman nitong sagot at tuluyan ng lumabas sa opisina ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan ko ngayon at napatingala sa kisame. I miss Mama and Papa. Should I just cancel that meeting to meet them? Napaisip ako. I know Papa wouldn’t agree with that idea, so I let it off.
I cleared my mind, letting all the thoughts come in silence. Not until my phone rang.
Nakita ko agad na si Mikha ang tumatawag, bestfriend ko.
“Ferry!” Masigla nitong bungad.
“Yes, Mikha!” Hindi ko naiwasang mahawa sa good vibes na dala niya.
“Bar tayo, mamaya. Darating ‘yung pinsan kong si Lhesmyn kasama ‘yung friends niya. They’re all expecting you.”
“I’m sorry, Mikha. I’ve got plans already, pupuntahan ko sina Mama at Papa mamaya.” Pagtatanggi ko sa alok niya at hindi ko maialis-alis ang pagkadismaya sa boses ko.
“It’ll be on 8pm naman, Ferry.” She paused for a while. “Ah, sige na nga. Basta tawagan mo na lang ako pag free kana tas gusto mong pumunta, ha?”
She really gets me, and I love that.
“Of course. I’ll try my very best to make some time, Mikha.”
“Osige, bye na.”
“Ba-bye!” sabi ko at inend ang tawag.
Mikha short for Mikhaela, is my best friend since elementary. Nagkakilala at naging mabuting magkaibigan kami kasi magkapitbahay kami. And on the top of that, syempre classmate ko rin siya. She was always there for me and I was to with her. Mula sa elementary to highschool, parati na kaming magkasama sa lahat ng kasiyahan, kalungkutan at syempre sa kalokohan. Nang tumuntong na kami sa kolehiyo, wala pa ring nagbago sa samahan namin. Maging ngayon, we’re both twenty-three. We finish school and live off our childhood dreams.
Pumasok na naman si Veolly sa opisina ko.
“Ma’am Ferry. Mr. Alcazar has arrived. He is waiting for you in the meeting room.”
“Okay, I’ll be out in a moment.”
My discussion with Mr. Alcazar went well. He invited me for a party of which will be held next week, I accepted it when Veolly told me that my schedule is clear. Nagalak siya sa naging desisyon ko. Aasahan raw niya ang presensiya ko. Hindi ko na pinatagal pa ang meeting at agad itong tinapos.
Nang matapos ang meeting ko ay agad akong nagtungo sa flowershop. Hindi naman ganoon kabigat ang traffic kaya mabilis akong nakarating.
May muntik ng bumangga sa akin sa pagpasok ko sa flowershop. Isang matangkad at naka-mask na lalaki na may dala-dalang anthuriums. Ni hindi man lang nagsorry sa akin, pero imbis na mabadtrip ay hinayaan ko nalang.
I don’t want my mood to go down, lalo na’t pupuntahan ko pa naman ang parents ko. Dahil na rin hindi ako nagpakain sa anumang matinding emosyon ay na-appreciate ko ang halimuyak ng mga bulaklak na nakapalibot sa akin.
My Mama loves sunflowers so much, so I bought a fresh bouquet of it. As of Papa’s, he likes red roses, so I bought a bouquet for him also.
4:06 pm.
Nang makarating ako, ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin at naamoy ko kaagad ang amoy ng sinindihang kandila. Binalewala ko lang iyon at nagsimulang maglakad, dala-dala ang mga pinamili kong bulaklak. Wala masyadong tao sa paligid, tutal hindi pa naman talaga undas.
Tinahak ko ang daan patungo sa puntod ng mga magulang ko. Hindi naman ito malayo mula sa entrance kaya madali ko itong narating. Sa bawat paghakbang ko ay hindi ko mapigilang makadama ng pinaghalong saya, paghihinayang at lungkot.
Saya, kasi mapupuntuhan ko na naman sila.
Paghihinayang, kasi kung hindi ako nagpumilit na lumabas kami ay sana, hindi kailanman nangyari ang kagimbal-gimbal na trahedyang iyon.
Lungkot, kasi kaakibat ng bawat pagbalik tanaw ko sa nakaraan kung saan magkakasama pa kaming tatlo ay ang katotohanang wala na sila.
Nang tuluyan na akong makarating ay agad akong napaluhod sa damuhan katabi ang puntod nilang dalawa. Inalis ko ang iilang munting dahon na nasa ibabaw ng kanilang lapida.
“Mama. Papa.” Tanging sambit ko na lamang sa kawalan.
Sinindihan ko ang dalawang kandila at inilapag ang dalawang bouquet ng bulaklak sa tabi ng kani-kanilang lapida. Matapos akong mag-alay ng dasal para sa kanila ay paulit-ulit kong sinasabi sa kanila kung gaano ako nangungulila sa kanilang pagmamahal at presensya. Hindi nagtagal ay napaiyak na lamang ako.
“Mama. Papa. I-im s-sorry. I’m so so sorry…”

Kung nandidito pa sila ay hindi nila gusto ang inaasta ko ngayon. They wouldn’t let me cry. Instead, they would just help me figure things out to get my troubles away. Pero ngayong wala na sila, nahihirapan na akong harapin ang hamon ng buhay sa tuwing ito’y humahampas sa akin. Tila ba ako’y naging bulag, ‘di alam kung saan papatungo sapagkat hindi ko na nakikita ang aking paroroonan. Naligaw ako, pero kahit nasa kabilang-buhay na sila ay nagagawa pa rin nilang ipadama sa akin ang kanilang pagmamahal na nagsisilbing ilaw ko sa madilim at mapanganib na mundo. So, I decided to step up and keep in mind of what my parents used to say…
“Even when God decides for us to go, we will be always here for you, Fern. We’re inseparable because we’re in each other’s heart and with that, you’ll never lose your way, my dear.” Mama said. “For loving God, is loving yourself and everyone who’s worthy of it, so never lose your faith in Him or you’ll be lost.” She added.
“All we ever wanted is for you to be you. So be you, Fern. You’re strong and capable of doing things to make your own success in life.” Si Papa.
I wiped my tears off my face. I bid goodbye to my parents and promised that I’ll visit them again whenever possible.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (93)

  • avatar
    DelrosarioBenzonjay

    grabe

    22d

      0
  • avatar
    Jv Matulac

    so very attractive

    17/08

      0
  • avatar
    QuiambaoKurt Angelo

    follow me in Angelo vlog's

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด