logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

“Maiba ho tayo ng usapan. Ano ho palang buong pangalan ni Sir Leandro?” naisip niyang itanong kay Nanay Mercy.
“Ay oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa ‘yo iyan. Leandro Lagdameo ang buong pangalan ni Sir. May-ari iyon ng isang kompanya na nagdidisenyo at gumagawa ng bahay at mga malalaking building,” sagot nito.
Hindi naman na iyon halos narinig ni Francesca. Nagtutumining sa isip niya ang sinabing pangalan na iyon ng magiging boss niya.
Leandro Lagdameo, ulit niya sa sarili.
Parang narinig na niya iyon, ngunit hindi niya lang matandaan kung saan. May isang malabong alaala sa kanyang isipan ang pilit na nag-uumalpas doon. Isang anyo ng lalaki at parang…
Hindi na natuloy pa ang iniisip niya. Isang malakas na busina ang pumutol doon. Nang marinig iyon ni Nanay Mercy ay dali-dali itong tumayo at sinundan naman niya ang matanda.
Isang kotseng kulay itim ang nakita niyang pumasok sa driveway. Agad iyong sinalubong ni Nanay Mercy. Siya naman ay naiwan sa may bukana ng pintuan habang pinagmamasdan ang sasakyan.
Bumakas ang pintuan ng kotse at nakita niyang bumaba doon ang isang matangkad na lalaki, na sa hinuha niya ay nasa mga thirty plus pa lang ang edad. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim na nang mga sandaling iyon. Pero kita niyang malaki ang pangangatawan nito.
Habang naglalakad ito palapit sa kanya, parang tinatambol ang dibdib niya sa sobrang kaba. Hindi niya mawari kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon. At nang matamaan ng sinag ng ilaw ang mukha nito, hindi niya napigilang mapasinghap.
Oh my, Dear Lord! Palatak niya sa sarili habang pinagmamasdan ang lalaki.
Kung gwapo si Jacob at mala-anghel ang itsura, ito naman ay kabaliktaran. Para itong isang demigod with matching golden skin. Nakakapanlambot ng tuhod ang malalalim nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Napakaseryoso ng mukha nito. Parang hindi marunong ngumiti. Very authoritative din ito at malakas makahatak ng pansin ang mapupula nitong mga labi.
Parang kaysarap nitong ipinta. Walang itulak-kabigin!
Pakiramdam niya biglang nagrambol nang husto ang puso niya sa nakikitang itsura nito. At nang mapagmasdan niya itong maigi, ang malabong alaalang pilit na nag-uumalpas sa kanyang isipan kanina ay naging malinaw.
This was man she met thirteen years ago! Sino ba namang makakalimot sa itsura nito noon sa ospital?
Nang malaman niyang hindi na babalik pa ang mommy niya, tumakas siya sa daddy at lola niya. Hanggang sa nakarating siya sa isang secluded na lugar sa loob ng ospital. Doon niya naisip na magpalipas ng oras, pero nakita niya doon ang isang lalaki na parang tulala.
Matagal niya itong pinagmasdan dahil agaw-pansin na noon ang itsura nito. Pero bukod doon, mukha din itong malungkot kagaya niya.
Kaya nga ng hindi na siya nakatiis. Nilapitan niya ito at tinanong. At sa batang isip niya, noon lang siya nagkaroon ng ganoon katinding atraksyon para sa isang lalaki.
At nang aminin niya dito ang nasa sa loob niya, nakita niyang biglang nagningning ang mga mata nito. Mula ng mga oras na iyon, ipinangako niya sa sariling papasayahin ito.
Pero hindi na niya nagawang malaman pa kung saan ito nakatira, dahil sinundo na siya ng lola niya. Ngunit, ilang beses pa rin siya noong tumakas at binalikan ang lugar kung saan niya ito nakita, pero wala na ito doon.
At sa paglipas ng panahon, unti-unti ng nawawala iyon sa isip niya. In fact, isang malabong alaala na nga lang ang lahat, dahil imposible namang magkita pa silang muli at tanging pangalan lang ang alam niya tungkol dito.
Ibig sabihin pala nag-asawa itong muli. Well, bata pa naman talaga ito noon at ubod ng gwapo. At kahit ngayon, habang papalapit ito sa kanya, hindi niya maiwasang kiligin at kabahan.
Simpleng puting t-shirt at maong lang ang suot nito pero umaapaw ang sex appeal nito. Kung dati ay gwapo na ito, mas lalo pa yata itong gumwapo ngayon. Ang nadagdag na edad dito ay lalo pang nakadagdag sa taglay nitong kagwapuhan.
“Sir, siya nga ho pala ang bagong yaya ni Jacob,” pakilala sa kanya ni Nanay Mercy ng makalapit ang mga ito.
Tumango-tango si Leandro. Pinagmasdan niyang maigi ang babaeng kaharap.
Mukhang napakabata naman nito para maging isang yaya. Pero kahit batang-bata pa ito hindi maikakaila ang taglay nitong ganda. Tuwid ang hanggang balikat nitong buhok. Matangkad din ito at tawag pansin ang singkit na mga mata na may mahahabang pilik at ang maliit, pero matangos nitong ilong.
Subalit, kapansin-pansin ang suot nito. Hindi iyon basta-basta. Kilalang brand ng damit iyon ganoon na rin ang sapatos nito. Parang hindi naman talaga ito nag-aapply na isang yaya sa pananamit nito.
Kunot-noo niya itong tiningnan sa mga mata. “How old are you?” tanong niya sa buong-buong tinig.
Halos manlambot naman ang tuhod ni Francesca ng marinig ang tinig nito at sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. Bigla siyang nawalan ng imik ng mga sandaling iyon.
“Eh, bente na yan Leandro.” Si Nanay Mercy na ang sumagot para sa kanya.
Tumango si Leandro. “What’s your name?” tanong ulit niya sa babaeng kaharap.
Umalingawngaw sa isip ni Francesca ang tanong na iyon nito. Ganoong-ganoong din siya noon dito. Noong kinukulit niya ito sa ospital.
Tumikhim si Leandro. Napapitlag naman si Francesca. Doon lang siya tila nagising.
“Ikay po. Ikay Quijano,” sagot niya sa naiinip ng lalaki. Hindi niya ibinigay ang tunay na pangalan dito, dahil baka tanda pa nito ang ginawa niya noon.
Tumango ulit ito. “Nasabi na ba sa ‘yo ni Nanay ang mga dapat mong gawin? Nakilala mo na ba ang mga anak ko? Pati si Jacob?” sunod-sunod na tanong nito.
“Eh, Leandro, nasabi ko nang lahat kay Ikay ang mga dapat niyang gawin,” salo ni Nanay Mercy sa kanya. “At maanong bang pumasok muna tayo sa loob. Doon mo na lang siya sa opisina mo kausapin. Akala ko ba sa isang araw ka pa uuwi?” tanong ni Nanay Mercy dito.
Naglakad muna papasok si Leandro bago sinagot ang tanong na iyon ni Nanay Mercy. “Madali naman na hong naayos ang problema sa Baguio, kaya hindi na rin ako nagtagal doon.” Sagot niya dito at dere-deretso siya sa kanyang opisina.
Kasunod niya si Nanay Mercy at ang bagong yaya ni Jacob na nananatiling tahimik at nakamasid sa kanya.
“Mabuti naman kung ganoon,” narinig niyang wika ni Nanay Mercy ng makapasok sa loob ng opisina niya.
“Siya nga pala Leandro, gusto sanang ipakipag-usap sa ‘yo nitong si Ikay kung pwede daw siyang mag-aral sa gabi,” naalalang saad nito.
Tiningnan siyang muli ni Leandro. Tila nang-aarok ang tinging ibinibigay nito sa kanya.
Kimi naman siyang ngumiti dito.
“Ano ba ang kinukuha mong kurso at anong year mo na?” maya-maya’y tanong ni Leandro kay Francesca.
Lumunok muna siya bago sumagot. “Fine arts po, Sir, at nasa huling taon na,” sagot niya sa mababang tinig.
“Alright. But be home before nine. Ganoong oras dapat tulog na si Jacob,” sabi ni Leandro.
Agad namang umaliwalas ang mukha niya ng marinig ang sinabi nito. “Talaga ho?” nanlalaki ang singkit niyang mga mata sa katuwaan.
Tumango si Leandro.
“Naku! Maraming-maraming salamat ho Sir! Hindi kayo magsisising tinanggap ako. Gagawin kong lahat para maging maayos ang trabaho ko.” Masayang-masayang sabi niya.
Iyon ay kung matitiis mo ang kalokohan ng bunso ko, sa loob-loob ni Leandro. Tiningnan niya ang maaliwalas na mukha ni Francesca.
Mukhang maaga rin itong bibigay sa kapilyuhan ni Jacob. Iiling-iling na lang siya sa sarili.
“Naku! Yan nga palang si Jacob, hindi pa man nakakapagsimula itong si Ikay, aba’y mantakin mong binato ng bola. Pero—”
“Pero huwag kayong mag-alala, Sir. Ayos lang ako,” singit niya sa iba pang sasabihin ni Nanay Mercy.
Ayaw naman niyang sa unang araw pa lang ay makakagalitan na si Jacob ng kanyang ama dahil sa ginawa nito. Baka mas lalong lumayo ang loob noon sa kanya kapag nalamang isinumbong niya ang ginawa nito.
Matiim siyang tinitigan ni Leandro. “Sigurado ka ba?” naniniguradong tanong nito.
Ngumiti siya dito. “Opo naman, Sir. Siguradong-sigurado.” Sinabayan niya pa iyon ng pagtango.
Nilingon ni Leandro si Nanay Mercy. Tila gusto pa nitong malaman kung ano pa ang nangyari, ngunit tikom naman na ang bibig ng matanda.
Huminga siya ng malalim bago siya muling sinulyapan, “Kung ganoon naman pala, dalhin niyo na siya sa magiging silid niya Nanay. Ipatawag niyo na rin ang mga bata para sabay-sabay na kaming mag-diner.” Utos ni Leandro dito.
Tumango naman si Nanay Mercy at inaya na siya sa maid’s quarter. Pero hindi pa man siya nakakalabas ng opisina nito ng maalala niya ang isang bagay.
Ang scooter ko!
Agad siyang humarap dito, ngunit ang hindi niya alam ay nakasunod din pala ito sa kanya. Muntik na siyang matumba ng mabundol siya sa malapad nitong dibdib. Buti na lang at nasalo siya nito.
“Watch out!” Ani Leandro at dagli siya nitong hinapit sa bewang.
Hindi naman maintindihan ni Francesca kung ano ang uunahing patigilin. Ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso o ang mga tila paruparong nagliliparan sa tyan niya? Nakadagdag pa sa naguguluhan niyang pag-iisip ang mabangong hininga nito na tumatama sa pisngi niya.
Pakiramdam niya biglang huminto ang oras ng mga sandali iyon. Pati yata ang paghinga ay nakalimutan na niyang gawin. Tulalang napatitig na lang siya sa mukha nito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (60)

  • avatar
    22Aymee

    ❤️❤️❤️

    11/08

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    wow ganda

    16/06

      0
  • avatar
    ArielPlandiano

    yeah

    02/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด