logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1: He found me out!

ASHER
HINDI KO NA maintindihan ang sinasabi nila… ang ginagawa ko. Basta ay binabasa ko na lamang ang mga nakasulat sa aking laptop habang nagpe-present sa projector ang report ko.
Nang biglang maagaw ng aking atensyon ang lalaking nasa sulok nitong classroom. Tumayo ito habang nakataas ang kamay at may sinabing hindi na naman rumehistro sa aking isip. At kasunod noon ay ang pagtawanan ng mga kaklase ko.
Tumitililing na ang aking pandinig at walang naiintindihan sa mga nangyayari sa ‘king paligid.
Ano nga ang sinabi niya? Ako ba ang pinagtatawanan nila?
Sa halip na pansinin ito ay inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa. Bakit pa kasi kailangan kong mag-report? Bakit hindi na lang ang teacher ang magturo?
Habang tumatagal tuloy ay bumibigat ang dibdib ko, ‘ni hindi ko magawang tingnan ang ‘ni isa sa kanila. Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang pagtayo ni Sherwin at malakas na pagkalabog ng pinto paglabas nito sa ‘ming classroom.
Hanggang sa hindi namamalayang humihiyaw na ako habang nagbabasa upang itago ang panginginig ng aking boses hanggang sa matapos na ako mag-report.
Finally! Makakahinga na ako nang maluwag.
Pero agad din iyong naglaho nang magtanong ng sunod-sunod ang teacher ko. Wait, I know the answers. Na-review ko iyon kagabi. Nabasa ko siya. Nasa dulo na ng dila ko ang mga sagot, pero kahit na anong buka ng bibig ko ay walang salita akong maisatinig.
My body is shaking, and my mind is numb. Hindi na ako makapag-isip ng tama.
I just throw some random words while scanning my notes fast. Na sana ay matapos na ang araw na ito.
They threw more and more question at me, nang matapos si Sir ay ang mga kaklase ko naman ang nagtatanong. I can’t answer any of them properly, and I just repeat all I said to Sir.
Natigilan ako ng magtaas ng kamay si Rael. Napalingon ako sa kanya pero hindi ko magawang tingnan ng diretsyo ang kanyang matalim na mata. “I think there is something wrong in your report.”
“What is it?” tanong ni Sir, nakakrus pa ang binti at abang na abang din sa itatanong ng top 1 sa aming klase.
“You said that bacteria are much less diverse metabolically than eukaryotes and hence, can survive only in a very limited range of habitat under very special circumstances.”
“Y-Yes.” Napahawak ako sa teacher’s table at inalalay ang lahat ng bigat ko ro’n dahil sa tindi na ng panginginig ng tuhod ko.
“But according to my report, which is next to yours, it says that bacteria can survive in adverse conditions or harsh environments. This adaptation is because of their enclosing structure which is called the capsule,” he explained more giving more reason for my mistake.
I can’t defend or say anything at all. Dahil hindi pa bumubuka ang bibig nila ay aminado na akong nagkamali ako.
Saved by the time ay natapos na rin ang klase. ‘Ni hindi ko maiyukom ang kamao ko sa paninigas nito. Yukong-yuko ako paglabas ng room, at pagbuhat ng aking bag. It’s still lunch time and wala na akong planong pumasok pa ng afternoon class.
I dragged myself out of the room at kinalimutan na ang lahat ang pangyayari.
I hate it here. Halos lakad-takbo na ako hanggang sa makapunta sa mall.
Pagpasok ko ng comfort room ay mabilisan akong naghubad at nagpalit ng damit. I removed my slacks and changed them into skirts. Our upper uniform is a blue vest over a cream polo shirt, which is identical to the girls, so it’s no problem here. Nagsuot na lang ako ng bra with paddings to add some shape to my body.
When done, I wear my black low heels, and also a long light brown wig over my shag black hair.
Nakahinga ako ng maluwag matapos magbihis. Next is I expertly do my makeup with a coral pink lip tint to my small thin lips, pin-up eyeliner to make my downward slanted eyes cute, and a little blush to make my porcelain skin rosy. Pagkatitig ko sa mukha ko mula sa repleksyon ko sa salamin ay hindi ko mapigilang mapangiti sa pagkakuntento.
Hay… I so love myself! Nakailang minuto pa akong walang sawang tinitigan ang napaka-cute kong mukha hanggang sa makuntento ako. Matapos ay pinakiramdaman ko na ang labas ang CR. I am still in the Male’s CR kaya kailangang mag-ingat ako sa paglabas dahil nakapandamit pambabae na ako.
Sumilip muna ako sa kaunting awang na ginawa ko sa pintuan ng cubicle. At nang masiguro kong ako na lang ang nandito ay dali-dali na akong lumabas.
TAAS NOO akong naglilibot sa may mall. Many can’t help to look at me, and I can even hear their phrases about how cute I am.
I know right. Ako nga rin ay hirap na hindi titigan ang sarili ko sa salamin.
Whenever I dressed up like this, it gives me more confidence to myself cause I’m so cute. Unlike when I was a boy, kulang na lang ay pumalkat ang mukha ko sa sahig dahil sa magdamag akong nakayuko.
Now, I’m free! Parang naglalakad ako sa langit sa gaan ng loob ko.
I have a meetup for this lunch so agad akong dumiretso sa napagsundaan naming kainan. I fished out my phone from my pocket to open my chat box of My Jason and chatted him na malapit na ako. But he replied na nagpa-reserve na siya labas ng mall.
Heh. Ano ito? Desisyon ka?
Hay. Napakibit balikat tuloy ako at nagpunta sa sinabi niyang restaurant. It’s not that far sa mall. It’s just kindda bit private dahil malayo siya sa highway, at hindi tulad ng sa mall na madami nang nagkakainan, dito ay puno man ng customers ay malalaki naman ang agwat namin sa isa’t isa.
Hmmm. Mukhang mamahalin dito, ah.
It’s an outdoor restaurant kung saan nasa garden ang dining area kaya naging refreshing ang sceneries with all the plants hanging and trees giving fresh air on the atmosphere. Just like us, ay puro couple rin ang nagde-date na nandito.
Wews. Aminin. I appreciate Jason’s efforts like this.
Nilibot ko ang aking tingin sa paghahanap sa kanya hanggang sa naagaw ng pansin ko ang kumakaway sa ‘kin. Ohh, that’s Jason. He’s different from the picture from the dating app. He looks more matured than I expected. I think he’s graduated already. He’s just wearing a simple red shirt and a white pants. His hair is down and messy, as if he’s trying to pull out an effortless style. Pero hindi nakatakas sa mata ko ang maya’t maya niyang paghawi ng bangs habang palapit ako sa table niya.
Ma-effort nga talaga.
Napatayo siya ng makalapit ako at inabot ang kamay ko. He leaned and kissed my hand after saying: “Mas cute ka pala sa personal.”
“Thank you,” I said, full of confidence.
I know right.
Pinaghatak niya ako ng upuan at inalalayan paupo. Naks. Didn’t expect him to be like this. Ngiting-ngiti ako pagkaupo. I think siya na nga si Mr. Right.
But all that fades, nang maupo rin siya sa tabi ko. Awts. I thought he is far different from the others na naka-meet up ko. It’s not that I’m overthinking. Okay, may relasyon kami sa isa’t isa online. But he should remind himself na kaka-meet up pa lang namin personally.
Dahil nauna siya rito ay na-serve na agad ang foods. I focused on eating, not minding the way he wraps his arms around my shoulders and slowly caresses them with his thumb.
“Jason. Puwedeng umasog ka ng onti, hindi ako makakain ng maayos, e.”
But he didn’t budge, instead he smirked as if he plans this all along at mas lumapit pa siya sa akin. “Subuan na lang kita.”
Kabod niyang kinuha ang kutsara, at sinubuan ako ng beef steak.

Napangiwi ako pero tiniis ko ang pagsubong alok niya habang siya’y walang pakielam at patuloy lang sa pagsasalita. I don’t want to cause trouble right now. I’m already tired of dealing with my classmates kanina pa and now I just want to relax, so hangga’t maaari sana ay ayaw ko ng gulo!
“Mabuti na lang talaga at na-meet kita. Hindi ko akalaing makakita ako ng ganitong kagandang lalaking tulad mo.” His hands travel down from my shoulders down to my arm.
“Lalaki ka ba talaga?”
Napatayo ako at aksidenteng natumba ang inuupuan ko na lumikha ng napagkalakas na ingay at naagaw namin ang atensyon ng ilang kumakain dito sa may restaurant.
Ngayong madami na ang nakamata sa amin ay todo pagpigil hininga na ako para lamang hindi mahulog ang nangingilid kong luha.
“Babe, okay ka lang?” sabi ni Jason at hinaplos ang braso ko.
Lahat na ngayon ng nakamata sa amin ay hinahantay ang magiging reaksyon ko. Hindi agad ako nakaimik sa kaguluhan kaya hinayaan ko na lamang siyang lumapit sa akin, at bumulong, “Chill, Ashane. Huwag ka ngang mag-inarte na para kang babae.”

Nangunot ang noo ko.
“Ha!” Napangiwi ako sa kalokohang pinapakita niya ngayon.
Ang slow ko para mag-expect! Wala nga siyang pinagkaiba sa mga lalaking nakilala ko online. Nagsasayang lang ako ng oras dito!
Paglayo niya sa akin ay agad ko siyang sinampal.
“Mag-break na tayo,” I said before walking out.
Nang haltakin niya wig ko—“walang ganyanan”—at bumagsak ang tunay kong buhok.
Shems. Kagat labing hinarap ko ang mapang-insulto niyang tingin. “Akala mo kung sino kang kagandahan—”
I punched him straight in his face. Dumugo ang ilong nito at walang malay na agad nang bumagsak.
Napapalatak akong inabot sa kanya ang nahulog kong wig. “Kahit mas bakla ako, wala ibubuga ang pagiging lalaki mo sa akin!”
At kahit hinimatay na siya ay binayagan ko pa siya.
Nang makuntento ay inayos ko na ang wig sa akin nang pagtalikod ko ay nagtama ang mata namin ng pinakahuling taong gusto kong makakita sa amin.
He is my classmate—slash—my ex-best friend—slash—my unrequited love.
He looks like a gangster na hindi matimpla ang mukha habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He is very opposite from me, who is super-duper cute, siya naman ay naka-dye ang hair ng golden blonde and sa gitna ng nakahawi niyang buhok ay tumutubo na ang black hair niya. If I’m wearing flower earrings, he wears stud earring. He also doesn’t wear our polo shirt uniform, instead he wears the other uniform which is the cream polo, pero pinalooban naman niya ng black shirt instead of white.
I admit he is handsome and all. But the problem is his attitude!
Patakas na ako ng biglang humarang sa ‘kin ang waiter. Mukhang napansin na ang komosyong nangyari sa amin.
“Maam, kailangan niyo po munang mag-bayad.”
“Po?” Tinuro ko ang walang malay na Jason. “Hindi pa ba siya nagbabayad?”
Bakit niya pa ako inaya rito?
“Maam, hindi po namin masisingil ang taong walang malay.”
I sighed in defeat. “Okay.”
I grab the receipt he is handing to me. Nanlaki ang mata ko ng lumagpas pa ito ng isang libo. What the!
I don’t have this kind of money. Napatingin ako kay Jason na walang malay, at balak ko ng kuhanin ang wallet niya. But when in front of many people like this, magmumukha akong magnanakaw.
Pero wala akong choice. I was about to take his money in front of them, nang may kumuha ng receipt sa akin.
“Bayaran ko na itong dalawa,” Sherwin the gangster said at inabot din ang receipt nila. Nakaipit doon ang dalawang libo na bayad sa aming pagkain at sa kanila ng kasama niya.
“Thank you po, sir. Please, wait for the change for a moment.”
Tumango si Sherwin. I followed the waiter to get out of here this instant nang hugutin ni Sherwin ang polo shirt ko.
“Ah.” Natigilan ako at kunot noong nilingon ko siya. “Bakit?” madiin kong tanong.
“May utang ka sa akin,” he said, pointing out the meals he paid for us.
“Babayaran ko bukas.”
“No, ayaw ko ng cash.”
“Wala akong pake.” Hinatak ko ang polo shirt ko sa kanya.
“Gusto ko, ikaw.”
Nawalan ako ng balanse ng bitawan niya ang polo shirt. “Ano!”
“Kaysa maghanap ka ng ka-meet up bakit hindi ka na lang makipag-date sa akin?”
Lumuwa ang mata ko sa hindi ko makilalang si Sherwin. Si Sherwin ba talaga ito? Anong nangyari sa kanya after one year?
“Hindi ba ayaw mo sa mga gay?” gulantang tanong ko.
“Oo, pero kung ganito ang ayos mo” – sinilid niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga – “babae ka naman na, ‘di ba?”
Tinampal ko ang kamay niya. “Ayaw ko nga!”
“Kung ayaw mong mas lumala ang nangyayari sa iyo sa school, makipag-date ka sa akin,” banta niya pa.
Napatikom ako ng bibig. Is he planning to expose me? What the!
The bullying is already hard enough to deal with. Then, gusto niya pang lumala ang lahat. Bumaon ang kuko ko sa aking palad at pinanlisikan siya ng mata.
Kahit walang sinasabi ay ngumisi siya sa akin. We heard Kaiji or his bestfriend calling from the distance, kaya pinangharang niya ang katawan niya para hindi ako nito makita. I immediately fixed my disguise just to be safe.
“Kung gano’n ay malinaw na ang lahat.” He lowered himself more while slightly pinching my chin para iangat palapit ang mukha ko sa kanya. “It’s a deal then.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (82)

  • avatar
    Vince Visca

    all goods

    13d

      0
  • avatar
    AranteRocleyn

    xdh

    23d

      0
  • avatar
    Luke Jeiden Acalain

    Hi jajahabwjwosujs8susvsnememwlososisjslwpownsnsisisnwjeekoeoe0e9eosjidoeiejesjekdkjrifishsjsihdbe9dhej8dydidudhe8ehwjzugshscwubibxoenciebxuhediwh8hdibzuv,8vohveuvedubiexeuxbiexbiezbuxbuwxbuwdbuzbuwxbu2sbuqsvuwxbiwbxwibzeufguwdiwduexiediexircbeodn3ofn4conievnibrcibcrinoenxoecniecneicnecineciiecnoecneocjrcin4fon3fo3fno3cnoexn3odneixn3ixbeinxeibxeibeixbiexbi2nxoeiexniexjeicbocncejecoecnoecmofneocncrocrnrocnrcocroneo3cnoencoecncoecneconeco3fm4fojrcono3fnoednon3fon2fonnecoefnoedn3diecninxeon3i3dbied

    23d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด