logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Hindi na pumasok sa SPC si Greg after what happened. Nabalitaan na lang namin na lumipat siya ng eskwelahan.  It’s good to know about it, dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin ni Franco dito once na makita pa itong muli.
 
At sa paglipas ng taon, nananatiling matatag ang relasyon naming dalawa ni Franco. We graduate high school and took the same course in college at SPC. We were so very happy at inaasahan na ng lahat na kami na talaga hanggang dulo.
 
Well… Sino nga bang makapagsasabi kung ano ang hinaharap. Only God knows kung ano talaga ang itinadhana ng kapalaran para sa amin
 
 “You’re at it again,” ani Franco ng sunduin niya ako sa amin.
 
This is what our regular days looked like. Susunduin ako ni Franco sa amin at sabay kaming papasok, pagkatapos ay sabay ding uuwi. Things doesn’t changed at all, pero hindi naman ako nagsasawa doon. Mas lalo pa nga akong na-eexcite sa araw-araw.
 
“Nabawasan na ba ang kagwapuhan ko?” nagbibirong tanong nito ng mahalata niyang tinititigan ko siya.
 
“Yeah. Ten million times,” sabi ko sabay irap dito.
Napatawa ng malakas si Franco habang iiling-iling. “You really don’t know how hard I am trying to control myself to stop this car and kissed you.” Deretsong sabi nito na ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kalsada.
 
Namula ang mukha ko. Franco never really crossed lines when it comes to our intimate moments. Sana’y ako sa mga halik nito sa noo at cheeks ko, pero never pa kaming nag-kissed sa mga labi. Sabi nito sa kasal na lang daw namin niya gagawin iyon, and that makes me loved him even more.
 
Napangiti ako ng biglang may naisip. “Can I asked you something?” pag-iiba ko ng usapan.
 
Lumingon ito saglit sakin bago ibinalik ulit ang atensyon sa kalsada. “Parang kinabahan ako bigla ah. Ano ba ‘yon?” tanong nito.
 
“Uhmmm… What are your plans?” nag-aalangang tanong ko dito.
 
“Plans about what?”
 
“Plans after college,” mabilis na sagot ko. “You know we’re almost there. Ilang buwan na lang,”
 
“Ah,” tatango-tangong sabi nito. Tila nag-isip muna ito bago sumagot. “Marry you.” Walang kagatol-gatol na turan niya sabay lingon sa akin. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata nito ng sabihin iyon.
 
“Franco! I’m serious!” kunwa’y naiinis na sabi ko, pero ang totoo pinipigilan ko lang mag-umalpas ang puso ko na kilig na kilig sa sinabi nito.
 
Ibinalik nito ang tingin sa daan. “What? Don’t you think I am not serious about it?” seryosong tanong nito.
 
“Well…” wala akong maapuhap na dahilan para isagot dito. We really never talked about it, ngayon pa lang. At nakikita ko kung gaano ito kaseryoso sa bagay na iyon.
 
“Marga, you knew how much I loved you, right?” tanong nito. Tumango ako kahit hindi nito ako nakikita. “Then, there’s no reason for me not to marry you and I’m serious about it. Hindi man natin ito napag-uusapan pa, at least you knew na iyon ang gusto ko.” Paliwanag nito.
 
Hindi na ako sumagot pa. Mahal namin ang isa’t isa at alam ko rin naman sa puso ko na iyon ang tanging hangad nito, at hindi na ako makapaghintay pa sa pagdating ng araw na iyon.
 
***
 
Three weeks before our graduation, inaya ako ni Franco sa tree house. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakakapasyal doon. Espesyal ang tree house sa pag-iibigan namin dahil dito nag-umpisa ang lahat and I was very happy na muli kaming babalik doon.
 
Dapit-hapon ng sunduin ako sa amin ni Franco.
 
Gaya ng nakagawian nito, ipinagpaalam muna niya ako kina Mommy at Daddy. Mabilis naman akong pinayagan ng mga ito. Hindi na bago iyon sa kanila, tuwing may date kami ni Franco, palagi na’y hindi ito pumapalya sa pagpapaalam sa akin kahit na nga nakapagsabi na ako sa mga ito. Mas gusto kasi nito na s’ya mismo ang nagsasabi sa mga magulang ko.
 
“Mag-iingat kayong dalawa, hijo,” bilin ni Daddy sa amin.
 
“We will, Tito.” sagot nito.
 
“Bye Mom, Dad,” sabi ko naman at humalik sa pisngi ng mga ito, bago kami nagsimulang maglakad papunta sa wharf nina Franco.
 
Nakahanda na ang jet ski ng dating namin doon.
 
“When was the last we go here?” tanong ko kay Franco.
 
“Four months ago. Our monthsary.”
 
“Ah yeah...right,” sang-ayon ko rito na tatango-tango. Iniabot ni Franco ang kamay n’ya sa ‘kin. Kinilig ako bigla habang tinatanggap iyon.
 
Si Franco ang taong hindi nauubusan ng sweetness sa katawan. At t’wing pinapakita niya ‘yon sa akin, mas lalo akong napapamahal sa dito.
 
“Nami-miss ko ng mag-snorkeling,” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa tree house.
 
“Maybe after our graduation. We’re graduating remember? Baka hindi tayo payagan ni Tita Zen.” anito.
 
“Yeah, right...” tugon ko rito.
 
Narating namin ang tree house at wala pang ilang sandali ay pareho na kaming nasa itaas. Ipinaayos na ito ni Franco. Pinalagyan nito ng mas maayos na hagdanan at pinatibay ng husto. Si Franco rin mismo ang nagmi-maintain ng tree house, nang sa gayon ay hindi ito madaling masira.
 
Pumasok sa loob ng bahay si Franco. Saktong wala ng sikat ng araw kaya expected ko na magbubuhay ito ng alcohol lamp, pero laking pagkagulat ko ng biglang nagliwanag ang paligid.
 
Christmas lights! Ang namamanghang sabi ko sa sarili. Ano na naman kayang pakulo ng lalaking ito ngayong gabi?
 
Susundan ko na sana ito sa loob ng kubo, nang lumabas ito bitbit ang gitara at nagsimulang kumanta. Ang kantang hinding-hindi ko makakalimutan. Ang unang kanta na kinanta nito sa akin nang unang beses akong makarating dito.
 
Madamdaming nakatitig sa akin si Franco. Ang bawat pagbigkas ng mga salita ng awitin ay damang-dama nito. At tumatagos iyon sa puso ko. Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa ng matapos nito ang awitin.
 
Hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa nito kani-kanina lang ay hayon na naman ito, unti-unti itong lumuhod sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
 
“Marga,” panimula nito, “I know you and I were still young. We have so many plans and dreams ahead of us. But, did you remember what I told you months ago?” tanong nito sa akin na titig na titig sa mga mata ko.
 
Tumango ako, habang nakalagay ang mga kamay ko sa mga pisngi ko.
 
“This is it, Marga. My answer…” tumigil ito sandali bago nagpatuloy, “I asked myself so many times, if I could live a day without you. And both my mind and heart answered me no. Hindi ko kakayaning mabuhay ng hindi kita nakikita at nakakasama sa araw-araw. Kaya kahit hindi pa tayo nakakapagtapos, heto na ang sagot ko sa iyo.”
 
May inilabas si Franco na isang kaheta. At nang buksan nito iyon ay tumambad sa akin ang isang napakagandang singsing.
 
Hindi matapos-tapos ang pagtahip ng dibdib ko, habang pinagmamasdan ang singsing at si Franco. Pakiramdam ko may karera ng paglipad ng mga paru-paro sa tyan ko.
 
“Marga Agustin, can we make more memories together while holding each others hand for the rest of our lives?” ang madamdaming tanong ni Franco sa akin.
 
Hindi ko alam ang isasagot ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
 
I know Franco loves me so much, and I do feel the same. At kong ako ang tatanungin, wala na akong ibang gugustuhin pa kundi ang makasal dito at makasama ito habang-buhay. Kaya naman sunod-sunod na tango ang isinagot ko dito.
 
Nakita kong namumula ang mga mata nito sa pagpipigil maluha. At sa pagkabigla ko tumayo ito at binuhat ako habang iniikot sa ere.
 
“Wohhhoooo! I love you so much, Marga!” sigaw nito na pumunit sa katahimikan ng isla.
 
Ang mga ibon sa puno ay nagsiliparan sa walang humpay nitong pagsigaw. At kasabay noon ang malalakas kong halakhak.
 
Nang mapagod ito ay agad akong ibinaba sabay halik ng madiin sa aking noo. Franco remained so very gentle until then.
 
Niyakap ako nito nang pagkahigpit-higpit. Halos mapugto na ang hininga ko sa klase ng yakap nito.
 
“I love you so much, Marga.” Madamdaming sabi ulit nito. “You’ll never know how happy I am right now.” Hinalik-halikan ni Franco ang ulo ko.
 
“I know, Franco… I know. Because I do feel the same way,” sabi ko dito at tinumbasan ko ang higpit ng yakap niya sa akin.
 
Matagal kami sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita. Ninanamnam ang bawat sandali. Ang kasiyahang hindi matatawaran ay nag-uumapaw sa aming mga puso. At punong-puno iyon ng pagmamahal namin para sa isa’t-isa. Halos ayaw na naming maghiwalay pa, nang may naalala ako.
 
“How did you put this up?”  tanong ko rito at bahagyang kumawala sa yakap nito. Masuyo naman nitong pinunasan ang pisngi kong nabasa ng aking mga luha kanina.
 
Ngumiti ito. “Princess, I have ways. At ito,” sabi nito sabay gala ng paningin sa paligid, “maliit na bagay lang ito, kumpara sa mga bagay na gusto ko pang gawin para lamang sa ‘yo.”
 
Maluwang akong napangiti. “Oh, Franco!” sabi ko sabay yakap ulit dito. Pakiramdam ko mas lalong tumingkad ang gabing iyon. Sumilip ang buwan at ang mga bituin ay manining na nakasabog sa kalangitan.
 
Nang gabing iyon, masaya naming pinagsaluhan ang inihanda nito. And this time, hindi na sunog ang mga luto nito. Nag-aral talaga si Franco na magluto para lang sa akin.
 
Sinulyapan ko ito sa aking tabi na masuyong nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Bumulong ako dito. “Thank you and… I love you,” sabi ko rito sabay halik sa pisngi nito.
 
***
Lumipas pa ang mga araw at isang linggo na lang ay graduation na namin.
 
Linggo ng umaga, nagising akong masasakit ang buong katawan ko particular sa parting may dibdib ko. Nitong mga nakaraang buwan ay madalas na akong nakakaramdam ng ganito, at mas masakit s’ya ngayon kumpara sa dati. At ng kapain ko ito, parang may maliit na bukol ang kaliwang dibdib ko. Kinabahan ako bigla. Agad kong tinawagan si Kuya Benedict na kasalukuyang nasa Manila at doon nagtatrabaho.
 
“Hello, Dear Sister. Anong masamang hangin ang nagtulak sa ‘yo para tawagan ako ng ganito kaaga?” bungad ni Kuya sa kabilang linya.
 
“Kuya, I felt different today,” sabi ko kaagad. “I mean, I also felt it before but today was weird. Mas masakit s’ya.”
 
“What is it you’re talking about, Marga?” tanong ni Kuya sa napaka-seryosong tinig.
 
Ginagamit n’ya lang iyon sa akin kapag may nagawa akong malaking kasalanan. Laloakong kinabahan. I was hesitating for a second, but then I cannot tell this matter to anybody else aside from my brother. Mas marami siyang alam sa mga bagay na ganito dahil doctor s’ya.
 
I decided to tell him everything. At noon ding oras na iyon, pinaluwas niya ako sa Manila. S’ya na rin daw ang bahalang magpaliwanag kina Mommy at Daddy. He told me that I need to go to a thorough check-up, para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Pero ina-sure naman ako ni Kuya na okay lang ang lahat, at naniniwala naman ako dito.
 
Nagtext lang ako kay Franco na kasama ko sina Gina at Nicole, para lang hindi na ito mag-alala pa. Pero hindi ko naisip na magiging dahilan pala ito ng kauna-unahang pag-aaway naming dalawa.
 
Gabi na ng makabalik ako ng San Bartolome. Pagdating ko sa amin agad akong sinabihan ni Mommy na galing daw sa amin si Franco. Nagtaka ako. Nagpaalam naman ako dito na wala ako sa amin, bakit nagpunta pa doon ang binata?
 
Pagbukas ko ng aking telepono ay nakita ko doon na marami itong missed calls. Tinawagan ko agad ito pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto. Ring lang ng ring ang phone nito. Nang walang sumasagot binuksan ko ang text messages ko at nakita ko doon na may mga text sa akin sina Gina at Nicole. Hindi ko pa nabubuksan iyon, pero parang alam ko na ang mensahe ng mga ito. Kinabahan ako.
 
Naka-silent kasi ang cellphone ko kanina dahil nasa ospital ako, at nakalimutan ko ng buksan iyon dahil sa pag-iisip. Isa-isa kong binasa ang mga messages galing sa aking mga kaibigan. Hinahanap daw ako ni Franco sa kanila dahil sabi ko raw ay magkakasama kami. Biglang sumakit ang ulo ko. Napapikit ako sa tindi ng sakit noon.
 
Nag-aalala na malamang ngayon si Franco sa akin. Pero, nasaan ba ito at hindi sumasagot sa cellphone nito?
 
Maya-maya nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Pagbukas ko ay si Manang Lourdes ang naroon. Nasa baba daw si Franco.
 
Dali-dali akong bumaba. Wala sa salas si Franco. Paglabas ko nakita ko itong nakaupo sa may garden habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Huminga ako ng malalim bago ko s’ya nilapitan.
 
“Franco…” tawag ko dito.
 
Hindi ito lumingon. Nananatiling nakatingin lang ito sa itaas.
 
“I’m sorry…” sabi ko sa nakayukong ulo. Hindi niya kayang nakikita ito sa ganoong anyo.
 
“Where have you really been, Marga?” seryosong tanong nito at noon lang ako nilingon. Masusing pinagmasdan ako nito. Ang pag-aalala sa mga mata nito ay pilit na itinatago.
 
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Walang tinig na lumabas sa bibig ko. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya kung saan ako nagpunta, kaya mas pinili ko na lang manahimik.
 
Huminga ito ng malalim ng walang makuhang sagot mula sa akin. “I never thought you’d be like this, Marga,” madiing sabi nito. “Ginamit mo pa ang mga kaibigan mo, para lang hindi na ako magtanong pa kung nasaan ka. But then, madali ko lang din palang malalaman ang totoo.” Punong-puno ng hinanakit na sabi nito.
 
Lalo akong naguilty. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Na galing ako ng ospital? Na may nararamdaman ako kanina at minabuti ni Kuya na ipacheck-up ako? Lalong tumindi ang sakit ng ulo ko sa pag-iisip. Dagli akong napapikit. At pagmulat ng mga mata ko ay nakita kong tumayo na si Franco. Tikom ang bibig at walang lingong-likod na umalis ito.
 
Nang mawala si Franco sa paningin ko ay nanghihinang napaupo ako. Alam kong nasaktan ko s’ya sa pagsisinungaling ko, pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Napahikbi na lang ako. Natatakot na ako ngayon pa lang. At hindi ko alam pero kakaibang kaba ang nararamdaman ko sa puso ko
 
***
 
“Hija, male-late na tayo!” sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko.
 
Graduation namin ngayon pero parang ayaw ko ng um-attend. Franco still mad at me dahil alam kong nasaktan ko siya sa pagsisinungaling ko.
 
Malungkot kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Wala na ang dating ningning ng aking mga mata. Napalitan na iyon ng lungkot.
 
Naiiyak na naman ako habang tinititigan ko ang aking sarili. Missed na missed ko na si Franco.
 
“Hija, ayos ka lang ba?” nag-uusisang tanong ni Mommy ng bumaba na ako.
 
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ko dito.
 
“Zenny, pabayaan mo nga muna ang anak mo. Baka stress lang yan sa napipinto nilang kasal ni Franco,” awat ni Daddy kay Mommy.
 
Sa narinig ay parang gusto na talagang tumulo ng luha ko. Naiisip ko pa lang na baka hindi na iyon matuloy, parang dinudukot na ang puso ko sa tindi ng sakit.
 
Malungkot akong sumakay ng kotse namin at dumeretso na kami sa school. Pagdating doon nakita ko sina Nicole at Gina, pero hindi ko nakita si Franco. Hindi na sana ako tutuloy sa loob ng sa pagtingin ko sa aking kaliwa ay naroon si Franco at papalapit sa akin. Pigil na pigil ko ang aking mga luha sa bawat paghakbang nito papalapit sa akin. Kasunod nito si Tito Sandro.
 
Nang makalapit siya sa akin ay agad n’ya akong niyakap. “I missed you so much!” bulong nito sa akin.
 
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Nag-uunahan ng tumulo ang mga ito sa pisngi ko. Agad naman akong inilayo ni Franco sa kanya at mabilis nitong pinahiran ang aking mga luha.
 
“Ssshhhhh… Princess, stop crying. You’re ruining your make-up,” anito na ikinatawa ko naman.
 
“I-I’m.. so sorry if I lied…” humihikbing sabi ko dito.
 
“Tapos na ‘yun, Princess.” Hinaplos-haplos nito ang buhok ko. “You’re brother called me. He said you were with him that day. At sinabi n’ya ring top secret n’yo daw dalawa ‘yon, kaya hindi ka nakapagsabi sa akin,” dagdag pa nito na ikinahinga ko ng maluwag.
 
Pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya, dahil hindi naman talaga sinabi ni Kuya dito ang dahilan ng pagluwas ko. Napakabait at napakamaunawain ni Franco para hindi ko sabihin sa kanya ang totoo.
 
Kaya kapag nakuha ko na ang result ay sasabihin ko rin sa kanya ang lahat. Sabi ko sa sarili
 
Ang mga nakamasid sa amin ay iiling-iling habang nakangiti.
 
“Kayo talagang dalawa, dito pa talaga gumagawa ng eksena,” ani Mommy at kunwari ay hiwakan ang noo at pakunwang nagpahid ng pawis. Pero alam kong natutuwa si Mommy na makitang nagkaayos na kami ni Franco. S’ya lang naman kasi ang number one naming cheerleader.
 
“Let’s get inside at baka hindi na kayo maka-akyat pareho,” sabi naman ni Tito Sandro at nagpatiuna ng maglakad papasok sa loob kasabay sina Mommy at Daddy.
 
 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (111)

  • avatar
    Frich Arjay Equiza

    because somehow

    3d

      0
  • avatar
    Christianmyl Abella

    nice but sad

    8d

      0
  • avatar
    Casi Rajaboayan Kasem

    us to vha papedtayan

    13d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด