logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

TANGHALI na nang magising si Celine. Nang imulat niya ang mga mata, kaagad na pumasok sa isip niya ang mga dapat niyang gawin para sa araw na 'yun. Mabilis siyang kumilos at bumangon upang mag-ayos ng sarili. Nang matapos, mabilis siyang bumaba upang makapaghanda ng almusal.
Nakangiti pa siya habang naghahanda dahil sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ni Jake nitong mga nakaraang taon naging maayos pa rin ang pagsasama nila. Well, that's what she thinks.
Lumipas ang mahigit limang taon na pagsasama nila at masasabi niyang sa bawat taong magkasama sila, hindi pa rin nawawala ang sakit ng kahapon at mas nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagbabago ng kasintahan niya. May mga panahon na talaga namang hindi maiiwasan na mag-away sila. There are times na pinagbubuhatan na siya nito ng kamay. Kung hindi sampal, masasakit na salita. Hindi na nga ata talaga mawawala 'yun but it is still too much. Ngayon niya napatunayan na makikita mo lang ang tunay na ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito sa iisang bubong.
Pabuntong-hiningang hinanda niya ang almusal nila ni Jake kahit hindi siya sigurado kung umuwi ba ito. Pero nang marinig niya ang ingay mula sa kabilang kuwarto, inisip niyang doon natulog ang kasintahan niya.
Galit pa rin kaya ito sa kaniya?
Kung tutuusin, napakababaw lang ng pinag-awayan nila kahapon. It's just a freaking phone call from her friend abroad. Minsan lang sila magkausap ng kaibigan at hindi niya inaasahan na magagalit si Jake sa simpleng tawag na 'yun.
Minsan naisip niya, parang gumagawa na lang si Jake ng pag-aawayan nila. 'Yung pakiramdam na gusto na siya nitong mawala sa buhay nito. Gano'n ang pakiramdam. Hindi naman niya magawang magtanong dahil natatakot siya sa magiging sagot nito. Mahal na mahal niya si Jake at hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa buhay niya. Ito na lang ang meron siya. Kung mawawala ito, paano na lang siya.
Makalipas ng ilang minuto nakarinig na siya ng mga yabag mula sa hagdan. Siguradong si Jake na 'yun. Nakangiting tiningnan niya kung si Jake na ba 'yun ngunit kaagad na nawala ang ngiti sa labi niya ng makita niya itong may ka-akbay na babae. Parehong nakangiti at tumatawa sa biro ng isa't isa.
Napalunok siya at hindi sinasadyang mabitawan ang hawak na baso. Nabasag iyon sa paanan niya pero wala siyang pakialam kung tumama man iyon sa paa niya. Nasasaktan siya. Kailan pa siya niloloko ni Jake?
Napatingin ang dalawa sa kaniya nang marinig ng mga ito ang ingay mula sa nabasag na baso.
"Tsk. Nagbasag ka na naman ng baso," sarkastikong sabi ni Jake. Ni hindi man lang nagulat nang makita siya. "Pulutin mo 'yan."
Imbes na sundin ang utos nito, nagtanong siya. "Kailan mo pa ako niloloko?"
Nilakasan niya ang loob para lang itanong 'yun ngunit nilampasan lang siya nito at giniya ang babaeng kasama patungo sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkaing hinanda niya.
Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ang kasintahan, kung matatawag pa nga ba niya itong kasintahan. Napailing siya at nag-iwas ng tingin. Fuck!
Gustong tumulo ng luha niya pero pinigilan niya 'yun. Hindi, hindi na siya iiyak. Pagod na siyang umiyak. Tama na.
"Subuan mo ako, hon."
"Yeah, sure."
Nang marinig niyang magsalita ang babae, hindi niya maiwasang tingnang muli ang mga ito. Gano'n na lang ang sakit na naramdaman niya nang makitang naghahalikan na ang mga ito sa harapan niya mismo.
Dahil hindi niya kayang panoorin ang nakikita, walang sabi-sabing lumabas siya ng bahay. Umiiyak na nagtungo siya sa likod bahay. Walang makakakita sa kaniya doon dahil mataas ang bakuran nila. Hinayaan niya ang sariling maupo sa lupa at umiyak nang umiyak.
Akala niya tapos na ang paghihirap niya pero ngayon, mukhang nagkamali siya sa isiping 'yun.
"Anong ginagawa mo dito?" narinig niyang tanong ni Jake mula sa kaniyang likuran. Hindi siya lumingon kaya ito ang lumapit sa kaniya at pwersahan siyang itinayo mula sa pagkakaupo sa lupa. "Tumayo ka nga, ano bang ini-iyak iyak mo? Huwag ka ngang maarte. Para namang hindi mo ginawa sa akin 'to."
Nakakunot ang noong nilingon niya ito. "So, gumaganti ka?"
Tumawa ito. "Ngayon mo lang nahalata? Grabe Celine, limang taon. Limang taon tayong nagsama at ngayon mo lang napagtanto na niloloko kita. Well, think again. Because, I am no longer in love with you. Sa tingin mo, sino pang magmamahal sa 'yo? Wala na, Celine. Dahil ako, ayoko sa babaeng napagsawaan na ng ibang lalaki."
Sa sobrang galit niya, malakas niya itong sinampal kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mata niya. "I...I thought you love me?"
"Sinabi ko lang 'yun pero sa loob ko, hindi kita mahal. 'Yung mga sinabi ko noon kay Grey, kasinungalingan lahat 'yun. Walang totoo sa mga sinabi ko sa 'yo."
"N-No..." umiiling niyang sambit. "Hindi totoo 'yan."
"Maniwala ka man o hindi, iyon ang totoo. Ginamit lang din kita kagaya ng ginawa mo kay Grey. Pero ngayong walang-wala ka na, tapos na rin ako sa pagpapanggap. Hindi ko akalaing aabot tayo ng limang taon. I salute you for that. Nakaya mong sikmurain lahat ng mga ginawa ko sa 'yo sa loob ng mahigit limang taon."
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa pisngi niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat pero malinaw na malinaw sa pandinig niyang totoo lahat ng narinig niya.
Is this her fucking karma? Because it's fuking hurts, so much.
"Ngayong alam mo na, siguro naman maaari ka ng umalis sa bahay ko, hindi na kita kailangan," malamig at walang emosyong sabi nito. "Dito na titira si Vanessa at gusto niyang umalis ka."
Lumuluhang umiling siya. "Alam mong wala na akong mapupuntahan."
"Celine, alam kong may pinsan ka pa rito sa pilipinas. Sa kaniya ka humingi ng tulong. Wala na akong pakialam sa 'yo." Tumalikod ito at akmang iiwan na siya nang muli siyang magsalita.
"Gano'n na lang ba 'yun? Iiwan mo ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin? Kahit kaunti ba, hindi mo ako minahal?" Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. Ito ba ang parusa sa kaniya dahil sa mga maling ginawa niya sa nakaraan. Sobra naman yata 'to. Oo, inaamin niya lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya pero dahil iyon sa pagmamahal niya sa pamilya niya.
"Siguro minahal kita pero hindi naging sapat 'yun," seryosong sabi nito. "Sorry, pero kailangan mo na talagang umalis."
"Hindi ako aalis, mahal kita Jake. Isa pa, she's not my real cousin since ampon lang ako ng kinilala kong magulang. I'm alone."
Pabuntong-hiningang lumingon ito sa kaniya. "Hindi ko na problema 'yun. Tapos na tayo."
"N-No... hindi ko kaya."
Umiling ito. "You have to leave," madiing aniya. "Buntis si Vanessa, Celine, kailangan mo ng umalis." Natigilan siya. Tila isang bomba na sumabog iyon sa pandinig niya. "At kahapon lang ay kinasal kami."
"A-Ano?" Nanghina ang buong katawan niya. Tila nabingi siya gayong malinaw naman niyang narinig ang sinabi nito. "H-Hindi..."
"Ihanda mo na ang mga gamit mo, kailangan bago magdilim nakaalis ka na." Iyon lang at tuluyan na siya nitong iniwan.
Naiwan siyang tulala habang tahimik na lumuluha. Naitakip niya ang sariling mga palad upang pigilan ang mapahagulhol ngunit sadyang napakahirap pigilan ng sariling hindi umiyak. Masikip sa dibdib. Hindi siya makahinga ng maayos.
"Let's go, hon. Baka ma-late tayo sa check-up ko." Narinig niyang sigaw ng babeng iyon na akala mo kung sino. Napairap siya sa hangin pero naisip niya na wala siyang karapatang magtaray dahil sampid lang siya.
Wala na nga atang tatanggap sa kaniya.
Makalipas ng ilang segundo narinig niyang tumunog ang sasakyan ni Jake. Nakita niyang lumabas ang sasakyan ni Jake kasama ang babae nito, na ngayon ay asawa na.
Ang gaga niya, napakatanga niya para maniwala kay Jake. Ito pala ang pakiramdam ng maloko. Hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit sa kaniya si Grey.
Pinunasan niya ang mga luha at pinilit ang sariling tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Pumunta siya kuwarto at umiiyak na kinuha ang ilang mga gamit niya.
Sinilid niya lahat ng 'yun sa maleta pagkatapos ay mabilis na nilisan ang silid na iyon. Pababa na siya nang madaanan niya ang kuwarto kung saan natulog ang dalawa.
Hindi niya alam kung anong sumapi sa kaniya at pinasok pa niya ang kuwartong 'yun.
Una niyang nakita ang mga damit na nagkalat sa sahig, maging ang bed sheet ng kama ay magulo rin.
Tsk. Hindi man lang inayos bago umalis.
Hindi na niya kailangang magtanong kung bakit magulo ang silid na 'yun. It's too obvious that they've had a wild sex last night.
Nang makunto sa nakita, lumabas siya at nag-abang ng taxi sa labas. Hindi niya alam kung saan pupunta pero mukhang wala siyang choice kung hindi ang pumunta sa nag-iisa niyang pinsan. Ang nag-iisang anak ng Tito niya na kapatid ng kinilala niyang ina.
Hindi sila close ng pinsan niya kaya nag-aalangan siyang puntahan ito. Kahit isang beses, hindi pa niya ito nakita pero kilala naman niya ito sa mukha dahil madalas niya itong makita sa pictures. Hindi kasi maganda ang trato ng magulang niya rito kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't isa.
Nalaman lang niya ang tungkol dito base sa mga maririnig niyang kuwento noon sa magulang niya.
Bata pa lang nang mamatay ang mga magulang nito kaya't hindi niya maintindihan kung bakit gano'n ang trato ng mga magulang niya rito. Imbes na damayan ay tinalikuran nila ang pinsan niya. Wala siyang magawa noon dahil isa lang din siyang paslit na bata. Walang alam kung hindi ang sumunod sa magulang. Kung pwede nga lang, pinuntahan na niya ito at dinamayan.
Nang makasakay ng taxi at makarating sa address kung saan nakatira ang pinsan niya, nakita niya ang isang matangkad at magandang babae sumakay ng kotse na lumabas sa nakabukas na gate. Nakabukas ang bintana sa driver seat kaya malaya niyang nakikita ang sakay niyon.
"Hope..." Nag-unahang tumulo ang mga luha niya nang makilala ang babae.
Tumigil ang kotse nito nang makita siyang nakatayo sa gilid ng gate. Nakakunot ang noong bumaba ito at tinitigan siya na parang kinikilala.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    SaadAsniah

    gandaa po ng story niyo

    4d

      0
  • avatar
    Sarcos Michael

    so good!

    28/07

      0
  • avatar
    Shielajane Diaz Delima Cabaron

    maganda rin po

    10/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด