logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

C2: New Home...

KYORO TERMINUS POV
A RAINY night, full of mournful grief.
A night that I never want to have again.
I'm so scared to remember. Asking myself why?
Isang tanikala na pilit saking humihila sa karimlan. Tila' nagwakas na talaga ang lahat. Nobody knows... hindi ko gustong mawala ang kapatid ko. Panoorin si Fia na nalunod at nawala sa isang iglap.
Nakatulala lamang ako sa chandelier. Iniisip kung ano bang maling nagawa ko. Feels worthless, abandoned, wasted. Takes comfort in the pain.
"Kasalanan mo ang lahat, Kyoro!" Umiiyak na sigaw ni mama. Dinuduro ako at nais nang saktan. Nanatili akong nakatayo, nakayuko ang ulo. Nagbabadya na ring umiyak ngunit tanging pagsara ng aking kamao ang nagawa ko.
"Sorry mama."
Ang mga puting bulalak na nakapaligid sa puntod ni Fia ay aking pinagmasdan. Ang malaking larawan nito na masayang nakangiti, ngayon ay alaala na lamang. Halos lahat ng mga taong nandito ay naka itim at nakaputi.
Ang pagdating ni lolo ng gabing ito ay nakababahala. Walang emosyon itong dumertso sa nakahimlay na si Fia. Matagal din bago makita ang katawan ng aking kapatid sa dagat. Ang araw na iyon ay isang malaking gulo at halos mapatay na ko ng aking ina.
′′When I'm gone, everything will still be fine," I murmured. Siguro kapag nawala din ako ay mababayaran ko na ang pagkawala ni Fia. Ayokong nahihirapan ang mama ko. Ilang araw na siyang hindi kumakain at nanatili lamang sa tabi ng kabaong.
My father helped me to stand up after I fell in the ground. As I look at him, his eyes full of words. "Kyoro, anak, kumain ka muna. Tandaan mo na aksidente ang nangyari sa kapatid mo." Niyakap ako ng aking ama.
"I'm scared dad to stand again without a help," I uttered.
"You are brave, son."
Hindi ako makatulog sa aking higaan, ayaw din ng aking ina na manatili ako sa lamay ni Fia. Nanatiling bukas ang ilaw sa aking kwarto... tumambay ako sa itaas ng bintana, nakahalumbaba na pinagmasdan ang buwan at mga bituwin sa kalangitan. When my father was about to off the lights... Napasigaw ako.
"Papa... On the light. Nakikita ko si Fia kapag namamatay ang ilaw. Natatakot ako papa," pag-amin ko sa aking ama na nakatitig sa akin.
"Kyoro, nandito lang ako, anak." Hinagkan ako nito at pinapakalma. Iniwan ako nito sa aking kwarto ngunit nanatiling bukas ang pinto. Sa kaniyang pagbalik ay may dala na itong isang basong gatas.
"Don't blame yourself of what happened to your sister," my father says and tapoing my head.
Kinaumagahan ay pinaliguan ako ng aking ama at binihisan ng puting polo at puting trouser. Ngunit sa sasakyan ay si lolo Ignacio ang aking nakasama. Nakangiti ito sa'kin nang pumasok ako sa sasakyan.
"Apo, aksidente lamang iyon. Mas mabuti kung lalayo ka muna sa iyong ina."
Tumitig naman ako kay lolo na hindi ko maintindihan ang nais iparating nito. Aking pinanood ang tanawin sa labas, ang nga puting sasakyan ng aming kamag-anak ay mabagal ring nagmamaneho. Pagkarating sa sementeryo, umiiyak parin ang aking ina na naka-sunglasses na. Ang panyo nito ay puno ng luha.
Naawa ako para sa mama ko, inaalalayan siya ng aking ama. Pinagmasdan ko ang paligid. There's a lot of gravestone, ngayon lamang ako nakapunta sa ganitong lugar na hindi ko inaasahan na ito na ang huling beses na makikita ko ang aking kapatid na naka-himlay.
Sa aking napapanood sa telebisyon, natatakot akong dalawin dito ang kapatid ko. Ayokong pumunta sa lugar kung saan ito na ang naging tahanan nila para lamang matulog habang buhay.
Ni lumuha simula nang malunod si Fia ay hindi ko magawa ngunit sa hindi malamang dahilan ay may bumibigat sa aking kalooban. Hindi ko ninais maging ganito ang mangyari sa among bakasyon.
Isa-isa itinapon ang puting rosas sa puntod ni Fia. Inililibing na sa ilalim ng lupa. Ang aking ina ay napayakap sa aking ama. Si lolo ay hawak na ang aking kamay.
"Adios... Mag-iingat ka Fia," tanging nasambit ko.
Sa aming pag-uwi sa bahay ay sinalubong ako ni Bruno, ang aming aso. Ito ang tuta ni Fia na ini-regalo ngunit hindi niya na nakita pa dahil hindi siya nakauwi sa aming bahay.
"Kung nandito lamang si Fia, tumatawa na 'yon at nakikipag-habulan sayo, Bruno," kwento ko sa tuta na tumatakbo sa sala.
Tumungo ako sa aming hardin na hindi na nadiligan ni Mama simula nang makauwi kami. Tulad ng harding ni Claude Monet ay tila' ba'y replika ito dahil sa hilig niya sa painting. Mabulaklak ngunit wala nang buhay sa katagalang, hindi na naalagaan.
Si papa ay pumapasok sa kaniyang trabaho, samantalang ang aking ina ay nanatili sa kaniya kwarto. Tuwing umaga, tulad ng ginagawa niya, ay dinadalhan ko siya ng tubig na maiinom o iniiwan na lamang sa kaniya side table. Sapagkat, ayaw niyang makita ako, inaagahan ko ang paggising para tulog pa si mama kapag pumasok ako sa kwarto.
Hindi niya na ko ginigising sa umaga tulad noon na ihahatid niya pa ko sa eskwelahan. Maghahanda ng lunchbox. Si papa ay hindi na rin ako naaasikaso dahil sa trabaho nito.
Mag-isa ko nang sinanay ang sarili ko sa paghahanda ng cereal at milk. Nag-uuniporme mag-isa at hindi na ako nagpapaalam sa tuwing darating na ang school bus.
Isang araw, nang umuwi ako ay nakita ko ang aking ina sa sala na naglilinis. "Maganda gabi, ma!" bati ko ngunit tila walang narinig ito.
"Kyoro! Kumusta school, anak?" bigla naman akong binuhat ni papa na may malaking ngiti sa labi.
"Ayos lang po, Papa!" nagagalak na sagot ko.
"Hon, let's dinner, napapabayaan mo na si Kyoro natin," pag-imbita ni papa sa kaniya. May dala na itong pagkain sa paper bag.
Sa katotohanang hindi na kami muling sabay-sabay na naghapunan ay labis na kalungkutan ang nadadama ko sa gabi. Nawalan ng buhay ang aming tahanan. Kung wala si Bruno, ay wala din akong makakalaro.
"Paano mo nagagawang ngumiti, Gyro! Wala na si Fia pero nagagawa mlng sumaya!" galit na sigaw ni mama.
"What do you want?! Nawala si Fia, at masakit para sa'kin yon, Lizelle! Pero nandito pa si Kyoro kaya dapat tayong magpatuloy," pahayag ni papa.
Aking nasaksihan ang pagtatalong iyon. Walang gabi na hindi na sila nagtalo, mas lalong lumalala ang bawat gabing ito. Isang gabi ay hindi nakauwi si papa ng maaga. Nagulat na lamang ako nang ikulong ako ng mama ko sa isang madilim na cabinet.
"Mama! Buksan mo po!" pagmamakaawa ko. Ang dilim! Ang dilim! Ayoko sa dilim... Pilit akong sumisipa at sumisigaw para pakabasin ako.
"Anak, Kyoro, mas mabuti nang mawala ka na din para may kasama si Fia," humihikbing isinatinig nito ang bawat salitan ng paulit-ulit. Nais niya kong mawalan na...
"Mama, gusto ko po kayong yakapin. Natatakot po ako dito sa dilim..."
Narinig ko ang tahol ni Bruno... Hindi ko alam kung gaano na'ko katagal sa loob ngunit nahihirapan na kong sumigaw at huminga. Sa aking pagpikit ay ang pagdating ng aking ama na nagbukas ng cabinet.
"Kyoro, 'wag mong iiwan si papa..." huling salitang narinig ko at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata... Sana makasama ko na si Fia para hindi na magalit ang ina namin, sa akin.
Kinaumagahan ay dumeretso na ako sa banyo para makapag-toothbrush. Ngunit pati ang banyo ko ay tila napabayaan na. Ubos na ang toothpaste pati ang shampoo. Wala na dinh sabon kaya pinuntahan ko ang aking ama upang sabihin ito sa kaniya.
May pinuntahan naman kami ni papa pagkatapos niya kong bihisan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (60)

  • avatar
    AncayaLeah

    gandaaaaaa

    15d

      0
  • avatar
    Queenie Marie

    greatt

    31/07

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    it's sad

    29/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด