logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

Kabanata 6
Apat na taon buhat nung umamin sa akin at ipagsigawan ni Din ang pagmamahal niya sa akin dito sa aming baryo. Nakakahiya man dahil kami ang naging tampulan ng tukso noong mga panahong iyon ay natutuwa ako dahil mayroon palang mayang magmahal sa isang tulad ko. Kayang tanggapin kahit hindi ako buo. Kahit na hindi ko kilala ang buong sarili ko. Bago ito umalis at tumlak sa Maynila, nilinaw ko ang nararamdaman ko sa kaniya.
Sinabi kong nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong niya at sobrang blessed ako kasi nakilala ko ang isang tulad niya. Pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa tao. Alam kong nasaktan ko siya at kung yon ang tanging paraan para hindi ko siya lokohin sa tunay kong nararamdaman ay paulit-ulit kong sasabihin sa kaniya yon.
Ngayon na nasa Maynila siya, nasisiguro kong nakahanap na siya ng babaeng magmamahal sa kaniya ng totoo. Isang babaeng handang suklian ang buong pagmamahal niya. Naniniwala akong sa isang mabuting tao siya nakatadhana at hindi ako ang taong 'yon.
"Wala ba talagang pag-asa sa iyo ang anak ko, Cressi?"
May paggalang akong umiling dito, "nagka-usap na naman po kami ni Din tungkol diyan, Aling Marta."
"Paano kung isang araw ay pumunta dito ang tatay ni Creion, anong gagawin mo?"
Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Iniiangat ko ang paningin at muling pinagmasdan ang papalubog na araw.
Paano ko malalaman kung sino ang ama ni Creion gayung wala akong ala-ala nang nakaraan. Kung sino man ang ama ni Creion, sure ako na hindi na kami nito hinahanap. Dahil kung totoong naghahanap ito, malamang ay wala na kami sa isla ngayon.
"Alisin na lang natin ang posibilidad na iyan, Aling Marta. Masaya na kami dito ng anak. Kung dumating man sa punto na makilala ko ang ama ni Creion at kunin niya sa akin ang anak ko, ipaglalaban ko siya ng patayan. Hinding hindi niya makukuha sa 'kin ang anak ko."
Isang malamig na kamay ang naramdaman kong marahang hinawakan ang mga kamao kong mahigpit na nakakuyom. "Nandito kami para sa inyo ni Creion, Cressi. 'Wag na wag mong kakalimutan, ha."
"Maraming maraming salamat po, Aling Marta," naiiyak ko itong niyakap.
"Itinuring ko na kayong parang anak, Cressidad, Bangs. Kaya kung may problema kayo, pwede ninyo akong pagsabihan. Higit sa lahat ay ako ang saksi ng mga paghihirap ninyo bago kayo sumaya kaya't ipagtatanggol ko kayo sa abot ng aking makakaya, mga anak."
"Awww, 'wag kang ganyan, Aling Marta!" Naiiyak na yumakap na din sa amin si Bangs, "pinaiiyak ninyo ako, e! Naman, e! Bawal drama dito!"
Tulong tulong kaming inihanda ang mga pagkain para sa hapunan. Inilabas ko ang mga plato at kutsara. Ang dalawa naman ay nagtulong sa pagbubukas ng mga ulam na nakalagay sa tupper ware.
Akma akong tatayo nang matan-awan ko si Dave na humahangos palapit sa amin. Nagsimulang tumambol ang puso ko nang hindi maabot ng aking mga paningin si Creion mula sa pinaglalaruan nila kanina.
"Nay!" Sinalubong ko ito at inalalayan, "may lalaki po doon!" Itinuro nito ang isang malaking bato sa kalayuan.
"Nakita mo ba si Creion?"
Sunod sunod itong tumango at hindi tinanggal ang pagkakaturo sa bato, "nandoon po! Nakita po namin! May lalaki doon! Nalunod ata!"
May pagmamadaling tumayo sina Bangs at Aling Marta. Ako naman ay nangunang maglakad para puntahan ang malaking bato na tinutukoy ng batang si Dave.
Relax, Cressi. Ligtas si Creion. Ligtas ang anak mo.
Kasabay ng paglalakad ay marahan kong kinakalma ang aking sarili.
Sa likod ng bato ay doon ay nakita ko si Creion na umiiyak habang nakahawak sa kamay ng isang lalaki. Namumutla itong nakahiga. Nakasuot ng itim na pantalon at green na damit. Sa itsura nito ay parang nalunod ito.
"Ay sus maryosep!" Ang malakas na tiling iyon ni Aling Marta ang nagpagising sa akin.
"M-mama, t-tulungan mo po s-siya," madali kong nilapitan si Creion at inilayo sa lalaki.
"Dito ka muna, anak."
Inilapit ko ang aking tainga upang pakinggan ang paghinga ng lalaki. Nang makumpirmang humihinga ito ay mabilis kong inilapat ang aking mga palad sa dibdib nito at nagsimulang magpump.
"Huwag kayo masyadong lumapit sa kaniya. Bangs, humingi ka nang tulong sa makita mo mga tao, bilis!"
Natatarantang dinagdagan ko ng lakas ang pag pump sa dibdib ng lalaki. Sandali akong tumigil at hinawakan ang labi nito. Yumuko ako at inilapat ang aking labi upang bigyan ito ng hangin. Ilang beses ko pang inulit ang prosesong iyon hanggang sa bigla ay umubo ito at maglabas ng tubig sa kaniyang mga labi.
"A-ayos ka lang ba?"
Naging mabagal ang pagmulat ng mga mata nito. Nang sandaling lumaki ang pagkakamulat ng mga mata nito ay hindi ko mapangalanan ang nakita ko sa mga mata nito.
Puno iyon ng takot, pag-aalala at... pangungulila.
Napahiyaw ako nang mahuli nito ang mga kamay ko at hinila ako para yakapin ng mahigpit!
"T-teka! Teka lang!"
"Cressidad ko..."
Natigil ako sa pagpiglas dahil sa mga salitang binulong nito. Mahina lang yon at parang hangin lamang ngunit malinaw na narinig ng tainga ko kung gaano kalumanay nitong binanggit ang pangalan ko.
"Ang Cressidad ko..."
Ang lalaking ito...
Hindi kaya parte siya ng nakaraan ko? Bakit kilala niya ako!?
Balisa akong tinulungan ni Bangs na tumayo. Ang mga asawa naman ng mga may bahay naming kapitbahay ay nagtulong upang buhatin ang lalaki.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang paraan ng pagbanggit nito sa pangalan ko. Ang yakap nito... Parang isang yakap na kilalang kilala ng katawan ko. Isang yakap na puno ng pagmamahal. Isang yakap na puno ng pag-iingat. Isang yakap na ipararamdam sa 'yong ligtas ka.
"A-ayos ka lang ba, Cressi?"
"H-ha?" Wala sa sariling nilingon ko si Bangs. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa loob ng aming bahay.
"Pasensiya na kayo, ha, Bangs, Cressi. Iisa na kasi ang kwarto na available sa amin. Mamayang madaling araw ang uwi ni Din. Dito muna pansamantala sa inyo itong lalaki. Sa oras na magising siya ay tawagan ninyo kaagad ako. Dadalhin natin siya ospital sa bayan." Rinig kong paliwanag ni Aling Marta.
"Sige ho, Aling Marta. Kaya na ba ninyong ligpitin ang mga pagkaing naiwan natin?"
"Oo, kaya ko na 'yon. Asikasuhin mo na itong si Cressi. Mukhang nabigla pa siya sa nangyari kanina. Pakakainin ko muna sina Dave at Creion."
Ang pagsarado ng pinto ang huling narinig ko. "B-bangs..."
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Cressi?"
"'Yong l-lalaki... 'yong l-lalaki... 'yong l-lalaki kilala niya a-ako, Bangs..."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Michael Thenorio

    good

    16d

      0
  • avatar
    MouraMaria Eduarda

    amei

    20/08

      0
  • avatar
    Jerven Hemo

    please🙏

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด