logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

Kabanata 3
Kalungkutan.
Iyan ang unang bumalot sa aking pagkatao noong unang magmulat ako ng mga mata dito sa Isla De Gracia. 'Yung pakiramdam na nasa isa kang kwartong madilim at walang maaaninag na liwanag. Hindi alam kung saan magsisimula para hanaping muli ang sarili.
Ibang hirap ang dinanas ko noon. Nagigising tuwing madaling araw na kinakapos ng hininga dahil sa iisang bangungunot na palagi akong dinadalaw sa aking pagtulog. Pawis na pawis na hindi ko namamalayang lumalandas na pala ang aking mga luha sa tuwing magigising ako.
Ang bangungot  na 'yon.
Ang bangungot na hindi ko mailigtas ang sarili mula sa pananakit ng isang lalaki. Ang lalaking walang mukha sa aking mga bangungot. Hanggang ngayon ay parang sariwa pang nararamdaman ng aking balat ang mga pananampal nito sa aking pisngi. Malaking pasasalamat ko na ang mga peklat sa aking katawan ay naghilom rin pagdaan ng panahon. Pero ang mga hinaing ko noon ng pagmamakaawa at paghikbi ay naririnig ko pa din hanggang ngayon. Hindi ko na lamang pa sinasabi kay Bangs o maski kina Aling Marta para 'di na sila mag-alala pa.
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa isipan ang paghihirap na mga dinanas.
Kung wala lamang na nakasulat na Maria Cressidad Rivera sa gintong singsing na suot ko noon ay siguradong maski pangalan ko ay hindi ko alam. Sa ilang taon kong paninirahan dito sa Isla De Gracia ay 'di na ako nagtangkang hanapin pa ang pamilya ko dahil ang pag-alala pa lamang sa kanila ay nakakasakit hindi lamang ng aking ulo ngunit pati ng aking dibdib.
Sa tuwing naiisip ko kasi kung nasaan ang tunay kong pamilya ay bimibigat ang aking pakiramdam. Mahirap maghanap ng hindi alam kung sino at ano ang hinahanap. Wala din naman kaming nababalitaan na naghahanap sa isang Maria Cressidad Rivera kaya minabuti ko na lamang na dito na sa isla manirahan. Kahit isang balita sa telebisyon ng pagkalubog ng barko ay hindi naibalita noon. Ang ideyang iyon ang tuluyang nagpasuko sa akin na hindi ko na kailangang hanapin ang nga taong hindi naman ako hinahanap. Atleast dito, payapa at walang isiping problema. Sarili at anak ko lamang ang aking isipin. Wala nang iba.
Kaya ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang banggitin nang dalawang tao kanina ang unang pangalan ko. Pangalawang beses ko pa lamang nakikita ang babae pero kung banggitin niya ang pangalan ko'y parang matagal na niya akong kilala. Base din sa expression ng lalaki ay gulat ito at hindi makapaniwala nang makita ako.
Nanghihinang napakapit ako sa tiles na lababo dito sa comfort room ng hotel. Pilit pinapakalma ang sarili habang tinititigan ang sariling repleksiyon.
Habang pinagmamasdan ang aking mukha ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang gintong singsing na ginawa kong kwintas isang taon makalipas ng pagdating ko dito sa isla.
Isa ito sa mga bagay na matatawag kong akin. Kung sino man ang taong nagbigay nito ay alam kong malaking parte siya ng pagkatao ko. 'Yon nga lang ay hindi ko na siya hahanapin pa at tuluyan ko nang ibabaon kasama ang mga ala-alang hindi ko na kailangan pa.
"Oy, Cressi! Nandito ka lang pala!" Napapitlag ako sa bating iyon ni Linda. "Dinaanan kita sa third floor, wala ka naman doon."
Nag-ipon pa ako ng lakas bago inayos ang aking sarili. Muli kong pinasadahan ng aking kamay ang mga itim kong buhok upang ayusin ang mga iilang hiblang humaharang sa aking mukha.
"Mabilis ko kasing natapos linisan ang third floor kaya umuna na ako dito. May lilinisan pa tayong room?"
Umiling ito sa akin, "wala na naman." Humarap din ito sa malaking salamin ng comfort room. "Siya nga pala, Cressi. Kilala mo ba 'yong mga guests ng hotel ngayon? 'Yong pamilya Sastrillo?"
Nag-aalangan ko itong nginitian, "hindi. Bakit, may nangyari ba?"
Dalawang oras pa lang magmula nung makarating ako dito sa hotel at magsimulang magtrabaho pero ramdam ko'y labing dalawang oras na akong naka-duty.
"Tinanong kasi ako noong magkapatid na Sastrillo kung ikaw nga si Cressidad Rivera. Sabi ko, oo. 'Di ba ikaw nga 'yon?"
"A-ano kamo?" Ang naipong lakas ay parang biglang naglaho sa aking katawan dahil sa mga tinuran nito.
"Nakakapagtaka lang," umangat pa ang kilay nito habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng sariling buhok. "Bakit kilala ka nila?"
Ang isiping iyon ang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan hanggang sa makarating kami sa may dining hall ng hotel. Ang pagseserve ng breakfast naman ang sunod naming trabaho ni Linda.
Walang imik na dumiretso ako sa pinaglulutuan nang mga chef at ilan nilang assistant. Abala sila sa pagpeprepare ng iba't ibang putahe.
Ang iba'y nagpeplating na at ang iba namang plato ay ayos na. Nang akma ko nang kukunin ang isang platong may lamang adobo ay noon dumating si Manager Anne.
"Tapos na bang ihanda ang para sa mga special guests?" Bakas na bakas ang taranta na may halong kaba sa mga boses nito.
Ang special guests na tinutukoy nito ay ang mga Sastrillo.
"S-saglit na lang 'to, Manager." Ang bawat isa ay may pagmamadaling kumilos. Maging ang head chef na si Alli ay nahawaan na rin ni Manager Anne.
"Hindi ba't kanina ko pang pinapauna ang orders nila?! Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos?!"
Sa takot na mabuntunan ng galit nito ay umurong ako ng tatlong beses. Ngunit isang pagkakamali ang desisyon kong 'yon dahil sa akin nagbaling ng tingin si Manager Anne.
"Cressi, Linda at 'yung iba pa na wala pang ginagawa ay dalhin na ninyo ang mga tapos nang plating doon sa pamliyang Sastrillo. Kanina pa sila naghihintay ng pagkain!"
Agad kaming tumalima. Iwinaksi ko muna ang mga bagay na gumugulo sa akin at maingat na hinawakan ang plato na may putaheng adobo at pork sisig. Nasa unahan ko ang iba pang empleyado na maghahatid ng mga pagkain.
Isang mahabang mesa sa gitna ang sumalubong sa amin. Sa magkabilang dulo ay nakapwetso ang isang matandang babae at matandang lalaki na parehong naka wheel chair. Sa kaliwa nang table naroroon ang mga kalalakihang Sastrillo kasama ang dalawang ginoo na sa tingin ko ay anak ng dalawang matandang Sastrillo. Sa kanan naman naroroon ang mga kababaihan at siguro'y ang ginang na asawa ng mga ginoo. 
"Anong oras ba ang dating ni Kuya Zo, Tita Pilar?" Isang babae ang narinig kong nagsalita.
Tumikhim naman ang tinawag na ginang, ito siguro ang Tita Pilar na tinatawag. "He called me earlier. Nakasakay na siya ng boat papunta dito. I'm expecting any minute from now ay darating na siya."
"He better be, Tita. Hindi na nga siya umabot para sa birthday celebration ng kaniyang anak, baka naman hanggang dito ay hindi rin siya sumipot?" Mahihimigan ang inis sa boses ng lalaking katapat noong babaeng nagsalita kanina.
"He's busy, Arc." Madiing turan ng ginang.
Bumagal ang paglakad ng mga nasa unahan ko kaya naman ganoon na rin ang ginawa ko. Ang seryoso ng pinag-uusapan ng pamilya Sastrillo kaya ang planong pagbati sa mga ito ay hindi ko ata kayang gawin sa oras na ilapag ko na ang mga plato.
"Busy, huh?" Napabaling na din tuloy ako ng ulo sa lalaking panibagong nagsalita sa hilera ng mga kalalakihan. "Parang batang naulila 'yong anak niya kagabi na umiiyak. We weren't able to celebrate his birthday because he's finding his mother!"
'Yung batang celebrant ba kagabi ang sinasabi nito?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Michael Thenorio

    good

    16d

      0
  • avatar
    MouraMaria Eduarda

    amei

    20/08

      0
  • avatar
    Jerven Hemo

    please🙏

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด