logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 2

Kabanata 2
Bandang alas siyete nang gabi nang matapos ang selebrasyon namin ng kaarawan ni Creion. Gaya ng ipinangako ko ay pinagdala ko si Aling Marta nang handa para kay Kuya Kiko at Dave. Pinabaunan ko din ang iba pa naming kapitbahay nang labis na pagkain, mapapanis lang din naman kung hindi ko ipapadala sa kanila.
Napatulog ko na din si Creion sa kwarto namin. Ayun at tuwang tuwa dahil maging sa pagtulog ay nakangiti. Masaya akong kahit sa maliit na paraan ay nairaos namin ng masaya ang birthday nito.
"Bangs..." natigil ito sa paghuhugas ng baso nang magsalita ako.
"Bakit?"
"Hindi mo na dapat binilhan ng bagong sapatos si Creion." Pagtukoy ko sa sapatos na kulay puti, may tatak pa 'yong addidas na suot ng aking anak kanina.
Kumunot ang noo nito sa tinuran ko. Bumuka pa ang bibig nito na wari'y may sasabihin sa akin ngunit hindi rin naman niya itinuloy.
"Pero salamat ha, Bangs. Siguro kung wala ka, hindi ko kakayanin nang mag-isa itong selebrasyon."
"Ano ka ba naman, Cressi!" Nagpunas ito ng kamay sa basahan bago lumapit sa 'kin, "wala 'yon! Basta para kay Creion, gagawin ko rin ang lahat. Pamilya na tayo, 'di ba? Sino pa ba ang magtutulungan kun'di tayo din naman."
Naluluhang niyakap ko ito. Malaking pasasalamat ko din na nakilala ko si Bangs. Nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan na kahit hindi magkadugo ay tinuring akong pamilya. Mula kasi nung tulungan ko ito sa paghahanap ng kaniyang kwintas na napunta sa may dagat noong isa palang itong turista ay doon nabuo ang pagkakaibigan namin. Hanggang isang araw, lumapit siya sa 'kin at nagsabing dito na rin siya titira. Alam kong mayroon din itong pinagdaraanan ngayon pero hindi ko naman siya pinangungunahan na magkwento sa akin. Nag-iintay lamang ako kung kailan siya magiging handa na ikwento sa akin ang mga problema niya.
"Pero kanina, sobrang takot ko talaga nang mawala si Creion. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba at takot, Cressi!"
"Hindi ko din nga akalain na gagawin iyon ni Creion, Bangs. Hindi naman natin sa kaniya itinuro ang ganoong bagay." Napailing pa ako, "pati pagsisinungaling ay natutunan na niya."
"Baka naman impluwensiya 'yan ng mga pinapanood niyang mga palabas!"
Maaaring isa din 'yong factor. Kahit pa maganda naman ang dahilan nang pag-alis at pagsisinungaling ni Creion kanina ay masama pa rin iyon.
"Pagsasabihan ko rin siya bukas."
"Anong oras ba ang pasok mo bukas, Cressi?"
Saglit kong nilingon ang orasan na nakasabit sa dingding ng aming bahay, alas diyes na pala.
"Alas sais ng umaga ang duty ko." Iniunat ko ang aking mga kamay matapos ligpitin ang single sofa na nilagyan ko ng design.
"Mauna ka nang matulog. Maaga pa pala ang duty mo. Ako na lang ang magla-lock ng pinto pagkatapos ko rito."
Nagpasalamat pa ako sa kaniya bago tuluyang pumunta sa kwarto at tinabihan si Creion sa kaniyang pagtulog. Ramdam ko na din kasi ang pagod sa buong araw na pagtatrabaho ko ngayong araw. Idagdag pa na dalawang araw akong puyat dahil sa paghahanda ng munting selebrasyon para kay Creion.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising upang magsaing ng kanin at maggulay ng kalabasa. Napagpasiyahan kong maggisa ng kalabasa na paboritong luto ni Creion sa gulay na ito. Sinanay ko kasi noon pa man na kumain siya ng gulay para hindi siya magkasakit at magkaroon ng lakas ang katawan nito.
"Ang aga mo naman," nilingon ko saglit si Bangs na kinukusot pa ang kaniyang mata bago ko muling itinuon ang atensiyon sa pagluluto.
"Ikaw na muna ang bahala kay Creion, ha." Pinatay ko ang sindi ng gasul.
"Balita ko'y bigatin daw ang mga guests nang hotel ngayon?"
"Oo, sila yung mga guests na dumating kagabi. Sastrillo ang apelyido, 'e. Kilala mo ba?"
Pansin ko pang natigilan ito sa paghihilamos ng mukha, "Sastrillo?"
Tumango ako sa kaniya. "Oo."
"Kilala ang apelyidong 'yon sa Maynila. May-ari ng sikat na Jewelry Company. Alam mo ba 'yong Sas Jewelry? Kanila 'yon."
Itinuon ko na ang aking atensiyon sa paghahanda para sa duty ko sa hotel. Wala naman akong interes doon sa mga binanggit niyang impormasyon.
"Good morning, Cressi!" Ang masiglang si Linda ang bumungad sa akin pagpasok ko sa locker room.
"Magandang umaga din." Inayos ko ang lagay ng aking mga gamit, "naayos mo ba yung mga nilakad mo kahapon?"
"Oo! Ganoon pala sa Maynila! Ang sikip at maraming tao! Hindi naman katulad noong mga magagandang deskripsyon na nababasa ko sa facebook."
"Reality vs. expectation, 'di ba?" Natatawang sinabayan na din nito ang pagtawa ko. "Kung ganoon pala'y tuloy na tuloy na ang pag-alis mo?"
"Kailangan, 'e. Para sa pamilya. Kahit mapalayo mabigyan lang ng magandang buhay ang dalawang anak ko."
Mga papeles para sa pagtatrabaho kasi sa ibang bansa ang inilakad niya kahapon. Katulad ko, si Linda ay isa ring ina ng dalawang bata. Saksi ako sa mga hirap niya simula noong mamatay ang asawa niya tatlong taon na ang nakakalipas. Kaya sa hirap ng buhay, nagdesisyon na siyang mangibang bansa.
Minsan nga'y pumasok na din 'yan sa isip ko. Hindi ko laang kinonsider dahil ayaw kong mapalayo sa anak ko. Ayaw kong makita siyang lumalaki na hindi niya ako kasama, na hindi ko siya nagagabayan at naaalagaan.
Pagkatapos ng maliit na kwentuhan ay nagpasya na kaming linisan ang hallway ng bawat floors. Pagtapos kasi nito ay kami naman ang toka sa pagkuha ng mga orders ng mga guests. May shifting sa line of work kaya gano'n.
"I'm telling you the truth, Kuya!"
Natigil ako sa pag ma mop ng sahig dahil sa matinis na boses ng isang babae. Nang mag-angat ng tingin ay lumabas ito sa Room 31 at sa likod nito ay isang lalaki na mas matangkad dito ng ilang centimeter.
"She's alive! Nandito siya sa isla! Nakita ko siya kagabi!"
"Tumigil ka na, Chlei. Matagal na siyang patay. Nahihibang ka na ba?! Pag narinig ka ni Kuya Zo malalagot ka naman doon."
Mukhang nag-aaway pa sila doon. Noon ko nakilala ang boses nang babae. Siya iyong nakabungguan ko kagabi.
"Why can't you believe me?!" Rinig na rinig ko na ang boses nito dahil palapit na sila sa pwestong nililinisan ko.
Hindi ko din naman alam ang itsura nang mga ito dahil mas pinili kong tumahimik at pagtuunan ng pansin ang trabahong ginagawa ko.
"Ah..." pumikit ako ng mariin. Sakto kasing hinarap nung babae 'yong siguro'y kapatid nito ay sa tapat ko pa. Ang malala ay naapakan pa nito ang mop na ginagamit ko, "Ma'am, naipit ninyo kasi 'yong mop."
Dahil doon, dalawang pares ng mata ang lumingon sa akin. Nakakunit ang noo nang babae sa harap ko. Nakita ko ang makapal nitong kilay, medyo singkitin na mata, matangos na ilong at mapulang labi. Ang lalaking kasama naman nito ay hindi nalalayo ang itsura sa babae, katulad nito ay mayroon itong makapal na kilay, bilugang mga mata, matangos din ang ilong at depina ang pagkakahulma ng mga panga. Mga magaganda ang lahi, nakakatakot kausapin.
"M-maria?" Ngayon ay tatlo na kaming natigilan.
Ako ba ang tinatawag niya? Maria din kasi ang first name ko. Pero paano naman nito nalaman 'yon? Cressi ang nakalagay sa name tag ko, 'di ba?
Nagsimula na naman akong maging paranoid. Ganito kasi talaga ako pag kinakabahan, nag sisimulang mag isip ng kung anu-ano ang utak ko.
"Ah, excuse po, Ma'am, Sir." Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung paanong sa isang iglap ay nakapasok na ako sa elevator. Pinakawalan ko din ang hiningang kanina ko pa pinigil.
"Sandali!"
Nagtama pa ang mata namin ng babae nang sandaling sumara na ang pinto ng elevator.
Ako lang ba o masama ang kutob ko sa pagdating ng pamilyang Sastrillo dito sa isla?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Michael Thenorio

    good

    16d

      0
  • avatar
    MouraMaria Eduarda

    amei

    20/08

      0
  • avatar
    Jerven Hemo

    please🙏

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด