logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5: Unang gabi

Dumating ang araw na kinatatakutan ko ang paglisan ng aking anak. Matagal ko nang hinanda ang damdamin ko para dito pero iba Pala nag totoo na.
"Ina pinapasundo na ako ng aking ama!" Paalam ni Jamil. Malungkot na ngumiti ako sa aking prinsepe.
"Hangad ko na maging mabuting hari ka sa nasasakupan mo."
"Pag naging hari na ako ina, ipapasundo kita dito."
"Salamat anak pero hindi na ako nababagay doon. Dito na ang buhay ko sa loob ng dalawampu."
"Sabihin ninyo ang hiling ninyo at gagawin ko ina."
"Alagaan mo lang ang sarili mo anak. Yun ang aking hiling."
"Kung ganun aalis na ako ina. Pag may oras ako dadalawin kita."
Tan-aw ko Ang papal ayong kabayo Ng aking anak at nagpatuloy sa pagpatak Ng aking mga luha. "Paalam anak, alam ko na hindi na tayo magkikita pa. Sana mahanap mo sa puso ang pagmamahal at sana makakahanap ka Ng tamang babaeng nagmahal sayo. Ito ang kapalaran ko, ang isilang ka, nagampanan ko ang tungkulin ko. Paalam anak."
***
Nang dumating Ako sa palasyo  ay hindi ako  makapaniwala na makakaharap ko ang hari ng Alessandro, ang aking ama sa unang pagkakataon. At dahil sa galit niya ay hindi niya napigilan ang maiyak sa mahabang panahong hindi niya maramdaman na meron siyang ama.
"Maligayang pag dating sa Kastilyo Alessandro. Ako si Alexander ang iyong ama."
"Ipagpatawad mo kamahalan pero hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng ama dahil lumaki ako na tanging ang ina ko lang ang aking nakikita."
"Inaasahan ko na ang galit mo. Wala na akong magagawa doon. Siya nga pala, maari ko bang makita kung anong nasa ilalim ng maskara mo?"
"Simula ng isilang ako ni ina ay pinapasuot niya ako nito. Patawad pero ayokong makita ninyo ang kapangitan ng aking mukha oras na tanggalin ko ang maskara."
"Bueno, inaasahan ko nang kasing pangit karin ng iyong ina. Ipinatawag kita dahil kailangan munang gampanan ang tungkolin mo bilang susunod na hari. Dahil ikaw lang ang aking anak na lalaki na papalit sa akin.
"Maari ko bang malaman kamahalan kung ano ang una kong magiging tungkolin?"
"Sa ngayon mag sisimula muna tayo sa paghahanap ng asawa para sayo."
"Ano? Asawa ko? Ipagpatawad mo kamahalan pero wala akong planong mag asawa."
"Baguhan ka palang dito kaya hindi mo pa alam, ipapaintindi ko sayo. Dito sa ating kaharian, bago maging hari ay dapat ka munang mag asawa at mag kaanak upang masiguro ang lahi natin. Matanda na ako kaya kailangan ko nang magmadali na e handa ka sa trono." Walang nagawa si Jamil sa desisyon ng ama kahit anong pag tutol niya. "Bukas na bukas din ay maglalagay ako ng anunsyo na aanyayahan ko ang lahat ng babaeng anak sa ating kaharian."
"Bakit ama? Saan ang mga anak ng bawat angkan ng matapat mong alagad?"
"Hindi mo siguro alam. Kilala ka sa pagiging ikaw. Marami ang takot sayo lalo na sa mukha mo. Walang babae na gusto kang maging asawa."
"Sila pa ang may ganang mag malaki. Anong akala nila? Kailangan ko din sila? Hindi ko sila kailangan.!"
Gaya ng sabi ng hari ay ipinakalat nga niya sa buong kaharian ang isang paanyaya sa lahat ng mga kababaehan para sumali sa pagpipilian ng hari upang maging asawa ng prinsepe. Pero laking gulat nila ng walang dumating kahit na Isa.
"Impossible ito! Hindi ito pwede!"
Nabahala ang hari pero na naging ganap pero hindi ko mapigil ang galit  nang malaman kong kaya walang dumalo dahil bukod daw sa halimaw kong hitsura sa likod ng maskara ay ang aking malademonyong ugali na kahit alipin ay hindi tatangkilikin. Pero hindi natapos ang oras nang may dumating na isang matandang lalaki na hila ang napakapangit na babaeng umiiyak.
"Ama? Huwag ninyo sabihing ipapakasal ninyo ako diyan sa pangit na babaeng yan?" Galit na turo ko sa babaeng Ngayon ay nakatitig sa akin. "Hindi Ako papayag, ayokong nag-asawa kung ganun!" Pagmamatigas ko dito.
"Wala akong magagawa anak. Ayokong maging katawa-tawa sa ibang kaharian. Ikaw palang ang prinsipeng inayawan ng mga babae."
"Pero hindi ko kayang makita ang babaeng yan."
"Pagtiisan mo lang siya hanggang sa magkaanak kayo o hangga't wala tayong mahanap na iba. Pag naging hari kana maggawa muna ang lahat ng gusto mo."
Wala akong nagawa kung di sundin ang lahat ng plano ni ama na pagtiisan ang babaeng pangit, ang aking magiging asawa. Bago natapos ang araw ding iyon ay ikinasal kami sa pakiusap na rin ng hari.
"Ngayong kasal kana, isa nalang ang kulang, ang iyong tagapagmana. Kapag may anak kana ay pwede nating ipatapon Ang pangit mong Asawa sa malayo kaya pilitin mong magkaanak kayo ng maaga."
"Gaya nag pagpapatapon ninyo sa aking Ina?"
"Oo dahil Yun Ang nararapat!"
"At sa tingin mo makakaya kong sumiping sa pangit na yon?" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Bakit hindi? Nakaya ko nga sa nanay mo noon dahil despirado na akong magkaanak bakit hindi mo kaya?"
Pag sapit ng gabi ay galit na galit akong pumasok sa kwarto ni Luha at nakita ko itong nakahiga at nakatalikod. "Tumayo ka diyan dahil may pag uusapan tayo." Biglang bumangon ang babae at tahimik na umupo sa harapan ko. "Bakit pumayag kang pakasal sa akin?"
"Dahil sa utang ng aking tiyahin ako ang pinambayad. Hindi ko pinangarap na maging asawa mo, patawad."
Dahil sa naging sagot niya ay mas lalong nag-aalab ang puso ko sa galit. Hindi ko matanggap na kahit ang pinakapangit na babaeng kaharap ko ay wala Rin palang planing pakasalan ako na kung hindi siya pinambayad utang ay malabong may papatol sa akin.
"At tingin mo naniniwala ako sayo?"
"Yun ang tunay at wala akong makukuha kung magsisinungaling ako."
"Bakit hindi ka umayaw?"
"Anong silbi ng pagtutol  ko kung wala ring mangyayari."
"Alam kong kilala muna ako."
"Patawad pero wala po akong alam ng kahit ano sa inyo."
"Ano? Nagbibiro kaba?"
"Kamahalan, ako po ay nakatira sa hangganan ng palasyo malapit sa gubat. Simula ng mamatay ang aking ama ay hindi na ako maka luwas ng bayan kaya wala akong alam sa mga balita ng palasyo."
"Sige magpapakilala ako. Isa akong mabangis na leon. Marami na akong napatay sa digmaan. Masakit akong magsalita at ayoko sa mga babae lalo na sa pangit."
"Naintindihan ko po na ayaw ninyo sa kagaya ko. Pero dapat niyo rin pong maintindihan, kung hindi lang ako ginawang pambayad ay wala ako dito sa harapan ninyo. Ni sa panaginip po ay hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawang hari."
"Napakatapang mo naman na sagutin ako! Hindi kaba natatakot sa akin?"
"Patawad kong hindi ninyo gusto ang aking papanalita. Ako'y nag sasabi lamang ng katotohanan. Isa pa huh, para sa akin, hindi naman nakakatakot ang hitsura ninyo."
"Alam mo ba ang mangyayari ngayong gabi?"
"Alam ko po kamahalan."
"Isipin palang na katabi kita sa kama nasusuka na ako sa pagmumukha mo. Paano pa kaya ang yakapin ka at gawin ang katawan nating isa?"
Kita Kong natigilan si Luha sa masakit na salita na aking binitiwa gayun paman ay matapang niya parin akong sinagot.
"Pwede naman pong wag niyo akong tingnan. Huwag n'yo na isipin kung anong mangyayari. Ang isipin ninyo ay kailangan mabuntis ninyo ako para maging hari kayo. Yun naman ang importante diba? Ang korona. Tungkulin mong gawin ang nararapat at tungkulin kong gampanan ang trabaho ko bilang asawa mo."
"Hindi ko kaya!"
"Mukha lang ang pangit sa akin kamahalan. Ang katawan ko ay buo at hindi kasing pangit ng nakikita ninyo."
Tumayo ako at binigyan ko siya ng piring at inutusan ko siyang takpan ang mata niya. "Huwag Kang magkamali g sumilip kung di papatayin kita!"
***
Gusto kong umiyak at tumakbo habang nakahiga Ako at hinihintay ang hari  na makaniig pero alam niyang wala siyang matatawag na kakampi kaya kailangan niyang maging matatag. "Ina... nalulungkot ako sa sinapit ng buhay ko. Pero isipin kong magkakaanak ako ay napakasaya ko. Dahil may kakampi na ako at hindi na ako mag iisa at malulungkot."
Unti-unti Kong naramdaman ang mainit na palad ng hari na unti-unti tinangal ang pagkaka buhol ng tali Ng aking kasuotan. Natigilan ito sandali dahil  naramdaman marahil nito ang panginginig ko.
"Huwag kang matakot. Wala pa akong pinatay sa kama. Sa katunayan, ikaw din ang una ko kaya kinabahan din ako."
Biglang akong napangiti dahil tila nag-iba Ang pakikitungo nito sa akin, kasi ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Kaya ng tuluyang na niyang matanggal ang damit ko ay naramdaman ko ang kagaspangan ng palad nito sa aking balat isama pa ang dala nito bolta-boltahing kuryente na nagpapainit sa akin. Nang sumayad ang labi nito sa labi ko ay biglang nakakita siya ng liwanag at kislap ng bituin habang nakapikit sa ilalom Ng piring. Hindi niya napigilang haplusin ang mukha ng hari na walang maskara.
"Siguro ang gwapo mo." Ani sa isip niya habang patuloy na nalulunod sa sarap ng hatid ng bawat haplos at halik ng hari. "Diba dapat maiyak ako dahil hindi ko gusto ang ganito? Bakit wala akong makapang pagtutol? Bakit parang gusto din ng katawan ko ang nararamdaman ko."
Nang tuluyan nilang pag-isahin ang kanilang katawan ay kapwa sila sabik na sabik sa isat-isa. Kapwa nila habol ang kanilang hininga. Hindi sila huminto haggang hindi sila nakarating sa kaluwalhatian.
***
"Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko, nasaan ang pandidiri ko kanina? Bakit para akong baliw sa kanya at tila isang hayok sa laman. Bakit hindi ko mapigil ang aking sariling huwag siyang halikan at hawakan?"
Tumayo ako na gulong gulo Ang isipan. Marami siyang tanong at nalilito siya sa na tuklasan niyang Tama ito, Mukha lang Ang pangit sa kanya pero Hindi Ang katawang sandaling nagpapabaliw sa akin na tila ginagayuma ako.
"Aalis kana?"
Tiningnan ko siyang nakahiga at tanging manipis na kumot ang suot. Hindi niya parin tinggal ang piring. Madilim tanging buwan lang ang nagsisilbing tanglaw. Pero ang nararamdaman kong init ay hindi parin na wala. Isa lang ang alam ko. "Gusto ko pa siyang kapiling!" Hindi ko na siya sinagot at binalikan ko na siya sa kama at hinalikan. Pag dikit palang ng katawan namin ay parang sasabog na ako.
"Akala ko ba aalis kana." Ani ng naguguluhang si Luha.
"Dito ako matutulog. Kung magising ka bago ako huwag mong tanggalin ang piring mo at gisingin mo ako. Ayokong makita mo ako na wala ang maskara."
"Naiintindihan ko kamahalan."
"Huwag ka ring mag-isip ng kahit ano pagkatapos nito. Sisipingan lang kita para masiguro na magiging hari ako."
"Alam ko."
"Huwag ka ring mahulog sa akin."
"Naintindihan ko po, hindi po Ikaw ang lalaking papangarapin ko kaya malayong mahulog ang loob ko sa Inyo."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    Amada Aljur

    napaka sarapp SA pakiramdam na mag withdraw araw² kaya mag download na kayo libre nmn

    12h

      0
  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด