logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Ikaanim na Kabanata

Kaagad kong inilayo ang aking kamay mula sa pagkakahawak at yumuko.
"Kamahalan"
"Ako nga ang mahal na hari.."
Napalunok ako. Hindi ko mahanap ang tamang salita gayong nasa harap ko ito.
"Ngayon, sabihin mo na sakin ang natuklasan mo.."
Nanginginig kong pinigilan ang aking parehong kamay. Malakas ang aking kaba't hindi ko alam ang gagawin.
"Hindi ko ikakagalit ang sasabihin mo.." anito ng nakangiti kaya mas lalo lamang nitong nadaragdagan ang halo-halong emosyon ko.
"Mahina na po ang puso niyo..."
Pilit itong ngumiti, "Ilan nalang ang natitirang oras ko?"
Matagal bago ko nagawang magsalita ulit, "Hindi ko sigurado, pero satingin ko'y isang taon. Kung mapapangalagaan ang kalusugan niyo'y pwedeng higit pa riyan, kamahalan."
Ngumiti ito, "Salamat.."
Natigilan ako, "P-po?"
Umiling ito, "Magmula sa araw na ito'y tungkulin mo ng pangalagaan ang kalusugan ko. Ayos lang ba?"
Napalunok ako. Bakit niya ako tinatanong kung ayos lang? Siya ang hari't dapat ginagamit niya ang kanyang awtoridad. Nakakainis at umaakto siyang mabait.
Hindi ko pinahalata ang inis na nararamdaman at yumuko na lamang.
"Masusunod po, kamahalan."
----
Pumunta ako sa ilog para sana makalanghap ng sariwang hangin at magpakawala ng inis ng makita ko ang prinsipe. Nakatitig ito sa mga nagkikislapang mga paru-paro. Naalala ko tuloy ang huling beses na narito ako kasama siya. Ayokong maalala ang mga oras na iyon.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo ng magsalita ang prinsipe.
"Binibining Roque,"
Natigilan ako ng tawagin niya akong binibini. Dahan dahan akong humarap sakanya ng mapagtantong isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa. Napatitig ako sa kabuuan niya at pinakatitigan ang kanyang mga mata.
Ibig sabihin ay hindi siya ang may sakit, kundi ang hari. Pero sa anong dahilan at kailangan nilang ipalabas na ang prinsipe ang may sakit?
"Kumusta ang aking Ama?" Anito ng puno ng pag-aalala.
"Nagpapahinga na siya.."
Nakahinga ng maluwag ang prinsipe at muling dumako ang tingin sa ilog. Marahil dahil sa pag-aalala niya sa mahal na hari ay nais niya rin makalanghap ng sariwang hangin kaya siya naririto. Kabaliktaran ng dahilan niya ang dahilan ko.
"Anong pangarap mo?"
Natigilan ako sa tanong ng prinsipe. Nanatiling wala saakin ang patingin nito. Gusto kong sabihin na pangarap kong magtagumpay sa paghihigante ko pero hindi pwede.
"Pangarap kong maging isang kilalang manggagamot na may taglay na husay sa paggagamot. Nais kong makatulong at maggamot ang mga may sakit. Gusto kong ako ang lapitan nila pag nahihirapan sila. Gusto kong gamutin ang sugatan nilang katawan at damdamin. Sasamahan ko sila sa hirap at tutulungan ko silang makaginhawa."
Ang pangarap na aking binanggit ay hindi ko pangarap kundi ng taong espesyal sakin.
Nang lingunin ko ang prinsipe ay nakatitig na ito sakin ng may ngiti sa labi na unti-unti ring nabura.
"Matutupad ang pangarap mo." Aniya kaya natigilan ako. "Magiging kilala kang manggagamot pag nagtagumpay kang maggamot ang mahal na hari. Ngunit pag nangyari iyan ay hindi mo magagamot ang mga tao sa labas ng palasyo. Kundi tanging ang maharlikang pamilya lamang."
Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko'y nauulit na naman ang nangyari sa nakaraan. Minsan ding pinapili ang taong kilala ko tungkol sa bagay na ito ngunit hindi ko gagayahan ang pinili niyang landas. Dahil ang landas na pinili niya ay nagtapos sa kamatayan.
"Mas pipiliin kong maging isang kilalang manggagamot at paglingkuran ang maharlikang pamilya."
Napansin ko ang pagkabigo sa itsura ng prinsipe. Parang may hinangad siyang sagot na bigo siyang marinig.
"Matutupad iyan pag magustuhan ka ng hari bilang mangangamot ng palasyo. Pag nangyari iyan ay ikaw ang pinakabata at pinakaunang babaeng naging manggamot ng palasyo."
Ngumiti ako ng pilit sa sinabi ng kamahalan. Kung ibang tao lang ang makakarinig nito ay matutuwa sila. Ngunit hindi ko magawa iyon dahil hindi ko naman talaga hangad ang maging tanyag na manggagamot.
"Ikaw kamahalan, ano po ba ang pangarap niyo?" Tanong ko ng may ngiti sa labi.
Alam kong hindi tamang tanungin ang prinsipe dahil isa lamang akong hamak na manggagamot. Pero sa isang tulad kong may tinatagong motibo ay hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito.
"Ang lakas ng loob mong magtanong sakin.." hindi makapaniwalang anito kaya nagtaka tuloy ako. Imbis na magalit siya ay nakitaan ko pa ng paghanga ang kanyang mga mata. "Ngayon lang may naglakas ng loob na magtanong sakin tungkol sa pangarap ko."
Yumuko ako na animong nagsisi sa aking tinanong, "Pasensya na po, kamahalan."
Upang hindi mahalatang may ibang motibo ako ay kailangan kong magpanggap na mahina. Dahil kung sino ang magaling magpanggap ay siya ang panalo.
Natigilan ako ng hinawakan ng prinsipe ang aking baba at unti-unting inangat mula sa pagkakayuko. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa.
DUG.DUG.DUG.
Bakit ako natatakot?
"Hindi ako galit sayo, hindi ko lang talaga magagawang sagutin ang tanong mo." Anito.
Inayos ko ang aking tayo. Kayang bantayan ng prinsipe ang mga salitang pwede at hindi pwede niyang sabihin. Hindi siya madaling maloko at iyan ang dapat kong pag-aaralan. Kailangan kong malaman ang kahinaan niya.
___
Pumasok ako sa aking silid at nag-isip-isip. Gayong mahigpit pa ang palasyo ay dapat mag-isip ako ng paraan maisasagawa ang aking mga plano. Hindi ako malayang makakalabas sa palasyo kaya hindi ko makakausap ang ministro at maging si Marco.
Nagulat ako ng may kumatok. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad si Eunuch Dom. Nakangiti ito at binigyan ako ng pulseras na may nakaukit na aking pangalan.
"Ano po ba ito, Eunuch Dom?"
"Iyan ang gatimpala ko sayo Binibini."
"G-Gantimpala?"
"Oo, naniniwala akong isa kang mahusay na manggagamot kaya naman binibigyan kita ng isang gabi upang magliwaliw. Pyesta ngayon sa bayan kaya naman ay magpakasaya ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang tuwa at napayakap kay Eunuch Dom na ikinagulat nito.
"Maraming salamat po talaga... Sobrang saya ko Eunuch Dom.. Masayang masaya.."
Tawa ng tawa si Eunuch Dom, "Mukha ngang masaya ka binibini, kaya mauna na ako sayo."
"Sige po, ingat kayo!" Ani ko at kinawayan pa ito paalis.
Nawala ang aking ngiti ng makita mula sa di kalayuan ang prinsipe na hindi maguhit ang mukha. Gusto ko sanang mainis pero ayokong masira ang saya ko ngayon. Agad kong sinarhan ang pinto saaking silid at nagtatalon sa tuwa.
Kung siniswerte nga naman ay nabigyan pa ako ng pagkakataong makausap mamaya ang ministro. Kailangan naming pag-usapan ang plano sa pagpapatalsik ng maharlikang pamilya habang hindi pa binabawian ng buhay ang mahal na hari.
Kumuyom ang aking kamao ng hindi ko namamalayan.
THIRD PERSON'S P.O.V.
Lumubog na ang araw pero dahil sa iba't ibang pailaw ay hindi halatang madilim ang kalangitan. Maingay ang bayan ng Almario at maraming nagsikalat na mga tao. May mga patugtog at palabas. Maraming bumibili ng panindang palamuti at pampaswerte. Malalanghap rin ang masasarap na amoy ng pagkain. May magkakasamang pamilya at magkasintaham. Maraming masaya't nakangiti.
Nakangiting pinagmasdan ni Lili ang paligid. Masaya siya sa kanyang nakikita. Isang napakagandang tanawin para sakanya ang makitang nakingiti ang mga tao ng Almario. Nang pagmasdan naman niya ang kalangitan ay nawala ang kanyang ngiti.
Dahil sa mga parol ay nabigyang liwanag ang madilim na kalangitan. Ang madilim na kalangitan na kanyang itinuring kalayaan. Kalayaan sa paggalaw at paglabas ng tunay na siya.
"Alam mo bang mas maraming krimen ang nagaganap sa gabe, Binibining Lili?"
Napalingon si Lili ng marinig ang pamilyar na boses.
"Marco.."
"Hayaan mong bantayan kita upang ikaw ay hindi mapahamak."
"Kaya kong protektahan ang sarili ko."
"Ngunit hindi ka kayang protektahan ng maskara mo."
Napatitig si Lili kay Marco. Noon pa man ay handang protektahan ni Marco si Lili. Hindi man hilingin ni Lili na protektahan siya nito ay kusa itong sasama sakanya upang mabantayan siya.
Maliban sakanyang ama ay si Marco lamang ang tanging lalaking kilalang kilala siya. Mula sa mga bagay na nagpapasaya at nagpapalungkot sakanya. Magtago man siya ay mahahanap siya nito. Mapahamak man siya ay ipagtatanggol siya nito.
Si Marco ang tipo ng lalaking hihilingin ng lahat ng kababaehan.
"Nais kong makausap si Ama."
Tumango ang heneral at sinabayan siya sa paglakad.
Habang naglalakad sa gitna ng maraming tao ay natigilan si Lili ng makitang natigilan si Marco. Nakatitig ang binata sa hindi kalayuan kung saan naroon ang kapatid ni Lili na si Cris. Nakangiti si Cris habang nakatingin sa nagkikislapang mga parol sa langit at kasama naman nito si Ton na abala naman sa pakikipag-usap.
Nang muling tingnan ni Lili si Marco ay may kausap na itong tindera. Hawak hawak nito ang isang kwintas na binili niya. Napangiti si Lili ng mapagtantong ibibigay ito ni Marco kay Cris.
"Lili!"
Napalingon si Lili sa malakas na boses ni Ton. Natawa pa siya dahil kahit marami at maiingay ang mga tao ay mas maingay parin itong si Ton. Hila hila nito si Cris na nakatitig narin kay Marco na hanggang ngayon ay kausap parin ang tindera.
"Nandito karin pala.." Nakangiting ani ni Ton at napatingin kay Marco at bumalik ang tingin kay Lili. "Wag mo sabihin magkasama kayo ngayon ni Marco? Yiiee"
Agad dumepensa si Lili ng akmang susundutin ni Ton ang kanyang tagiliran. Ang laki ng ngiti nito, ngiting nang-aasar. Naiilang tuloy si Lili ng napatingin kay Cris na siguradong naiinis narin. Matagal niya ng gusto si Marco kaya siguradong nasasaktan siya sa ginagawang pang-aasar ni Ton kay Lili.
Pagbalik ni Marco ay natigilan siya na animong hindi niya inaasahang kasama na ni Lili ang dalawa. Agad nitong itinago ang kwintas sa kanyang likuran pero huli na dahil nakita na ng tatlo iyon.
Inakbayan ni Ton si Marco na animong malapit na magkaibigan. "Nakita na naming tatlo ang kwintas na iyan, kaya ibigay mo na sa nais mong pagbigyan."
Naiilang na tinignan ni Marco si Cris at agad ba napaiwas ang tingin. Nais niya talaga itong ibigay kay Cris pero nauunahan siya ng hiya.
Napangiti naman si Lili dahil sa pamumula ng mukha ng kaibigang si Marco. Habang si Cris naman ay iniwas din ang tingin na animong naiiling, nahihiya at kinikilig sa sitwasyon. Yung paraan ng pagtitig ni Marco sakanya ay binigyan niya ng kahulugan. Umaasa siyang para sakanya ang kwintas.
Hinila ni Lili si Ton para mabigyan ng sandali ang dalawa. Kailangang makapag-usap ng dalawa sa gabing ito. Ito ang pagkakataong parehong hinihintay ni Cris at Marco. Pagkakataong umamin sa totoong nararamdaman sa isa't isa.
Aalis na sana si Lili habang hinihila palayo si Ton ng may pumigil sa kabila niyang braso. Dahan-dahan siyang napatingin sa kamay ni Marco na nanlalamig at pinagpapawisan. Sobra itong kinakabahan na parang ito ang unang beses na aamin siya sa nararamdaman niya sa isang babae, na totoo naman talaga.
"Para sayo 'to, Lili."
Natigilan si Lili at nag-aalalang tumingin kay Cris na napatingin sa kalangitan na animong pinipigilan ang pagtulo ng luha.
"Marco.." Aning Lili nang may nagtatakang tingin.
"Hindi man lang kita nabigyan ng regalo simula ng dumating ka kaya nang makita ko ang kwintas na ito, naisip kita."
Natutuod na napatitig si Lili kay Marco na sinusuotan siya ng kwintas. Nanatiling kalmado ang awra nito ngunit ang mga kanay nito ay nanginginig. Hindi siya makapaniwalang ang matapang at magiting na si Marco ay walang takot na sumusugod sa digmaan, pero nanginginig sa pag-amin lang ng nararamdaman.
Habang nakatitig kay Marco ay dumiretso ang kanyang paningin sa likuran. Nakita nito ang mahal na prinsesa na ikinagulat niya. Bago pa tumama ang tingin nito sa kanila ay inilayo niya ang kanyang sarili kay Marco.
Naiilang na ngumiti si Lili. "Kailangan ko na palang bumalik sa palasyo."
"Huh? Ang bilis naman, Lili. Pwede namang bukas nalang umuwi eh." Aning Ton.
"Hindi! May pinapagawa pa sakin si Eunuch Dom."
"Samahan na kita, Binibining Lili." Aning Marco pero pinigilan siya ni Lili.
"Hindi! Wag kang lalapit sakin. Wag na wag!"
"Heneral Thomas." Boses iyon ng prinsesa kaya naagaw nito ang atensyon ng tatlo.
Bago pa man makalapit ang prinsesa ay tumakbo na si Lili palayo. Nang mapatingin uli si Marco, Ton at Cris sa kinatatayuan ni Lili ay wala na ito dito.
"Nasaan na si Lili?" Tanong ni Cris.
Nagtaka rin si Marco at Ton pero hindi na ito nagtanong. Agad na yumuko ang dalawa sa harap ng prinsesa na ipinagtaka ni Cris at ginaya nalang ang mga ito.
"Kama---"
"Wag niyong babanggitin iyan pag nasa labas tayo ng palasyo."
Natigilan si Marco at Ton at tumango na lamang. Nakangiting tumingin ang prinsesa kay Marco.
"Hindi ko akalain na makikita kita rito Heneral Thomas."
"Hindi rin namin akalain na narito ka, kama-- Magandang  binibini." Aning Ton na kinikilig pa.
Nagtaka naman ang prinsesa kay Ton dahil hindi niya ito kilala pero mukhang alam nito na siya ang prinsesa.
"Mag-isa lang po ba kayo, B-binibini?" Nauutal na tanong ni Marco dahil hindi nito alam kung ano ang itatawag sa prinsesa.
Natawa naman ang prinsesa, "Binibini? Ang gandang pakinggan pag mula sayo, Marco."
Kunot ang noong tinignan ni Cris ang prinsesa mula ulo hanggang paa. Base sa mga salitang lumalabas sa bibig ng prinsesa at ang reaksyon nito sa mukha ay nasisiguro niyang may gusto ito kay Marco.
Nakaramdam siya ng inis dahil halos lahat nalang ay nagiging karibal niya kay Marco. Hindi pa nga mawala ang sakit na nararamdaman niya sa ginawang pag-amin ng lalaking gusto niya sa kapatid niya ay may isa na namang babaeng nais landiin si Marco.
"Oo nga pala, mag-isa lang ako ngayon."
"Napaka delikado, Binibini."
"Hindi na delikado dahil nariyan kana. Pwede mo ba akong epasyal, Punong Heneral?"
Napaiwas si Cris ng tingin. Walang tigil ang pagngiti ng babae. Napakaganda pa naman nito at baka mahulog sakanya si Marco. Bago pa siya madurog ay mas minabuti niyang umalis. Ngunit may kamay na pumigil sakanya. Hindi muna siya lumingon at pinigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Ton, hayaan mo akong mapag-isa." Ani ni Cris at dahan dahang nilingon ang taong pumigil sakanya. Nagulat siya ng mapagtantong si Marco ito.
"Binibini, pwede ko po bang isama ang mga kaibigan ko?"
Nawala ang ngiti ng prinsesa at napatitig sakanya at kay Ton. Makikita sa mukha nito ang pagkadisgusto.
"Bakit naman? Mapagkakatiwalaan ko ba sila?"
"Binibini, kung may tiwala kayo sakin, pagkatiwalaan niyo rin ang mga kaibigan ko." Natigilan si Cris at napatitig kay Marco. "Mabubuti silang tao."
Kailan pa sila naging magkaibigan ni Marco? Tanong ni Cris sa isipan.
Walang ibang nagawa ang prinsesa kundi pumayag nalang. Nagtataka pa siya sa paraan ng pagtingin ni Marco kay Cris. Nakasimangot itong naglakad at sinabayan ni Ton na ikinagulat ng prinsesa.
"Sino ka naman?" Masungit ba tanong nito kay Ton.
Ngumiti si Ton ng matamis. "Ako si Ton, isang Eunuch din ng palasyo. At kaibigan ni Marco, ni Cris, ni Lili, ni Mara, at ni Aboy." Tugon nito sa madilim na awra ng prinsesa. "Ama ko rin si--"
"Tumahimik ka nalang." Aning prinsesa at lumingin sa likuran.
Nakita nito si Cris at Marco na naiilang sa isa't isa. Hawak parin ni Marco ang kamay ni Cris na parang ayaw ng bitawan. Hawak man nito ang kamay ni Cris ay wala parin siyang hawak na dahilan upang umamin sa totoong nararamdaman sa dalaga.
Sa kabilang banda naman ay hingal na hingal na tumigil si Lili sa pagtakbo. "Bakit ba ako tumatakbo? Wala namang humahabol sakin."
Napaupo siya sa lupa habang habol ang hininga. "Eh ano naman kung tumakbo ako? Kailangan kong matakasan ang ganung sitwasyon. Sana naman hindi sila mag-away-away doon. Sana ayos lang ang lahat. Wala akong dapat ipag-alala, buhay pag-ibig nila iyan. Labas ako dun. Pero ang gulo naman nila! Si Ton may gusto sa prinsesa, ang prinsesa may gusto kay Marco at pati narin si Cris baliw na baliw din kay Marco. At si Marco?" Dahan dahang napatitig si Lili sa kwintas na ibinigay sakanya ni Marco. "Imposible. Nasisiguro kong si Cris ang gusto ni Marco. Pero kung ako nga ang gusto ni Marco. Sinong gusto ko? Ang gusto ko ay ang..."
"*Ehem*"
"... Prinsipe."
"Gusto mo 'ko?"
Nanlaki ang mga mata ko, "PRINSIPE?! Ang PRINSIPE?! Hindi!!!"
"Sinisigawan mo ba ako?"
"H-Hindi po k-kamahalan. Ang ibig kong sabihin... hindi kita gusto."
Hindi makapaniwalang napatitig kay Lili ang prinsipe. "Hindi pa nga kita nililigawan, tinatanggihan mo na ako?" Nagugulat na tanong nito, "At hindi rin kita gusto ano kaya wag ka umasang liligawan kita. Ang kapal ng mukha mo! Huh!.. Mataas ang pamantayan ko sa babae 'no!"
Yumuko si Lili dahil sa hiyang nararamdaman. Pahamak talaga ang sitwasyon kanina, nadadamay tuloy siya. Paano niya haharapin ang lalaking ito gayong may nakakahiya siyang sinabi dito.
"Sige iyuko mo pa ang ulo hanggang sa mahalikan mo ang lupa. Nasisiguro kong hiyang hiya kana ngayon. Sana hindi ka makatulog mamayang gabi." Anito at iniwan si Lili.
"Sa gwapo kong ito, hindi niya ako gusto?"  Naiinis na wika ng prinsipe habang nasa likuran niya si Ken Alfonso. "Halos lahat ng babae may gusto sakin, tapos ang lakas ng loob niyang sabihin hindi niya ako gusto?" Tumingin ito kay Master Ken, "Ken, tama bang sabihin na hindi niya gusto ang isang tulad ko? Isa akong prinsipe!"
Walang reaksyon ang mukha ni Ken habang nakatingin sa prinsipe. "Baka may makarinig sa inyo, kamahalan."
"Oo nga.. Pero hindi eh! Hindi tamang ang isang tulad ko ay hindi niya magugustuhan! Narinig mo naman yung sinabi niya kanina diba, na may gusto sakanya si Marco pero ako ang gusto niya. Oh diba? May dapat ba siyang ikahiya doon? Bakit niya binago? Eh narinig natin pareho na may gusto siya sa prinsipe. Walang ibang prinsipe dito maliban sa kapatid ni ama. Wag mo sabihing may gusto siya sa matanda na? Sahihin mo sakin, Ken. Sabihin mo saking mali siya! Na maling sahihing hindi niya ako gusto!"
Malakas na bumuntong hininga si Master Ken at napapailing na napatitig sa Prinsipe.
"Oh, bakit ka umiiling? Mali siya diba? Tama! Mali siya! Uyy, saan ka pupunta?"
Nauna ng naglakad si Master Ken dahil sa sobrang ingay ng prinsipe. Ngayon lang nagkaganito ang prinsipe. Hindi siya makapaniwalang nag-iingay ito dahil lang sa hindi siya nagustuhan ng isang babae.
Habang naglalakad ay may isang babae at lalaking lumapit sa prinsipe.
"Master Ken, ikaw ba iyan?" Tanong ni Aboy kasama si Mara.
Natigilan si Ken Alfonso at nagpalipat lipat ang tingin sa prinsipe at sa dalawang tao.
"Sino kayo?" Tanong niya pero tinulak lang siya palayo ni Mara.
"Master Ken, ikaw nga!" Aning Mara na puno ng galak sa mga mata.
Agad inakbayan ni Aboy ang Prinsipe na ikinagulat ni Ken. "Master Ken, halika't sumama ka saaming mamasyal."
Naiilang na ngumiti ang prinsipe, "Pasensya na pero hindi ako magtatagal at kasama ko rin ang kaibigan ko."
Napatingin ang dalawa sa tunay na Master Ken. "Kaibigan ko siya, isa siyang Eunuch."
Hindi makapaniwalang napatingin si Ken sa mahal na prinsipe.
"Talaga ba? Pare ako nga pala si Aboy at kaibigan ko naman si Mara. Eunuch karin pala, may kaibigan din akong Eunuch ng palasyo. Baka kilala mo, siya si Ton."
Sinenyasan ng prinsipe si Ken na tumango na lamang na kahit labag man sa kalooban ay sinunod niya ito.
___
Habang naglalakad ay marami ang iniisip ni Lili. Hindi niya namamalayan na ibang daanan na ang tinatahak niya. Isang madilim na daan na kukunti lang ang ilaw at mga bahay. Wala ring tao kaya tahimik.
Natigilan siya ng makarinig ng mahinang kaliskis. Kaagad siyang nagtago sa isang malaking puno at pinagmasdan ang mga taong nakaitim ang mga suot. Mula sa damit, pantalon, bandana at takip sa mukha. Lahat rin ito ay may dala dalang espada. Hindi bababa sa dalawampu ang kanilang bilang.
Nang dumaan ang dalawang lalaki ay mas isiniksik niya ang kanyang sarili.
"Nasa bayan ngayon ang prinsipe kaya siguraduhin niyong makukuha niyo siya, maliwanag?!
"Masusunod, boss!"
"Wag niyo muna siyang patayin, dahil si Master ang gagawa nun."
Natigilan si Lili sa narinig. Ibig sabihin ay ang prinsipe ngayon ang target nila. Ngunit sino naman kaya ang master na tinutukoy ng kalalakihan?
Maglalakad na sana muli si Lili ng matigilan siya. Ayaw niyang ipagtanggol ang prinsipe laban sa mga taong iyon hindi dahil nag-aalala siya dito. Kundi dahil gusto niyang siya mismo ang pumatay dito.
Si Lili ang tipong hindi papayag na matalo sa laban. Alam niya sa sarili niyang ang kalaban niya mismo ay ang maharlikang pamilya. Pero sa pagkakataong ito ay may kakompetensiya siya.
Kung ang prinsipe ang medalya, gagawin niya ang lahat makuha lang ito. Siya mismo ang tatapon at susunog ng medalyang inabot niya.
Parang hangin na tinalon ni Lili ang puno at bubong ng mga bahay. Maingat niyang pinagmasdan ang paligid at siniguradong walang nakakita sakanya. Pumasok siya sa isang sirang kubo at di nagtagal ay lumabas siyang nakaitim na damit na. May suot na kulay pilak na maskara at dala dala ang matalim na espada.
___
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Mara kay Master Ken ngunit hindi siya kinibo nito.
"Master Ken, hindi kaba lumalabas na kasama ang prinsipe?" Tanong ni Aboy sa prinsipe.
Lumapit si Ken sa prinsipe at binulungan ito. "Mapagkakatiwalaan po ba natin ito, kamahalan?"
Ngumiti ang prinsipe at tinapik ang balikat ni Ken. "Oo naman."
Natigilan sila sa paglalakad ng may lumamit na umiiyak na lalaki.
"Tulungan niyo ako, ang mga anak ko nasa loob ng gubat. Hindi ko sila makita, nag-aalala ako baka atakihin sila ng mga ahas at baboy ramo." Aning lalaki at lumuhod pa.
"Kung may ahas at baboy ramo sa loob, bakit ka humihingi samin ng tulong? Paano kong kami ang atakihin?" Aning Aboy kaya binatukan siya ni Mara.
"Kuya, tutulungan namin kayong hanapin ang mga anak niyo."
"Baliw kaba Mara?" Reklamo ni Aboy.
"Naku salamat naman.. mag-iingat kayo.."
"Mukhang natatakot na kayo manong. Dito ka nalang at hintayin mo kami." Aning prinsipe kaya pinigilan siya ni Master Ken.
"Hindi pwede. Hindi namin alam kung saan ang daan na tinahak ng mga anak mo. Kailangan mong sumama." Aning Master Ken na puno ng lamig ang awra. Wala itong tiwala sa lalaki.
"Eunuch.." Aning Prinsipe pero pinigilan siya ni Ken.
"Gampanin mong protektahan ang Prinsipe, Master Ken. At bilang isang Eunuch, proprotektahan rin kita. Dahil pag mawala ka, simong proprotekta sa kamahalan?" Matiim na tanong ni Master Ken sa prinsipe.
"Woah.. ang astig mo.." Nakangiting ani ni Mara kay Ken.
Pumasok sila sa madilim na gubat. Nakalayo layo na sila pero hindi parin nila mahanap ang mga bata. Takot na takot na si Mara at minsan ay napapayakap pa kay Ken. Si Aboy naman ay nagmamasid sa paligid sa takot na baka may sumulpot na mga hayop at atakihin sila. Habang si Master Ken naman ay malakas ang kutob na isa lamang itong patibong. Ganun rin ang iniisip ng prinsipe, at sa loob loob ay nagsisisi siyang isinama si Mara at Ton sa delikadong gubat ba ito.
"Nasisiguro mo bang sa gubat nga pumasok ang mga anak mo?" Tanong Ken at inihahanda na ang espada sa kanyang tagiliran. "Mga hayop ba ang aatake samin ngayon, o mga taong may isip hayop?"
Natigilan ang lalaki. "Narito lang sila, nakita ko sila." Nanginginig na anito at maya maya lang ay tumawa ito ng pagkalakas lakas.
Napakapit si Mara kay Ken na siya namang pumuprotekta sa Prinsipe. Dahan-dahang pumulot ng bato si Aboy at pinakiramdaman ang paligid.
Dahan dahang humarap ang lalaki at kahit madilim man ay ramdam parin ng lahat ang nakakatakot na ngisi nito. "Kamahalan!!!!" Sigaw nito.
"K-kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Mara.
"Sino sa inyo ang Prinsipe?!" Tanong nito kaya napatingin si Aboy at Mara kay Heneral Alfonso.
"Ikaw ba ang prinsipe?" Tanong ni Mara kay Master Ken.
Binulungan ng prinsipe si Master Ken, "Protektahan mo si Aboy at Mara."
Natigilan si Heneral Alfonso, "Hindi ko magagawa iyan."
"Unahin mo sila bago ako, utos ko iyan."
Napakuyom ang kamao ni Master Ken at umiwas ng tingin. Ayaw niyang may inuunang iba maliban sa Prinsipe.
"Apat tayo dito, wag kayong dalawa lang ang magplano." Aning Aboy. "Hindi ko alam kung may Prinsipe nga sa inyong dalawa. O baka naman ako ang tinutukoy nila, Prinsipe ng kagwapuhan. Pero wag kayong mag-alala, proprotektahan ko kayo. Baka hindi niyo alam, ako ang Punong Heneral sa hinaharap."
"May mga tao rin sa paligid, maging maingat tayo." Aning Prinsipe.
"Kaya ba natin 'to?" Naiiyak na ani ni Mara.
"MAGSALITA KAYO! DAHIL KUNG WALA AY LAHAT KAYO AY MAMAMATAY!!!"
Nagsilabasan ang grupo ng kalalakihan at pinalibutan silang apat. Lahat ito ay may dalang espada.
"Unahin na natin ang babae." Aning isa na tinutukoy si Mara.
"Ako? Ayoko! Maawa kayo sakin!" Aning umiiyak na si Mara.
Nang sumugad ang isa ay saka na kumilos si Heneral Ken. Mabilis niyang hinila palapit sakanya si Mara at pinatumba ang isa. Kinuha ni Heneral Ken ang espada at ibinigay ito sa Prinsipe. Nagkatinginan ang grupo ng kalalakihan at sabay sabay na sumugod. Pinagbabato ni Aboy ang kalalakihan at ng may matumba ay inagaw nito ang espada.
Mahusay sa paggamit ng espada si Master Ken at talagang bihasang bihasa ito. Si Aboy naman ay halatang nakapag ensayo ng mabuti dahil magaling din siyang dumepensa. At syempre ang Prinsipe rin ay mahusay at mabilis sa pagdepensa at paggalaw ng espada. Napakahusay nito at alam na alam kung saan dapat tatama ang espada sa katawan ng tao.
Isang madugong labanan ang nangyari sa gitna ng kagubatan. Ngunit kahit ilang tao pa ang mapatumba nila ay mas marami paring bilang ng kalalakihan ang dumadagdag.
Hinila ni Master Ken si Mara at itinago sa malaking bato. Ibinigay nito ang isang espda sa dalaga. "Wag kang maingay. Mag-ingat ka. Protektahan mo ang sarili mo at pumatay ka kung kinakailangan." Aning Master Ken at aalis na sana ng hawakan nito ang kanyang kamay.
"Mag-iingat kadin, Master Ken." Nag-aalalang ani ni Mara na ikinatigil ni Master Ken.
Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng umiiyak habang sinasabing mag-iingat siya. Agad siyang bumalik nang makita ang parang isang hangin sa bilis kumilos ng taong nakaitim rin lahat ngunit ang pinagkaiba nito ay kulay pilak ang maskara nito.
Mabilis na pinatumba ni Mask Princess ang mga kalalakihan. Nagulat man ang lahat sa bagong dating ay pokus ang mga ito sa kanya kanyang kaaway. Nakikipaglaban ang Prinsipe sa isang lalaki kaya hindi niya namalayan ang isang lalaking akmang papatayin siya ng ipinalipad ni Mask Princess ang espada at saktong tumama ito sa puso ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ng Prinsipe ng sa nasaksihan. Sumuka ng dugo ang lalaki at babagsak na sana sa prinsipe ng nanatili itong nakatayo. Umatras ang katawan ng lalaki kaya akala niya ay buhay pa ito kaya laking gulat niya na sa pagbagsak nito ay bumungad si Mask Princess na siyang kumokontrol sa katawan ng lalaki.
Napalunok ang Prinsipe sa ginawang pag-apak ni Mask Princess sa likod ng lalaki at marahas na kinuha ang espadang nakabaon sa likod ng lalaki.
Isang nakakahabag na tensyon ang pumagitan sa kanila. Kung nagawa pang magbiro kanina ni Aboy kahit alam niyang maraming tao ang aatake sa kanila. Mas lamang parin ang takot na nararamdaman niya gayong mag-isa na lamang ito.
Pinagmasdan ni Ken ang paligid. Pag-alis niya kanina upang ilayo si Mara ay marami pa ang kalalakihan ngunit paano nagawang mapatumba ng taong may maskara ang lahat ng ito sa isang iglap lang? Lahat ay nakahandusay at wala ng buhay.
Pinatay niya ang taong nagtangka sa buhay ng Prinsipe pero wala siyang makitang dahilan na nais ngang ipagtanggol ng taong ito ang Prinsipe. Sa marahas na pagpatay nito sa kalalakihan ay nasisiguro niyang isa rin itong kalaban.
Malamig na nakatitig si Mask Princess sa mahal na Prinsipe. Puno ng galit at pagkamuhi. Natatago man ang mukha nito dahil sa maskara ay makikita parin ang mga mata nitong puno ng kalungkutan ngunit binalot ng kapootan.
"Sino ka?" Tanong ng Prinsipe.
Nasisiguro niyang hindi magandang senyales ang pagtatanggol ng taong ito mula sa mga kalalakihan kanina. Isa itong senyales na mas nakakatakot pang kalaban. Paano nito nagagawang gumawa ng tensyon gayong mag-isa lang siya?
Dahan dahang lumapit si Mask Princess kaya hindi maiwasang matakot ng Prinsipe. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Pero bilang isang Prinsipe ng Almario ay hindi siya pwedeng magmukhang mahina. Hindi siya umatras kahit lumalapit na ito sakanya.
"Wag kang lalapit sakanya kung gusto mo pang mabuhay!" Sigaw ni Ken na puno ng otoridad ngunit natinag si Mask Princess.
Ngumisi lamang ito at hindi man lang kakikitaan ng kaba at takot.
"Wag mo siyang sasaktan, ako nalang ang patayin mo." Aning Aboy pero hindi siya pinakinggan ni Mask Princess.
Ipinalipad ni Master Ken ang kanyang espada patungo sa Mask Princess ng agad itong dumepensa at marahas na hiniwa sa dalawa ang espada ni Master Ken na ikinagulat ng lahat. Gawa sa metal ang espadang iyon kaya hindi sila makapaniwalang mahahati ito sa dalawa.
Sa isang mabilis na kilos ay nasa leeg na ng Prinsipe ang espada ni Mask Princess.
"Sino ka?! Bago mo ako kitilan ng buhay, magpakilala ka."
"I am the Mask Princess."
Kumunot ang noo ng Prinsipe.
"Tell me your weakness." Malamig na anito. Pamilyar ang boses niya, iyon ang iniisip ng Prinsipe.
Nanlaki ang mata ng Prinsipe at napatitig sa babaeng may maskara.
"Ikaw..."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (29)

  • avatar
    Tisoy Mandeoya Laquip

    thank you

    13/07

      0
  • avatar
    Kristen Talaban

    It's good

    10/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Nice one

    24/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด