#TOE Chapter 4 "Eat lunch with me, Solaire," seryoso niyang sabi na muntik ko nang ikatawa. Napaisip ako. Parang gusto ko siyang pagtripan at pagastusin ng marami pero hindi naman ganoon kakapal ang pagmumukha ko para gawin siyang bangko. Tumaas ang kilay ko at lihim na napangisi sa seryoso niyang mukha. "Ayoko," sagot ko. Kumunot ang noo niya. "What?" Ngumisi ako. "Ayaw kitang kasamang mag-lunch," ulit ko bago hinila ang kaklase ko at tumakbo palabas ng building nila. Nang makalabas ay hinayaan ko na ang kaklase ko at nagpaalam na dahil didiretso na ako sa cafeteria para kumain kasama ang dalawa kong kaibigan. Ang sabi ko kasi kanina ay mauna na sila tapos sunod na lang ako. Dahil malaki ang Claude at wala pa akong dalang payong, halos maligo na ako sa sarili kong pawis nang makarating ako sa cafeteria. Ang dami pang estudyante kaya nahirapan pa akong pumasok at hanapin kung saang lupalop ang dalawa kong kaibigan. Napangiti ako nang mahagilap ko si Emily na kumakaway mula sa table sa hindi kalayuan. Sinenyasan ko siya na oorder muna ako at nag-thumbs up naman siya. Dalawang fresh lumpia, dalawang dynamite, at rice ang binili ko. Habang sa softdrinks ko naman ay orange juice ang napili ko. "Ba't ka natagalan?" bungad na tanong ni Anna nang makaupo ako sa harap niya, sa katabing upuan ni Emily ako umupo. "Mahaba ang pila," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin, bakit ka natagalan sa Medical department?" tanong niya ngunit may halo nang pang-aasar. Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin ang mga tukso nilang dalawa ni Emily. Naikuwento ko rin sa kanila ang ganap kanina, kung paano ako inaya ni Terrell na mag-lunch kasama siya at kung paano ako tumanggi. "Seryoso ka ba? Nahihibang ka na ba? Bakit mo naman tinanggihan?" nanlulumong tanong ni Emily. Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong rason para makipag-lunch sa kanya. At isa pa, hindi rin naman kami close para sumama ako sa kanya." "Sus. May iba ka lang atang rason kung bakit ayaw mong makipag-lunch kay Terrell," nanunuyong sabi ni Emily. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wala na 'no, naiinis lang talaga ako dahil sa ginawa niya kanina." "Weh? Yung totoo, bakit mo tinanggihan?" tanong ni Emily. Tumawa si Anna. "Bakit nga ba?" "Wala nga! Ang kukulit niyo talaga," pagtanggi ko dahil wala naman na talaga akong iba pang rason maliban sa galit ako sa kanya kaya gusto ko siyang bawian gamit ang pagtanggi sa alok niya. "Ano ka ba, Emily. Paanong maglalaan ng oras yan kay Terrell eh kay Phoenix ata tumatakbo ang mundo niya." nakangising asong sabi ni Anna. Kinuha ko ang orange juice ko at uminom. "Hindi ko nga sabi gusto si Phoenix." Hindi na ako nakipagbangayan pa sa dalawa. Sa kulit nila ay malamang hindi sila maniniwala sa kahit anong sasabihin ko. At isa pa, nang dahil sa pagbanggit ni Anna sa pangalan ni Phoenix ay bigla kong naalala si Phoenix. Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Kumusta na kaya siya? Matawagan nga mamaya. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa classroom. Muntik pa kaming ma-late sa susunod naming klase. Ang bagal kasi nilang dalawang kumain at nagkukwentuhan pa kami kaya natagalan talaga kami. Ilang araw na ang lumipas at ganoon pa rin ang mga nangyayari. Halos paulit-ulit lang naman ang mga ginagawa ko sa pang-araw-araw. Gumigising ako ng 5:00 am para maghanda at maligo tapos kailangan 7:00 am ay nasa Claude na ako. Maaga kasi nagsisimula ang sched ng Claude. Wala kaming pasok ngayon sa kadahilanang public holiday ngayon kaya andito ako sa mall at naghahanap ng librong bibilhin dito sa NBS. Hilig ko ang magbasa ng mga nobela at dito ako sa NBS bumibili. Nang mahanap ko na ang librong gusto kong basahin ay nilagay ko na ito sa cart ko bago ako dumiretso sa Pens & Pencils Section. Napangiti ako nang matagpuan ko ang purple na ballpen na gusto kong bilhin noong nakaraan pero hindi pumayag sila Emily at Anna dahil masyado raw itong pambata. Nilapitan ko ito at akmang kukunin na nang may biglanh kumuha. Kunot noo kong tiningnan ang babaeng kumuha ng ballpen at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ko kung sino ito. Nahalata niya ata ang pagtitig ko sa ballpen at sa kanya kaya napatingin na rin siya sa akin. "You want this pen?" mahinhin niyang tanong. Napatingin ako sa ballpen nang inangat niya ito. Gusto ko talagang bilhin yung ballpen pero tutal siya naman ang nauna, pwede ko namang ibigay na lang sa kanya yun. "Oo sana pero ayos lang naman, marami pa namang ballpen dito," tugon ko at nginitian siya ng tipid. Tumango naman siya at ngumiti rin. Grabe, totoo nga ang sinabi ni Anna. Ang ganda pala talaga ni Stella kapag malapitan. Ngayon lang ako nakalapit sa kanya at ang masasabi ko lang ay sobrang ganda niya. Para siyang anghel. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang ballpen. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Ayos lang talaga--" Nilingon niya ako at nginitian. "Don't worry, it's for my younger sister. I can pick something else, it's yours nalang," nakangiti niyang sabi. "Ah sige," ngumiti ako. "Salamat." "No problem," aniya bago tumalikod at nagpunta na sa kabilang parte. Tiningnan ko ang ballpen bago ito nilagay na sa loob ng cart ko. Hindi na rin naman ako nagtagal pa at dumiretso na ako sa counter. Sakto pa talaga at nasa unahan ko si Stella na nagbabayad na ng mga pinamili niya. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas na siya ng NBS. Parang sobrang hinhin niya naman ata. Hindi makabasag pinggan ang peg niya. "Ma'am?" pagkuha ng cashier ng atensyon ko. Dali-dali kong nilapag ang mga pinamili ko at nagdasal pa akong sana hindi lumagpas sa budget ko ngayong araw ang amount. Aba, mahirap na at kapag nalaman ni Mama ito paniguradong papagalitan niya na naman ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang 1,281 pesos ang total. Malaki talaga pero 1,500 pesos naman ang budget ko sa NBS kaya keribels. Expected na rin lalo na't marami-rami ang binili ko. "Thank you, ma'am," nakangiting sabi ng cashier at inabot sa akin ang paperbag ko. Tinanguan ko siya at nagpasalamat ako bago lumabas ng NBS. Wala talaga akong plano kung anong gagawin ko sa mall ngayong araw maliban nalang sa pagpunta ko rito sa NBS. Sa huli ay napagdesisyonan kong kumain na lang ng takoyaki at dahil marami-rami ang naorder ko ay tinake out ko na lang ang iba. Mamaya ko na kakainin sa bahay para naman may snacks ako habang nagbabasa. Napangiwi ako habang tinitingnan ang mga magkasintahan na dumadaan sa harap ko. Kahit public holiday hindi na pinalagpas! Sa harap ko pa talaga naglalampungan. Hello? Respeto naman sa single. Ilang minuto rin bago ko napagdesisyonang magtungo na sa parking lot. Dala-dala ko ngayon ang kotse ng Kuya ko. Buti nga at pinayagan ako saka malapit lang din naman ang subdivision namin dito kaya siguro hindi na sila nag-abala pang samahan ako. Habang naglalakad papunta sa kotse ay bigla kong nahagip ang isang pamilyar na lalaki na kakalabas lang ng elevator. Bigla akong sinapian ng kabaliwan at naisipan kong sundan siya. Oo na, creepy, pero hindi ako stalker! Nakita kong huminto ang isang gray na kotse sa harap niya at iniluwa nun si..... Stella?! Napatakip ako sa aking bibig habang pinagmamasdan silang nag-uusap. Hala, close pala sila? Hindi ako pinalaking chismosa ni Mama pero nacucurious talaga ako kaya agad akong nagtago sa likod ng kotse na malapit lang sa pwesto nila para marinig ko ng maayos ang pinag-uusapan nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong biglang nagmakaawa si Terrell kay Stella. Kita ko mula rito sa pwesto ko ang mukha niya habang ang likod lang ni Stella ang nakikita ko. Nakita ko pa kung paano sinubukan ni Stella na hablutin ang kamay niya pero ayaw ata paawat itong si Terrell. Naguguluhan talaga ako. Si Terrell ba ang ibig sabihin ng mga kaklase kong boyfriend ni Stella? Pero ano naman yung tweet ni Terrell? May Solaire rin kaya sa pangalan ni Stella? "S-Stella, please..." rinig kong sabi ni Terrell. "Let go of my hand, Terrell!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagluhod ni Terrell. Pakeningshet! Kailangan ko itong mabidyohan para may pang blackmail ako sa kanya at para hindi niya na ako pagbubuntungan sa tuwing subject niya. "I'm sorry, come back to me, Stella," nagmamakaawang sabi ni Terrell. Sinubukan ni Stella na bawiin ang kamay niya pero masyadong malakas si Terrell. "I'm done with you, Terrell. I'm done with all of your bullshits!" sigaw ni Stella. Halata na sa kanyang galit na siya pero ang hinhin pa rin ng boses niya. "Stella--" Napatakip ako sa aking bibig nang biglang sinampal ni Stella si Terrell bago niya marahas na binawi ang kanyang kamay at nagmadaling pumasok sa sasakyan. Sinigurado ko munang nakaalis na ang kotse na sinakyan ni Stella bago tiningnan si Terrell na nakatulala at nakayuko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para lumapit kay Terrell na nakayuko lang at kunin ang aking panyo na nasa bulsa ko at iabot yon sa kanya. Kumunot ang noo niya at inangat ang tingin sa akin. "I don't need that." Aba, halata na ngang paiyak na siya tapos idedeny niya pa? Ako na nga nagmamagandang loob tapos magsusuplado siya? "Bulok na yang linyahang yan. Tanggapin mo na, paiyak ka na eh," sabi ko. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang panyo ko. Hindi na siya nagsalita pa kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi ko pa naman alam kung anong sasabihin ko dahil hindi naman ako magaling pagdating sa mga advice na yan. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Akalain niyo nga naman, umiiyak din pala sa babae itong lalaking ito? Akala ko pa naman habang-buhay na siyang suplado at tatandang binata. Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla siyang tumingin sa akin ng nakakunot ang noo. "Why are you still here?" kunot noo niyang tanong. "Pasalamat ka nga sinamahan pa kita," bulong ko. "I heard that." Nagkibit balikat ako. "Edi mabuti," sagot ko. Ilang segundo pa siyang nakatingin sa akin bago siya umirap at yumuko ulit. Malamang at iiyak na naman. "It must be really fun for you to watch me cry," biglang sabi niya. Tumaas ang kilay ko. "Maka-judge ka naman sa akin. Kahit irita ako sa'yo, hindi naman ako ganoon kasama para matuwa sa pag-iyak mo," pagtanggol ko sa aking sarili. "You can't blame me. Everytime I enter your classroom, your grumpy face always welcomes me." Umirap ako. "Welcome ha, sarap mong isubsob sa sahig," sabi ko gamit ang malambing na tono ko at plastik siyang nginitian. Mahina naman siyang napahalakhak. Pati na rin ako ay napangiti. Kahit irita ako sa kanya ay nakakagaan din sa pakiramdam kapag nalaman mong nakaya mong patawanin ang taong nasasaktan. "Solaire..." Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Narinig ko ang buntong hininga niya at naramdaman ko ang biglang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang itinulak. "GAGO! FIRST KISS KO YON!"
very good for
02/09
0salamat
09/05/2025
0beautiful
14/04/2025
0ดูทั้งหมด