logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Touch of Eternity (Gabaldon Series #1)

Touch of Eternity (Gabaldon Series #1)

rylidentity


Chapter 1

#TOE
Chapter 1
"Anak, si Luna wala na."
Hindi ako nagsalita. Pilit kong pinoproseso ang sinabi ng aking Mama.
"Ang sabi ng doktor ay hindi na raw kinaya ni Luna," rinig ko mula sa kabilang linya ang buntong hininga ni Mama. "Mamaya na tayo mag-usap pag-uwi mo. Ingat ka."
Hindi ako umimik hanggang sa namatay ang linya. Ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Hinawakan ko ang aking dibdib upang pakalmahin ang sarili ko at pigilan ang pag-iyak ko.
Inilibot ko ang aking tingin at marami-rami rin ang mga estudyanteng andito kaya hindi ako pwedeng umiyak dito. Bumaba ang aking tingin sa makapal na librong binabasa ko kanina. Kinuha ko ito at nagtungo sa mga book shelf. Dumiretso ako sa madilim at tahimik na parte ng library at doon naupo.
Tahimik akong umiiyak habang dinadamdam ang sakit ng puso ko. Kinuha ko ang picture ni Luna na nakalagay sa I.D. ko at pinagmasdan yon.
Alam ko nang may kakaiba kay Luna kanina noong paalis ako. Dapat pala ay niyakap ko pa siya ng mas matagal.
Tinakpan ko ang aking bibig nang may marinig akong yapak. Pinipigilan ko ang aking sariling huwag humikbi pero masyadong masakit ang puso ko. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko ngayon.
"Let's stop this, Stella."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Mahina ang boses nito pero rinig na rinig ko kaya sigurado akong nasa likod ng shelf na pinagtataguan ko lang sila.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na sampal. Anong nangyayari?
"My friends were right. You are such an asshole, Terrell. I should've listened to them," rinig ko namang sabi ng babae.
Saglit kong nakalimutan ang rason kung bakit ako umiiyak. Lumaki akong palaging pinapaalala ni Mama sa akin na hindi tama ang makinig sa usapan ng iba pero kasalanan ko bang rinig na rinig ko sila? Hindi naman siguro.
"I know. Now, go," sabi naman ng lalaki.
Grabe naman. Bakit parang ang kalma lang ng boses ng lalaki? Hindi ba siya nasasaktan? Hindi ko siya kilala pero mukhang tama ang sinabi ng babae kanina. Gago pala talaga siya.
"And what? Let people laugh at me because I was dumped by you?" bakas ang galit sa boses ng babae.
"You asked for this, Stella."
Narinig ko ang mapaklang tawa ng babae.
"I'm not done with you, Terrell," rinig kong sabi ng babae saka ako nakarinig ng yapak papalayo.
Pakiramdam ko ay umalis na silang dalawa dahil tahimik na. Wala na akong naririnig na kahit anong ingay.
Tiningnan ko ang picture ni Luna na hawak-hawak ko at bumalik na naman yung sakit na nararamdaman ko kanina. Dapat ba akong magpasalamat sa dalawa kanina dahil saglit kong nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko?
Dahil nakaupo ako sa sahig ay naramdaman ko ang lamig ng sahig at dumagdag pa ang aircon. Umayos ako ng upo dahilan para mauntog ako sa book shelf at mahulog sa ulo ko ang isang libro.
Inis kong kinuha ang libro at ibabato sana ito nang makita ko ang pamagat ng libro.
Everything Happens for a Reason: And Other Lies I've Loved, written by Kate Bowler.
Naiinis ako sa sarili ko dahil lalo lang akong naiyak. Tugmang-tugma ang pamagat sa nangyayari sa akin ngayon. Everything happens for a reason? Bakit? Bakit kailangang si Luna pa ang maging kapalit?
"Is that your dog?"
Kumunot ang noo ko at inangat ang aking tingin sa lalaking nagsalita. Nasa gilid ko na siya ngayon habang nakatingin siya sa picture ni Luna na nasa sahig.
Hindi ako sumagot. Hindi naman kami close para sagutin ko ang tanong niya.
Pinunasan ko ang aking luha at tahimik na pinagmasdan ang picture ni Luna. Ayan na naman. Naiiyak na naman ako.
"I can tell something bad happened to your dog," sabi nung lalaki. Kita ko sa gilid ng mata ko kung paano siyang naupo sa gilid ko.
"Bakit mo ba ako kinakausap? Hindi naman tayo magkaibigan at lalong hindi kita kilala," suplada kong sabi.
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa.
"You do realise that it's fine to comfort strangers," aniya.
Natahimik ako. Ano naman sa kanya? Chismoso ba siya? Pakialamero? Pwede naman niya akong hindi pansinin at magpanggap nalang siya na wala siyang nakitang babaeng umiiyak.
Ilang minuto ring walang nagsalita sa amin. Tanging ang tunog ng aircon lang at ang paghinga namin ang naririnig namin.
Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga bago ibinuka ang aking bibig para magsalita. Tama naman siya. Hindi namin kilala ang isa't isa at sa laki ba naman ng university ay paniguradong hindi ko na siya makikita pa ulit kaya ayos lang naman sigurong mag-share ako sa kanya.
"Tumawag sa akin si Mama kanina," panimula ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin. Baka ay nagulat dahil hindi niya inakalang mag-sheshare ako sa kanya.
Hindi siya nagsalita pero nakatingin siya sa akin. Naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"Patay na raw si Luna."
"Was that her name?" tanong niya. Tumango naman ako. "Moon, huh?"
Bata pa lang ako ay naging hilig ko na ang mga bagay na may konekta sa buwan. Halos lahat ng mga gamit na pinag-aarian ko ay may buwan. Pati ang kwarto ko ay may painting ng buwan.
"I love the moon," sabi ko.
"Who wouldn't?" mahina niyang sabi.
Tumango ako ulit. Sino nga bang aayaw sa buwan?
"Last month namin nalamang may sakit si Luna. Dinala namin siya sa vet at ang sabi ay kailangan daw operahan," tumulo ang luha ko. "Kaso hindi sapat ang pera namin para mapagamot si Luna."
Lalong sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang panahong yon. Ang sakit sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Luna na hinang-hina na pero lumalaban pa rin.
"Nakikita kong lumalaban pa rin siya kahit nahihirapan na siya. Sobrang sakit para sa akin dahil ang tagal niya na sa amin. Mahal na mahal ko si Luna."
Hinayaan niya akong umiyak. Nakikinig lang siya sa akin.
"Well, at least, Luna's suffering is done. She's with God now, for sure. She's in good hands," sabi niya.
Tumango ako. Alam ko namang hindi papabayaan ng Diyos si Luna. Alam kong matutuwa rin si Luna sa taas dahil makakasama niya na ang mga kapatid niya.
"It hurts, sure. But, I bet Luna wouldn't want to see you hurt, too," dagdag niya.
Tama siya. Sa tuwing umiiyak kasi ako dati ay agad akong dinadaluhan ni Luna. Pinaparamdam niya sa akin na andiyan siya at hindi niya ako iiwan.
Tiningnan ko siya nang bigla niyang inangat ang kanyang braso kaya nasa harap ko na ang braso niya. Kumunot ang noo ko.
"I didn't bring my handkerchief with me," nagkibit balikat siya. "Wipe your tears."
Mahina akong natawa at napailing sa sinabi niya.
"What?" natatawa niyang tanong.
"Seryoso ka? Nakakahiya," sabi ko.
Lalo niyang inilapit sa mukha ko ang braso niya. "I have a spare uniform in my locker, don't worry."
Nagdadalawang isip pa akong gawin yon pero dahil tumutulo na ang sipon ko ay wala akong nagawa. Ang bango pa ng uniform niya. Ano kayang detergent ang gamit niya?
"You're done?" tanong niya.
Tumango ako at nakaramdam ng hiya nang makita ko kung gaano na kadumi ang uniporme niya.
"Pasensya ka na. Bawi nalang ako kapag nakita kita ulit," sabi ko at tipid siyang nginitian.
"It's fine," ngumiti siya. Hindi talaga bagay sa kanya ang ngumiti dahil kahit hindi ko siya kilala ay halata sa itsura at galawan niyang suplado siya.
"Just do me a favor," aniya. "Don't cry when we meet again."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at hanggang sa nawala na siya sa paningin ko ay hindi ko pa rin maproseso ang sinabi niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (62)

  • avatar
    Jonathan Fabillar

    very good for

    02/09

      0
  • avatar
    PericanoJohn loyd

    salamat

    09/05/2025

      0
  • avatar
    Lex Relox

    beautiful

    14/04/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด