logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

Nagmamadaling pumasok sa loob ng kanilang kuwarto ng Ate Louie niya si Leigh. Napansin naman iyon ng Mama nito ang ginawa ng anak.
"Louie, anong problema ng kapatid mo?" nag aalalang tanong ni Levy sa anak. At binalingan ang panganay na anak.
"Ma, baka na basted po nung nililigawan niya" seryosong sagot ni Louie sa Mama niya.
Hinampas naman ng mahina ni Levy ang anak sa braso nito.
"Ikaw ha, puro ka biro. Saka anong nanliligaw? Ang kapatid mo manliligaw? Kanino?"
"Ma, siyempre naman po sa lalaki po. Hindi po tomboy si Leigh" pilosopong sagot ni Louie.
"Ay tinamaan ka ng magaling, Louie!" galit na sabi ni Levy sa anak. Akma sana nitong hahatawin na naman ang anak ng magtatakbo ito at sinundan si Leigh sa kuwarto nila.
Pagpasok pa lamang ni Louie sa loob ng kuwarto ay dinig na niya ang atungal ng kapatid. Iyak ito ng iyak at panay ang hikbi. Nilapitan niya ito at naupo sa dulong bahagi ng higaan nila.
Nakaupo na yakap ni Leigh ang mga tuhod niya. Nakayuko ito at walang tigil ang pag iyak.
"Anong drama iyan, Sis?" tanong nito at hinawakan sa tuhod si Leigh.
Napatunghay ng ulo si Leigh. At tumingin sa Ate niya.
"Ate, hindi niya ako pinansin kanina" sagot ni Leigh na umiiyak pa din.
"Leigh, hindi pa end of the world dahil hindi ka pinansin ng crush mo. Bata ka pa. Saka marami naman diyan na puwede mong maging crush"
Napapunas si Leigh ng luha niya sa kanyang mata. At pilit iniintindi ang sinabi ng kapatid niya.
"Ate, iisa lang si Parker. Paanong dadami?"
Napatampal sa ulo niya si Louie.
"Dahil sa crush crush na iyan hindi ka nag aaral. Sinasayang mo lang ang tuition mo sa NIS ng walang pumapasok sa utak mo" sermon pa ni Louie sa kapatid.
"Nasa NIS si Parker kaya doon ko gusto mag aral. Alam mo naman na dead na dead ako doon"
"Kaya ka umaatungal ng ganyan. Dahil kay Parker na pangit na iyon" pang iinsultong sabi ni Louie.
"Ate, hindi pangit si Parker. Saka kung pangit yun eh di hindi ko siya crush" pagtatangol naman ni Leigh kay Parker.
"Bunso, first year high school ka pa lang. Tigilan mo na iyang crush mo na iyang si Parker. Tandaan mo na nasa taas iyan at nasa baba tayo. Sobrang layo ng agwat sa atin sa kanila. Gusto mo bang laging inaapi ng biyenan kagaya sa nababasa ko sa mga pocketbook?"
Umiling naman si Leigh.
"Iyon naman pala. Kaya cheer up. Mawawala din iyang paghanga mo na iyan kay Parker" ani ni Louie.
"Totoo kayang mawawala din ito? Pero paano naman?" mga tanong ni Leigh sa sarili.
Kahit paano ay gumaan ang loob ni Leigh ng makausap ang kapatid. Kahit paano pala ay maasahan ito sa pagpapayo.
Kompleto ang buong pamilya ng Vicencio sa hapag. At kasalukuyang kumakain ng hapunan.
"Kamusta ang mga pag aaral niyo? Sana ay hindi niyo sayangin ang mga paghihirap ko mga anak. Gusto kong makitang makatapos kayo ng pag aaral. At hindi matulad sa amin ng Mama niyo" pangaral ni Vicente sa mga anak niya.
"Opo, Papa. Nag aaral po kaming mabuti ni Leigh. Saka next year po graduate na ako ng high school" magiliw na sagot ni Louie.
Napangiti naman ang Mama nila habang si Leigh ay nakayuko ng ulo.
"Aba oo nga pala. Graduating ka na pala ngayon, Louie. Ano bang kukunin mong kurso sa kolehiyo?" tanong ng Papa nila.
"Gusto ko po sanang kumuha ng Education, Pa" nakangiting sagot ni Louie.
"Maganda iyan, Anak. Ikaw, Leigh? Kamusta ang pag aaral mo? Pinag iigihan mo ba katulad sa Ate mo?"
Kinakabahang tumango ng ulo si Leigh sa ama. Sa kanilang dalawang magkapatid ay mas paborito ng Papa niya ang Ate niya. Ang Mama naman niya ay siya ang paborito.
Ang Papa nila ay nagtatrabaho bilang Supervisor sa patubig. Kaya laging nadedestino ito sa ibang lugar. At minsan lang sa isang buwan kung umuwi ito sa kanila. Minsan pa ay hindi ito umuuwi sa kanila.
"Ayokong mabalitaan na nagbubulakbol ka, Leigh. Sa mahal ng tuition fee sa NIS dapat ay nag aaral kang mabuti. Wala munang magboboyfriend sa inyong dalawa. Naiintindihan niyo ba ako?"may autoridad na sabi ni Vicente sa mga anak.
Sabay na tumango ng ulo ang magkapatid. May pagkaistrikto ang kanilang Papa. Kaya medyo takot sila dito.
"Vic, huwag mo namang takutin ang mga bata" saway ni Levy sa asawa. Nakikita niya kasing tahimik ang bunso nila.
"Hindi ko sila tinatakot. Mas magandang alam nila ang mga paghihirap natin para makapag aral sila. At para magkaroon sila ng magandang kinabukasan pagdating ng araw" katwiran na sagot ni Vicente sa asawa.
Wala pa ding kibo si Leigh habang kumakain. Iniisip niya ang mga sinabi ng Papa niya. Paano kaya kung malaman nito na may mga bagsak siya? Tiyak na ililipat siya sa public school kapag nangyari iyon. Kung magkagayon ay hindi na niya makikita pa si Parker.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    John Hshs Matin Aw

    Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Touch and hold a clip to pin it. Unpinned clips will be deleted after 1 hour.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Tap on a clip to paste it in the text box.Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Touch and hold a clip to pin it. Unpinned clips will be deleted after 1 hour.Use the edit icon to pin, add or delete clips.Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.Tap on a clipe

    09/07

      0
  • avatar
    Jeff Syrus Casinto

    very nice

    08/06

      0
  • avatar
    GaddiGrace

    🥰🥰🥰

    31/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด