logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

PAIGE'S POV
Kitang kita ko ang apat na multong naka backbend habang nakalutang sa ere. Nakaharap sila sa akin at animoy nananakot ang mga ito.
Kung makikita lang sila ng mga taong hindi sanay sa ganitong mga bagay. Tiyak akong mahihimatay ang mga iyon sa takot.
Humalukipkip ako at matamang silang tinitigan.
"Tigilan nyo nga yan! Nakakairita kayo!" Singhal ko.
Agad naman silang natauhan kaya umayos sila ng kilos.
Naupo ako sa sofa, habang nakatingin sa white lady. Sinenyasan ko pa syang maupo sa harapan ko.
Isa isa ko silang binalingan ng tingin.
''Anong dahilan mo at bakit hindi mo nilulubayan yung guard sa mall?'' seryosong tanong ko.
Biglang nagbago ang itsura nya. Maayos at malinis na syang tignan ngayon. Kulay puting dress talaga ang suot suot nya. Tapos nakalugay ang hanggang balikat at maitim na buhok nya. At nababatid kong mag kakasing edad lang sila ng mga chismakers nato.
Umayos sya ng upo at ngumiti sakin.
''Hindi ka pa man nakakapasok ng mall napansin na kita.''
Hindi ako sumagot bagkus nakinig lang ako. Kaya naman nagpatuloy sya sa pag sasalita.
''Alam kong hindi ka ordinaryong tao. At alam kong nakakakita ng mga kagaya ko. Lalapitan na sana kita para humingi sayo ng tulong. Pero... Nang makapasok kana sa loob at nagkatinginan tayo. Hindi ko na tinuloy. Nanghina ako bigla sa lakas ng presensya mo.''
Tumingala sya at pumikit sabay ngiti. Nagdadrama sya!
Huminga pa sya ng malalim bago tumingin sakin.
''Sa dinami dami ng mga nakakakita sakin ng mga tao sa mall. Sayo lang ako natakot. May kakaiba sayo, hija. At alam kong kahit sinong mga kaluluwa nararamdaman ang bagay na yon.''
Nabigla pa ako sa biglaan nyang pagluhod sa harapan ko. At may namuong luha sa mata nya.
''N-nag mamakaawa a-ako sayo! Tulungan mokong makaalis dito sa lupa. A-alam kong ikaw lang ang makakagawa non. Please...nakikiusap ako sayo!'' at duon na sya humagulgol ng iyak.
Tinignan ko ang tatlong chismosa at awang awa ang mga mukha nilang nakatingin sa white lady na to.
"Hindi ako basta basta tumutulong ng walang---"
"May pera ako! Alam kong kailangan mo yon," pag putol nya sa sinasabi ko.
"Aba! Ano pang hinihintay natin? Let's go na! Tumayo kana jan!" Pagmamadali ko.
Pinunasan nya muna ang mukha nya bago sya ngumiti at dahan dahang tumayo.
Pero bago pa man kami lumabas ng pinto eh tinanong ko muna sya.
"Saan ko pala makukuha ang pera kung ganon?" Tanong ko.
"Pupuntahan natin ang nag iisang anak ko," sagot nya.
"Oh sige. Ituro mo sakin kung saan ang bahay nyo----"
"Wala sya don. Nag dodorm ang anak ko. At nababatid kong pauwi na sya sa dorm nya."
"Eh saan nga?"
"Sa tapat lang ng pinapasukan nyang Espeon University."
"Oh sige! Puntahan na natin," ani ko.
At lumabas na kami ng apartment.
------
* 1:15pm *
Nandito na kami sa tapat mismo ng Espeon University. Hindi ko makita ang pinakaloob dahil may malaking gate ang nakaharang.
Tumawid kami sa kalsada pakabilang kanto.
Walang katao tao dito. Dahil itong tinawidan namin eh mga ginibang bahay at store. Maglalakad pa kami ng 4 minutes para marating ang dorm ng anak niya.
Hindi kasi pwedeng ipasok ang sasakyan doon mismo sa tapat ng dorm. Ewan ko kung bakit. Masyado silang maaarte!
Habang busy sa pagchichikahan ang mga multo. Agad akong napahinto. Dahil may mga boses ng babae akong naririnig. At dun mismo nanggaling ang mga boses na yon sa madadaanan naming eskinita.
"OH ANO?! WALA KA PALA EH! NGAYON KA MAGMATAPANG! ANO?! LUMABAN KA!!" Rinig kong sigaw ng isang babae. G na G sya.
Nahinto din sa paguusap ang mga multo. At sila pa ang unang tumingin don.
"Ohhmyyy!! Paige! Halika dali! Tignan mo!!" Oa na sambit ni Mirla.
Nakita ko pang biglang umiyak ang white lady. Ano naman kayang drama nya?
"Hoy! Itigil nyo yan!" Sigaw pa ni gagang si Mildred.
Dahan dahan ko pang sinilip ang mga nag aaway.
Mga estudyante sila nitong school.
May isang babae ang umiiyak habang nakaluhod na nakatalikod samin. Tapos pinalilibutan sya ng apat na babae.
"ANO NA!? LUMABAN KA!!" Sigaw nung pinakamatangkad sakanila. Siguro sya ang pinuno. Yung tatlo kasi maliit sakanya.
Patuloy pa rin sa pag iyak yung kawawang babaeng nakaluhod.
"T-tulungan mo yung anak ko!" Umiiyak na sabi ni White Lady. Syempre nagulat ako kasi anak pala nya yon.
Mabilis pang tinadyakan nung leader nila ang nakaluhod na babae sa mismong tagiliran nito.
Kaya naman agaran akong naglakad palapit sakanila. At saka ko sinakal ang leader nila.
"SUBUKAN MONG LUMABAN!! IBABAON KO TONG MAHABA KONG KUKO SA LEEG MO!!" Mas malakas na sigaw ko kesa sakanya.
Kita ko pang natakot at nagulat ang kasamahan nya.
Habang hawak hawak ko ang leeg ng babae. Gamit ang kaliwa kong kamay hinila ko patayo ang anak ni White Lady. Buti naman at nagpahila sya.
"TANDAAN NYO ANG MUKHA KO!" At pinasadahan ko ng tingin ang apat na babae.
"ITO ANG HULING BESES NA GAGAGUHIN NYO ANG PINSAN KO!!" Malakas na sigaw ko.
Takot ang mga makikita mo sa pagmumukha nila.
Sinipa ko ang kaliwang binti ng babaeng hawak hawak ko sa leeg. Dahilan ng pagkaluhod nya.
"ARGGGGHH!!" Sigaw nya.
Hinawakan ko pa ng mahigpit ang buhok nya.
"ARGH! HAYUF KA! TAIHNAMOO!!!" Malakas na sigaw nya sakin.
Dahil sa inis ko sinampal ko sya ng napakalakas. Yung hindi nya malilinutan na sampal.
*PAAKKK!!*
At duon sya napaiyak ng malala.
Binalingan ko pa ng tingin ang tatlong alipores nya.
"Lumuhod kayo!" Utos ko.
Nagkatinginan lang sila.
"PUNYETA! SINABING LUMUHOD KAYO!!"
Lumuhod sila gaya ng sinabi ko.
Tumingin ako sa anak ni White Lady. Naiyak sya habang nakatingin sa bully na hawak ko.
"Sipain mo sya," ani ko.
Pinalakihan pa sya ng mata. Takot sya sa bully na to!
"Sipain mo!" Asik ko na.
Pero umiiling iling lang sya habang nakatingin sa babaeng to.
Kaya naman tinignan ko sya. Masama ang pagmumukha nyang nakatingin sa anak ni White Lady. Hindi ko alam pangalan nya. Binalingan ko ng tingin ang daughter ni White Lady.
"Anong pangalan mo nene?" Tanong ko.
"A-arielle po" sagot nya.
Tumingin ulit ako sa bully.
"Ikaw?! Anong pangalan mo?!"
"Jane!!" Sigaw nya. Hindi sya makatayo dahil sa lakas ng pagkakasipa ko.
"Bakit mo binubully si Arielle?"
"TAIHNA! WALA KANG PAKE!!"
*PAAAKKK!!!!*
"HUHUHH! ANG SAAKIITT!!!" Daing nya.
"Pag tinatanong ng maayos! Sasagot din ng maayos! Naintindihan mo?!" Galit na sabi ko .
Tumango tango naman sya habang naiyak.
"Gago ka! Gago ka! Gago ka! Gago ka!" Sabi ko at isa isa silang tinuro.
"NAPAKAGAGO NYO!! Walang kalaban laban si Arielle sainyo! Mag isa lang sya! Namatay ang nanay nya at tanging tatay nya lang ang nagpapaaral sakanya! Tapos mang gagago kayo!?" Galit na sabi ko. Hindi sila nakakibo.
Lumapit ako sa umiiyak na namang si Arielle para ayusin ang sarili nya. Katabi pa nya ang mama nya na umiiyak din. Mag ina nga sila.
"Sabihin mo lang sakin insan kung bubulihin kapa nila. Hindi lang yan ang aabutin nila sakin," aniya ko.
Kinuha ko ang bacpack nya at ako na ang bumuhat non. Inayos ko pa ang buhok nya bago balingan ng tingin ang apat na yokai.
"Simula ngayon! Huwag na huwag kayong magpapakita sakin! Dahil kapag nakita ko ang pagmumukha mo! Ang pagmumukha mo! Ang pagmumukha mo! Ang pagmumukha mo! Ako mismo ang babasag sa pagmumukha ninyo!"
"Naintindihan nyo?!" Asik ko. Wala silang imik.
"NAINTINDIHAN NYO!!?" Sigaw ko.
"O-opo" sagot nila.
"Mabuti kung ganon! Kung ano man ang kinagagalit nyo kay Arielle. Pwede nyo namang pag usapan ng maayos! At hindi yung hahantong sa pisikalan! Kahit gaano pa kalalim yung galit nyo! Hindi pa din maganda yung ginawa nyo!" Pangangaral ko.
"Halika na," aya ko kay Arielle.
Tumalikod na kami at iniwanan ang mga yokai na nakaluhod.
------
*DORM*
Nakaupo ako ngayon sa isang maliit na upuan habang pinagmamasdan si Arielle na nagsasalin ng juice sa baso ko.
Naupo rin sya sa harap ko matapos ang kanyang ginagawa.
"Ilang taon kana?" Tanong ko.
"18 po," sagot nya.
Naaawa ako sakanya.
"Salamat po sa pagtulong mo sakin. Kung hindi ka po dumating kanina... Baka... B-baka puro pasa na naman a-ako."
Umiyak na naman sya. Yung mama nya naman hinahangod ang likod nya. Medyo may pagkashunga sya sa part nayon na kahit anong hawak nya tatagos at tatagos pa rin ang kamay nya. Haynako! Hayaan na nga!
"Kaya siguro hindi makaalis ang mama mo dahil sa mga nangyayari sayo," pang dederetso ko.
Nahinto sya sa pag iyak at kunot noong napatingin sakin.
Kaya naman nagsalita ulit ako.
"Nakikita at nakakausap ko ang kaluluwa ng mama mo. Napunta ako sa lugar na ito dahil sakanya. Humingi sya ng tulong sakin. Ngunit hindi nya sinabi sakin kung paanong tulong ba ang gagawin ko. Pero base sa pangyayari kanina, mukhang alam ko na kung anong tulong ang magagawa ko," chika ko.
Hindi man lang sya umimik. Pero ang seryoso ng tingin nya sakin.
"Sa ginawa ko kanina sa mga yokai nayon! Panigurado akong mapapanatag na ang mama mo."
"Mamimiss ko ang anak ko," wika ni White Lady.
Nasa tabi ko na sya. Kaya naman binalingan ko sya ng tingin.
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
"Melina Ponce"
"Melina Ponce? Yan pala ang name mo? Ang ganda ha!" Ani ko.
Yung tatlong chismosa naman nasa kusina at naghahanap ng makakakain. As if namang nakain sila!
Tinignan ko si Arielle na nanlalaki na ngayon ang mga matang nakatitig sakin.
"T-totoo po ba ang sinabi mo?" Tanong nya.
Ngumiti ako at dahan dahang tumango.
"Hindi pa din po ako ganoong naniniwala. Ang dami na rin pong nagsabi sakin tungkol sa bagay nayan. Pero wala ni isa ang nakapag patunay."
Bumaling akong muli kay Melina.
"Ano bang sikreto nyo ng anak mo? Yung tipong kayong dalawa lang ang nakakaalam? Para naman maniwala syang nakikita talaga kita," ani ko.
Ewan ko ah? Kasi biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha nya. Yung tipong nagaalinlangan sya kung sasabihin ba nya or hindi.
Pero sa huli sinabi nya pa rin.
"Nahuli namin ang papa nyang may ibang babae. Pero hindi namin sinabi sa papa nya. Mahal na mahal ko kasi! Kaya kahit masakit man sakin eh tinanggap ko pa rin," sabi nya. At malungkot na ngayon ang mukha nya.
Tumingin ako kay Arille na nakakunot na naman ang noo.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita.
"Nakakalungkot mang sabihin... Pero kung ito naman ang dahilan para maniwala ka eh sasabihin ko na."
Tinitigan ko sya ng seryoso.
"Kakasabi lang sakin ng mama mo yung about sa pambababae ng papa mo. Nahuli nyo pala ang papa mo na may ibang babae at isinawalang bahala ito ng mama mo. Pero hindi ko alam kung ganon din ba ang ginawa mo?"
Biglang nanlaki ang mga mata nya. At unti unti ko ding nakikita ang pamumuo ng luha sa mga mata nya.
Umiling iling sya sakin.
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Dahil maging ako ranas ang bagay nayan," sabi ko.
Mabilis nyang pinunasan ang basa nyang mukha. Sabay inom ng juice.
"Sana naman sa mga sinabi kong yun eh maniwala kana na nakikita ko at nakakausap ko pa ang mama mo."
"N-naririnig nya ba ang mga sinasabi ko?"
Tumango ako.
"Malinaw na malinaw," sagot ko.
"M-mama? Miss na miss na kita! Sobrang miss na miss na kita mama! H-hirap na hirap nako mama! Nahihirapan ako kasi wala ka na sa tabi ko. Hindi na kita muli pang makikita at mayayakap. Mama? Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang na sumuko. Ikaw lang ang kakampi ko. Dahil hanggang ngayon galit pa rin ako kay papa. Nagagalit pa rin ako sakanya kasi hinayaan ka nyang mamatay sa bahay. Ni hindi ka man lang nya maidala sa ospital! Patawarin moko mama kung hindi kita nadala non sa ospital dahil busy ako sa school ko. Sa sobrang busy ko sa school hindi ko na namamalayang iiwanan mo na pala a-ako!"
At duon na naman sya umiyak nang umiyak.
Ramdam na ramdam ko yung emosyon nya. Damang dama ko sya.
Napapunas pako ng mata dahil may luha din palang tumulo dun.
"M-mama? Minsan naiisip ko na sumunod nalang din ako sayo. Naiisip ko na what if magpakamatay ako? What if tumalon ako sa building ng school namin? What if kung laslasin ko nalang ang leeg ko nang sagayon matapos na tong paghihirap ko? P-pero mama pagod na pagod nako. Bugbog na bugbog na din dahil sa mga pambubully nila sakin. Gusto ko na ngang sabihin sakanila na 'patayin nyo nalang kaya ko!' Kasi hindi ko na kaya dahil wala ka sa tabi ko. Patawad mama! Patawarin moko mama kung naiisip ko ang mga bagay nayon! P-patawad ma!"
Awang awa nako sakanya.
"M-mahal na mahal kita mama! Hinding hindi kita makakalimutan! Kahit magkaroon pa ako ng amnesia hinding hindi kita makakalimutan. I-ikaw yung biyayang dumating sakin, kahit ako naman yon. Nagpapasalamat ako kasi ikaw yung naging mama ko! Nagpapasalamat din ako sayo kasi kahit sa paglaki ko ipinaramdam mo sa akin kung gaano moko kamahal mama! MAMA KOOO!! MAMAA!!" At duon na lumakas ang iyak nya.
Tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit.
Ganitong ganito ako noon! Ganyan na ganyan yung pag iyak ko nung mawala ang mama ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung time na yon.
"Shhhh" ani ko habang hinahangod ang likod nya.
"Mahal na mahal din kita anak. Sobrang mahal na mahal kita! Salamat din dahil ikaw ang naging anak ko. Napakabait mong bata. Napakabuti ng iyong puso. At hindi ka kailanman mabubura sa puso at isipan ko anak. Sana sa susunod nating pagkikita, ikaw pa rin ang anak ko. At ako pa rin ang mama mo. Hindi kita malilimutan Arielle. Maraming salamat dahil nailabas mo na ang bigat na matagal mo nang pasanin jan sa puso mo. Kaya naman makakaalis nako ng maayos," usal ni Melina at nakiyakap samin.
Kumalas na ako at nagtungo sa kusina para ikuha sya ng inumin.
Inabot ko kay Arielle ang isang baso ng tubig. At agad nya rin yon ininom.
"Salamat Paige sa pagtulong mo sa akin. Maraming salamat sayo."
"Aalis na ako," aniya.
Akma pakong magsasalita nang bigla ulit syang nagsalita.
"Yung bayad ko kanina ko pa nailagay sa kama mo. Maraming salamat ulit."
Niyakap nya pa muna ang anak nya bago sya tuluyang naglaho.
"Umalis na ang mama mo. Payapa na sya ngayon. At ligtas na syang maglalakbay patungo sa kabilang buhay," aniya.
Umiiyak pa rin sya. At ang lakas lakas na ng bawat hikbi nya. Kahit naman ako noon ganyan din ang naramdaman ko. Pero mas mapalad pa rin sya kasi kahit papano may nakapag sabi sakanya about sa mama nya. At nasabi nya na rin sa mama nya ang kinikimkim ng puso nya. Samantalang ako hindi! Hindi ko kasi nakita ang mama ko. Pero ganon pa man. Unti unti ko ding natatanggap. Dahil lahat naman ng tao mamamatay. Una unahan lang yan. Kaya hanggat nabubuhay pa ang inyong mga magulang eh maging mabait kayo sakanila. Dahil hindi natin alam kung hanggang saan ang hangganan ng kanilang buhay na ipinahiram lamang sa atin ng Ama.
Nagpalipas pa ako ng ilang oras bago ako nagpasyang umuwi. Ipinagluto ko pa sya ng hapunan nya habang tulog sya. Sa sobrang dami ng iniyak nya eh kaya ayon nakatulog sya.
* 6:30pm *
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng apartment ko. Agad din akong napahinto nang may lalaking nakasandal sa pinto ng bahay ko.
Tumaas ang kilay ko at lumapit sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Saan ka galing?! Bakit ngayon ka lang umuwi ha?!" Asik nya.
"Wag kang feeling boyfriend ko! Wala kang karapatang tumalak ng ganyan!" Asik ko din. Aba lang ha! Ako pa aasikan nya! Don't me!
Namaywang pa sya habang masama ang pagmumukha. Bigla din nawala ang tatlong chismosa.
"Saan ka nga galing?"
"Anong paki mo!? Saka anong ginagawa mo dito sa apartment ko?!" Angil ko.
"Gusto ko lang icheck kung nakauwi kana talaga----"
"Hoy! Tigilan mo yang paganyan ganyan mo! Tinanggap ko na nga yang alok mo eh! Kaya please lang! Pag hindi kita jowa, tumigil ka!"
Natigilan sya sa sinabi ko.
"Ngayong nakauwi nako. Umalis kana. At huwag kanang makipag plastikan sakin! Akala mo ba hindi ko yun nahahalata?!"
Tumaas ang isang kilay nya. Pero seryoso pa rin ang pagmumukha.
"Alam kong kaya ka pumunta dito para itanong sakin kung sure na sure na ba akong tanggapin yang alok mo! Oo na nga diba?! Kaya umalis kana! Ayoko sa plastic na tao!" Singhal ko. Oa noh? Wala kang pake!
Humakbang sya palapit sakin. Pero nanatili lang akong nakatayo. At hindi ko inaasahan ang ginawa nya!
Inilapit nya ng bongga ang mukha nya sakin! Jusq! Halos maamoy ko na ang hininga nya!
*TUG! DUG! DUG! TUG! TUG! DUG! TUG!*
"Hindi ako kailanman makikipagplastikan sayo para lang sa bagay nayan," seryosong sabi nya.
"Tsaka kahit hindi mo tanggapin ang alok ko. Pupuntahan pa rin kita. Gusto kong makitang ligtas kang makakauwi," sabi nya.
Tumingin pa sya sa labi ko bago ibinalik ang tingin nya sa mga mata ko.
"Gusto kong kagatin yang labi mo ng hard para naman makabawi ako sa pagtataray mo sakin."
Nalaglag ang panga ko sa inusal nya.
"Pero ayokong gawin yon. Hindi ko magagawang saktan ang Prinsesa ko," seryosong sabi nya.
Lumayo na sya at tinigan akong may ngisi sa labi.
"Uuwi na ako. Goodnight Paige. Susunduin kita bukas ng umaga. May pupuntahan tayo. Mag ready ka."
Naestatwa ako sa sunod nyang ginawa.
*TSUP!*
POHTAAAA!!
Hinalikan nya ako sa noo! HAYUF KA!!
At iniwan nya akong nakatulala!
TAIHNAAA!! NAISAHAN AKOOO!! HUHUHU!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    ParagadosErica Mari

    and ganda at any kwela 🥰🥰🥰

    07/07

      0
  • avatar
    DequerosHazelmae

    very nice story❤❤

    06/07

      0
  • avatar
    MarceloCharlene

    bat bitin?

    14/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด