logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

PAIGE'S POV
18  years Later...
Nandito ako ngayon sa bago kong apartment. Kakalipat ko lang simula nung mamatay ang mama ko. Hays! Grabe namimiss ko pa din sya.
Namatay sya dahil inatake sya sa puso. Tapos yung tatay ko naman matagal ng sumama sa iba nyang babae, bata palang ako nun.
At ang nakakaloka pa! Namatay ang nanay ko ng hindi ko man lang nakikita ang kaluluwa nya. Hindi ko alam kung bakit diko sya nakita. Pero ang mga kaluluwang nagpapagala gala dito eh mga nakikita ko.
Kagaya nalamang nitong matandang babae na to. Laging nakatayo sa tapat ng pinto ko.
Tumingin tingin muna ako sa paligid. Mahirap na baka mapagkamalan akong Baliw! Mga loka loka kayo!
"Uy Lola? Hindi ba kayo napapa----"
Natigil ako sa pagsasalita nang humarap sya.
Puro dugo ang mukha nya at sugat sugat pa ang mga ito. Mukhang binugbog si lola ah?
"Bakit ho ba kayo laging nakatayo sa pinto ko?! Samantalang ang dami daming magagandang pinto sa apartment na ito, at ito pang akin ang nadiskubre nyo!" Asik ko.
Sabi kase nila. Kailangan sila ang matakot sayo. At hindi ikaw. Dahil magagawa nilang sumanib sa katawan mo kapag pinangunahan ka ng takot. Well, ako naman hindi Natatakot! Dahil sanay na ako sakanila. At bata pa lamang ako eh nakakakita na ako ng mga multo.
"Tulungan mo ako Hija. Tulungan mo---"
"Aba lola naman! Hindi ho ako superhero na handang tumulong sa mga kaga---"
"Marami akong pera." Putol nya sa sinasabi ko.
"Oh? Talaga? Paano naman ako magkakapera sayo lola? Nako lang ha! Sa panahon ngayon marami na ang sca---"
"Sa Anak ko. Bibigyan ka nun." Putol na naman nya sa sinasabi ko.
At kita ko pang malungkot ang mata nya.
"Paano naman ako bibigyan ng pera ng anak nyo? Ni hindi ko nga yan kilala! Saka lola hating gabi na oh! Mag aalas diyes na ng gabi! Sana naman inaga----"
"Gusto mong magkapera diba? Gusto mong mag ka alahas? Gusto mo ng magagar---"
"Gustong gusto ko Lola! Kaya sana ituro nyo na kung saan lupalop ko makikita ang Anak nyo! Dali! Sayang oras! Hihihi! Nako lola kailangan magkapera ako dito ha!" Paninigurado ko.
"Oo naman Hija. At para makatawid na din ako sa kabilang buhay." Usal nya.
"Bakit naman kase nagpaiwan ka pa lola. Oh sya halika na. Ituro mo sakin kung saan ang bahay ng anak mo." Chika ko.
-------
10:03pm
Nandito kami ngayon ni lola sa sikat na village. Ang Shivers. At ang gara ng mga nakatira dito dahil hindi basta bastang nakakapasok.
Gaya na lamang ni kuyang guard.
"Wow miss! Ang ganda mo naman! Saan ang lakad natin?" Tanong pa nya at malaki ang pagkakangisi sa akin.
Well nakasuot lang naman ako ng Fitted dress. At nag makeup din ako ng bongga para mag mukha akong mayaman.
Kaya lang nung pagsilip ko sa guard house may tatlong bata akong nakita. Mga nakatingin ito sa akin. Umiiyak sila habang may tali sakanilang leeg. Jusqpo inday! Anong nangyari sa mga batang ito?!
"May kasama ka pala kuya sa loob nuh?" Tanong ko pa.
"Huh? Lasing ka ba mam? Wala akong ibang kasama dito hehehe." Kamot ulo nya pang sabi.
"Tuleg ka kuya! May kasama ka nga! Bakit ba ang kulit mo! Nagmamagaling ka pa sakin!" Asik ko.
"Hija? Papasok ba tayo or makikipag chikahan ka lang sakanya?" Sabi sakin ni Manang. At infairness. Hindi na sya nakakatakot.
Marami syang alahas na suot at masasabi mong galing sya sa marangyang pamilya. Maputi ang kutis nya ngayon at talagang alaga sa katawan si manang. Mukhang malaki laking bonus ito.
"Ahm kuya? May tanong lang ako." Wika ko.
"Ano yun miss beautiful?" Sagot nya at kumindat pa.
"Minsan ba may nararamdaman kang kakaiba? Yung ikaw kang mag isa dito pero feeling mo marami kayo?" Ani ko.
"Nako mam! Lagi ko ho yun nararamdaman. Kahit ngayon ramdam na ramdam kong parang may nakatingin sa atin." Sagot nya at parang bigla syang natakot.
Nako lang, baka himatayin si Kuya kapag sinabi kong meron ngang nakatingin sa amin.
"Sige kuya pasok na ako---"
"Hindi po pwede mam eh. Ang lugar pong ito ay may code kada bahay. At halos kakilala ko na rin lahat ang mga nakatira dito. Kaya lang bago ka sa paningin ko. At nasisiguro kong hindi ka tagarito." Mahabang sabi nya.
"Ang code namin Sinandomeng" Usal ni Lola.
Dahilan para matawa ako ng malakas.
"HAHAHAHAHAHA! Hayop na yan! Eh bigas yon eh! Pinagloloko mo ata ako eh!" Natatawang sabi ko.
"Huh? Ahm miss? Anong sinasabi mo? May saltik ka ba? Maganda ka sana kaya lang mukhang may sakit ka sa pag iisip eh." Saad ni kuya.
Kaya naman binalingan ko ito.
"Kung sino man sa ating dalawa ang may saltik! Malamang ikaw yun! Ang code ko ay Sinandomeng!" Asik ko.
Pero sa loob loob ko natatawa ako. Bigas yun eh! Bakit naman yun pa ang napiling ipang code.
"Pangalan ko kase yan Hija. At walang sino man ang nakakaalam nyang pangalan ko bukod sakin at sa pamilya ko. Kasama kana rin." Ani Manang.
"Saglit lang miss. May kakausapin lang ako sa telepono" Ani kuya at bigla nalang umalis! Aba si kuya! Hindi muna ako papasukin! Kainis!
"Oh manang ang ganda nyang suot suot nyong alahas! Baka naman pwedeng sa akin nalang yan?" Pang uuto ko.
"Hindi pwede hija. Dahil bigay ito sakin ng anak kong babae na si Klare." Sagot nya.
"Oh basta yung deal natin ha manang! Wag kang scam. Kilala na kita." Sabi ko pa.
Nagulat pa ako ng lumapit sa akin ang tatlong bata.
Dalawang lalaki at isang babae. Mukhang magkakaedad lang sila ah. Mga 5 years old ganun.
"Ano namang kailangan nyo sakin!?" Mataray na tanong ko.
"Anak yan ng guard. Namatay sila dahil binigti sila ng kanilang nanay." Singit ni Manang. Dahilan para manlumo ako.
Bakit ba ang babata pa pinapatay na agad nila! Shocks lang talaga!
"Sorry mam sa pag iintay. Sige pwede ka nang pumasok. Jan lang sila sa unang bahay." Sabi pa ni kuya.
"Ahm kuya? Pwede mag usap tayo mamaya?" Wika ko pa dito.
Agad nangunot ang noo nya.
"Sige po mam. Mag hihintay po ako." Sagot nya sabay ngiti.
Tinignan ko muna ang tatlong bata na ngayon ay maayos na ang mga itsura. Senyales ito na malapit na silang maglakbay papunta sa kabilang buhay.
Naglakad na ako papasok. At napahinto rin kami agad ni manang. Habang nakaharap kami sa malaking bahay or mansyon? Basta maganda pang mayaman talaga.
"Diyan kayo nakatira manang? Wow ah? Ang yaman nyo pala." Manghang sabi ko. At tumingin pa ako sa veranda.
Naningkit pa ang mga mata ko sa nakita.
May gwapong lalaki kase ang nakatingin sa akin. At para syang artista! Shet!
"Yan ang bunso kong Anak na si Clever. Gwapo at malaki ang katawan nyan. Pwede mo syang gawing Boyfriend dahil Single yan. At maganda ka naman kaya boto ako sayo." Usal ni Manang. Pero hindi ko sya sinagot. Haler! Baka mapagkamalan akong baliw.
"Ahm Hi?" Sabi ko at kumaway pa.
Kaya lang dinedma ako. Potek nayan!
"Ayaw nya sa mga babaeng unang nag fifirst move. Gusto nya mahinhin lang." Ani Manang.
Pinindot ko ang Doorbell.
At maya maya pa'y bumukas ang pinto. At iniluwa nito si Clever na masama ang mukha sakin.
Aba lang ha! Tigilan nya ako sa paganyan ganyan nya.
"Magpakilala ka hija." Ani manang.
"Hi! Im Paige Ludicolo." Nakangiting sabi ko.
"And then?" Masungit na sabi nya.
"Hahaha. Anak huwag kang ganyan kay Paige. Maging mabait ka sakanya. Alam mo Hija? Ang gusto nya sa babaeng mababaw ang luha." Wika pa ni Manang.
"Huhuhu! Nagpapakilala lang naman ako ah! Bakit ba ang sungit sungit mo!" Umiiyak na sabi ko. Arte ko lang yan.
"What do you want?" Masungit pa din.
Nako lang! Makokotongan ko tong si Lola eh! Paglaruan ba naman ako!
"Nandito ako para kay Lola Sinandomeng." Seryosong sabi ko.
Ramdam ko pang natigilan sya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"H-how did you know---"
"Tae ka pala eh! Huwag mo nga akong englishin! Pwede bang papasukin moko?! Tignan mo oh! Naka 6.5 inches na hills ang suot suot ko! Kalalaki mong tao hindi ka gentleman!" Asik ko dito.
"Fuck! Okay! Follow me!" Singhal nya.
Napatingin pa ako kay manang na nakangiti sakin.
"Ikaw palang ang kauna unahang nanigaw kay Clever."
Dinedma ko nalang si manang. Saka ako sumunod kay Clever.
Pagpasok namin sa loob. Bumungad sa akin ang mga mamahaling kagamitan.
May malaki pang Chandelier sa itaas.
Tapos yung sala nila ang ganda!
May tatlong pulang sofa na magkakatapat. At pinapaligiran nito ang isang lamesa sa gitna. At may Flat Screen TV pa na sobrang laki sa harap nito.
"Tito Who is she? Is that your girlfriend?" Tanong pa ng isang batang lalaki na ubod ng cute! Hihi. Siguro nasa 4 years old na sya.
Lumapit pa ito sakin at bigla akong niyakap.
"You are so Gorgeous tita." Nakangiting sabi nya sakin.
"Thank you so much! But im not your tita. Im not his Girlfriend. Im just a simple person with a Beautiful face and hot sexy body." Ani ko.
"Wow! But i want you---"
"Ralp! Go to your room!" Masungit na sabi ni Clever.
"Hoy! Bakit mo sinisigawan ang bata! Masama yan ha---"
"Why'd you care?!" Asik nya.
Aba lang talaga!
"Hija? Masyado kanang OA. Maupo ka sa sofa at ipatawag mo ang apat kong anak." Ani Manang.
"Paupuin mo naman ako Clever! Fuck ka talaga eh! Wala ka talag---"
"Can you please shut your fucking mouth?!" Galit na sabi nya.
"Fuck ka din!" Angil ko at naupo sa sofa.
"Anong ingay jan Clever?" At isang babae ang bumaba sa hagdanan. Naka puke short ito at sando.
Maganda pa katawan ko sayo!
"Sya si Klare. Ang nag iisa kong anak na babae." Ani Manang.
"Ikaw si Klare tama ba?" Tanong ko dito.
"Ako nga. Bakit? Anong kailangan mo?" Kunot noo nyang tanong.
"Pwede mo bang tawagin ang iba mo pang kapatid? May mahalaga lang akong sasabihin tungkol kay Lola Sinandomeng." Usal ko.
Natigilan pa sya sa sinabi ko.
"Paano mo----"
"Punyeta ka! Tawagin mo muna kase mga kapatid mo! Saka ko sasabihin! Dali! Importante to!" Asik ko.
At dali dali pa syang umakyat ng hagdan.
Oh diba? Para akong donya dito hahahah.
Lakas ko ba? Strong no? Haha.
Naupo pa si Manang sa tabi ko. At nakatingin kay Clever.
Kaya naman binalingan ko ito. At sa akin sya nakatingin.
"Mukhang type ka ng anak ko Hija." Chika ni Manang.
"Clever?" Tawag ko dito.
"What?!" Asik nya at inirapan pa ako.
"Are you a gay?" Tanong ko.
"WHAT!?" Gigil na usal nya at sinamaan pa ako ng tingin..
"Hahaha. Mamimiss ko ang kasupladuhan ng anak ko. Malapit na akong umalis. Mamimiss ko silang lahat." Malungkot na sabi ni Manang.
Si manang talaga ang baliw eh! Tatawa tas biglang iiyak.
Bumaba na ang tatlong magkakapatid.
At mga seryoso pa itong nakatingin sa akin.
"Maupo kayo" Alok ko pa.
Grabe! Ang gugwapo nilang tatlo! Shocks! Kalurki!
"Sino ka? At bakit mo kami pinatawag?" Usal ni... Hindi ko kilala eh.
Magkakatabi pa silang naupo sa harap ko.
"Ako si Paige Ludicolo. Nandito ako para sabihin sainyo ang huling habilin ni Lola Sinandomeng bago sya umal---"
"Anong pinag sasasabi mo!?" Galit na sabi ni Klare.
"Nakikita ko si Lola Sinandomeng. At kasa kasama natin sya ngayon. Actually nakaupo sya sa tabi ko." Wika ko.
"Paano ka namin paniniwalaan?!" Tanong ng isa sa pogi.
"Sa pagbanggit ko pa lang ng totoong pangalan ni Lola Sinandomeng knowing na agad eh!" Angil ko.
"S-so nasaan sya kung ganon?" Tanong ni Clever.
"Nandito nga kase sa tabi ko! Pogi ka lang pero bingi ka! Kainis ka! Turn off na agad ako sayo!" Asik ko.
"Pwede mo bang sabihin kung ano nga yon?!" Chika pa nya.
Buti naman at nag tagalog na sya.
Umayos ako ng upo at sumeryosong tumingin sakanila.
"Paki sabi sa Anak kong si Klare na sa may Kwarto ko may malaki akong kahadiyero sa ilalim ng kama ko. Duon nakalagay ang mga ari arian ko. Paki sabi rin na pag hati hati nila iyon." Chika ni manang.
Tumingin ako kay Klare.
"Klare? Pinapasabi ni Lola Sinandomeng---- Teka nga lola? Kailan ba kayo namatay?" Baling ko kay Manang.
"Mag iisang taon na hija." Sagot nya.
Jusqdai!
"Mag iisang taon na?! Ang tagal nyo naman bago kayo makaalis." Ani ko.
Bumaling ulit ako sa magkakapatid. At kita mo ang gulat sakanilang mukha.
"Pinapasabi ni Lola sinandomeng kay Klare na may isang malaking kahadiyero sa ilalim ng kama nya." Sabi ko.
"Paki utusan ang anak kong si Clever. Sya ang pakuhanin mo ng Kahadiyero ko hija." Utos ni manang.
Tumingin pa ako kay Clever.
"Ang chika ni Lola Sinandomeng ikaw daw ang kumuha ng kahadiyero sa kwarto nya. Now na. Dalian mo. Bilis." Utos  ko sakanya.
Mabilis naman syang tumayo at nagmadaling umakyat ng hagdan.
Habang nag iintay kami kay Clever, eh mga tahimik lang silang tatlo na nakatingin sa lamesa.
Nakakagutom naman! Wala ba silang balak na painumin ako kahit juice!? Kaloka naman!
"Baka naman pwede nyokong bigyan ng maiinom? Tsaka kahit isang tinapay man lang na imported. Jusq naman! Ang yaman yaman nyo tapos hanggang tulala lang kaya nyong ibigay sakin! Ano bayan!" Pag aarte ko.
"Ahm sorry. Sige magpapahanda ako ng pagkain." Usal ni Klare. Tumayo pa sya sabay lakad paalis samin.
Shet! Naiwan tuloy ako sa mga gwapong to!
"Hija? Yang nasa kaliwang lalaki ang panganay kong anak na si Ivan. At ang sumunod naman sakanya ay si Ian." Singit ni manang.
"Ahm Ivan right?" Aniya ko dito.
Tumingin pa sila sa akin sabay ngiti.
"Maganda ba ako?" Wika ko. At binigyan pa sila ng pagka tamis tamis na ngiti.
"Gusto mo ba ligawan kita?" Tanong nya.
"Hala! Shet ka! Pereng tenge to! Kinikilig ako! Pero bawal akong ligawan eh." Sagot ko.
"Aba hija! Chance mo na to!" Singit pa ulit ni manang. Pero dedma nalang sya.
"Bakit bawal? May boyfriend kana ba?" - Ivan.
"Magagalit si Ian at si Clever bebe ko." Usal ko.
"Bakit naman ako magagalit?" Singit ni Ian.
"Eh kase diba? Boyfriend kita!" Aniya ko.
Kita ko pang natigilan sya.
"Boyfriend motong si Ian?!" Gulantang na sabi ni Ivan.
"Dalawa sila ni Clever." Saka ako tumawa ng malakas.
"HAHAHAHA!"
"Hija? Nananapak ng halik yang si Ivan. Wag mong asarin baka masampolan ka." Chika ni manang.
Kaya naman mabilis akong nanahimik.
Kasabay nun ang pag dating ng dalawa.
"Oh eto ang pagkain mo. Sana mabusog ka." Ani klare.
Inilapag nya pa sa harapan ko ang maliitna cake at isang juice. Oh diba? Ang lakas kong mandarag.
"Maari na ba naming malaman kung ano ang code nitong kahadiyero ni Mommy?" Seryosong tanong ni Clever.
"Ang seryoso mo naman masyado bebe. Maging mabait ka naman sakin." Untag ko.
Huminga muna sya ng malalim.
"Kumain ka muna ng cake. Gusto mo subuan pa kita?" Tanong nya.
Taihhnnaaaa!!!
"Ang sabi ko maging mabait ka sakin. At hindi ang pakiligin ako." Saad ko.
"Hija? Sabihin mo sakanila ang code---"
"Masyado ka namang excited manang eh! Pinapatagal ko nga para matagal mo silang makasama kahit sa huling sandali mo dito sa lupa." Putol ko sa sinasabi nya.
Kita ko pang may tumulong luha sa mga mata nya.
"Inaantay nako ng asawa ko sa langit." Sagot nya.
"Makakapag hintay pa naman ang asawa nyo sa langit lola! Dahil itong pagkakataong ito eh ngayon lang mangyayari! At wala ng bukas or susunod pa!" Asik ko.
Bumaling ako sa apat na magkakapatid na gulat na gulat na naman ang mga pagmumukha.
"Kausap ko si Lola. At sasabihin nya na sakin ang Code. Ngunit ang sabi ko maya maya nalang. Dahil gusto ko bago sya maglakbay patungo sa kabilang buhay eh masatisfy syang makasama kayo kahit hindi nyo sya nakikita." Usal ko.
Mga pinangilidan pa sila ng luha sa mata.
Akma pa akong magsasalita ulit ng pangunahan ako ni manang.
"Huwag mo na silang paiyakin. Dahil mahihirapan lamang akong umalis Paige. Ayokong umalis na maiiwan silang umiiyak. Gusto ko masaya sila. Kaya sasabihin ko na ang code. 12345. Yan ang code ko." Sabi ni Lola. Dahilan para manlumo ako.
Jusq! Apaka dali lang ng code! Hindi pa nila mahulaan!? Kabanas!
"Huwag na daw kayong umiyak. 12345 ang code ng kahadiyero ni Manang." Chika ko.
Mabilis nilang pinunasan ang mga luha sa mata nila. Saka sila ngumiting tumingin sa akin.
"Buksan nyo na yan. Para makaalis nako." Asik ko.
Mabilis na binuksan ni Clever ang Kahadiyero. At agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakitang laman.
Libo libong pera at puro alahas ang laman nito! Shoccksss! Ang yaman ni manang!
"Grabe Lola! Ang daming laman!" Manghang sabi ko.
"Oo hija. Sabi ko sayo eh." Sagot nya.
Nangunot pa ang noo ko ng bigla silang lumayo at naupo sa sofa. Bago ako binalingan ng tingin.
"Maraming salamat sayo..."
"Paige. Paige Ludicolo." Pagpapakilala ko.
"Maraming salamat Paige." Nakangiting sabi ni Klare.
"Kumuha ka na ng gusto mong iuwi." Dagdag pa nya.
Nangiti naman ako ng malaki sa naisip.
"Kahit ano ba?" Tanong ko.
"Oo naman. Kahit ano." Sagot nya.
"Hihihi! Oh sige, yung tatlong kapatid mo nalang ang iuuwi ko." Ani ko.
Dahilan para maloka sila.
"HA?!" Sabay sabay na sabi nung tatlo nyang kapatid.
Si Klare naman eh tumatawa lang.
"HAHAHA! Charot lang mga babes! Haha. Oh sige kukuha na ako." Aniya ko.
Agad kong kinuha ang Gold Necklace na may pendant na Heart. Tsaka Gold na bracelet. Bago ako kumuha ng pera. 25K ang kinuha ko dahil nga sa maganda ako.
"Yan lang ba kukunin mo?" Tanong ni Ivan.
"Bakit bebe? Gusto mo ikaw nalang kunin ko?" At kumindat pa ako sakanya.
"Shit! Wag kang ganyan sakin Paige. Baka ikaw ang iuwi ko sa Amerika. Huwag mokong biruin. Madali akong maniwala." Sabi nya.
Kaya naman nanahimik nalang ako.
"Maraming salamat saiyo Hija. Makakaalis na din ako sa wakas." Usal ni Lola.
"Waitt---"
Natigil ako sa pagsasalita ng bigla nalang syang nawala. Marahil ay nasa mahabang paglalakbay na si Lola.
"Bakit? Anong meron Paige?" Tanong ni Ian.
Tumingin pa ako sakanila ng malungkot.
"Wala na ang Mommy nyo. Kakaalis nya lang. Naglalakbay na sya papunta sa kabilang buhay. Dahil naghihintay na sakanya ang daddy nyo. Kaya wag na kayong malungkot. Masaya syang nakita nya kayong mga anak nya bago sya umalis sa mundong to." Mahabang usal ko.
Kita ko na naman ang mga luha sa mata nila.
"Ayaw pala ni Lola na umiiyak kayo dahil sa pagkawala nya. Kaya naman huwag nyo nang ituloy ang pagiyak nyo. Baka makonyatan ko lang kayo." Saad ko.
Tumayo na ako at ngumiti sakanila.
"Aalis na din ako. Tapos na ang transaksyon namin ni Lola Sinandomeng. Ang gara ng totoo nyang pangalan nuh? Pang bigas ang peg." Wika ko pa.
Tumayo din silang apat. At naloka pa ako ng biglang lumapit sakin si Ivan. Sabay yakap sakin ng mahigpit. Infairness! Mabango sya!
"Sana magkita pa tayo Paige." Bulong nya.
Kumalas sya at ngumiting tumingin sa akin.
"Oo naman nuh! Hindi pa ito ang huli nating pagkikita" Tugon ko. At kinindatan pa sya.
Namula tuloy yung mukha nya. Whahaha.
"Salamat sayo Paige." Ani Klare.
"Walang ano man." Sagot ko.
Lumapit pa sakin ni Ian. At akma nya akong yayakapin ng pigilan sya ni Ivan.
"Wag na Bro! Pag aari ko yan eh. Sa iba ka nalang." Chika nya sa kapatid.
Shet lang! Pag aari ba naman daw! Kalurks! Hahaha!
"Huwag na nga kayong mag away! Isa lang ang gusto ko dito." Asik ko.
Lumapit pa ako sa seryosong si Clever.
Bigla pang nangunot ang noo nya ng makalapit ako sakanya.
"Paalam sayo Boy Sungit." Ani ko.
Dahan dahan ko pa syang niyakap.
Hanggang sa humigpit yun.
Ramdam ko ring natigilan sya. At maya maya pay ramdam ko na ang dalawang braso nyang nakayakap sakin. Hihihi! Ang sarap talaga ng lalaking to! Napaka borta! Ang laki laki ng katawan! Tapos mainit init pa! Shockss! Syota talaga!
Kumalas na ako at malaki ang ngiti kong bumaling sa mukha nya.
Naloka pa ang pagkatao ko ng halikan nya ako sa noo.
POHTAAAA! KABANAASS! DAPAT SA LIPS YUN EHH!
"Mag iingat ka. Hanggang sa muli nating pagkikita Paige." Nakangiti ring sabi nya.
Oh diba!? Mabait naman pala sya.
"Haha. Oh sige. Uuwi nako. Salamat sainyo." Ani ko.
Lumabas na ako ng bahay. Ihahatid pa nga sana nila ako. Kaya lang tumanggi ako. Baka matsismis ako sa Apartment na tinitirhan ko. Marami pa namang mga Chismosa dun! Mga chismosang multo!
Naglalakad na ako palabas sa lugar nato. Nang bigla akong napahinto sa paglalakad at nangangatog na nakatingin sa harapan.
"WWAAAAGGGGG!!!"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    ParagadosErica Mari

    and ganda at any kwela 🥰🥰🥰

    07/07

      0
  • avatar
    DequerosHazelmae

    very nice story❤❤

    06/07

      0
  • avatar
    MarceloCharlene

    bat bitin?

    14/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด