logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

I See Dead People

I See Dead People

Babaeng Amoy Lalaki


PROLOGUE

"Mama! Si James hinahawakan ang laruan ko!" Sumbong ko.
Dahil hinahawakan nya ang teddy bear kong kulay white.
"Ano bang sinasabi mo jan paige! Ikaw na bata ka! Kung ano ano na naman ang pinapanood mo sa youtube kaya ayan! Kung sino sino nalang ang sinasabi mong pangalan ng kalaro mo kahit ikaw lang mag isa jan! Ipadadala kita sa mental makita mo!" Bulyaw sakin ni mama.
Nandito kase ako sa sala namin at si mama nasa kusina nagluluto ng agahan.
"Pero mama! Nasa harapan ko po ngayon si James! Tignan mo oh! Inaasar pa po ako! Nilalabas nya ang dila nya!" Sumbong ko.
Nagulat pa ako ng biglang lumabas si mama sa kusina at masama ang mukhang nakatingin sa akin.
"Ikaw na bata ka! Limang taon na gulang ka palang! Kung ano ano na ang mga pinagsasabi mo! Hala sige! Ibili mo----"
* BLAGGG! *
Nagugulat kaming napatingin sa nabasag na vase.
"Mama si James po yun! Galit po sya sayo kase pinapagalitan mo daw po ako." Sabi ko kay mama.
"P-paige? S-sino si James?" Putol putol pang sabi ni Mama.
"Si James po ang kalaro ko mama. Alam mo ba mama crush ko si James! Hihihi. Ang cute cute nya kase at ang puti puti mama. Kaya lang po may dugo po ang likod ng ulo nya mama. Gamutin mo po sya please?" Mahabang sabi ko. At nag beautiful eyes pa. Para gamutin nya si James hihihi.
"A-anak? N-nasaan n-ngayon s-si J-james?"
"Mama? Bakit po nagpuputol putol po ang words nyo? May sakit po ba kayo? Saka po bakit parang takot na takot kayo?" Tanong ko kay mama.
"Pwede bang sagutin mo nalan---"
* BLAAAGGG!! *
Napahinto si Mama sa pag sasalita, dahil sa biglaang pag sarado ng pinto.
"James! Huwag mo naman takutin si mama ko! Kapal kapal ng mukha mo eh! Ikaw na nga lang nakikihawak sa mga laruan ko! Tapos aawayin mo sya! Ayoko na nga sayo! Dun kana sa labas! Inaaway mo ang mama ko! Di na kita bati! Ang panget panget mo!" Sigaw ko kay James na ngayon ay malungkot na ang mukha.
Kulay red po ang damit nya tapos yung short nya po kulay white na maraming dugo.
Kahapon ko lang sya nakilala. At nakita ko nalang sya sa kwarto ko na pinapakielaman ang mga laruan. Tapos po sabi nya matakot daw po ako sakanya kase multo daw sya. Ang sagot ko naman Ang panget panget mo para maging multo! Galit pa po ako nyan nung sinabi ko yun. Kase po hinahawakan nya si Teddy Bear ko! Eh ang dumi dumi ng kamay nya.
"Sabihin mo Paige? Si James pa rin ba yun?" Tanong ni Mama.
"Mama naman po eh! Si james lang naman po yung kasa kasama natin sa bahay! At wala ng iba! Kulit mo rin po eh!" Sabi ko po.
"Anak? Matagal mo na ba syang nakikita?" Tanong pa sakin ni mama.
"Ano ba naman po yan mama! Ang dami dami mo pong tanong eh! Bakit po hindi nyo nalang sya kausapin! Nagbubulag bulagan pa kayo! Eh nasa harapan nyo lang po si James!" Inis na po ako kay Mama!
"Ako paige huwag mokong masigawan sigawan jan ha! Anak lang kita! Tandaan mo yan!" Sigaw nya sakin.
At kita ko pang tinatapakan ni James ang paa ni mama. Pero hindi naman umaaray si mama. Tanga din minsan yang si James eh!
"Kahapon ko lang po nakilala si James mama. Nainis pa nga ako sakanya mama eh. Pano po kase ang dumi dumi ng kamay nya tapos hahawak sa laruan ko. Kundi ba naman po syang nakakaasar." Sabi ko pa kay mama.
Tumingin pa ako kay mama dahil hindi sya nagsalita.
At ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makita ang panlalaki ng mga mata nya.
"HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni James.
"Mama? Ang pangit mo po! Tignan nyo oh! Tinatawanan kayo ni James! Parehas po kayong pangit!" Sabi ko.
"Sabi mo cute ako? Tapos ngayon ang pangit ko na." Nakangusong sabi ni James.
"Hoy James! Ang pangit pangit mo kaya! Pero cute ka hihihi!" At tinawanan ko pa sya.
Nangunot pa nga ang noo nya.
"Pangit pangit? Tapos cute? Ang bobo mo naman Paige! Yoko na sayo! Ang bobo mo!" Sabi ni James.
"Anak---"
"Mama! Bobo daw ako sabi ni James! Huhuhu! Isusumbong kita kay Liza James!" Sigaw ko.
"Anak? Diba nakikita mo si James?" Tanong pa ni mama.
"Mama naman eh! Paulit ulit nalang po tayo---"
"Pesteng bata ka! Sagutin mo nalang!" Sigaw sakin ni Mama.
"Opo! Nakikita ko si James!" Sagot ko kay mama. Ang kulit nya kase!
"Pwede mo bang sabihin sakin kung ano ang suot suot nyang damit?" Tanong pa ni mama.
"Mama? Balak mo ba syang patahian ng mga damit? Ako nga hindi mo mabili bili---"
"Punyetang bata ka! Sagutin mo nalang ako!" Sigaw ulit ni mama at ano mang oras papaluin nya na ako ng hanger sa pwet. Hihihi!
"Naka red na damit po sya at kulay white na short. Tapos mama ang salaula ni James! Kase may dugo yung short nya at hindi nya pinapalitan. Para tuloy ang baho baho nya. Tapos mama---"
"Oh tumigil kana. May pupuntahan tayo. Kumain na muna tayo" Sabi pa ni mama at nilinis ang binasag na Vase ni James.
Lumakad na ko papunta sa lamesa at naupo sa upuan. Nakiupo din si James sa katapat kong upuan. At nakatingin sa pagkaing nakahain.
Hindi sya palasalita. Nagsasalita lang sya kapag sinasabihan ng hindi maganda.
Kagaya nalamang nito.
"Hoy James! Mama si James! Patay gutom! Kung makatingin sa pagkain natin oh! Mama! Dali mama! Hinahawakan nya yung niluto mong itlog!" Sumbong kay mama.
"Lagi mo nalang ako inaaway. Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo eh. Tapos ang bad bad mo sakin! Huhu! Hindi naman kita ginagalaw eh! Hindi naman kita inaaway jan eh!" Sabi ni James at umiiyak pa sya.
"Mama! Si James po naiyak! Tapos kulay red yung iyak nya. Ang galing nga po eh! Ako po ba mama bakit hindi kulay red ang lu---"
"Manahimik ka na nga Paige! Pakainin mo yang si James! Saka tigil tigilan mo ang pagsigaw mo! Nakakarindi ka! Ang sakit sakit sa tenga ng boses mo! Peste ka!" Sigaw ni Mama.
"Pasalamat ka talaga James mabait ang mama ko sayo! Nakakainis ka!" Usal ko.
"Kapag narinig pa kitang nagsalita Paige! Sinasabi ko sayo! Hahambalusin kita hanger! Isang isa nalang!" Sigaw pa ni Mama.
Mauupo pa sana si Mama sa upuan ni James na nakaupo dun ng bigla ko syang pinigilan.
"Hala ka Mama! Huwag kang uupo jan! Kawawa si James maiipit!" Sabi ko.
At lumipat sya sa katabi nito.
"Hello James? Huwag ka mag alala. Kilala kita. Pupuntahan ka namin after naming kumain." Sabi pa ni mama habang nakaharap sya sa inuupuan ni James.
"Salamat po" Sagot ni James at biglang ngumiti sakin.
"Sabi ni James mama salamat daw. Wala ka namang binibigay sakanya para sabihin nya yon. Tanga tanga talaga si James mama." Sabi ko.
Kaya ayon nabatukan ako ni mama. At ang walangyang James! Tinawanan pa ako.
"Kumain kana Jan Paige ha! Hindi lang batok aabutin mo sakin! Masyadong pumapangit yang ugali mo ha! Impakta ka!" Sita sakin ni Mama.
Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nako ng tahimik habang nakabusangot ang pagmumukha.
-----
6:30am
Pumasok kami ni mama sa naka bukas kulay itim na gate. Malapit lang ito sa amin.
"Mama? Ang aga aga mo namang makipag chikahan! Tapos idadamay mo pa ako!" Sabi ko kay mama.
"Nandito tayo sa burol ng kalaro mo." Usal ni mama.
Burol? Ano po yun?
Tumingin pa ako kay James.
"James? Ano yung burol na sinasabi ni Mama? Nag iimbento lang ba sya ng salita?" Tanong ko dito.
"Ibig sabihin ng burol, kung saan nakalamay ang isang patay at inaabot yun ng anim or pitong araw na nakalamay bago ilibing." Sabi nya.
"Ganon ba yun? Ang tanga mo naman." Usal ko.
At sinamaan nya pa ako ng tingin.
"Ikaw nga bobo eh! Hindi alam ang salitang burol!" Sabi nya.
"Huwag kang maingay Paige! Ikalma mo yang bibig mo! Sasalpakan ko yan ng Kahoy makita mo!" Galit na sabi ni Mama.
Pumasok na kami sa bahay.
At bumungad sa amin ang maraming bulakbulak at pinapaligiran nito ang kulay pulang...hindi ko alam kung anong tawag dun.
"Mama? Ano po yun?" Tanong ko kay mama.
"Kabaong ang tawag jan Anak." Sagot ni mama.
"Para saan po iyon mama? Bakit pinalilibutan ito ng Maraming flowers?" Tanong ko.
"Jan nilalagay ang isang patay Paige. At kapag hindi ka tumigil na bata ka sa pag daldal! Ikaw ang ilalagay ko jan! Manahimik ka na lang" Gigil na sabi ni Mama.
"Oh mare? Ang aga nyo naman." May isang matandang babae pa ang sumalubong sa amin. Kasing edad lang ata sya ni Mama ko na 34 years old.
"Nakikiramay ako sayo Mare." Sabi na ni mama.
Ako naman eh tumingin lang sa paligid. At kita ko pang may mga taong natutulog sa lapag.
Lumapit pa ako sa sinasabi ni mama na kabaong. Kulay red ito at makintab.
At ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang nasa loob ng kabaong.
Si James!
May nakaharang na salamin kaya hindi ko sya mahawakan.
"Bakit ang cute mo jan James? Samantalang ang pangit mo kanina. Mukha kang bisakol." Sabi ko pa.
At pinagmasdan lang ang mukha nya. May suot suot pa syang puting damit at itim na pantalon.
Tinignan ko pa ang picture nyang nakapatong sa salamin.
"Oh sige mare ipaghahanda ko lang kayo ng Milktea nyo." Rinig ko pang sabi nung kausap ni mama.
Napatingin pa ako sa katabi kong si James na nakatingin sa picture nya. At may tumulo pang pulang luha sa mata nya.
"Naiinggit talaga ako sa kulay red mong luha. Ang astig tignan tanga." Sabi ko.
At lumakas lang ang iyak nya.
Naaawa tuloy ako.
"Paige maupo ka dito sa tabi ko." Rinig ko pang sabi ni mama pero di ko sya pinansin.
"Ano bang kinamatay mo James?" Tanong ko.
"Yown! Nadali mo rin Paige!" Umiiyak na sabi nya at humarap pa sa akin.
Tumingin pa sya sa isang gilid. Kaya naman napatingin din ako.
May isang lalaking nakaitim na damit at itim ang balat at ang panget nya po. Na mapayapang natutulog. Mukhang sarap na sarap syang matulog ah.
"Sya." Usal ni James. At saka tinuro ang lalaking yun.
"Anong sya? Anong meron sakanya? Pwede bang sabihin mo sakin? Wag kang pabitin pangit ka!" Sabi ko.
"Sya ang pumatay sa akin Paige." At duon na sumama ang mukha nya.
"Bakit ka nya pinatay? Anong ginawa nya sayo?" Tanong ko ulit.
"Hoy Anak! Huwag ka masyadong maingay! Napagkakamalan kang baliw! Gaga ka pa man din" Si mama.
"Kapatid sya ng Mommy ko. At gusto nyang makuha ang maraming pera ni mommy na inipon namin para  pang gastos namin sa pang araw araw. Ang huli kong natatandaan gusto nyang ibigay ko sakanya ang pera namin. At kapag hindi ko binigay ay papatayin nya daw ako." Galit na sabi nya.
"Syempre hindi mo binigay kaya nga namatay ka eh! Oh diba? Ang talino ko! Haha!" Sabi ko pa.
"May hawak hawak syang makapal na bagay. At saka nya iyon hinampas sa ulo ko. Then after that bigla nalang akong napatayo. At ngayon isa na akong multo." Sabi pa nya.
Hindi ko po alam pero bigla akong nakaramdam ng galit sa dibdib ko.
At pinangilidan din ako ng luha.
Ang bata bata pa ni James tapos papatayin nya lang? Isusumbong ko sya sa pulis. San ba dito ang maraming pulis? Hindi ko din alam. Bahala na nga.
"Igaganti kita James." Sabi ko. Saka ko pinunasan ang luha sa mata ko.
"Paano?" Tanong nya.
"Oh mare ito na ang Milktea nyo. Pati ang niluto kong fried chicken para kay Paige. Ang laki laki nya na ah? Parang dati maliliit pa sila ni James k-ko" At nakarinig pa ako ng pag iyak.
Kaya bumaling kami dito ni James.
Sya siguro ang mommy nya.
"Mommy? Please? Don't cry mommy! Please?" Umiiyak na sabi ni James. At niyakap nya pa ang mommy nya.
Pati tuloy ako napaiyak din. Huhuhu! Sana kulay red ang luha ko please? Kaya lang pagtingin ko sa kamay ko, walang kulay red at tanging plain na tubig lang. Huhu! Kainis naman!
Mabilis akong lumapit sa lalaking natutulog.
At hinubad ko pa ang suot suot kong tsinelas bago ko sya paghahampasin sa mukha.
* PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! *
"Arghh! Sinong punyetang bata ka!" Sigaw sakin ni kuya.
"Oh ronald! Huwag mong murahin ang bata." Usal ng mama ni James at lumapit pa sa amin.
"Ikaw ang pumatay kay James! Pinatay mo si James! Bad ka! Bad ka! Hinampas mo sya ng Pamalo sa ulo! Bad ka! Bad ka!" Malakas na sigaw ko at umiiyak pa.
Nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni kuya.
"Pinatay mo si James! Napakawalangya mo! Ang pangit pangit mo! Negro ka! Negro! Pangit! Huhuhu!" Sigaw ko.
"Paige!" Sigaw sakin ni Mama.
Tumingin pa ako sa mama ni James na umiiyak habang nakatingin sa kapatid nya.
Si james naman sinusuntok si Kuya sa tiyan. Para lang syang tanga kung alam nya lang.
"Totoo ngang ikaw ang pumatay sa anak ko Ronald! Pinatay mo sya! Pinatay mo!" Sigaw ng mommy ni James.
At nagulat pa ako ng may biglang pumasok sa loob na mga pulis. At tinutukan ng baril si kuya.
"Itaas ang kamay! At huwag kang gagalaw!" Sigaw ng isang pulis. At tatlo silang nandidito sa bahay.
Lumapit pa nga ang dalawang pulis kay kuya.
"Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag kayong lalapit!" Sigaw nya.
Pero nahawakan na syang ng dalawang pulis. Bago sapilitang  nilagay ang dalawa nyang kamay sa likod. Bago ito sinuotan na bracelet na kulay silver. Ang astig nga eh. Hindi natatanggal. Hihihi!
"Ikulong nyo na ang lalaking yan! Grabe ka! Pinatay mo ang Anak ko! James! Huhu! Patawarin mo ako Anak!" Umiiyak na sabi ng mommy ni james.
Nilabas na ng mga pulis si kuya na masama ang pagkakatitig sakin. Kaya naman masama ring titig ang ipinukaw ko sakanya.
Hinarap pa ako ng mommy ni James.
"Totoo bang nakikita mo si James?" Tanong nya sa akin.
" Opo. Nakikita ko po sya. At naging kalaro ko sya simula kahapon. Kase nasa bahay sya eh. Tapos po inaway ko sya kase ang dumi ng kamay nya at ihahawak sa teddy bear ko eh. Saka po---"
"Tama na anak! Masyado ka ng madaldal." Pigil sakin ni Mama.
"May sinabi ba sya saiyo?" Tanong pa ng Mommy ni James.
"Ang sabi nya po may inipon daw po kayong pera ni James. At yon ang gustong makuha ng kapatid nyo po. Pero strong po si James kase po hindi nya sinabi tapos may pagka tanga din sya kase mas pinili nya lang mawalan ng buhay kesa mawalan ng pera. Tapos po crush ko po sya ang cute cute nya po kas---"
"Tama nga ang sinabi ng kakilala ko kahapon. Parehas lang kayo ng sinabi. Buti nalang nagtiwala ako sakanya at nagtawag ako ng pulis para sa gagawing set up sa paghuli kay Ronald. Humingi lang ako sign kay Ama para maconfirm na sya nga ang pumatay. At ngayon mara---"
"Masaya po si James ngayon ate." Putol ko sa mommy ni James. Daming sinasabi eh.
Bumaling pa ako kay James na nagiba ang suot na damit.
Naka puti lahat ang suot nya. At nakangiting umiiyak.
"Salamat Paige. Aalis nako. Maraming salamat." Umiiyak na sabi ni James.
Kaya naman napaiyak ako.
"Oh bakit ka umiiyak? Nakikita mo ba sya? Anong itsura nya? Asan sya?" Sunod sunod na tanong ng mommy ni James.
"Nakatayo po sya sa gilid natin. At nakangiti syang umiiyak. Sabi nya ' Salamat at aalis na daw po sya' san ka pupunta James?" Tanong ko at umiyak nang umiyak.
"Sa Heaven. Pupunta na ako sa Heaven Paige. Salamat sayo dahil tinulungan mo akong mahuli si Tito Ronald ko. Salamat ng marami." Naiyak na sabi James.
"James? Anak? Mahal na mahal ka ni Mommy! Mag iingat ka sa pag lalakbay mo Anak. Namimiss na kita kayakap. Namimiss ko na ang matalinong si James ko." Umiiyak na sabi nya.
"Mahal na Mahal din po kita Mommy." Usal ni James. At humalik pa sa mommy nya sabay yakap.
"Mahal na Mahal ka din daw po nya. Sabi ni James. At saka humalik sa pisnge mo." Sabi ko sa mommy ni James. Dahilan para mas umiyak ito.
"Don't cry mommy." Sabi pa ni James.
"Don...don... Anong sabi mo james? Diko kase maintindihan eh." Sabi ko kay James.
"Paki sabi kay Mommy huwag syang umiyak. Dahil malulungkot ako sa pag alis ko kapag naiyak sya." Sagot nya.
"Huwag daw po ikaw umiyak. Kase malulungkot sya sa pag alis nya" sabi ko sa mommy nya.
"Salamat Paige. Sana magkita pa tayo sa susunod kong buhay. Mahal na Mahal din kita. Ayan ah? Na Crush back na kita. Paalam. Hanggang sa muli." At bigla nalang syang nawala.
"Wala na po si James. Umalis na sya. Sabi nya mahal nya din daw ako! Hihihi! Hala mama! Kinikilig ako! Sabi pa nya ' Na Crush back' nya na daw ako hihihi! Kainis ka James" Sabi ko.
At ang mommy nya naman eh umiyak lang nang umiyak. Habang ako masayang masaya dahil Mahal ako ni James hihihi.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    ParagadosErica Mari

    and ganda at any kwela 🥰🥰🥰

    07/07

      0
  • avatar
    DequerosHazelmae

    very nice story❤❤

    06/07

      0
  • avatar
    MarceloCharlene

    bat bitin?

    14/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด