logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Roven myloves~♡:
Morning! Hihintayin kita sa parking lot. Don't be late, may exam ka pa ngayon. I'll be waiting.
Tumili ako at nagtatalon talon muna bago kinalma ang sarili at nagreply.
Ako:
Morning din! Okay thanks for the reminder! Ang ganda ng gising ko kaya siguradong perfect ko na yung test namin.
Roven myloves~♡:
Why? Napanaginipan mo ba ako kahapon?
Ako:
Hindi na kita kailangan panaginipan para gumanda yung umaga ko noh!
Roven myloves~♡:
That's bad. I dreamed about you yesterday.
Ako:
Really? Anong ginawa ko sa panaginip mo? :D
Roven myloves~♡:
You were drooling because of me.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ako:
Bakit, ano bang ginawa mo?
Roven myloves~♡:
Oh. I can't just tell you that! Haha!
Ako:
Excuse me! Hindi ako basta naglalaway noh! Lalo na sa lalaki.
Roven myloves~♡:
Di mo sure. Haha.
Corny nya, talagang 'Haha' lang yung nireply. Hindi ba pwedeng capslock para mas may energy?
Dahil sa ganda ng mood ko, maaga akong pumasok sa school. Ngisi ngisi pa ako habang naglalakad. Umirap ako sa sarili nang napansin yun at pinilit magseryoso kasi kita ko na sya sa parking lot, naghihintay.
Kanina ang bilis ng lakad ko pero ngayon binagalan ko na. Kunwari di ko nakita at lalagpasan sya pero ang totoo hihintahin ko lang tawagin nya pangalan ko. Ahh!! Sarap ng buhay!
Nalagpasan ko na sya pero wala akong narinig na tawag. Binagalan ko tuloy lalo ang lakad ko pero wala parin! Nilingon ko at nakitang nakangisi lang habang tinatanaw ako. Iritado ko syang tiningnan pero nawala agad nang nakita ang gwapo nyang ngiti! Tumutugdug tuloy ang heart ko na pag aari nya.
Dahan dahan syang lumapit at sa bawat lapit parang akong umaakyat sa langit. Nakapamulsa sya at nang nakalapit ay agad hinawakan ang kamay ko.
I THINK I'M READY!! PAG TOTOO TALAGA TONG NARARAMDAMAN MO, AY NAKU WALA NANG LIGAW LIGAW NA MANGYAYARI, DIRITSO NA AGAD TAYO SA SIMBAHAN! Chozz magpapakipot ako.
"Let's go," wika nya.
Pinagtitinginan na kami rito. Gusto kong tumili pero nakakahiya. Ayaw ko talagang nakakakuha ng atensyon kaya binitiwan ko ang kamay nya. Huhu sorry! Pabebe lang bakit ba?! Tiningnan nya tuloy ako.
"Nakakahiya," mahina kong sinabi. May parte sakin na gustong hawakan ulit kamay nya pero papairalin ko muna ang pagkapabebe ko kasi nga ayaw kong pinaguusapan kami! Okay lang na pag usapan ako pero pag kaming dalawa na, ayaw ko na.
Ngumuso sya at hinawakan ulit ang kamay ko."Ikinahihiya mo ba ako?". For the nth time I want to sabunot sabunot someone! Hindi ko na take! I need Stan! Gusto ko ng sumigaw!
Pinigilan ko nalang at hinayaan sya. Yumuko nalang ako habang nasa likod nya sumusunod. Magkahawak pa rin ang kamay. Ngumisi tuloy sya.
Namamawis na ata kamay ko sa sobrang kaba.
"Akala ko ba si Stan?"
"Si Roven naman talaga yung original noh."
"Ganda naman nya para makuha ang dalawa."
"Sana ol kinacrushback. Hays."
"Malande lang kaya ganyan. Try ko kaya para makuha ko rin crush ko?"
"Tss. Just admit that you're jealous. Daming sinasabi. "
Sinulyapan ko ang huling babae na nagsalita at nakitang si Grachel therene Serano yun. Isa sa mga top students ng batch namin. Nginitian ko sya pero blankong expresyon lang ang ibinalik sakin. I don't mind that. Meron pa rin talagang mga tao na ipagtatanggol ka kahit di ka kilala noh? Akala ko kasi lahat judgemental kahit di naman alam ang totoo.
I was known for being desperate to the man who is unreachable for someone like me. Yes, I admit that I am. Ginawa ko ang lahat mapansin nya lang kahit ilang beses na akong napahiya. Hindi ako sumuko thinking na papalarin ako ng tadhana. Alam yun ng lahat kasi nasaksihan nila lahat ng ginawa ko manotice lang. They pity me at first but when I got noticed, they hated me for being desperate.
I mean walang pumigil sakin sa pagiging tanga nung una maliban kay Seram, pero nang nagtagumpay ako sa atensyon na inaasam asam ko dun na sila nagsimulang magsalita at sinasabing tumigil na sa pagiging desperada. Dagdagan pa ng pakikipag away ko sa tinaguriang anghel ng school nato, sinong hindi maiinis sakin?
How awful. Hindi ko nalang pinansin dahil wala lang din naman iyon sakin.
"Don't mind them," ani Roven kaya bumalik ako sa ulirat.
Tumango nalang ako. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng classroom namin kaya nag paalam na ako kaagad kay Roven. Pagkapasok ng pagkapasok, sinalubong agad ako ng tili ni Seram.
"O my god! Oh my god! I knew it! Successful lahat ng kagagahan mo!" Tili nya. Sinaway ko nalang kasi pinagtitinginan na sya ng iba naming kaklase. Umirap pa kadalasan ng babae kaya inirapan ko sila pabalik. Ayaw mo sakin? Pwes ayaw ko rin sayo.
Ngumisi lang ako sa kaibigan at nakinig sa mga daldal nya tungkol samin ni Roven. Si Mina at Reya naman ay tahimik lang sa gilid.
"Kayo na ba?!" Ani Seram.
"Hindi naman siguro. Sila pa ni Veraniece eh..." sabi ni Mina kaya nawala ang ngisi ko.
"Baliw ka ba?! Break na nga diba?" Wika ni Seram at inirapan si Mina. Hindi naman ganito kadaldal si Seram at ang malaman na dahil iyon sa lovelife ko ay nakakatuwa.
"Tanga lang ang maniniwala na break na sila," bulong bulong ni Reya sa gilid.
Aba'y ginayuma ata to ng impokritang bruha?! Anong nangyayari sa kanila? Di ba pwedeng maging masaya sila sakin?
"Are you saying na tanga ako Reya? Alam mo namang hindi ako pumapatol sa taken diba?" Iritado kong sinabi. Natahimik nalang siya. Binalewala ko at nagchikahan nalang kami ni Seram.
Pagkadating ng lunch nakita ko agad si Roven na naghihintay sa labas. Di na tuloy ako makapaghintay, pinag kakaguluhan na sya kaya marami syang nakausap. Tili ng tili si Seram kaya di tuloy matanggal ang ngisi ko.
"Huwag ka ng sumabay samin! Doon ka na kila Roven, this time buong puso kitang ibibigay sa kanya. Promise di ako magtatampo!" Tumango tango pa sya, kinukumbinsi ang sarili. Umiling nalang ako sa reaksyon ng kaibigan.
Dahil nga gusto kong magpabebe nilagpasan ko sya. Nang marinig ko sa wakas ang tawag nya, hindi ko na napigilan ang ngisi. Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi para mapigilan ang nakakangilabot na ngisi.
"Oh?" Kalmado kong tanong.
"Why are you ignoring me?" Iritado nyang tanong.
"Malay ko ba na nandito ka pala para sakin at hindi para makipaglandian sa labas?" Asar kong sinabi.
Nawala ang iritadong tingin nya at napalitan ng ngisi. Hinawakan nya ulit ang kamay ko. This time di ko na mapigilang ngumisi Ayoko talaga sa PDA pero pag sya?! Syurrr why not namern deba?! Kanina ko pa iniisip yun. Iniisip ko kung pipigilan sya sa pagiging PDA nya o hahayaan nalang. Sa huli sya paren ang gushto ko kaye hahayeen ko neleng. Hehe.
Bumili sya ng pagkain namin, nagulat ako ng hindi kami sa canteen kumain, imbis dinala nya ako sa lumang garden na walang tao palagi dahil meron naman kaming mas malaking garden kaysa dito sa school. Hindi ko pinansin ang mga nakatingin at sa magkahawak lang na mga kamay namin nakatingin.
"Bat dinala mo ko sa pribadong lugar? Na walang tao? May plano ka ba?" Pangaasar ko habang kumakain.
"Not so fast lady. Hindi pa pwede yang iniisip mo."
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nya. Seryoso ba to? I was just joking. Umirap nalang ako.
"Hindi ko alam na PDA ka pala?" Sabi ko habang lumalantak ng pagkain na binili nya.
"Sayo lang," sabi nya kaya nasamid ako." Bakit ayaw mo ba?"
"Ayaw ko pero pag ikaw sure why not?" Sabi ko sabay kibit balikat.
Ngumisi siya. Ngumisi ako. At nagngisihan kaming dalawa.
"Mahilig pala si Roven Vain Amerino sa mga kacornihan noh?"
"That's not corny. I'm just being sweet."
"Being too sweet is sometimes corny."
"It's not! Yung mga banat mo kaya yung korny," irap nya kaya nalaglag ang panga ko.
"Yeah, pero nahulog ka rin sakin dahil doon sa mga 'korny' kong banat," irap ko rin.
Inirapan nya ako. Inirapan ko sya. Kaya nag irapan kaming dalawa.
Kinurot ko ang pisngi nya kaya kinurot din nya ang pisngi ko.
"Gaya gaya!" Sabi ko.
"Ikaw ang nauna," kibit balikat nya.
Tumawa ako kaya tumawa sya.
"Gaya gaya ka talaga!"
"Whatever."
Binatukan ko sya. Tinitingnan kung gagayahin nya ako. Umamba sya kaya napapikit ako pero hinaplos nya lang pala ang buhok ko.
"You think I'll do that too? How can I hurt you?" Malambing nyang sinabi habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Pumula ng parang kamatis ang mukha ko kaya tumawa sya.
"Hows your exam?" Biglang tanong nya.
Ngumisi ako. "Perfect! Lakas ng inspiration ko."
"Galing ah! Sabi na eh, did you dream about me last night too?"
"Oo na!"
Ngumisi sya. "What did I do in your dream that made you happy?"
"Hindi naman dahil sa ginawa mo sa panaginip ko kaya goodmood ako noh!"
"H-huh?"
"Napanaginipan kita pero nagising ako na unan ang kayakap ko. Alam mo ba kung anong gusto kong mangyari?" Kunot noo nya akong tiningnan. "Ang mapanaginipan ko yung unan ko tapos magising ako na ikaw ang kayakap ko."
Nag iwas sya ng tingin kasi kitang kita kong pumula ang pisngi nya. Humalakhak ako ng malakas.
"Boom panis!" sabi ko. Tameme ka noh?!
"Nagreview ka na ba?"Biglaang tanong nya.
"Huh?Bakit?" May exam ba kami? O mY god! Baka may nakalimutan akong aralin?! Anuba yun?!
"Kasi mamaya pasasagutin na kita," sabi nya na nagpahalakhak sa kin ng kay lakas lakas. Seryoso nya lang akong tiningnan habang di matigil tigil ang tawa ko.
"Yun na yun?! Patuloy na halakhak ko. "Korny mo talaga!Di ka marunong bumanat! Ha! Ha! Ha! Ha! Want me to teach you? Mas magaling pa ata ako sayo eh!"
Ngumisi lang."Seeing you laugh happily is enough for me even though your insults are a little bit offensive."
Natahimik ako sa sinabi nya at tinabunan ng mga palad ang mukha kasi pumupula na naman ito! Sya na naman ngayon ang humalakhak. Tinatanggal nya ang palad ko na nakatakip sa mukha ko habang naka ngisi.
Sobrang saya ko tuloy nang nakauwi na ako sa bahay namin! Kinwento ko lahat ng nangyari kay Seram at sabay kaming nagtilian. Si Seram lang kinwentuhan ko kasi mukhang Kj yung dalawa ko pang kaibigan.
Roven myloves~♡:
Did you get home safely?
Ako:
Yes. I'm home :D Hindi ka ba napapagod?
Roven myloves~♡:
Saan? Sa pag text sayo? Bakit ayaw mo ba?
Ako:
Hindi, sa pagtakbo mo. You keep running in my mind :)
Haha! Sinearch ko yung banat na yun, wag kayo paepal. Hehehe.
Roven myloves~♡:
Tss. Crazy. Hahaha.
Ako:
Crazy for you myloves (~_^).
Matagal tagal syang hindi nagreply kaya tuloy nag alala ako. Masyado ba akong mabilis? Omo! Gusto kong i delete yung message ko pero masyado na yung halata! Na seen na nya eh! Parang ipinapakita ko na napahiya ako doon!
After 15 minutes nagtext na rin sa wakas Venven ko. Bumuntong hininga ako.
Roven myloves~♡:
Sleep now Chan. Dami mong kalokohan. Good night. Sweet dreams ♥
Nanlaki ang mga mata ko sa text nya. Did he just send me a fvcing heart emoji?! Emoji?!! Si Roven Vain na di mahilig mag text?! Inis-screenshot ko pa yung text at paulit ulit na zinoom. OMYGOD!! MABABALIW NA ATA AKO! Nakatulugan ko tuloy ang pag zozoom sa emoji nya habang tumitili.
Maaga na naman akong gumising at chineck agad ang cellphone. May text nga ng good morning kay Roven! Tumili ako ng mga 5 seconds at nagseryoso na. Anuba Chan masanay ka na okay?! Araw araw nayan! Char! Assumerang Palaka! Kaya naghanda nalang ako at sobrang inspired pumasok.
"Napapadalas na ata yang ngisi mo ah?Para ka ng baliw Lian, umayos ka," Iling iling na sinabi ni mama.
"Hehe. I love you so much mader!" sabi ko habang may ngisi.
Binitiwan nya tuloy ang news paper na hawak nya at tiningnan ako. "Anong nangyari sayo?"
"Perfect kasi ako ma!" Perpect sa puso ni Roven eheee!!!!
Ngumiti sakin si Mader. "That's great pero wag mo masyadong i stress sarili mo. Just enjoy your highschool life because hindi mo na yan magagawa pagdating ng collage."Sabi nya sabay inom ulit ng kape at basa sa news paper. Ngumiti ako at tumango.
Ganun nga ang nangyari. Nagsabay ulit kami ni Roven, pati lunch sya lang kasama ko. Hindi naman ako nagrereklamo kasi masaya naman kasama.
Isang araw habang ngumingisi ako habang bumibili ng snack sumugod na naman ang bruhang si Veraniece. Umirap nalang ako.
"Mangaagaw ka talaga!" Nangingilati nyang sigaw. Binigyan ko lang sya ng blangkong expresyon, pinagtitinginan na kami dito.
"Desperada!! Akala mo sayo na sya?! Hindi! Dahil babalik at babalik din sya sakin! Mas nauna ako kaya ako ang tunay nyang mahal! Pampalipas oras ka lang! At hanggang kaibigan lang!" Sunod sunod nyang sigaw habang taas baba ang dibdib dahil sa galit.
Nasaktan ako sa sinabi nya, hindi ko ata kakayanin kung totoo yun pero kakapit nalang ako sa patalim. Hahayaan ko ang sarili kong mahulog ng lubosan sa kanya. Bahala na ang tadhana sa mangyayari.
Tiningnan ko parin sya ng blangkong expresyon. Ni walang umawat sa babaeng ito kaya napairap ako. "Ganyan ka ba pinalaki? Malandi din siguro nanay mo noh? Sigurado akong manang mana-" natigil sya sa pagsasalita nang sinampal ko sya ng pagkalakas lakas kaya tuloy pumula ang pisngi nya.
Nangilid ang kanyang luha." Wag na wag mong dinadamay ang mga magulang ko dito!!" Malakas na sigaw ko sa kanya na nagpagulat sa lahat.
"How dare you?!" sigaw nya at umambang sasabunutan ako pero inunahan ko ulit ng sobrang lakas at toda max na sampal kaya nagulat ulit ang mga nanonood.
Humagulgol na sya sa sakit ng sampal ko. Napangisi tuloy ako.
"Chan!" Nanlamig agad ako sa sigaw na narinig ko sa likod.
"Ano nanaman ba to?" Ani Roven. Nakita kong ngumisi ng sandali si Niece bago humagulgol ulit. Pumikit ako ng mariin sa irita.
"Ven..." ani ng bruha sabay hagulgol na naman sa braso nya. "She's too much! Ang sakit ng sampal nya!"
Blanko lang akong tiningnan ni Roven. "Chan..." pagod nyang tawag sakin kaya napapikit ulit ako ng mariin.
Ginala ko ang mga mata ko sa mga tao. Nakita kong disappointed na nakatingin sakin si Reya at Mina habang iritadong nakatingin si Seram kila Roven at Niece. Nakita ko naman na nagtatawanan ang iba habang nakatingin sakin lalo na ang three musketeers na sila Isla, Yena, at Lyda. Ang iba naman ay awa ang nakikita ko sa mga mata.
Yumuko nalang ako.
When will he side with me? Talaga bang hindi ko malalampasan ang pagmamahal niya kay Veraniece? Talaga bang babalik at babalik sya sa kanya? Totoo ba na mahal nya pa rin ito at pampalipas oras lang ako? Ang sakit. Hindi ko pa nga alam bat biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pakikitungo nya sa akin.
Naninikip ang dibdib ko sa mga iniisip. Ang saya saya ko lang nitong nakaraan tapos ganito lang pala?! Sobrang sakit pala noh? Hindi ko alam. Akala ko makakaya ko lang ang sakit pero ngayon, mukhang hindi pala. First love hurts you badly. Ang sakit ! Sobrang sakit. Masakit na malaman na hindi ka gusto pero mas masakit ang malaman na kahit kailan hinding hindi mo mapapantayan ang taong una niyang minahal lalo na ngayong nakikita ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na nasa kamay ng ibang babaeng. Niyayakap nya lang ito at pinapatahan, hindi makatingin sa akin.
Tumulo ng walang pasabi ang luha kong traydor. Kahit anong pagpipigil ay di ko kayang pigilan pag damdamin na ang pinag uusapan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Jamico Ramos

    good

    1d

      0
  • avatar
    Yohann Vien Delos Reyes

    yohann

    20d

      0
  • avatar
    Mary Allyson Cenet

    hey

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด