logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6 - Itim

CHAPTER 6
MICOL
Yakap namin ang mga braso namin sa sobrang lamig. Rinig na rinig pa namin sa labas ang pag sipol ng hangin. At dahil hindi na kami naglalaro, naramdaman na namin ang sobrang gutom. Maliban sa hangin, ang tyan namin ang naririnig. Madilim na rin ang paligid dahil namatay na rin ang flashlight ni Kim at Tyron. Wala na kaming ilaw.
"Tulog na si Melody, Arlana at Kim," mahinang sabi ni Allen sa may bandang kanan ko. Hindi ko sila makita pero narinig ko nga na may humihilik na.
"Sana all nakakatulog sa ganito kalamig at kadilim because I can't!" reklamo ni Sapphire.
"Sapakin kita para makakatulog ka," rinig kong sabi ni Rocky.
"Excuse me, Rocky boy, close ba tayo?"
Napangisi ako. Hindi ko makita ang mukha ni Sapphire pero sigurado ako na umirap iyon. Hindi ko na rin narinig na sumagot si Rocky, siguro ay wala na rin siyang energy na makipagbiruan dahil sa gutom.
"Micaela?"
"Knight!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Knight sa gilid ko. Mabuti at hindi ako napasigaw. "Anong problema mo?" naiinis na tanong ko.
"Sorry. Nagulat ba kita?"
"Ay! Hindi!" sarkastikong sagot ko. "Bakit ba kasi?"
"I just want to check you. Kanina ka pa kasi tahimik pagkatapos ng laro. Hindi ka na rin nagsalita kahit nong nawalan na ng ilaw ang flashlight ni Tyron. Okay ka lang ba?"
Wait, so all this time he's checking on me? At bakit naman niya ako tinitignan? Crush ba ako nito? For sure hindi. Kasi kung crush niya ako, hindi siya papayag sa dare ko kay Melody. Nagpapapansin lang 'to kasi hindi na siya masyadong pinapansin ni Tyron.
"No one is fine in this situation, Knight. Common sense naman." Napairap ako kahit alam kong hindi naman niya nakita.
"I'm fine..." sagot niya.
"Eh 'di wow naman sa'yo."
"...as long as you're here, Micaela," dagdag pa niya.
Napakunotnoo ako. "Alam mo ang pangit mo! Doon ka na nga!" sabi ko. Kahit hindi ko nakikita ay gumapang ako papunta sa pinanggalingan ng boses ni Allen at Sapphire kanina.
Habang gumagapang ako, hindi ko sinasadyang matuhuran ang kamay ni Tyron.
"Aray ko! Sino ba 'yon!?" reklamo niya.
"Ako. Sorry." maigsing sagot ko. Hindi naman na siya nag reklamo pa.
•••
Pakiramdam ko ay isang oras na simula nang lumipat ako sa tabi ni Sapphie. Nakatulog na nga siya sa balikat ko. Nakaramdam na rin ako ng konting antok pero pinipigilan ko ito. Wala rin naman gustong magsalita sa amin dahil ayaw naming maubos ang energy namin. Lahat kami ay gutom na gutom na at wala na rin kaming lakas para magusap-usap pa.
Ilang sandali lang ay nagsalita na si Allen.
"Anong oras na ba? Bakit ang tagal mag umaga? Kung lumabas na kaya tayo?" sunod-sunod na tanong ni Allen. Halatang pagod na ang boses niya.
"Oo nga. I-check natin sa labas," sagot ni Rocky.
"Micol?" sabi ni Allen, mukhang hinahanap ako.
"Hmm? Bakit?" sagot ko.
"Gusto mo bang sumama? I-check lang namin yung labas."
"Gusto ko sana pero nakasandal sa akin si Sap. Nakakaawa naman kung gigisingin ko. Sino pa ba ang gising diyan?" tanong ko.
"Ako na," narinig kong sagot ni Tyron. Hindi na rin umangal si Allen kahit na alam kong ayaw niyang kasama si Tyron.
Narinig ko na tumayo na sila at naghanapan pa. Nang mahanap na siguro nila ang isa't-isa ay nagtungo na sila papunta sa labas. Nanatili kaming mga naiwan na tahimik. Alam kong gising naman si Sygnore pero hindi siya nagsasalita. Siguro ay iniisip pa rin niya ang mga nangyari kanina.
Tahimik lang din si Knight. Si Melody, Kim at Arlaana ay tulog pa rin.
"OH MY GOD! GUYS! UMALIS NA TAYO DITO!"
Nabulabog bigla ang natutulog na dugo naming lahat nang sumigaw si Allen mula sa labas. Rinig na rinig rin namin ang mga nagtatakbuhang yabag nila.
Mabilis kong ginising sila Sap, Kim, Arlana at Melody.
"Guys! Gising! Sumisigaw si Allen!" sabi ko.
"Allen! Anong nangyayari!?" sigaw ni Sy pero walang sumagot.
"Shit!" bulalas ko. "Baka kung napano na sila! Sandali at titignan ko—" sabi ko. Tumayo ako at kumapa sa madilim na paligid. Hindi ko man nakikita ang daan ay nagpatuloy pa rin ako sa pag hakbang hanggang sa maramdaman ko na yung kurtinang nasa harapan ng Wheels of Sphera.
Hahakbang palang ako palabas ay nagsigawan na sila mula sa loob. Narinig ko rin ang mga yabag nila na papunta sa akin. May tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na alam kung sino. Masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko alam kung anong nangyari.  And the next thing I knew, someone bumped into me and I fell on the floor, head first, and everything went black.
•••
I opened my eyes and the super headache welcomes me immediately. Pinilit kong itayo ang sarili ko kung saan akong lapag nakahiga. Inikot ko ang aking paningin, madilim pa rin pero may liwanag na nanggagaling sa gitna ng carnaval kaya mas kita ko na ang paligid.
Nagsimula akong maglakad patungo sa pinanggagalingan ng ilaw. Maliwanag ito at matingkad, para itong isang liwanag na galing sa apoy.
Iniikot ko rin ang paningin ko, nagbabaka-sakaling makita ko sila Sap or Allen, pero ni isa sa kanila ay wala akong nakita.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa natanaw ko na ang liwanag. Hindi nga ako nagkamali, isa itong malaking apoy, parang isang bonfire. May mga taong nakapalibot dito at mga nakasuot ng mga mahahabang itim na tela mula ulo hanggang ibaba. Nagdahan-dahan ako sa paglakad upang hindi nila ako mapansin.
What the hell is this?
Napakunotnoo ako. I can't believe what I am seeing! Ito ba yung sinasabi nilang kulto? What the fuck!
Mga sampung tao ang nakapalibot sa apoy. I'm not really sure if they are actually real people because they are not moving! And I can't see their faces! Hindi ko nga alam kung nakalutang ba sila or hindi.
May mahinang pag-usal akong naririnig. Hindi ko maintindihan kung anong lingguwahe iyon, pero weird! Sa bandang gitna ay nahagip ng paningin ko ang isang lumang roleta.
"Roleta?" bulong ko sa sarili. Isiningkit ko ang mata ko upang makita iyon. I cannot confirm but I guess, it is the same roulette we use when we play.
Fuck!
Napatakip ako nang bibig nang makita ko ang katawan ni Ma'am Reyes! Dala ito nang dalawang, not sure kung tao, papunta sa gitna. Ma'am Reyes and her lifeless body is carried and suddenly thrown into the fiery pit! My system was filled with horror.
"What the fuck!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napamura. Sa takot na baka ako ang isunod, walang pagdadalawang isip ay tumakbo na ako palayo. Wala na akong pakialam kung saan ako papunta, basta ang alam ko kailangan ko makaalis bago nila ako maabutan!
Kailangan ko na sila mahanap! Kailangan na namin makauwi! Nasaan na sila Allen? Buhay pa kaya sila? O baka lahat sila ay natapon na sa apoy na iyon? Oh my god! 'Wag naman sana!
Umakyat ako sa loob ng Vikings at doon nagtago, hoping no one will come after me. My whole body is shaking. Naiiyak rin ako pero walang luhang lumalabas. I know that I am so tired. Wala akong kain at tulog. I don't have all the energy for this but fucking shit, I have to live!
I kept my eyes on the streets where I ran. So far, no one ran after me. Sana hindi nila ako napansin kanina. I let myself calm for a while but as soon as I breathe, three of those 'people' wearing black are carrying another body!
Mabilis kong niyuko ang sarili ko. Dahan-dahan akong sumilip upang makita ang tatlong naka-itim.
May hawakang silang katawan, hindi ko maaninag kung sino ang hawak nila dahil madilim. Para silang naghahanap o nagtatalong tatlo. May isang hindi nakahawak sa katawan at mukhang siya ang nagmamando sa dalawa.
"Fuck, sino yung hawak nila?" bulong ko sa sarili. Good thing that the three of them are fighting. Inilapag ng dalawa ang hawak nilang katawan. Now I can probably see the face. Mas tinitigan ko pa ang katawan at nanlaki ang mata ko! Napatakip ako nang bibig ng makita ko kung sino ang katawan na hawak nila.
"Melody." My tears escaped from my eyes. I couldn't do anything to help her. Is she dead? I hope she's not yet dead. Melody, magising ka! You're in danger!  I want to scream and tell her to wake up and escape! She will surely die!
I have to do something. I have to help her.
Nagmadali akong bumaba sa kabilang side ng Vikings, kung saan talaga ang exit nitong rides. Tumakbo ako papunta sa gilid upang mas makita ng maayos ang tatlo.
Kinuha ko ang sapatos ko. I am planning to throw it somewhere away from Melody's body. Pero bago ko ginawa ay hinawakan ko muna ito. This is a gift from my Dad before he left us. Ito na lang ang natitirang alaala ko sa Dad ko but I guess it's time to make this gift a heroic one.
I threw it and it made a noise somewhere far away. Nakita ko na natigil ang tatlo at dali-dali silang nagpunta sa pinanggalingan ng ingay ng sapatos ko. At mukhang nakalimutan nila ang katawan ni Melody.
When they left, I immediately ran towards her.
"Melody! Melody!" Pinulsuhan ko kaagad siya at nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko na may pulso pa siya. Pinilit ko siyang gisingin. Sinampal ko pa siya para magkamalay siya.
"Melody! Wake up! Nasaan yung iba? Nasaan sila Kim, Arlana? Si Sy? Si Sap? Sy Tyron? Si Knight o si Rocky?" Nanginginig kong pinagsasampal ng mahina si Melody sa pisnge.
"Melody! Wake up! Papatayin ka nila kapag hindi ka pa gumising! Itatapon ka nila sa apoy! Wake up!"
But she's not responding.
Napatayo ako nang makita ko na pabalik na ang tatlo. "I'm sorry, Melody. Gusto ko pang mabuhay." Tumakbo na ako palayo sa katawan ni Melody.
I cried and I cried so hard!
Masamang kaibigan na ba ako? I left her for my own sake!
Gusto kong bumalik. Gusto ko siyang iligtas pero paano kung dalawa kaming mamatay?
"FUCK!"
Tumakbo ako pabalik sa kung saan ko iniwan si Melody, but to my surprise, she's not there anymore. Nagtago nalang ako ulit sa may Vikings. I can't stop crying knowing she died because of me. Sana hindi na lang ako umalis.
"Micol? Allen? Sygnore?"
Napatayo ako bigla nang marinig ko ang boses ni Sapphire. Nakita ko siyang naglalakad sa kung saan ko iniwan ang katawan ni Melody kanina.
"Sapphire!" tawag ko. Lumingon lingon siya at mukhang natakot dahil hindi niya ako makita. Kaya nagmadali akong bumaba. Mabuti nalang at naabutan ko siya.
"Oh my god! Micol!" Niyakap ko siya. Napaiyak siya bigla. "Akala ko naiwan na akong mag-isa. Wala akong kasama kanina. I'm so scared. Saan ba kayo nagpunta?"
She sounded like she didn't know what was really happening. "Ma'am Reyes and Melody are both dead!" sabi ko.
Gumuhit sa mukha ni Sapphire ang pagkagulat. She started shaking and no words were coming out of her mouth.
Napakunotnoo ako.
I just realized that she's not looking at me, she's looking at my back.
Lumingon ako at nakita ko ang mabilis na paglapit ng isang nakaitim. Everything was so fast. Blood was coming out of my right shoulder. I got stabbed and landed on the floor. Namanhid ng mabilis ang buong kanang braso at kamay ko.
I looked up and I saw Sapphire standing still. Kaya sinigawan ko siya at tinulak ang paa niya.
"Tumakbo ka na! Sapphire! Run!"
She looked at me and she shook her head. "N-no..." That black person is going to stab her, straight into her head. Kaya ginamit ko na lahat ng lakas ko para tumayo at para hatakin si Sapphire. And because of that, I got stabbed again but on my back. Hindi naman malalim, nadaplisan lang pero masakit pa rin. Naramdaman ko ang pag hiwa niya sa balat ko.
"Ano ka ba? I told you to run!" sigaw ko sa kaniya pero umiiyak lang siya. "I know the feeling of crying and feeling helpless Sap, but we need to stay alive!"
"H-how about the others? Are they all dead?"
I shook my head. "Hindi ko alam."
Nagtago kami sa may ilalim ng roller coaster. Kung saan nakahinto ang coaster, yung may bubong kung saan bumababa at sumasakay ang mga tao. Kaagad kong tinignan ang kamay ko at puno ito ng dugo. "Shit..." Tinanggal ko ang jacket ko at mabilis na pinunit ito. Tinulungan din ako si Sapphire para maitali sa balikat ko ang jacket, para matigil ang pagdudugo. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. I have never loss blood like this before. Ramdam na ramdam ko na ang panghihina.
"Are we gonna die, Micol?"
"Hindi. Ayaw ko pang mamatay. Kaya natin 'to Sapphire. Malapit na mag-umaga. Malapit na tayong makauwi."
"But we don't know if we can live until morning," sabi pa niya.
"Gusto mo bang mabuhay o hindi? 'Wag ka magsalita ng ganyan." I tried to brush off my thoughts. Hindi nakakatulong sa sakit na nararamdaman ko, physically.
"But Micol—"
"Sapphire, mabubuhay tayo. Hahanapin natin sila. Makakauwi tayong bubay, okay?"
"I just want you to know that I have a crush on Knight."
Napakunotnoo ako. "What the hell? Sapphire, ano ba pinagsasabi mo?"
"It's true! I like him because I feel like he is not really a bully and he always looks in my direction."
Mas lalo akong napakunotnoo. "Ohhkay? Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?"
"Because I don't know if I will be going home alive."
"Ano ka ba? Uuwi nga tayo—"
"Just in case, Micol. Atleast, tell him that I like him."
Napangisi ako. "Sure pero makakauwi tayo ng buhay."
"And also—"
"Don't tell me crush mo rin si Tyron!?" sabi ko.
"No way! Ew! I mean, yeah, he looks good naman and let's be honest, he is really good looking when he is fighting, hmm, aminin mo."
"Hindi ah!" Napairap ako.
"But that's not my point. I want you to know that I kinda hate you while we are playing."
"Oh bakit? Hindi naman kita inaway ah?"
"Because you dared Melody to choose anyone, and looked, she chose Knight! I'm jealous! Imagine, if I am gonna die tonight, hindi ko man lang nayakap si Knight. So sad!"
Pinilit kong hindi tumawa dahil nararamdaman ko yung dugo mula sa likod ko ay lumalabas pero hindi ko mapigilan. Itong babaeng ito, parang tanga. Nasa gitna na kami ng buhay o kamatayan, love life pa rin niya ang iniisip niya.
"If we will play a game again, I will make sure na mayayakap mo na si Knight, just please stay alive tonight."
Ngumiti siya. "Okay."
I also like Knight but I would gladly entrust him to Sapphire or to anyone. Okay lang sa akin, hindi na ako bitter. Basta mabuhay lang kami ngayon.
All of our smiles faded when sudden footsteps were heard above us. Natigilan kami at halos hindi na kami huminga. Magkahawak kamay lang kami ni Sapphire and then...
"AHHHH!"
Sapphire was pulled upward by one person wearing those black creepy linens.
"Sapphire!" sigaw ko. Mabilis akong umakyat rin sa gilid para habulin si Sapphire. Nakita ko na nagpupumiglas pa si Sapphire nang bigla siyang sapakin sa sikmura nung may hawak sa kaniya. Napatigil ito at nawalan ng malay.
Natigilan ako dahil nilapag niya ang walang malay na katawan ni Sapphire sa lapag at bigla itong lumingon sa akin. Dali-dali akong tumakbo sa espasyo sa gitna ng roller coaster. Mabilis itong naglakad papunta sa akin, kaya umakyat ako sa riles ng coaster, kung saan paakyat ito.
Oh my god! Nakalimutan kong takot ako sa heights! Shit!
Nagpatuloy ako sa pag akyat dahil sinusundan pa rin niya ako. Halos matumba na ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Natatakot ako sa humahabol sa akin at pati sa heights.
Ang kaliwang kamay ko lang rin ang nakakahawak sa riles dahil wala ng maramdaman at lakas yung kanang kamay ko.
Nagpatuloy lang ako hanggang sa maabot ko ang pababang bahagi ng coaster. Napatigil ako at halos lumabas ang kaluluwa ko sa tarik nito!
Kaya mo 'to, Micol! You have to stay alive!
Pinilit kong iapak ang mga paa ko sa riles at dahan-dahan na bumaba. Hindi ko namalayan, malapit na sa akin ang taong nakaitim kaya nag panic ako. Nadulas ang paa ko at diretsyo akong nag-slide pababa.
Napakasakit. Pati mukha ko ay namanhid na. Hindi ko na rin maramdaman ang mga paa ko. Pero pinilit kong gumapang para makatakas ako. Nakapasok ulit ako sa ilalim ng coaster. Hinang-hina na ako at halos hindi na ako makakita. Ilang sandali lang ay may humatak sa paa ko. Pinilit ko pang magpumiglas pero hindi ko na talaga kaya.
I saw the black linen on my right and then a blurry vision of the rising sun. Mag u-umaga na.
END OF CHAPTER 6

หนังสือแสดงความคิดเห็น (25)

  • avatar
    dajaobrigette

    best

    15/08

      0
  • avatar
    Danelmo Cantos

    so cool this story I love this i want to watch this any time

    10/08

      0
  • avatar
    FlorendoRomshane

    Maganda, di naman boring basahin

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด